Friday, February 08, 2008

Nasa bayabasan-- bali-baligtarin man

PAYAK ang pakay ng bawat pagdinig sa Kongreso— kahit sa mataas o mababaw na kapulungan. Sa huling yugto ng masinsinang pagdinig sa tulad ng mga inilahad nitong Rodolfo Noel Lozada Jr., kailangang bumalangkas ang lupon—that’s our not-too-hard-to-find word for committee—ng angkop na batas na tutugon sa umalingasaw na alingasngas. Batas na aakma upang masawata nang tuluyan ang ibinuyangyang na tila hindi kinukusot-kusot-sinasabon-pinapalu-palo-hinuhugasang bulaklak ng burikak na katiwalian.

Ganoon lang ang inaasam ng tulad naming kabilang sa may anim na milyong mambubuwis at nabubuwisit sa pagbabayad ng buwis sa mga mambabatas. Do your jobs, we somehow get our money’s worth.

Nasabihan kami na naging mambabatas din daw sa Mababang Kapulpulungan ang kasalukuyang legal counsel yata sa Palasyo. Pero hindi na kami magbubungkal sa paminggalan ng mga nabalangkas na panukala sa Kamara de Diputados (mas tipid na isalpak sa pangungusap ang Kamara lang para hindi na lulutang whatever sounds in English as litter off bitches or offspring of a whore). Hindi na mag-uusisa kung anuman ang binalangkas, binuno’t binuong panukala’t mungkahi niyong post-prandial haggle cancel, basta ganoon na rin ang tunog niyon ‘di ba?

And for those who bother to keep track of someone’s string of legislation, suffice to say character or history is simply the past catching up on the present, and ‘twill be in hot pursuit operations on into the person’s future. Ang gawi noon, magiging gawa ngayon hanggang sa hinaharap. Ganoon at ganoon ang ibubunyag sa saysay at kasaysayan ng sinuman, ninuman.

Batay sa mga ibinulalas na pahayag, mauunawa na ang isusulong na panukala ng dating mambabatas sa Mababang Kapulpulan: Bawal humagulgol, umalulong, tumangis o umiyak sa mga pagdinig sa anumang kapulungan, lalong lalo sa Senado para makaiwas sa emotional blackmail at mga makabagbag-damdamin, makapagpag-pusong eksena na aantig sa balana.

Madaling hulaan ang karampatang pataw na parusa sa sinumang lalabag sa ganoong batas, sakali mang lubusang mabalangkas at tuluyang mapagtibay: “They say he’s a Chinese from the province. Bagay sa iyo i-deport ka. Magulo ka dito.”

Himayin natin ang mga itatadhana ng ganoong panukala. Huwag ka nang mangahas pang tumuntong sa Metro Manila kung promdi ka—at layunin ng ganitong alituntunin na mapigil ang tinatawag na rural-to-urban migration para naman hindi magsikip sa nanggigita’t nanlilimahid na populasyon at pamahayan ang mga lungsod. And if there’s a clot of Chinese blood in your lineage, all the more you ought to be banned from setting foot in any Philippine metropolis.

Why so? Magulo ka dito. We’d rather have you deported, flung back to the boondocks where you belong in the first place—that’ll soon be duly covered by, and it’s likely to push through, the $329,481,290 national broadband network anyway. And take your lachrymal glands and sob tales, we’re having buckets of ‘em gushing forth from competing television networks.

And that’s how landmark legislation is crafted, the inspiration drawn from stark realities and kinks in space-time continuum that lawmakers and legal minds wrangle with in their waking hours.

Kung pakikinggan naman ang hinagpis ng Rodolfo Noel Lozada, Jr. and you’re a lawmaker worth the taxpayer’s money and the destitute future of the nation’s young resulting from incurring zillions of loans from every global and domestic lending institutions, crafting a decent piece of statute grounded on the realities he uncovered ought to be a piece of cake.

‘(I) deal with billion-peso projects and give (out) like P3.5 billion (in commissions), and they don’t even like it,
” aniya na tinutukoy ang mga bugaw na naglipana sa gobyerno na magkakasa ng mga pokpok na proyekto, hindi naman sila ang kakaplugin at pagpaparausan ng libog kundi masabaw na proyektong pokpok nga.

Sapat na raw ang $65 milyon, sagad-buto sa kahayukan kapag $130 milyon ang tatabasan mula $329,481,290. Kahit daw hitik na hitik sa bunga ang punong nasa bayabasan, ang mga taong bundok daw ay hindi na pipitas ng bunga’t ipapaubaya na lang sa mga ibon.

We do math and come up with a 20% cut-- a 40% commission off a public works project to be funded by a foreign or domestic lending body isn’t decent anymore. Let’s peg the legislated wage cuts, oops, h’wag naman kayong aangal mga katotong kawal at obrero pero tasahan na lang sa sukat ng balisong na pantastas ng lalamunan at isaw ang pagiging hayok sa makukurakot.

Huwag na nating pukawin pa ang kaluluwa ng namayapang Damian Sotto, baka makarinig na naman tayo ng, “Hindi ko sinasabing mga hindot kayo…”

Thursday, February 07, 2008

Pagkatapos ng Araw ng Ekis

NAKASALAMPAK ang tatak na ekis sa mapa ng kayamanan. Batay ang ganoon sa katakut-takot nang pelikula’t nobela sa komiks na nasumpungan namin sa kamusmusan—hanggang sa Indiana Jones and the Last Crusade na walang pasubali pang naglantad ng napakalaking ekis (I, II, III… VIII, IX…) sa lapag ng katedral bilang palatandaan sa ibinaong kayamanan na mahuhukay.

Ganoong gunita ang sasagi sa isipan tuwing “Araw ng X Rating” na pasakalye pala sa Semana Santa. Can’t help thinking that X marks the spot.

Maybe Graffenberg’s la bella loca in which multiple orgasms can be triggered through firm digital probing pressure—now that’s something to treasure.

Maybe there’s pirates’ cache of booty buried there that can be unearthed and brought to light—ba’t pulos yata DVD ng pelikula, computer software saka music albums in MP3 format?

Baka naman itinatak ang ekis sa noo dahil unfit for public viewing ang anumang nakasiksik sa kaloob-looban ng mga bumbunang natarakan ng X rating? X is Roman Catholic numeral for a perfect, oh, ten… masagwa yatang pukinggan ‘yon pero hindi kaya sampung pulgada ang hinihiling na maibaon sa anumang hukay na dapat mahalukay? Now that maybe something unfit for general patronage, the sort of viewing fare too often consigned into the realm of the censored.

Ipagpaumanhin na lang ng iba dahil hindi yata kami kabilang sa pila-balde tungong altar para matatakan ng ekis na abo sa noo para maipahiwatig o ikintal sa alaala na likha sa alikabok mula mga bituin, buntala’t yagit ng kalawakan ang aming katawang lupa kung saan, kung saan, kung saan-saan… talagang kakaiba ang ilandang ng aming isipan dahil hindi pa rin namin masikmura’t tahasang maatim ang karumal-dumal, kahindik-hindik, kasula-sulasok, kasuka-suka, kasuklam-suklam, karima-rimarim, buraot na pagsulpot ng “kung saan” sa mga pangungusap na ibinibisaklat sa media.

Hindi kami papayag na tatakan ng dos equis dahil mabigat sa bulsa ang pinakapopular yatang Corona cerveza sa lupalop ni Juan Manuel Marquez and it doesn’t help us any to be double-crossed or star-crossed. Equis? Kasintunog yata ng pagturing sa kabayo’t sa astig na dula ni Peter Shaffer ukol sa bathala ng mga mahilig mangabayo’t bumayo na hindi naman nadamay ang bayang karerista. Equus.

Hindi rin kami payag na tatakan ng XXX, hindi naman po kami ganoong kalaswa para ipagsigawan ang madalas na marinig sa mga paulit-ulit na nasunog—burnt again—“Praise the lewd!”

We may not be that math-sharp but there’s this sinking feeling a crossed sign like such daubed on one’s brows is a -- keep your eyes and fingers crossed-- tacit order for the bearer, “Go and multiply!” Heck, we remember from Sunday school that the setting for such a command was a multitude of Eden denizens that included two cheesecake figures, what were their names again, Edam and Eve?

In the context of such a setting, they were ordered to plunge, if memory serves me right, into livestock raising, fishery, animal husbandry, agronomy, soil science, and horticulture. And maybe rear a kid or two on the side.

Magbibigay-daan ang Araw ng X-Rating sa Day of Hangover Consciousness sa Pebrero 7, na natapat din sa ika-530 kaarawan ni Sir Thomas More, sumulat ng Utopia, “a man for all seasons,” “the honest politician”. Natapat din sa pagpasok ng taon ng Earth Rat o Dagang Lupa that trots out a new 12-year lunar cycle. Sa araw ding ito pasusumpain kami nina Dennis Fetalino, Ding Generoso at Lito Gagni kasama ng iba pang halal na board of trustees ng Dawn Alumni and Writers Network, Inc. ng aming idol na trailblazer taipan Dr. Lucio Tan.

Kung hei fat choy!

Monday, February 04, 2008

Tiis ka muna, hintay ka

ERMITANYO yata ako nang masulat ‘to, gusto ko lang mailahad muli—konti lang kasi ang nakasagap sa alimuom nito:

Mula sa "hintay ka muna" ang teka muna– wait a while, take five, shoot the breeze, some patience please.

Mula naman ang "muna" sa mouna. May hiwatig ang kataga sa matatag, matikas na pagtindig ng bundok – na isinasaad sa himaymay ng ilang wikang Malayo-Polynesian. Mauungkat nating halimbawa ang bundok sa Hawaii – merong Mouna Loa, may Mouna Kea… walang Mouna Lisa, mwa-ha-ha-haw!

Malalim na nakaugat sa wikang Sanskrit ang mouna. "Perfectly constructed language" ang tahasang katuturan ng Sanskrit. Binalangkas, hinubog ang naturang wika upang mabisang makipagtalastasan at tuwirang makipag-ugnay sa Maykapal.

Teka: samut-sari ang hinuha’t hinala sa pinagmulan ng wika. Isa sa pinakahuling hinuha, ibinaon sa himaymay ng laman ang balangkas ng wika. A human genetic anomaly spun off the growth of human language, so this most recent theory would have it. Nakasuksok-silid sa hibla ng ating laman ang wika?

Balik-bungkal tayo sa nailahad ukol sa random letter code sequence – mga hanay ng tatak na titik – sa human chromosome, G, A, T, at C. Yes, my beloved reader, go see anew the film, "Gattaca." Grab another jolt of the awesome reality of genetic imprinting through the Logos, the Word incarnate in us. Nabanggit na rin sa pitak na ito ang malalim na taga ng kataga sa puso at diwa – TAGACATAGA. Tagakataga.

Halungkatin na rin ang inyong aklatan. Baka may nakabaon doon na "Focault’s Pendulum" ni Umberto Eco. Isinisiwalat sa naturang obra ang buhay-at-kamatayang bisa ng ginagamit nating pananalita. Ubrang makalunas sa mga malalim na pinsala at sakit. Nakakalutas. Nakakautas.

Naungkat ni Eco ang "Quabbalah" – ang mga lihim na kapangyarihan na nakasalin sa bawat titik ng abakada. The corpus of words one uses to convey meanings or nonsense can have profound impact on the user’s own body. Such can trigger inner healing and intrinsic well being. Or conversely, such can coax turmoil, the growth of malignant tumors and other forms of cancer. Yeah, mens sana in corpore sano.

George Bernard Shaw: "What’s this stupidity about a sound mind in a sound body? Have a sound mind. The body follows."

Nakasaalang-alang ang kalusugan ng diwa’t pangangatawan sa ipinayong dalangin ni Jesus Christ, ang Pater Noster o Ama Namin. Payak ang pakay ng mga kahilingang isinasaad nito. May bahaging pambungad na humihiling: "Iadya Mo kami sa dilang masama."

Muli, teka muna. Naibahagi sa akin ang pamamaraan ng mouna. Mula sa aking sensei (hindi guro o panginoon kundi nakatatandang kapatid ang tahasang katuturan nito) mula Okinawa. Bahagi ang mouna ng balangkas ng dharmadhyana, pagtahak ng tiwasay na diwa sa daan ng santinakpan – meditative journey on the way of the universe. The operative word is santinakpan. Hindi landas ng kamunduhan, definitely not on the ways of the world.

Sapul pagkagising tuwing umaga, walang imik na isasalang ang puso, diwa’t himaymay ng katawan sa taimtim na katahimikan. Ganoon kapayak ang mouna. Ang talagang payak na pakay: para tumindig na matatag at matikas tulad ng bundok. Sure, Mohammed doesn’t have to go to the mountain, the mountain goes to him. And becomes him.

Pangunahing sangkap ng mouna: katahimikan. It’s healing quiet time. Does a serene mountain ever chatter or blabber brainless blah-blah?

Pinakamahalagang sangkap sa mouna: yoga. Ang tahasang katuturan ng yoga – communion o pakikiisa sa Lumikha. I’ll shamelessly confess I’m in union with the divine in mouna. So I go rapt over my well-worn Bible – Q’uran, Atharva-Veda and some other esoteric texts to follow -- allow the healing logos to leap at and grab me. Pray. Meditate. Allow the logos to sink in, perhaps, right into the marrow and take root like a mustard seedling.

Then I indulge in the needful like tending to my small collection of potted herbs, bang out this column, do some cooking or housecleaning – all in the aegis of healing silence and serenity of a firmly rooted mountain. The Logos shape the terrain of my experience and competence – including the logos that I spout out.

The mouna praxis sure drives my neighbors to suspect that I am (1) an undesirable alien, (2) ringmaster of a terrorist cell, (3) drug user-peddler, (4) rotten-to-the-core sex fiend, (5) escapee from an insane asylum, or (6) a felon in hiding. This is, after all, a democratically free putatively Christian country where hell (from the antique English "helan," or abysmal ignorance) holds sway, pwe-he-he-he!

Bukambibig-Kristiyano: Maranatha… Maranatha…Darating ang Panginoon. Katumbas niyon sa Sanskrit – maran (kamatayan) at atha (mainam na simula). Mainam na simula ang kamatayan – dapat ibaon sa lupa ang binhi. Para tumubo. Lumago.

Teka muna uli: sala’am at salamat po sa ilang guro sa mga pamantasan na nagtatakda sa kanilang mga estudyante na gawing supplemental reading material ang pitak na ito—kahit maraming sangkap na medyo bastos.

Pagpalain ng biyaya ng Lumikha ang bawat masikap at maatikha!

Sunday, February 03, 2008

Fr. Fernando Suarez? Stella Suarez pa rin kami!

KIKIWAL-KIWAL na kumpol ng mga uod sa inaagnas na bangkay ang bunton ng mga maysakit na dumadalo sa bawat healing session ni healing priest Fr. Fernando Suarez… samut-saring karamdaman, mga pinsala’t kapansanan ng katawan at kalusugan ang umaamot ng kahit kaunting lunas… baka pati ‘yung asungot na nakatanaw sa bawat gawi’t gawa namin sa loob ng pamamahay, talamak na kasi ang PTB, hindi pulmonary tuberculosis kundi pulos tunganga’t bunganga… baka dumagsa na rin ang kawan ng mga OFW upang malunasan ang naghihingalong kalagayan ng U.S. dollar

Nababahala na yata ang ilang obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kahit hindi naman lumilihis sa mga doktrina ng Simbahan si Fr. Suarez na hindi pa namin nababalitang naglaglag ng unwanted pregnancies, nagpayo para sa family planning o nagpahayag na dapat nang ibalik ang death penalty para sa krimeng karima-rimarim tulad ng plunder, pandaraya sa halalan, graft and corruption…at lalong walang dapat ikabahala ang mga health and medical professionals ng bansa na baka ibalibag sa bintana ng healing priest ang mahabang panahong inilublob sa seminaryo’t magbiglang-liko sa alinmang sandamakmak nang nursing schools na nagsulputang kabute sa bansa para mapasama sa pantustos na registered nurses sa ibayong lupalop.

Hindi rin dapat mabahala sina Dr. Vicky Belo, Dr. Pie Calayan at mga kauri—wala pa namang binasbasan si Fr. Suarez na biglang naglaho ang suson-susong bilbil, kuminis sa iskoba ang magaspang na mukha, tumambok ang tumbong o umumbok sa katakam-takam na sukat ang suso’t naretoke sa sapat na sikip ang mahiwagang hiwa sa hinaharap…

Iginigiit ng healing priest na kawad lang siya. Medium. Parang electrical conduit… dinadaluyan ng kuryente mula sa pinagmulan nito… parang silya elektrika yata na kapag pusakal na salarin na sugapa sa pandarambong ang iniluklok, tiyak na bibiyayaan ng libu-libong boltahe’t magiging toast of the town… Kaya naman nananawagan na kami sa mga nasa Malakanyang, Senado, Kamara’t iba pang sangay ng gobyerno. Magpabasbas lang po sa healing priest… baka sakaling mabigyan ng lunas ang bansa.

Medium lang—hindi rare, well done, small, large, XL, XLL, XXX ang sukat, at hindi na nga maaaring ipalabas sa balana kapag nasukatan ng XXX, malaswa na kasi.

Kapag dumami ang tulad niyang medium, magiging media—at tagilid tiyak ang lagay nila sa nakaluklok ngayon sa Department of Justice, hindi na sila mapapahintulutang tumutok at maglabas ng ulat sa mga nagaganap na balita tulad niyong nangyari nitong Disyembre 2007 sa Manila Peninsula.

Iglap na ginhawa’t lunas ang karaniwang pakay ng mga maysakit, naghahanap yata ng iba pang medical opinions o naiibang diagnoses at himala kahit natukoy na ang kanilang sakit. Mas marami ang kapos ang kakayahan ng bulsa sa pambili ng gamot—menos-gastos ang dulot na lunas kahit pansamantala lang mula sa basbas-biyaya ng media na tulad ni Fr. Fernando Suarez.

Opo, media ang turing sa maramihan, medium kapag iisa lang. Sa laboratoryo, pinalalago din ang mga mikrobyo at cell colonies sa medium na nagtataglay ng sapat na nutrisyon, siksik-liglig-umaapaw. Sa labas ng laboratoryo, samut-sari na ang naglipanang media para sa makrobyo, Opo, makrobyo—kabilang na ang tao.

At hindi lahat ng media ay makakalunas, makakalutas… Kakaunti ang tulad ni Fr. Fernando Suarez.

Ang hinahanap-hanap namin ay tulad ni Stella Suarez… nasa awiting bayan ng aming kamusmusan na katunog ng A Hard(on) Day’s Night, “Divina Valencia, ang pangunahing artista… Stella Suarez… nagwawalis…”

Sunday, January 27, 2008

Fish be with you

HABANG papasok sa bunganga ng ilog o estuary na sumasalin sa Lingayen Gulf sa San Fabian, Pangasinan natutunan na higit palang mainam na sumalungat sa daloy ng agos—yeah, the way to go is against the current. Hahakbang palaban sa pagsuwag ng agos upang makita nang malinaw ang nilalakaran.

Panahon ang agos ng tubig sa paningin ng monghe’t makatang Miguel de Unamuno. Anupa’t ang pasulong na hakbang laban sa tulak ng agos ay sasagisag sa sigasig ng pagtutol. Ipaghiyawan man ng rock and roll nina Huey Lewis and the News na it’s hip to be square, it’s alright to conform to whatever’s trendy, mas malinaw na pananaw ang gantimpala sa hindi sumasang-ayon sa umiiral na kalakaran.

Moving forward upstream and against the current isn’t easy. It’s often an upward climb. That’s an ordeal of a test for the mettle and métier of one’s legs. Matatag ba ang paninindigan mo? Tiyak ba’t matibay ang mga hakbang na isinusulong mo? Kaya mo?

Sumunod sa agos, tiyak na malalabusaw ng sariling hakbang ang putik sa batuhan o buhanginan na niyayapakan. Aalimbukay paitaas ang putik at layak, hahalo sa tubig—wala ka tuloy maaninag man lang sa nilalakaran na karaniwang may nakalubog na tinik ng aroma o tugui, matalim o madulas na bato’t basag na bubog, gawak na lata’t salamin. Hindi rin mainam sa kalusugan ang matuklaw ng coral snake-- na mas mabagsik kaysa cobra at ulupong ang kamandag…

Hindi naman pag-iingat lang. Hindi pag-iwas sa mga panganib sa paligid kaya sumusugod pasalungat sa agos. Mas malakas pa rin ang udyok. Mas matamis tikman ang tukso ng pananaliksik, paghahalungkat-halukay sa mga nakatagong anuman sa mga tipak ng bato’t guwang na malaki’t munti na mababaybay sa gilif ng anumang bunganga ng ilog, lalo na’t sa mismong dagat nakanganga’t humihigop ng tubig-alat.

Mapapansin na mas matingkad ang azul na kulay ng lalaking gourami sa pagtatalik ng tubig-tabang at tubig-asin o tabsing. Halos nagliliyab na neon lights ang kapara—mapusyaw ang bughaw na kaliskis ng naturang isda kapag nasa tubig-tabang.

Naglisaw ang mga dinangkal o milkfish fingerlings sa gilid ng bunganga ng ilog. Tiyak na may udyok ang panahon ng pangingitlog ng mga inang sabalo ng bangus na dito maglagak ng mga supling—na sa paglaki nga’y tila overseas Filipino workers na susuong na sa laot, malimit na doon na lubusang mamumuhay.

Mula saanmang laot, sa mga ilog na sumasalin sa karagatan susuong ang iba pang inahing isda. May kung anong taglay na tapang ang mga ina.

At karaniwang natatangi ang linamnam ng mga naturang inahin—ah, the lusciously, ferociously edible woman I hanker for. Lurong o ludong sa dambuhalang ilog sa Cagayan. Maliputo sa Ilog Pansipit na daluyan palabas ng tubig sa Lawang Taal sa Batangas. Apahap o bass sa Rio Grande de Apalit na sumasalin sa Look ng Maynila. Palos o saltwater eel na lubusang nagiging tutong ang tagpi-tagping balat kapag sumalunga sa tubig-tabang para maglagak ng mga magiging supling sa hulo ng ilog, farther upstream. Palaban din sa agos ang gawi ng garoupa, ng red snapper o lapu-lapu, sasalunga sa agos ng tabsing upang mailagak ang mga magiging anak.

Ganoon marahil ang pinakamatingkad na larawan ng pagpapamilya. Kailangang ikayod pasalunga sa hagupit ng agos at alon ang palikpik upang mapagsinop sa mapagkalingang lunan ang magiging mga anak.

Kapag humahaplos sa ulirat ang mga ganyang marikit at mapangahas na larawan ng pamumuhay, tiyak na huhulagpos sa labi, “Fish be with you.”

Sunday, January 20, 2008

Lambat at lambot

MAHILIG na rin lang sumalaksak sa butas na sangkatutak, matamang tinimbang ang turing sa pambalibag na lambat. Dala ang tawag doon, panghuli ng isda, parang munting lambat na pante—hindi tinanggal from a gal na panty—na ligid ng pabigat na tingga ang mga gilid o laylayan.

Isipin na lang kung naliligid ng pabigat na tingga ang panty. Plumbum pa naman sa Latin ang tingga o lead. Paanyaya para arukin, plumb the depths ng mabigat na hinaharap! Talagang nalalambat tayo sa pilyong pahiwatig ng mga salita—para nga sa mga tubong pang-ilalim o plumbing ang tingga at madalas nga na sa dakong ilalim ibinabaon sa limot at lumot ang mga ganoong tubo.

Masinsin ang puwang ng mga butas. Hindi maluwang—masarap yata ang ganoong mga butas. Sa kawan ng lukaok, ayungin o freshwater silver perch maipupukol ang ganoong panty, este, lambat nga pala. Madalas maungkat at mahalungkat ang panty as if it’s the next to the palatably best thing we crave and I must say it is by reason of immediate proximity.

Magugunita na palatandaan nga pala ang kawan ng ayungin na malinis pa ang tubig-tabang, karaniwang lawa o ilog. Mapapailing dahil napakaraming ilog ang salanta na sa industrial and household wastes. Wala nang masasadyang ilog kahit sa kabuuan ng lalawigang Bulakan para mapakinabangan ang lambat sa paghango ng ayungin.

Pero kumakawan din ang gurami, tilapia’t karpa—kailangan lang maghagilap ng tinahananan nilang ilog o lawa na hindi pa sinalaula’t tigmak sa sari-saring basura’t layak ang tubig. Baka-sakali lang din na makasumpong ng katutubong hito—with its bright golden belly oozing with omega fatty acids, so heart-healthy and lusciously creamy to the tongue—o kahit bulig, bakuli’t dalag sa pagbabalibag.

Masayang libangan ang pagpukol ng mabigat na lambat. Magmumula sa baywang ang pagpihit ng katawan, saka aagos ang pag-imbay ng baywang hanggang sa balikat. Iremi ang tawag sa ganoong kilos sa aikido, para talagang may bubulwak na musika sa masigla’t banayad-sa-bigwas na kislot ng katawan—iremi-fa-sol-la-si-do! Siguro’y sasalin sa himaymay ng laman ang ganoong malamyos pero nagpupuyos na himig sa pagkilos, eat your fatty hearts and livers out, you blokes intent on liposuction to trim belly blubber, mwa-ha-ha-ha-haw!

P1,300 ang turing ng bilihan ng fishing gear sa isang sulok ng Juan Luna, Divisoria sa pamukol na lambat na ligid ng mga piraso ng tinggang pabigat. Petty cash lang ‘yon. Kaya naungkat ang petty cash disbursement sa isang utilities outfit ng pamahalaan, sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System—‘kakasindak, ‘kakakilabot, ‘kakapika… P189,413.90… P300,000.00… inihatag sa kinatawan ng Commission on Audit (COA) nitong Abril 2007.

Astig na petty cash ‘yan. Hindi naman tinukoy sa petty cash voucher ang dahilan para magpalabas ng ganoon kakatiting na barya lang.

Pero may mahihiwatigan tayo sa bulagsak na diskarte ng pamunuang MWSS. Malakas man ang dagundong ng angal ng mga kawani nito hinggil sa ilang taon na ring hindi binabayarang benepisyo pati na COLA (cost of living allowance), napakagalante naman—pabalato naman kami, MWSS administrator Lorenzo H. Jamora.

Itinakda ng Court of Appeals sa ibinabang pasya nitong Oktubre 13, 2005 na P500,000 lang o kalahating milyong tumataginting na piso ang dapat ibayad ng MWSS sa attorney’s fees and litigation expenses kaugnay sa paghahabol ng mahigit 500 kawani’t obrero ng MWSS sa kanilang nabitin o nabigti yatang COLA.

Pinadaan na lang sa mismong attorney ng mahigit 500 taga-MWSS ang bayad nitong nagdaang taon—P6 na milyon. Now there’s a poor lawyer who had to wrack his legal brains dividing sums and doling monies to complainants. ‘Yun bang abogado o ‘yung mga naghahabol na taga-MWSS ang mahihirapan sa ganoong paraan?

Saksakan talaga sa dami ang butas ng lambat na pamukol sa mga kawan ng isda—pero sa mga mismong puwang sa lambat dapat makalusot ang mga mumunting isda. Pero may mga ahensiya ang gobyerno na balibagin man ng lambat at sibat, mga malalaking isda ang lagi nang nakakalusot…

Tsk-tsk-tsk-tsk… Hindi kasi lambat ang tawag sa panghuli na nalulusutan. Lambat? Lambot…

Friday, January 18, 2008

Abot-kamay at ng dila o body English yata

HINDI na sa kung saan-saan pang lunan at lalawigan (o yungib ng ulirat) masusunggaban ang isasaltik na salita. Kagyat na masusunggaban ng palad sa iba’t ibang gawaing nilapatan ng kamay, maging ng iba’t ibang bahagi ng katawan. It pays to be a busybody to reap a harvest of words, each a grain or kernel of nutriment for ingestion.

Kawan-kawan ang mga kataga na tahasang nakabigkis sa pagiging abala sa gawain—karaniwang mga nakatanghod na kantanod o mahilig lang tumunganga sa ibang may ginagawa ang madalas na hikahos sa yaman ng wika. There’s a stockpile of handy words right at the fingertips for those whose hands are rapt in enabling and ennobling tasks.

Maraming pandiwa na mahihimay ang himaymay mula sa malikot na kamay. Abot. Hablot. Buklat. Bigay. Tanggap. Gagap. Sunggab. Salat. Kapa. Kalabit. Kalkal. Kalmot. Kamot. Katkat. Taktak. Bungkal. Dukal. Sanggi. Sangga. Hagod. Wilig. Wisik. Haplos. Hawak. Bitaw. Hampas. Himay. Himas. Kurot. Hagis. Piga. Tiris. Pisa. Pukol. Tulak.

Atang. Dangkal. Kabig. Kamal. Kimpal. Kabig. Kuyakoy. Buhat. Igkas. Kipil. Salsal. Salo. Sampal. Sampiga. Sansala. Subo. Pulot. Talyang. Salya.Tampal. Tapik. Turo. Tikom. Lahad. Sundot. Dutdot. Kalikot… Kiskis. Kuskos. Kaskas. Suksok. Siksik. Dalirot. Saklot. Sulat. Saklit. Sumping. Tukop. Takip. Tapon. Lapirot. (Hindi pa kasama ang papel, gunting, bato… lamutak!)

Yeah, we’ve just listed over 70 moves that can be done with bare hands… As King Solomon in Proverbs 12:24 has it: “The hand of the diligent will rule but the slack hand will be put to forced labor.”

Bubuhos at bubulas ang iba pang katagang pandiwa kapag may taglay na kasangkapan ang kamay na gamit sa gawain. Pandiwa na kakawing ang diwa. Oo, sumilang ang katagang diwa mula Sanskrit na deva na tumutukoy sa bathala’t bathaluman. Anupa’t alay sa Maykapal ang gawain—orare est laborare, laborare est orare. Verbs or action word are born likely from, for, and of deities. So we may surmise that actions stem from a godly nature—talagang isinumpa’t nakaregla sa diabetes, stroke, heart diseases, at iba pang sakit ang mga nakatunganga’t kulang-kulang sa kilos.

Sa katawang banat at batak sa gawain, napakaraming salita ang maihahain. Ungkatin ang mga kilos kaugnay sa paglalaba—almirol. pagpag, hiwalay, tambak, bunton, kusot, wilig, banlaw, kanaw, sipit, sampay, bilad, kipkip, kula, sinop, tiklop… Kaunti lang pala. Pero hindi lang naman sa labada mailalapat ang higit sandosenang pandiwa mula sa gawaing payak.

Halimbawa: Pagbibilad at pagkukula ng mga gusot na ni hindi sinabon o kinusot ang libangan ng bansa—kahit higit na marami ang inalmirol na sa pamumuti ang mga mata’t madalas na magbanlaw ng hangin at utot sa sikmura.

O kaya: Tila isinampay sa hangin ang bagwis ng mga tagak na pumailanlang mula sa pilapil ng palayan pero kailangang kanawin ang mata ng bagong pananaw para makipkip sa lirip ang ganoong kariktan.

Maaarin rin ‘to: Sinabon muna ni Ale Baba ang kanyang gabinete saka inupakan ng suson-susong hataw ng palu-palo pero wala namang nabalian ng gulugod o bulalo’t bungo—lahi kasi silang dikya at meron pa ngang mahilig sa money laundering, pwe-he-he-he-he!

Pero habang isinasalang ang katawan sa iba’t ibang gawain—lalo na iyong humihingi ng technical proficiency and high-level competency-- dumarami naman ang bilang ng mga kataga na magpaparada sa mismong palad. And it takes about a 3,000-word stockpile to have a job, a 10,000-word vocabulary to have a social role, and the very few who can be arbiter of language musters an arsenal of over 60,000 words, as language experts point out.

Nagretiro na’t lahat si Mang Harry, umamin na talagang naglulublob daw siya sa mga bumubulagang kataga dito. Umuwi na nga’t doon na lang sa Capas, Tarlac namasukan ang pinagnanasaan kong si Dang Pineda, nakatuon daw lagi ang pansin niya sa proofreading ng kung anu-anong salita sa pitak na ‘to. There was even a time a Briton let out a gripe at how this column minces and mixes metaphors—and he turned tongue-tied when I got to him, why, Filipinos can turn English inside out. Some of us have conquered the English tongue, it didn't conquer us.

Kaya kailangan talagang maipabatid at maihatid ito kahit lang sa proofreader at mangilan-ngilang masugif na mambabasa nito.

Oo nga pala, malaki ang kaugnayan ng masigabo’t masiglang kislot at kilos ng katawan sa tinatawag na word power. Idagdag pa, “the quality of your movement determines the quality of your life.” Iyon siguro ang body language.

Sabi nga ng mga malaswang aktibista noon, “Kung walang kikilos, sila na lang ang hindi titigasan…”

Thursday, January 17, 2008

Pasanin natin ang bigat ng mga taon at gunita

SA baybaying bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte daw bumalik ang dati kong high school English teacher na dumayo sa Amerika nitong 1970s para magturo ng English sa mga Amerikano. Naging kaklase ko ang isa niyang anak na bumalik naman para magtapos ng medisina dito’t nairekomenda ko pa ngang mag-aral ng shotokan karatedo. Bilang pagbabalik-tanaw o baka pasasalamat sa lupang tinubuan, taunan siyang umuuwi’t dadalaw sa ama. Saka gumagawa ng medical mission sa ilang bayan diay ti amianan.

Tulad sa Bolinao sa Pangasinan, nakatanaw din sa South China Sea ang Pagudpud na balak pa lang naming puntahan—baka ngayong tag-araw. Susubukin ko na ring tuntunin ang dating guro na doon na nga namamalagi’t naghihintay na marahil ng pagpanaw.

Paulit-ulit nang narinig ang ganoong kuwento. Kakayod nang todo sa ibayong lupalop. Tatabo ng sandamakmak na salapi. Mag-iipon. At kapag uugud-ugod nang hukluban, saka uuwi sa lupang tinubuan para palipasin ang nalalabing taon bago saklutin ng kalawit ni Kamatayan.

So much time to endure, too little time to enjoy. Ganoon at ganoon na lang ang masasabi, ang maikakatwiran.

Kapag pumalo na sa mga taong simula edad 60, tiyak na papugak-pugak na ang bato sa katawan para magsalin ng 125-dihydroxy vitamin D sa mga buto’t kasu-kasuan para utusan ang katawan na humitit pa rin ng calcium mula pagkain at masupil ang daluhong ng osteoporosis o pagiging hungkag at malutong ng buto. Huwag tatangkain ang capoeira cartwheels or tumbling—baka makalas ang kalansay.

Gagambalain din ng arthritis at rayuma—hahagok ang hininga sa kaunting lakad o usad ng paa. Tila ba may pasaning krus habang patungo sa sariling Golgotha.

At marami nang bawal kainin. Lalantad na ang maraming dahil at sanhi sa anumang isasapin sa sikmura. Hahaginit pataas ang presyon ng dugo sa pagkain ng taba’t sobrang karne. Aaringking sa kirot ang mga kasu-kasuan kapag lumantak ng kahit hopia, ginisang munggo’t Boston baked beans na pawang nanggigitata sa uric acid. Manlulupaypay ang bato, atay at lapay kapag lumabis sa limang gramo ang asin sa pagkain—kulang na lang na ibawal ang toyo, patis, at bagoong bilang sangkap sa pagkain.

Dahil napakaraming bawal kainin kaya marahil marami sa mga viejo verde ang nagiging dirty old men, filthy rotten old goat o FROG. Carne sur o tipak ng laman sa gawing timog ng marilag na katawan ang nakakagiliwang lantakan. At sa mga tulad naming bungal, ang ganoong pagkain ay hindi eating disorder kundi napakasayang denture adventure.

So the aged tries to cope with the metabolic wreckage from what was once a vigorous body.

Ayoko yatang makatagpo pa ang dating guro na naibalita sa ‘king mahina’t maysakit na raw. Magpapapuri’t magpupugay na lang ako sa kanya sa pansariling dalangin—pagpapakain ng dasal sa anumang galing na tinataglay, idadamay na lang siya, sila sa mga pag-usal ng pampoder para maamutan, masalinan ng kahit kaunting lakas.

Siguro naman, hindi bawal ang pagpapakain ng dasal na hindi naman nauungkat kapag nababanggit ang mga recommended dietary allowance.

Tatlong katoto ang inihatid namin ang mga labi sa kanilang huling hantungan nitong 2007—sina Renato O. Villanueva, Adrian Cristobal Ama, at Angel B. Battung Anak. Pawang sa sakit sila nasawi samantalang isa kong naging reporter ang pinaslang—milyones ang dahilan na walang kaugnayan sa gawain ng peryodista, tsk-tsk-tsk…

Naggagayak kami ng pagpunta sa Pagudpud. Marine biology research ang pakay—masaya ‘yon.

Baka lumipat sa kuyukot ang Albay

Kuro ni Bernard “Bebe” Megino :

"SAPOL mo lahat ang katwiran ng mga nangingibang bayan. Todong trabaho at babalik sa inang bayan kapag di na makayanan at doo’y hihintayin ang kamatayan, bakit nga kaya ganon? Ito ba’y isang pangarap? Isang pangarap kung papaano sasalubungin ang sariling kamatayan? I have been imagining and had put myself in that situation. Sabi ko sa sarili at sa aking ginang, "ayaw kong mamatay sa ibang bayan." Hangga’t mayroong pag-iisip at kakayahan kahit pupugak-pugak na nga ang katawan, ibig ko pa rin na makabalik sa ating bayan, manirahan sa isang lugar na mayroong magandang tanawin at sa may bintana’y pilit aabutin ng paningin ang mga luntiang pananim at mga pilapil saka hahagurin ang huling hininga at mag-iiwan ng ngiti sa labi. That is the way I want to go at hindi sa kapiligiran ng mga dextrose at mga tunog ng kung anu-anong instrumento ng ospital. Marahil nga, ito ang aking 'pangarap' na kamatayan matapos tuparin ang mga pangarap na pinagarap ng mga anak.


P.S. Say hi to Joel and his father (for me) if you happen to meet them in Pagudpud and thank you so much for including me in your e-mail list. I really enjoy reading your articles and really commend you and your wife for how you nurtured your children (from your articles, pati buhay Saudi eh nalalaman ko din, hehehe). Salamat muli...

Paliwanag ng kulamnistang mangkokolum :

PARA maibsan ang untag at antig ng nunal sa paa, kailangan talagang ilakad. Kung ubra’y ikaladkad sa mainit na buhanginan ng aplaya sa katanghalian. O kahit pa sa baha.

Inabot ako minsan ng walang humpay na ulan sa Peter Lee’s Hongkong Tea House—sapak ang pancit canton, sepo’t beef mami nila doon—sa bunganga ng A. Mabini sa Ermita. I had to slow slog through floodwaters from there at around midnight to Welcome Rotonda via España by one in the morning.

May angking ulirat din yata ang mga binti’t paa. Kaya marahil ipinapayo ng ilang guro na bago pumasok sa walking meditation o malalim na limi habang naglalakad, kailangan munang mamihasa ang katawan sa 108 na galaw ng taiqiquan. Walking meditation ang lusong-lublob na ‘yon sa baha—nakaligtas sa lahat ng bukas na manhole at storm drains sa gilid ng kahabaan ng España.

Pero talagang kinabahan ako sa pagkakataong iyon. Baka kasi mapalipat sa sariling kuyukot ang lalawigang Albay—o alipunga sa bayag—dahil nababad nga sa may nakabukakang bukana ng Morayta. Karima-rimarim ang pagkapit sa balat ng samut-saring fungal infections na makukuha sa maruming tubig. ‘Kakatakot din ang leptospirosis o Weil disease. Tiyak na sumanib sa tubig-baha ang pamatay na ihi ng daga.

So many sights stranded in floodwaters can offer insights. Sa mga nangaunang sasakyan sa bunganga ng C. Lerma na sasalpak sa España, walang nangahas na sumulong sa baha. Bumara’t naging hadlang ang mga nasa unahan sa alinmang pangahas na sasakyan na nasa kanilang likuran. And when you’re way out in front or by some chance ahead, you can be an obstructionist by getting stalled and hogging the road in the middle of a journey. Bakit hindi na lang iligpit ang sarili sa tabi’t kailangan pang maging sagka’t sagabal sa mga pangahas o nais magtangka?

Marami ring kabataang mag-aaral ang nagkumpol sa gilid ng mga gusali’t commercial establishments, naghihintay ng paghupa ng tubig. May mangilan-ngilang pangahas o tulad kong tila musmos na magtatampisaw sa katas ng basura’t ihi ng daga, tila hindi alintana ang panganib sa kalusugan.

Sa may bandang Welcome Rotonda na ako nakasakay ng pampublikong sasakyan, may ilang matiyagang naghintay ng pasaherong mangangahas gumaygay sa baha. Ah, maraming magandang tanawing dinaanan sa baha—mga nakalilis na palda’t mga bakat na hubog ng katawan ng mga dilag.

Kuskos-gulugod ng patola’t umaatikabong kaskas-kiskis-kuskos ng panghilod ang sinapit ng buong katawan, lalo na ang mga kubling singit at sulok na mga lupi ng balat nang makarating sa sariling tahanan. Makailang ulit na nagsabon. Ilang ulit na nagbanlaw. Kahit siguro sanlinggo’y ubrang hindi muna maligo.

Saka sumalagmak sa higaan, kapiling ng maybahay at kagyat na nakatulog sa pagod. Enjoy na enjoy sa pinagdaanan—inner city travels can become instant travails.

Kaunting kuwalta lang naman ang kailangan para gumalugad sa mga marikit na lupalop sa bansa. Malimit na mas malaki ang sukli sa matutuklasan saanman, at ganoo’t ganoon nga ang aming nakakagiliwan—idagdag na natin ang land prospecting at pananaliksik sa paligid na gaya sa gawi ng natural historian na Loren Eiseley, “man is an expression of his landscape.”

Kaunti lang ang gugulin para magtamasa ng kasiyahan sa mga mumunting bagay sa ating bansa and if we can’t enjoy the wee things, we can’t enjoy the great things. Or if we can’t parlay small resources for purposeful enjoyment, we similarly can’t throw huge sums for great enjoyment.

Pagtungkab sa maratangtang, pag-untag sa Malakanyang

HINDI maiiwasang isunggab ang isipan sa peso-dollar exchange rate habang tumutungkab ng maratangtang o sand dollar sa batuhan ng bahura o coral reef. Pumapalo na kasi sa halos P40 bawat U.S. dollar ang palitan. Dapat na masulit ang P150 na ibinayad sa switchblade na pinanday daw sa Pozorrubio na nasa bahaging bulubundukin ng Pangasinan.

Kasalukuyang namamapak ng asukal-sa-tamis na chico pineras (P30 sangkilo) sa lilim ng bukana ng simbahan ng Manaoag—tanghaling tapat nang nangilin doon ang mga kasamang bakasyonistang nagmimithi ng biyayang himala. Nilapitan ako ng lalaking naglalako ng samut-saring patalim na sintabas ng kanyang katawan, sunog sa araw ang balat, pawisan, kupasin ang suot. Nag-alok ng meat cleaver. Tinanggihan.

Ilang ulit umaligid at nagpabalik-balik ang naglalako kaya nasabihang hindi man agad mapapanis o masisira ang kanyang kalakal, hirap naman siya sa pagbitbit ng mga iyon. ‘Kako’y ilapag muna niya’t inisa-isa kong damahin ang talas ng mga patalim, mula sa mga kampit na pangkusina hanggang sa switchblade, pawang bakal mula steel roller bearings ng makina. Nagkahuntahan hinggil sa katangian ng bakal na nais ko, with a just-right softness to keep an edge fused with a hardness to keep its spine. Wala pa tayo sa ganoong yugto ng materials engineering, aniko.

Kaibang sales pitch ang bitaw niya kaya napilitang humugot ng kuwalta. Aliwalas daw ang pakiramdam niya sa ‘kin. Kapag ako raw ang nagbigay ng buena-mano o good hand, nararamdaman daw niyang magiging maganda ang benta niya sa araw na ‘yon (I blessed that chap beforehand, honest, with the usual admixture of Sanskrit and Islamic mumbo-jumbo that I secretly ply to busy, working folks I bump into everyday in the precincts of Divisoria and Sta. Cruz).

Anupa’t nadagdagan ng P150 switchblade ang doble veinte nueve sa talas-sukat ng baywang. Kakabahan: the longer the waistline, the shorter the lifeline.

Sa limang piraso pa lang ng sand dollar o maratangtang na tinungkab sa batuhang bahura ng Ilog Malino sa Bolinao, Pangasinan, matutuos na P200 ang agad na naging pakinabang. Sulit din sa lasa—there’s rewarding discovery of deep orange meat enclosed by calcite shell and nest of poisoned spikes. Just a drizzle of freshly squeezed kalamansi juice and the raw meat’s savory as the tang of the sea with a hint of palatably unwashed, ah, I labia minora!

Ni hindi nga kailangan ng talim, tibay-gulugod lang ng P150 switchblade ang kinailangan sa pagtantang-tanggal sa maratangtang. Gulugod lang…

Habang ninanamnam ang linamnam ng tinungkab na maratangtang, dadaplis sa isipan ang isa pang nakalublob naman sa tubig-tabang na tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System—hindi yata matungkab. O walang tibay ng gulugod ang dapat magtungkab.

Naglabas ng pasya nitong Mayo 18, 2007 ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na tungkabin na’t huwag payagang makapasok sa trabahong gobyerno ang Local Water Utilities Administrator Lorenzo H. Jamora. Natukoy na nilabag niya ang alituntunin sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act-- umalingasaw ang sansang ng may P2.7 milyong itatapon ng mga pinasukang kontrata sa pagpapagawa ng training facility para sa LWUA.

May alingasngas man o alingasaw na sumingaw, nitong Mayo 25, 2007 ay nakapagsalpak pa ng U.S. $500 milyong kontrata ang Jamora at China International Water & Electric Corp. para sa panibagong proyekto—na walang pahintulot ng NEDA, na nakantiyawan na minsan, “may $200 million ka dito.” At MWSS Administrator na ang papel ng Jamora hanggang sa ngayon.

Madalas na mahimas ang matatag na gulugod ng P150 switchblade mula Pozorrubio, Pangasinan—talagang may gulugod na pantungkab ang hamak na punyal kaysa PAGC ni Gloria Macapagal-Arroyo…

Thursday, January 10, 2008

Inurirat sa ulirat ng sikmura

DINALA na pauwi ang tipak ng batong bahura na sinlapad-tambok ng pisngi ng seksing tumbong ng dilag—maghapong naghilamos iyon sa init ng araw nang masumpungan sa aplaya’t matagal na idiniin sa humihilab na sikmura. Nanuot hanggang bituka ang hiram na araw ng batong bahura. Naibsan ang hapdi ng hilab sa silahis ng init.

Habang nagtatampisaw ang mga kasama sa tubig-alat, ilang ulit naman akong pabalik-balik sa Taku Beach—sige na nga, kasilyas—upang magbuhos ng sama ng loob. Hinayupak na kilaw na talaba ang sanhi. Hindi nakayanan ng sikmura. Tatlo kami na namulutan niyon ang tinamaan. Pinakamatindi ang tama ko.

Sinadya ng tropa ang Enchanted Cave ni Manang Auring— nabungkal mula angaw na taong gulang na salansan ng bahura ang yungib na tagos sa coastal aquifer o likas na imbakan ng tubig-tabang sa baybay-dagat. Masayang naglunoy ang pangkat habang pabalik-balik pa rin ako sa Taku Beach. Umaariba pa rin ang hilab ng sikmura.

Hindi nasikmura ang kilaw na talaba. Sinikmuraan ng hilaw na talaba. Hindi nakasundo, hindi natunaw ang kinain. The raw oysters just didn’t agree with me, as we would have it in idiomatic English. Just like the cannibal who devoured his in-laws and as he suffered from a bum tummy, belched a bellyache: “They still don’t agree with me.”

The problem is alimentary, my dear. There’s indigestion—whacked out assimilation of whatever that was taken for ingestion.


Kung isasalin sa lirip ang tipak ng kaalaman, kailangan talagang himayin muna. Mga mumunting piraso na madaling maisusubo’t mangunguya nang dahan-dahan, matamang nilalasahan—hindi mabubulunan—para lubusang maisalin sa katawan. Para mapakinabangan ang taglay na kabuluhan at sustansiya.

Now we call that information chunking— know-how, know-why, know-what dealt out in easy-to-chew bite-size tidbits. Madaling nguya-nguyain o himay-himayin, saka unti-unting maisasalin sa sariling katawa’t magiging bahagi ng pansariling kaalaman.

Maiuugnay ito sa kakaibang kabatirang inilahad nitong 1998 sa obrang Virus Clans ni Michael Kanaly—naiimbak, nalilikom at naisasalin ang kaalaman sa pamamagitan ng protina na isinangkap sa katawan at nagiging bahagi ng genetic code o deoxyribonucleic acid (DNA). Sa madaling sabi, may ulirat na naninirahan sa utak at mayroon ding ulirat na namamahay sa sikmura.

Kumakalam ang sikmura. Kumakalampag, umaalam ang diwa. Dapat na tustusan kapwa.

Mauungkat na mga kawing ng amino acids at peptides ang bumubuo sa protina. Mga kawing na kailangan munang himayin, tilad-tilarin. Mga kawing na naglalaman ng kaalaman na maisasalin sa laman ng katawan. Kaya napapailing habang tukop ang sikmura— hindi nakayanan ng ulirat ang information overload mula hinayupak na talabang kinilaw. Hinigop na’t isinalang sa bituka pero hindi nga naatim ng sikmura.

Pero hindi ito nangangahulugang itatakwil na natin ang kaalaman mula sa malinamnam na laman ng talaba—na pampalambot man ng ilalabas na sama ng loob, pampatigas naman ng singkapan at pampagana pa nga sa pakikipaglaro ng bedminton.

Babalik-balikan pa rin ang paglantak sa lintek na talaba. Parang paksa ng kaalaman na hindi man naunawa o natunaw at lubusang naisalin sa isang pagkakataon, muli’t muling lalantakan at hihimayin sa iba pang pagkakataon.

Ayoko namang magtiis na lang sa oyster sauce para ibahog sa pinasingawang usbong ng asparagus o ihalo sa mga tangkay at dahon ng kangkong.

Mas madaling maunawa ang nilalaman na maisasalin sa laman mula sa talaba. Maaatim ng sikmura. Sa kapwa na may mga kasula-sulasok na gawi’t gawa, lalo na ang mga umaastang kakandidato sa halalang panguluhan sa tu-uten o 2010, talagang mahirap nang maatim ng sikmura, pwe-he-he-he!

Wednesday, January 09, 2008

Carpe diem

Kuwento ng anak, doodles11006@yahoo.com:

HI, hi kamusta na dyan again...How are my lovable cats doing?

I asked Aaron with regards to the PC being broken. Naayos na pala...Do not throw though the crashed hard disk as you can still retrieve the files in it, even your novel.

So far I am comfortable with the new office I am in despite being riddled still with network problems and access in the new PC. Everything went sort of, well, Engineering would not let me go still, unique
daw ako susmeh...they fought over me regarding where I should be assigned....Panalo ang Instrumentation and Corrosion department after a long word war that I never really understood...Arabic kasi. Hopefully everything would be settled by then.

I caught a kangaroo rat here and tried to keep it as a pet. However, it escaped after an attempt to take pictures of it...
ang cute n’ya kasi ang sarap i-cuddle. Next time hahanap ulit ako...

How are things with regards to the prices of commodities there? I am not able to monitor anything for the past few weeks due to tons of work, especially after a pipeline blew up while making a hot tap on it. Luckily no Filipino was working on it-- mostly Indians, “cheap labor” as a British co-worker called them. The department is actually questioning the reasons why was it done by the Indians

Oil here will go up again by December so brace yourselves there for more problems...It is speculated to go up to $200 per barrel

We have quite a lot of lively discussions here, especially about economics, with my British neighbors. I have acquired their accent already because of it. Tea anyone…?.
Maryosefff


Tugon ng ama, noqualmasabomb@yahoo.com:

PINAGKRUS na lang ang hintuturo’t hinlalato saka inilagay ang soft-shelled turtle sa ating burnay na tinggalan ng tubig-ulan—at pangitlugan ng mga tutubi sa ating bakuran. Ubos tiyak ang mga magbabanyuhay na supling ng tutubi, nymphs sa English. iyon lang ang malalantakang pagkain ng naturang pagong, Nahuli iyon ni Erap-- sumama nang minsang pinaghakot ko ng ipot ng bulate si Arjuna sa mga dawag ng rono kalapit sa sapa, mga 50 metro ang layo sa gawing hilaga ng ating tahanan. Nito lang nakaraang panimula sa tag-ulan.

Hard-shelled turtle naman ang naunang naging alaga natin, si Gamera. Ipanghuhuli ng guppies sa sapa. Isasalin ang mga nahuli sa palamuting kawa na may tubig sa ating bakuran. Doon isasadlak si Gamera para manginain—lingguhan ang pagpapakain. Kasalo na sa pagpapakain, kailangan pang subuan si Kabbalah, ahas-tubig na naging alaga rin natin. Matapos ang mahigit santaon yata, hindi na maapuhap kung saan nagsuot si Gamera. Nakatawid-bakuran naman si Kabbalah, agad na tinaga ng nakakita.

Kailangan pang manaliksik para matukoy ang makakain ng nahuling soft-shelled turtle—na mailuluto rin pala. Turtle soup. Braised turtle with mixed vegetables in piquant sauce and nuts.

Hindi nagkamali ang sapantaha. Ubos ang dragonfly at damselfly (tutubing karayom) nymphs sa burnay. At naglaho na rin ang pagong—mainam na rin. Mahirap mangalaga ng kakaibang alaga. Kailangang tustusan ng higit pa sa pagkain.

Makailang ulit na rin akong nakahuli ng bayagbag at hunyango sa Antipolo, Nakakatuwa ang unti-unting pagpapalit-kulay nitong mga kaanak ng iguana at bayawak. Matagal na ang ilang sandali na hihimas-himasin ang nahuli. Saka pakakawalan. Sapat nang hindi nakaligtas ang mapanlinlang na pagpapalit-kulay sa mapanuring paningin. Tama nang napatunayan na mas maliksi’t may taglay ding ilap ang kamay na isinunggab sa kanila—ni wala nang balak na putulan ng buntot bago pawalan ang hunyango para gawing mala-tagabulag na agimat.

Aba’y magugol sa panahon ang maghagilap sa parang ng lukton, tipaklong, sitsiritsit at anumang kulisap para tustusan ng pagkain ang hunyango.

Matatandaan mo marahil na ilang ulit tayong nanlambat ng susuwi sa ilog sa paanan ng Sierra Madre. Parang miniature swordfish. At balak nating ipagbili sa mga kalaro’t kamag-aaral ninyo na mahilig mag-alaga ng isda. Kahit masiba sa detritus at samut-saring himaymay ng layak ang susuwi, lagi’t laging patay na ang mga nahuli natin pagsapit sa ating bahay. Tiyak na hindi natustusan ang biological oxygen demand ng susuwi sa pinaglagyan. Maaaring hindi rin nakayanan ang mahabang biyahe mula paanan ng bundok patungo sa siyudad—mas maselan nga ang susuwi kaysa guppy.

May kariktan sa katiyakan ng banayad na usad ng king cobra—mahigit dalawang dipa ang haba ng nasubaybayan ko sa isang panhik sa Makiling. May kakaibang kinang ng ginto ang mga kaliskis, nakakaganyak na bihagin, dalhin sa pamamahay, itampok sa kulungang salamin at ipagparangalan.

Napansin mo rin siguro na kahit ang mga pinupol nating tilaTeflon-coated na bulaklak ng jade vineendangered species pala ‘to—sa liblib na dawag ng Makiling, mabilis na maluoy kahit pa ingatan nang husto. They won’t be in their element when we take them, bring ‘em to our habitat.

May lagda ng Maykapal ang bawat marikit na anyo ng buhay sa kalikasan. Mas masugid pa tayo sa pag-uusisa at pagsisiyasat—tahasan nga nating nabibihag, nahuhuli’t naihahawla. We’re deadlier predators. Pero hangad din nating lagdaan tayo ng karikatan sa kamay ng Maykapal

Natitiyak kong hindi ka maiinip diyan sa Dammam. Pati ang mga lagda ng kariktan ng Maykapal sa mga mumunting nilalang ay nasusunggaban mo’t nahahawakan.

Kung anu-anong masasayang gunita na naranasan mo sa Sierra Madre, Makiling at mga dawag na ating tinahak noon—bumubulwak na batis pa rin hanggang sa ngayon. Napitas sa kakaibang bunga ng kukurbita sa disyerto, nasipat mo sa sea urchin sa Arabian Gulf, nahimas sa nahuling kangaroo rat.

We may gather thought in huge bales and bundles but we really give life to thoughts in the minuscule details.

'Kagutom... 'Kainggit... 'Kainis...

Liham ng anak:

MY mouth waters just reading of what you bought from Bolinao. Daing here is considered gold....tuyo as platinum and bagoong as diamond...maryoseff. Such commodities are hard to come by. ‘Kagutom...’Kainggit....’Kainis.

Winter here is far from over. We built a heater out of spare parts taken from an old air con so as to dump my complaints of cold-as-hell days. I’m already 130 pounds and still gaining. Joy wants me to keep it under 135 lbs so as to maintain my current build. I sent her a half naked picture of me for her to assess if it’s pleasing enough for her. OK na pwede!!! Yum yum! It’s a good thing my body was already sculpted (due to fetching cow dung and river rocks for our house and garden then), my chest became more prominent and my shoulders broader. My legs are getting stronger as I can do prison squats without pain in my legs when standing up.. Your exercise regimen paid off. But I still need more workouts as I cannot kick as high as I could before.

I’m looking for Doctor Wong’s sulfur soap here as remedy for my back acne...(Aaron has the same problem too...) How are my cats...ibinalik na ba si Bonyat? Pusa ko ‘yun.... Aaron told me that there were four of them that celebrated New Year, andu’n daw si Raymund ang nobyo ni Angeli. Kumusta naman ‘yung dalawa? Have you seen “30 Days of Night,” watch it. I recommend it since it’s an adaptation of the book pati na rin ‘yung “I Am Legend” ni Will Smith....it’s a remake of the apocalyptic movie “The Last Man on Earth” and the “Omega Man” which starred Charlton Heston...asteeeg. An H.P Lovecraft based movie will come out soon ‘kalimutan ko title eh.....asteeg din.. hinihintay ko mapirata sa Internet site na pinapanooran ko ng movies ha-ha-ha...Ingats and Happy New Year!

Tugon ng amang Kulamnista,

PAST Noel’s midnight feast, I asked your mom to fry me some tunsoy, the sun-baked platinum fish you speak of in those Middle Eastern precincts. I just love the sound of that sardine specie—tung hsui or water vessel that pumps up a bit of irony, tuyo nga kasi. I had some allowed wallowing in a puddle of palm sugar vinegar with crushed chilies, re-hydrated flesh pried off tidbit after wee bit and eaten a la instant sushi wrapped in steaming fragrant rice. Divine!

And I had to explain at length to a pair of masseuses over at Bing’s Beach Resort in Barangay Patar, Bolinao in Pangasinan that such humble pleasures as rice, fish, and a cornucopia of greens adorning their tables can bless ‘em with better health and well-being than a diet of beef, pork, and poultry.

Even bits of
bagoong that have been worked over by lactic acid bacteria becomes diamond boon—the fish protein content had turned up pre-digested, the long peptide chains snipped shorter for easier ingestion and assimilation in the body. Juicy steaks, pork chops, and honey-glazed chicken drumsticks proffer too-long protein chains that the guts have a tough time snipping in snippets for easy bio-availability.

Ah, we do a bit of pickling with vinegar and condiments on milkfish flesh with the same alimentary end—to allow a bit of fermentation, nudging zillions of helpful bacteria to unleash their acids and snip peptide chains to bio-available lengths.

True,
balaw-balaw or burong isda smells hellish like unwashed nether labia but the protein content in the fish is ready-to-ingest in the gut lining. Mabilis na naisasalin at napapakinabangan sa katawan.

(Parang nakikita mo siguro kung paano ako magbigay ng lecture, he-he-he.)

The masseuses were insisting that they work me over, probably what “Hello Garci” did kneading poll figures to foist up a winning edge. Then I had to explain some more that the nearby pounding sounding surf had kept me awash inside out with negative ions. That had recharged me many times over and I may just return their compliment, kneading their figures thoroughly if that pleases ‘em—nah, I’m not charging a cent for that.

Remember: We slept beside streams and flowing water in the Sierra Madre and Makiling to allow our bodies to soak up the negative ions—mystics, hermits, and certain people versed in arcane arts do the same. Charge up and refresh.

Teka, the explosive force in hand and foot blows are generated by iremi or the turning of the entire body as such blows are delivered. Hindi naman kailangan talaga ng mataas na tadyak, kahit pa magandang tingnan. Kailangan: igkas-sa-bilis na tadyak.

Teka uli, pakibigay naman sa ‘kin ang URL ng website na ‘yan na pinapanooran mo ng pelikula.

Talampakan o talaan ng mga niyapakan

YAKAP ng yapak na paa ang suson-susong salansan ng mga butil-buhangin sa dalampasigang nakaharap sa katimugan ng Dagat China, nakaungaong sa walang humpay na dagundong ng hangin at along rumaragasa sa paanan.

Nakasalubong ang isang Koreano sa baybay na saklaw ng Bing’s Beach Resort—18 kilometro ang layo sa bayan, nakalatag sa aplaya ng Barangay Patar, Bolinao sa Pangasinan. Hawak-hawak, tinitimbang sa magkabilang kamay ang ilang tipak ng pinulot na batong bahura o coral stone.

Sumalampak siya ng upo sa buhanginan. Isa-isang sinipat ang kanyang nalikom. Mataman ang pagsipat, parang may inaarok na kung ano sa galasgas ng bato. Dulo ng sundang ang singkit na mga matang marahan, buong hinahon na inihahaplos sa malikaskas na tabas ng bato.

To see the world in a splayed groin of sand… and, ah, dulcet heaven in a maiden’s candid flower… Ganoon marahil ang kanyang taimtim na paglilimi sa mga tipak ng bahura. Siya lang ang aangkin sa matutungkab-tuklas ng kanyang lirip, siya lang ang sisimsim sa anumang katas na mapipiga ng sariling isip.

Iba naman ang nakasalang sa sariling lirip. Umiiral pa rin ang pananaw agham. Kapag natipon ang tone-toneladang tipak at pira-piraso ng bahura sa dalampasigan, maaaring sunugin. Apog ang malalabi sa pinagsunugan. Mahusay na mortar ang calcite o carbonate material na sangkap din ng gulugod, bungo’t buto sa katawan. Mismong ang mga tipak ng bahura’y matatabasan sa kainamang sukat para maisalansan. Patayugin. Maititindig na matibay na tahanan. Mga bahay na bato. Ganoon ang nakikita sa nakahandog na mga tipak ng bahura, mga marikit na kalansay at bungo ng lamang-dagat sa baybayin.

Ganoon man ang humahaplos sa isip, nakahulagpos naman ang musmos sa sariling dibdib, made a few gingerly steps on wet sand then did a few cartwheels, haah… To what silly lengths we go to for the child within to romp anew, bereft of cares and concerns about bills to pay, deadlines to meet, reports to rush through, competition to crush. And maybe glutathione sessions to plunge into or liposuction operations to go under to bring back that young feeling. Bother not this child with gripes about having too little to enjoy, too much to endure.

Nah, I didn’t have to do a 15-minute headstand on the sand to feel jolts of humility cramming the cranium. The Afro-Brazilian capoeira cartwheels, one hand bearing the body’s entire weight for a heartbeat can be enough to quicken the childlike feel within. The crush of over 40 years borne in a 50 years plus body, the years flee in a fit of giggles.

Malawak ang ari-ariang lupain ni Aling Bing, bukod pa sa kanyang inot-inot na sinisinop na beach resort. Inalok pa mandin ang sumusulat nito. Baka gusto ko raw bumili ng ilang tipak—P2,500 por metro kuwadrado-- para matindigan ng kahit na kubakob lang para may babalik-balikan, bakasyunan o pamamalagian kapag retirado na sa pamamasukan sa trabaho.

Mahirap aminin na hindi makakatikim ng pagreretiro—pagsuko o pag-urong ang tahasang katuturan nito mula Español—sa ganitong uri ng hanapbuhay. Sa pagsusulat. Lagi’t lagi nang iyayapak ang paa sa lupa, burak man o buhanginan, batuhan man o putikan. Saka magsusungkit ng mga butil ng buhangin o bubog kahit tinik o salubsob na tumurok sa talampakan. Lagi nang magsisiwalat ng mga talang niyapakan o niyakap ng talampakan.

Limang kilong tipak ng bahura’t mga sigay ang bitbit ko pauwi. Kahit nasa liblib man ng kalunsuran, may maiuukol na panahon upang tukuyin ang mga natipong daigdig sa binlid na buhangin, masipat pati ang langit sa nakangangang talulot ng corales y caracoles.

Umamin ka na nga Dennis T!

MALAKI ang kinalaman ni DennisT. Tinio sa sulating ito—lalo pa’t bubusinahan ng eskandalo. Tiyak na puputaktihin. Kukuyugin sa basa.

Babasahin talaga ng mga malalansi’t malilinlang. Si Dennis T. Tinio. O kahit pa si Dennis F. Fetalino, ang matalik na kasabwat namin sa pagtungga na talagang pakay namin? Baka ang titik na kasunod ng pangalang Dennis ay tungga, tinggil o tarugo. O thrilling taunting—para double T. Bahala na kayo batay sa inyong pihikang panlasa at taglay na libog na pilit huhulagpos, ipagbawal man ang kalayaan sa pamamahayag kahit pa pangalawang pinakamapanganib na lupalop sa mundo ang Pilipinas para sa karaniwang peryodista.

Wala na kaming balak humingi ng paumanhin. Talagang parang samputol na bulate o sampirasong hita pinilas mula palaka ang itinuhog sa taga’t ipinain para maipukol sa tubig ng anumang sapa’t dumugin ng mabibingwit na isda—isda venereal, oops, venerable sort of reader who plugs what’s between the ears with life-and-death matters of tripe and trivia.

At kawan-kawan ang ganoong isda—isdagukan man sa tuktok ang mga ‘yan, talagang hindi matatauhan. Kaya kailangang linlangin. Lansihin. Ipadamba sa mga tiyanakis na manyakis at tikbalang.

Mabuti na ang ganitong pamimingwit kaysa naman kuryentehin para mangisay sa hirap. O buhusan ng lason ang nilalanguyan nila para lumutang. O paputukan ng dinamita—para magkaluray-luray at madaling magamit na sangkap sa bagoong na isda.

Nananaghili na kasi kami sa mga pinakasikat, pinakasusubaybayang nagsusulat ng pitak sa buong Pilipinas, pati na sa overseas Filipino community—talagang matindi ang global following. They rule… rulers they… straight edge nga pala ang isa pang tawag sa ruler at hindi yata puwede ang crooked ruler, hindi tuwid o sali-saliwang panukat ng haba’t layo na karaniwang gamit sa ruler. We’ll have no measure of where we’re going and what distance we’ve covered.

Dapat na ngang baklasin mula sa mga pahinang panlibangan ang kanilang pitak, at ipagkudkuran—that’s the sexy action done when scraping meat off a mature coconut—ang hilatsa ng pagmumukha’t pagsusulat sa opinion-editorial page, hey, this is what the whole country has come to. Maybe it’s not getting properly laid or licked or plumbed at the G spot but come, come, come this way it did.

Hindi pa ginagawa ang ganoong mapangahas na hakbang. Pero napapanahon na ang ganito. Aminin na natin ang tinutungo ng umiiral na kalarakan. Let the blonde lead the non-blondes!

Tuwing maaanyayahan ang umaararo sa pitak na ito para magpanayam sa mga sumisibol na manunulat, tiyak na ibubulatlat sa kanila ang ganitong makawarat-panties na kalagayan ng panulatan at pag-uulat sa bansa.

Saka ipagdidiinan na para bang bumabarukbok at sumapit sa yugto na pinuputukan na ng kinikimkim sa kalooban: Kailangan nang umangkop sa hilig ng mas malaking bilang ng mambabasa—na hindi maglalawa ni manlalagkit ang hinaharap kung hindi ikakalikot ang sulatin sa mga nakalublob o iniluklok sa pelikula’t panoorin sa TV.

Kailangang ibigay ang hilig ng balana.

Kahit pa si Dr. Jose Rizal ang sumulpot sa panahon ngayon, kailangan ng mas matinding kalibugan at alimbukay-alimuom ng showbiz. Ipaloob sa Noli Me Tangnaire at El Filibustiriktitimo. Para pansinin kahit konti lang. Huwag umasa na may mapupukaw ang kamalayan. O babangon sa himlayan. Huwag asahan ang pagkulo ng himagsikan.

Kawawa lang si Rizal—ilalampaso lang siya nina Dr. Vicky Belo at Pie Calayan. Pero meron pa ba siyang pakinabang sa ngayon?

Aminin Dennis T. Tinio!

Kapag pasalubong ay ngiting magiliw, tiyak na pustiso ang ngipin

HINDI biro ang magbitbit ng pasalubong. Hindi lang kasi dalawa-tatlo katao ang kipkip sa isip, magiging pakay ng alay na nahalukay mula saanmang lupalop na pinagmulan o pinuntahan.

Kalahating kilo ang sandosenang natatanging suriso mula Alaminos, Pangasinan—tig-isang dosena ang ilalaan sa mga taong malapit sa puso saanman lumayo. Unti-unting madarama ang bigat ng hindi iilang kalahating kilo na natitipon sa sisidlang pasan sa gulugod.

Kalahating kilo ang ilang pirasong daing na boneless bangus—timplado na sa bawang, paminta’t suka. Iluluto na lang. Dadagdagan pa ang dagan ng bigat na pasan.

Masakit ang mag-ukol ng pagmamahal. Kung saan-saan maghahagilap, lilikom ng iaalay na handog. Kalakip ng bawat handog ang hingal-hagok-hapdi ng balikat, bisig, at gulugod.

Hindi na alintana ang ginugol na kuwalta, lagi’t lagi namang may kikitain sa walang humpay na daloy ng gawain. Gagaang ang lukbutan. Bumibigat naman ang samut-saring bitbitin o pasaning pasalubong. Parang penitensiya. Parang parusa.

Dumaan na tayo sa ganitong karanasan noon pa man. Listo ang tingin, ginagalugad, at tinatahip ng tanaw ang mga nakahanay na bagay-bagay sa paligid. Tiyak na may mahahagip, may masisilang inakay ang matang-lawin. Kaya marahil nakagiliwan natin ang pag-aalaga ng napakaraming pusa—bawat isa’y natatangi ang katangian at paraan ng pananaliksik, walang patid ni hibas na halungkat-tuklas sa bawat bagay sa paligid.

Kakaibang bulaklak, kakatwang palumpon o tangkay ng halaman. Ilang pumpon ng digman, ilang bungkos ng talbos ng pako mula sa ilog sa paanan ng Sierra Madre. Ilang punggok na pinya mula sa nadaanang taniman, ilang dakot na bunga ng lipote’t buto ng nutmeg mula dawag ng Makiling. Ilang kipil na bulaklak ng jade vine.

You’d think sometimes that things like these we bothered and paid mind to bring home can be priceless relics of our passage into uncharted landscapes and broad horizons we dared explore.

Napakaraming ulit na nag-uwi tayo ng mga pumpon ng bulaklak at bunga ng kalug-kalog na pinupol sa parang. Ni hindi nga pinapansin ‘yon ng mga baka’t kalabaw doon, kayo lang ang nag-ukol ng pansin. May isang pagkakataon na namingwit tayo noon ng kalahating sako ng palakang bukid—tugak na paborito ng tagak. Ilang oras din ang nagugol sa pamimingwit. Hindi naman pala alam ihanda ng bathaluman sa ating tahanan. Pinakawalan ang kalahating sakong palaka. Talunan kung saan-saang sulok ng ating halamanan. Bundat na bundat ang dalawa nating pusa, sila ang nagpakasawa’t nagpiyesta sa palakang sariwa—hindi na kailangan pang gawing katakam-takam na batute, adobo, sinampalukan o fricassee.

Hinahagod-hagod ko pa ang nananakit na balikat at gulugod. Naipamudmod na ang mga pasalubong sa mga kalapit ng puso’t kabuhol ng bituka’t kapilas ng hininga.

Suson-suson din ang bigat ng pasalubong na binata’t naglagda ng sakit sa kalamnan. Kahit paano, tiyak na mag-iiwan din ng kahit katiting na tuwa’t galak ang mga hinandugan ng pasalubong— marami rin sila.

We were on a commute to and from Bolinao, Pangasinan and it takes a hideously strong upper torso to bear the burden of tokens and offerings for those we hold dear.

Basta talagang gumagaan ang pakiramdam, naiibsan ang kirot ng kalamnan habang naipapamudmod ang mga bigat na pinasan.

Saka lalo yatang lumalakas-tumitibay ang balikat, bisig, tuhod, at gulugod sa mahabang singkad ng pagpasan sa mga ganoong dalahin— mga 50 kilo na naman ang pinasan… Nakayanan. Para kasi sa mga kalapit ng puso. Mga kabuhol ng bituka’t kapilas ng hininga.

Taboy cinco litros

NAHAPYAWAN ang isang paring nangangaral sa isang palatuntunan sa radyo, taliwas daw sa paniniwalang Kristiyano na itaboy ang masamang espiritu sa pamamagitan ng mga paputok. Sa pakiramdam namin, talagang gunggong ang paniniwala na nabubulabog ng rebentador at mga kauri nito ang anumang maligno’t imbing espiritu.

Nairaos na rin lang ng karamihan ang kanilang kagunggungan sa pagpasok ng 2008, hindi na rin kailangang ipaliwanag ang paraan para akitin ang malas at samut-saring kunsumisyon at perhuwisyo sa pamumuhay sa pamamagitan ng-- ah, tumpak po kayo mga tunggak na torpeng bobo’t utak-pulgas na estupido—paputok.

Dapat na ipagpatuloy ang ganoong maingay, maalingasaw, masansang na nakagawian sa bawat papasok na taon upang lalo pang malublob sa sandamakmak na kahunghangan ang inyong kabuhayan—lalong mainam kung nasabugan sa inyo mismong pagpapaputok ang inyong pagmumukha’t nanghiram kayo ng mukha sa tipaklong, mas mainam kung naputol ang inyong mga daliri para hindi na magamit sa pagtuklas ng batis ng luwalhati ng bawat dilag o ang tinatawag na Graffenberg spot. Ganyan kasidhi ang taimtim na hangarin para sa inyong mga ulol.

Hindi naman siguro saliwa sa mga itinatakda ng Simbahan ang pamamaraan sa pagpapalayas ng mga diyablo’t kahila-hilakbot na espiritu na masisipat sa isang pelikula, The Exorcist ni William Peter Blatty. Wala namang rebentador, kuwitis, pla-pla, super lolo o kahit dinamita na ginamit doon para itaboy ang masamang espiritu na sumapi sa pinapelan ni Linda Blair.

Sa Constantine na pinapelan ni Keanu Reeves, ihaharap naman sa mahabang salamin ang sinapian ng masamang espiritu’t kakatkatan ng sangkatutak na panlalait ang sumapi kung gaano siya kapangit. Mapipilitang pumasok sa salamin ang kumag na espiritu. Saka babasagin ang salamin.

Kung pagtataboy ng mga espiritung hindi kanais-nais ang tahasang pakay sa pagpasok ng bawat taon, limpak-limpak sana ang delihensiya ng mga manghuhula sa gilid-gilid na gilagid ng simbahan ng Quiapo. Meron din daw silang kakayahan na magtaboy ng mga engkanto’t (oops-oops-oops hindi malaswa ‘yan, ha?) espiritung karima-rimarim bukod sa pag-alam sa magiging kapalaran—P50 lang yata per session kaya mas makakamura kaysa bumili ng sandamakmak na kuwitis.

Nang bulabugin daw ng mga hindi kanais-nais na espiritu’t laman-lupa yata ang mga trabahador na nagtitindig ng naging tahanan namin sa Bulacan—dalawa-tatlo ang inapuntahan ng lagnat sa hindi maipaliwanag na dahilan—ako ang naatasan para umareglo.

Sa pagkakatanda ko’y nagsaboy ako ng asin sa paligid. Saka nagsindi ng insenso—joss sticks na may samyo ng sampaguita. Saka sapilitang nakipag-ugnayan sa mga diyaske’t sinabihan na wala akong balak gutay-gutayin ang kanilang laman-loob kung hindi na sila mambubulabog ng mga trabahador. Napahinuhod naman at tumalima sa matinong usapan ang mga diyaske.

Sa pagkakaalam ko’y may katangiang umakit ng mga kamalasan at hindi kanais-nais na espiritu ang sansang ng pulbura’t-- teka-teka-teka baka sabihin ninyong masagwa na naman ‘to—paputok. Mga espiritung naghahatid ng maamong pasok ng magandang kapalaran at kabuhayan naman ang inaakit ng kamanyang at mga insenso na mahalimuyak ang sanghaya.

Natatandaan din namin na meron ngang Taboy’s 5 Litros sa kanto ng isang maikling kalye na nakatagos sa Isaac Peral na U.N. Avenue na ngayon at Kalye T. M. Kalaw sa Ermita, Maynila. Pulos Karen o mga nasa linya 40 yata ang makakaniig sa naturang tabuyan ng masasamang espiritu’t binago na rin yata ang pangalan, Bistro Emilio yata.

Hangad namin ang payapang taon sa mga magsasagawa ng payapa’t tiwasay na rituwal sa pagpasok ng 2008. Hangad din namin ang saganang ingay at walang humpay na sambulat ng pulbura sa buhay ng mga gunggong na maghahasik ng ingay at pulbura sa pagpasok ng 2008.

Gulugod sa hagupit ng araw, agos, at alon

IT was neither legal nor tender but it was the legal tender back in around 2,000 years before the Common Era for procuring worldly possessions, buying slaves in West Africa or purchasing a clutch of lovely maidens for a harem in China. That was the sort of money I had amassed and lugged around on a canvass sling bag around my neck—about five kilos of a non-current coin of the realm that somehow follows the tradition of having loads of cash at the first few hours of the New Year.

Were we not furnished with a tidbit of trivia in a past Senate hearing: a kilogram of P1000 bills equals a cool million pesos?

By duly honoring such tradition, we can construe that I’ll be enjoying easy cash flow—the sort that buys loyalties of slaves and waves of carnal bliss from a retinue of hits-and-missus.

I had collected money cowries— in denominations of dull or shiny slate, lustrous rose and pink plus pale blue. I had this silly notion that beach combing has something to do with raking a length of coastline by trudging through it for hours, picking up whatever looks like nit or louse to give the shore due tonsorial care.


Kaya sangkatutak na sigay at kaligay ang nalikom sa naturang pangingilak ng dating katumbas ng salaping pilak.

Ni wala naman sa balak na bumili ng sungkaan o maglaro ng sungka. Wala na rin sa isip na maglaro ng siklot—para makaipon ng sangkatutak na baboy matapos ang bawat siklo ng siklot. Wala na ‘kong nakikitang mga paslit na magtitiyaga sa mga ganoong laro na mayamang diwa ang paiiralin at pupukawin—hindi malupit na digital imagery ng computer. Pero malilimi na talagang mapaglalaruan ang sigay at kaligay, may iwing kaligayahan na tila himig na sasaliw sa paglalaro nito.

Kung tutuusin, pawing kalansay o gulugod ng mga mumunting nilalang ang mga natipong sigay at kaligay. Mauungkat tuloy ang sinaunang kapural ng dambuhalang korporasyong Royal Dutch Shell, magiliwin at tahasang masinop na nagtipon ng samut-saring gulugod ng mga kaanak ng suso, lukan, tulya’t kasing-kasing. Nagtitingi pa nga ng mga naturang gulugod sa mga mahilig na magtipon nito sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Nauwi nga ang ganoong negosyo sa pagbungkal ng mga balon ng krudo’t gas—kasi’y palatandaan o tila muhon rin ang mga shells sa kinaroroonan ng gas and crude reservoirs sa kailaliman ng lupa. Hanggang sa ngayon nga, nagsasalya ang naturang dambuhala ng mga produktong petrolyo na nakapangalan sa samut-saring maririkit na taklobo’t kabibi.

Nawala na ang nilalang na nananahan sa mga marikit na gulugod, ilalantad na lang nga sa aplaya’t matitisod-tisod o mapupulot. Pasubali ang matatambad na mga tayantang sa araw at agos na kalansay sa iginiit ni William Shakespeare: “The good that men do are oft interred with their bones; the evil that men do live on after they’re gone.”

Kaya sa pulitika, lipunan, at anumang larangan ng pamumuhay, tahasang umiiwas tayo sa dikya. Sa mga walang gulugod.

Marikit na saplot at baluti ng karaniwang nabubuhay na sigay o kaligay ang kani-kanilang gulugod at kalansay. Pambihis ang matibay na gulugod ng pagiging nilalang. Ganoon ang igigiit ng nakatambad nilang pamumuhay. Masawi’t maglaho man ang nagbihis ng matibay na gulugod, may maiiwang katibayan at kariktan. Matitipon. Malilikom. Maitatanghal.

Nais kong isipin na pawang marikit, matibay na mga gulugod at kalansay ang aking tinipon sa naturang pakikipagniig sa mga agos, araw, at alon.

That, for me, is more than legal tenderness with which I can procure loyalties of slaves or carnal favors from well-stacked numbers.

Paglalaro sa larawan ng tahanan

Dagli ng anak, doodles11006@yahoo.com:

OO nga pala take a picture naman of the house and can you measure the floor area nung second floor...Madali lang yun at pakikunan ng picture yung stairs natin sa bahay, yung gilid at ilalim at itaas ha. I need a perspective view of it.

Pakli ng kulamnistang ama. noqualmasabomb@yahoo.com:

LUNTIANG utong na ang laki ng tatlong pnganay na bunga ng tumabal na sayote mula Tagaytay—tiyak na magiging tampulan na naman ng pansin. Balak kong binhiin lang ang mga iyon para dagdag na panghalo sa pagkain ng mga aso. Hindi naman natin nakahiligan ang pagkain ng sayote-- talbos man o bunga nito—kahit pa manamis-namis ang kapipitas na sayote’t madaling ilahok sa alinmang lutuin.

Nagsisimula pa lang sumigla ang paglaki ng ikalawang binhing sayote na inangkat mula rin sa Tagaytay. Nasa hilagang silangang harapan ng bahay at tiyak gagapang paakyat na kasama ng bunton ng cadena de amor, millionaire’s vine, patani’t sigarilyas. Gusto ko ang masigabong tabal ng mga baging para halos matakpan ang ating tahanan. It’s a classic look of a Frank Lloyd Wright work in which both nature and structure blend as an organic whole—you won’t know where nature ends and structure begins in the interplay. Sa ganito pulpol ang kukote ng taga-MMDA na isasalang daw sa halalan sa tu-uten o 2010.

Paslit ka pa nang mapanayam ko si Nicolas Feliciano’t naging katoto pa nga hinggil sa mga pangahas na pamantayan sa disenyo. Arkitekto siya. Naging matinding alkalde ng Concepcion, Tarlac at nitong mga taon ng 1990s, naging bokal pa ng naturang lalawigan. Architecture is allowing a structure to become what it wants to be. It’s about defining freedom for space and nature. Even an unfinished but sound structure or the ruins thereof would breathe of sound planning and the hallmark of grandeur. It would speak of honesty of the materials. Ganoon ang mga paniwala niya. Na higit na matatag na nakatindig sa lapag ng katotohanan at katinuan.

Umaalingawngaw ang ganitong pananaw sa giit naman ng ninong at maestro mo, si Jerry Araos na sinasabing kailangan munang makiugnay at makipag-usap sa alinmang material na lalapatan ng kamay para makabuo ng masining/masinop na gawa. The material must speak for itself. The artist does not have to impose his will. He composes.

Gulantang ang section editor ng isang broadsheet nang minsang ihatid ako hanggang sa ating tahanan mula Ermita. He went on rhapsodizing about the outward appearance of our home, noon lang siya nakakita ng ganoon. Lasing siya noon-- in vino veritas.

Ni hindi naman nakapasok para manaliksik sa kabuuan ng panloob na bahagi ng ating pamamahay ang isang arkitekto na kinopya nga ang panlabas na disenyo nito. Mapurol din ang kukote ng kumag na ‘yon kaya hindi makabuo ng disenyo na may tinatawag na organic unity of form and function in a structure. Hsien o immortal ang katumbas na magkatalik na larawan o kuei-i ideogram ng ganoong pamantayan: pagniniig ng bundok at ng ermitanyo na nagsisinop ng malalim na kaalaman sa kabundukan. Aminin man o hindi, dito nakasalalay ang nabuo mong design philosophy.

Hindi na tahasang bago ang nabuo mong mga saligan, nasimulan na iyon ni Chang Tao-Ling na isa sa mga unang immortal o celestial being na tumuntong sa mundo para magbigay-lunas sa mga maysakit. Payak lang ang paraan ng paglulunas noon dahil pinaniniwalaang kasalanan ang sanhi ng bawat karamdaman. Kaya pinananatili ang maysakit sa payapa o tiwasay na tahanan upang magtika’t isubsob ang panahon sa pagbabasa ng Tao Te Ching o The Way of Power.

Hanggang sa panahong ito, may mga pamamahay na tiwalag sa katiwasayan at kapayapaan, doon tumatahan ang mga sigalot at hidwaan. Natutuwa akong ang balangkas ng tahanan na itinindig natin ay makapagbibigay-lunas, namamayani ang kapayapaan at katiwasayan.

Friday, December 14, 2007

Rhyme doesn't pay

ISINULAT sa Kulamnista ni jorlem_mohn:

“I don't know how you do it. But man.. u'r a demigod.... I've always wanted to learn the art of writing.. And i am like a new born baby when it comes to this field.. But you.. You seem to know very well what it's all about.. I don't know if this is what you took up or if it's really runs in your blood... But i'm sure of one thing.. I AM A FAN...”

Tugon ng Kulamnista:

SA kalapit na kanal ng tindahan ni Inay sa Kalye Palomaria, Project 7 sa Quezon City nitong 1956 nang mamasdan sa kauna-unahang pagkakataon ang isang kumpol ng water hyacinth—namumulaklak. Mga dinukit na balintataw sa mata ni Argus ang nakatitig sa ‘kin sa mga bulaklak. Matamang nakipagtitigan. Nakahiligang gawi tuwing umaga ang pakikipagtitigan sa mga bulaklak ng water hyacinth.

Nakasagap na ng mga dagdag pang kakaibang gawi mula sa ganoong karanasan sapul kamusmusan. Natulad nga sa alamat ni Narcissus na nakagiliwan ang pananalamin sa sariling anyo sa bubog na tubig ng batis. Nabighani sa nakikita—talaga palang nakakabighani ang kiki.

At nabihag din pala ang batis sa balintataw ni Narcissus. Nasalamin din ng batis ang kanyang marikit na anyo sa mata ng kumag na ‘yon, mutual admiration society ang nangyari.

Sablay nga ang giit ni Friedrich Nietszche na makikipagtitigan ang hukay sa matamang nakatitig sa hukay—he who gazes into an abyss nudges the abyss to gaze into him. Higit pa roon ang nangyayari. Mayroong interface na nagaganap—mas masinsinan, mas masinop ang pag-ukol ng pananaw sa bagay-bagay, lalong nagiging malalim at matalim ang suklian-palitan ng kaalaman, katangian at kakayahan. Ganoon ‘yon. The process is straight out of quantum physics.

Sa ganoong balangkas mauunawa ang gawi ni O-Sensei Morihei Ueshiba na pagpupugay at taimtim na parangal sa araw tuwing bukang-liwayway—it’s looking up to a deity and seeing the myriad aspects of the Divine Creator become manifest in creation. Thus, everything in creation requites the adoration it has received. It’s the familiar theme-scheme of love begets love. That goes on an untrammeled roll in aubade or matins— the so-called silent time devoted to prayerful meditation at the onset of each day.

I am an agronomist by training and discipline—hindi talaga masinop na paghahalaman ang ibinabadya ng ganoong kataga. Tahasang pagsisinop lang ng kinatitindigang lupa. Maglulupa lang ako, sa madaling sabi. Sa lupa nakabatay ang paninindigan.

Ibabangon sa katagang discipline ang disciple o pagiging tagasunod ng natatanging daan at pamamaraan. Ibabangon din mula discipline ang isa pang kataga: descir o alamin, to know, to discern.

Tayo na mismo ang makakapansin na kulang ang Penoy bugok sa disiplina. Malalim yata masyado ang katuturan nito. Mauungkat na hikahos tayo sa paghakbang sa anumang daan at pamamaraan. Dahop din sa pagtuklas ng kaalaman—and every quantum surge in spiritual, social or economic standing stems from discerning knowledge. And that’s grounded on discipline.

Consider yourself looking at a mirror pool when you ponder upon the writing that I turn up. You will be rapt in your own beauty. You saw a demigod in the mirror pool. That’s you!


Nagsusulat lang ako sa ngayon—nagsimula pa nga sa pagsasalansan ng mga taludtod ng tula. Na nauuwi sa tuya. Pero sabi nga, rhyme does not pay. Sablay nga kadalasan ang pagbabayad sa mga nalalathalang sinulat but I’m not the sort to yield this bit of space. It’s something of a ground on which I can stand on and say my piece. I usually pack an ugly-looking, silencer-fitted Tokarev 9 millimeter as reliable piece of choice—apart from a pair of fan knives.

Sala’am at salamat sa iyong pagpapahalaga.

Mabuhay ka!

Wednesday, December 12, 2007

Gorilla in excelsis Deo...

CARDIAC arrest ye fat gentleman, so that ye can’t dismay…

Basta naulinig na lang ang paglutang sa karimlan at halumigmig ng gabi ng mga nakagiliwang awiting nakaukol, nakabukol sa Pasko. May mababanaag na kakatwang lamlam-lampara na sumisiyap yata habang sakmal ng dilim sa umiiral na panahon.

Lansag pati salansan ng titik ni Mang Levi Celerio sa kanyang “Pasko na namang muli”-- Naku, may coup, may coup na namang muli. Nasa Palasyo’y ngiwi’t napapaihi. Naku, may coup, may coup na namang muli. Pero hindi yata maaari.

Baka kasi lumabis na naman ang laklak ng aming iniirog na currant-flavored vodka. Kaya tigmak sa galak ang pagtaktak ng himig, pati sa mga ibinubulalas sa cajoling… quarreling.. Ano na nga ba ang angkop na katagang tumutukoy sa pananapatan sa mga bahay-bahay? Harana o harang na? Pangangaluluwa o luwa ang panga ng mga walang kaluluwa?

Kung anu-ano na lang ang ibinubunghalit kasi para makaamot ng kahit konting barya.

“Ang Pasko ay sumabit. Bonus namin ay inahit.”

Silent na. Nahuli na. Oil is high. All can sigh ‘round yon pump prices high. Luli’t impaktang nanay ay nakakahimatay…”

Wreck the polls with Hello Garci, fa-la-la-la-la panalo na. ‘Tis our reason to be jolly, tulala sila natalo pa!”

“Satan’s claws are coming.. kantutown!…”

“We wish you a messy crisis, we wish you a messy crisis, we wish you messy crisis and a used underwear.”

Pati ba naman mga nabibilang sa tinatawag na kapisanang linis-tubo’y binabago ang “Whispering Hope”—Supsop the boys?

Kahit na ano pang pangkat at pulutong na aalulong ng mga napapanahong himig sa tapat ng aming tahanan, lagi’t lagi namang sasabihan ng madalas ding iungot sa mga seksing tindera saanmang palengke dahil nais naming makatipid at matabtaban nang kahit kaunti kahit kapiraso lang naman ang nakakasindak na taas ng halaga ng mga bilihin pero hindi naman itinataas ng tindera ang kanyang palda at ibinababa ang kanyang panties, este, hindi naman itinataas ang sahod at ibinababa ang presyo ng bilihin:

“Patawad po.”

Saka dudugtungan: “Kung ang isang Erap na hinatulan na ng Sandiganbayan sa salang pandarambong at pangungurakot sa salapi ng taxpayers ay pinapatawad, kami pa kayang kawawang taxpayer ang hindi bibigyan ng patawad?”

Kapag may umuungot naman ng regalo o may kalabit-penge na nagpapahiwatig na mabigyan ng kahit duling na singko, tiyak na hihirit ng ganito: “Merry Christmas, sir.”

Kagyat na susuklian naman ng ganito: “Happy Valentine to you, too!”

Saka ipapaliwanag sa kumag na lubhang mapanganib ang yugtong ito ng panahon—maligayang ika-47 kaarawan nga pala sa aking kampon sa Journal Online, si Oliviaria Manaois na sa mismong pinakamaikling araw sa kabuuan ng bawat taon o winter solstice ang kapanganakan—at laging nakaamba ang makayanig-bulsang kapahamakan lalo na kapag sinalakay na ng mga inaanak na iisa lang ang ihihirit, “Money po ninong!” habang nagbabanta naman ang napakaraming pagkakataon para sumibasib ng lamon kaya sandamakmak na triglycerides, low density lipoproteins, at samut-saring lason ang sasalin sa katawan na karaniwang magiging sanhi ng ataque de cabeza y infarto, diabetes mellitus, constipation, erectile dysfunction, flatulence, acute income deficiency syndrome, cash shortage, at iba pang kahindik-hindik na pinsala sa katawan.

Lilinawin sa kausap na mas mainam pa rin ang Araw ng mga Puso. Solamente coño aguado es servido. Malinamnam na, healthy eating pa.

Saturday, December 08, 2007

Tinubuan ng tahid, tinubuan ng sungay

NAGBALIBAG-BLOG pa siya bago lubusang lumisan. Atake de cabeza’t samut-saring pinsala sa menudencia—end organ damage-- ang humigop sa kanyang huling hininga, kabilang sa mga sinaklot at sasaklutin pa ng walang pangiming pagkain.

Pinatulan pa ang pakulo sa Peninsula nina Trillanes—na ikinibit-balikat lang namin ng balikat ng mga katoto sa tunggaan. Humahakbang kami sa iisang panahon-- pero magkaiba ng landas, magkaiba ng antas o taas. Kaya magkaiba ng tanaw sa anumang nagaganap. Kung banta sa demokrasya ang tingin niya sa gaya ni Trillanes, singaw na butlig na lang sa paningin namin ang ganoon. Kung sa sakit, palatandaan na lang ng mas talamak na pinsala—end organ damage.

Katangian mismo ng mga tao ang nagtatakda ng katangian o katangahan ng demokrasya’t anumang paiiraling paraan sa pamamahala.

Madaling humagilap ng matingkad na halimbawa.

Ni sampirasong identification card, hindi inungkat kay Yoyoy Alano sa kanyang buwanang walang sablay na deposito ng pondo sa sangay ng isang bangko sa kanilang bayan. So the bank factotums knew the regular depositor’s face like the palms of their hands they masturbate with.

Santoneladang identification cards ang hinihingi kay Yoyoy nang minsang mag-withdraw siya ng pondo—ni hindi naman isasara ang bank account. Walang maipakitang pagkakakilanlan, pero tuwinang nakasupalpal naman ang hilatsa ng kanyang pagmumukha sa mga kawani ng bangko sa kanyang regular na lagak ng impok.

Payak na payo ang ibinigay: Since no one can positively identify you in that bank, we might as well do regular informal withdrawals—yeah, rape, robbery, whatever wicked fancy that can be done on those comely tellers and the bank itself. Their convoluted sense of identifying customers is a tempting go-ahead to the criminally minded. And who can resist temptations for such fierce pleasures?

Divine intent or lofty content of every whit of rule and regulation hinges on people
Hudas the implementation.

Democracy can be a government of the people, by the people, and for the people—if there are genuine people in it
. Hindi naman tayo masinop sa ungkat at halungkat ng pagkatao.

Kaya nga matindi ang pamantayan ng pagiging Tao sa sinaunang obra daw ni Lao-Tse, ang Tao Te Ching—hindi basta nagkantutan, nagkabuntisan, inilabas sa puwerta, tao na.

Baka anyo lang ang sa Tao. Dapat na maungkat ang pagkatao. Hindi lahat na anyong tao, maituturing na tao. Paano kung mas marami sa mga naglipana saanman—sa gobyerno’t sa mga sambahayan saan-saan-- ang hindi talaga tao kundi hunyango?

Matagal na kaming tinamad sa pagsisiyasat sa mga nakatindig na pamamaraan at institusyon—dambuhala ang mga sukat. Kung yayakapin at iinuhin, baka matulad lang kami sa kuwentong bayan ukol anim na bulag. Kumapa sa elepante. Tama silang lahat sa natuklasan. Pero mali pa rin silang lahat.

Kaya marahil pagkatao’t pekpek na lang ang nakakahiligang kapain—madalas na tama. Matapos ang ganoong pagsisiyasat, madalas din ang toma.

Nakapagbalibag-blog pa ang dating katoto bago tuluyang lumisan. Nahapyawan ko pa ang kanyang anyo nitong nakaraang Setyembre sa isang piging—sa Manila Peninsula rin. Hindi ko na siya nilapitan. Nagsisimula na ang pagsingaw ng sansang mula end organ damage. Nahihimay nang unti-unti ang kalamnan sa loob ng katawan.

Maihahambing sa unti-unting naaagnas na pagkatao ng mga kunwang tao. Oops, nahapyawan ko pala minsan ang katuturan ng katagang “sangkatauhan” sa Qur’an—alamin! Alam = mundo. At lumilitaw na kabilang ang mga djinn at maligno, engkanto, hayup, halaman, at samut-saring anyo ng buhay sa buong mundo.

Kaya yata nahihilig kami sa kamunduhan…. Marami pa kasing hindi alam.

Ya Allah rab al-Alamin!

Friday, December 07, 2007

'Yung mga pusang gala

NAPABALIKWAS ako, alas tres yata ng madaling araw, nag-usisa sa sarili: “Sa’n ako naro’n?”

Todo bangenge pala sa toma nitong nakaraang gabi, nabitbit na lang ako ng Ninong Conrado mo sa bahay niya’t baka may makadyot o malaplap na naman ako—kabi-kabila kasi ang dala kong balaraw na bawal raw sa lukbutan. Umiigkas na lang. Susuksok, kakayod sa laman. Udyok yata ng muscle memory—bata pa ‘ko nang masanay kumatay ng baka’t baboy, menudencia’t leeg ang nilalapa.

Kapag ganoong oras bago magbukang-liwayway, mararamdaman kasi sa paanan ang dampi ng katawan ng pusa—karaniwang si Shampoo o si Bhatman ang nakabaluktot sa aking paanan. Baka hinihitit ang pumasok na singaw ng lupa sa aking katawan. Posible rin na pinapalis ang mga masamang alimuom na nasagap ko sa buong maghapon.

Naglunoy kasi kami sa usapan ni Ka Teo—tatlo ang naging supling nila ni Sol, bunso na lang ang nagkokolehiyo’t tiyak na papalaot din sa trabaho kapag nakatapos. Maiiwan silang magkabiyak sa kanilang lunggang condominium unit sa Buendia Avenue, Makati. May kani-kaniyang buhay na ang mga dating paslit.

Bahagi ito ng pagsuong sa dapithapon ng pamumuhay. Dapat lang na ilaan sa mga talagang mahal sa buhay ang buong panahon. ‘Yung mga tapat na katoto, kaibigan, at kapilas-puso. It’s an enriching investment for such a priceless thing as time.

Pareho kami na Ka Teo na dumaraan sa ganitong karanasan. Paparating pa lang sa ganitong yugto ang Ninong Conrado mo—dalawa ang supling, kapwa nasa kolehiyo na rin. Kaya subsob naman siya sa samut-saring pagkakaabalahan bukod sa hanapbuhay namin sa pagsusulat, pananaliksik, pagkalap ng dagdag pang kaalaman. Dito na kami nakatutok.

Aso’t pusa na lang nga ang mapag-uukulan ng aruga’t pagsubaybay—may sinsing umano si Haring Solomon na nagbibigay sa kanya ng kakayahan para maunawa’t makipag-usap sa iba’t ibang hayup. Iba pa rin ang mga abang animal. Kung anu-anong larawan ang kanilang ibabangon, pupukawin sa ubod ng kalooban. Lalo na sa tinatawag na earth energy center ng katawan, ‘yun bang root chakra sa gawing pinakatuntungan ng gulugod. At malakas ang kutob ko na nagbibigay ng energy supplements at pangontra sa kanser ang mga kumag na pusa. With their proverbial nine lives, they’ll be wont to spare some for their keepers.

May isa sa mga naiibang nobelang pangkomiks si Mars Ravelo. Nahapyawan ko nitong 1960s. Tungkol sa padre de pamilya na binigyan ng kapangyarihan para marinig ang iniisip ng bawat nilalang—kabilang na nga ang mga hayup. Halos sumambulat ang bungo niya sa salimbayan ng walang patumanggang ingay. Walang humpay ang ragasa ng mga kawan-kawan, kawing-kawing na alalahanin at pangamba. At nagkagutay-gutay na masahol pa sa basahan ang tiwala niya sa kapwa-tao. Pawang paimbabaw lang ang pakikitungo. Natatangi ang kanyang alagang aso. Talagang nagmamahal sa kanya—unconditional love, walang bahid ng imbot at pansariling kapakanan. Ni hindi umaasam na bibigyan ng pagkain.

Sina Mischa, Oca’t Monster ang katabi ngayon sa pagtulog ng tatlong kumag na kuting na pawang itim—Marduk, Zahrim at Zahgurim. Bagong karanasan para sa mga aso natin. Magkasiping man sa pagtulog, hiwalay pa rin sa pagkain. Minsan nang nakatikim ng walang patid na halihaw-kalmot si Oca kina Shampoo at Pin-yin nang tinangkang sagpangin ang isang kuting. Napaihi sa hapdi si Oca. Halos humagulgol.

Tuwing babati ako sa umaga’t kay Amaterazu O-Kami, hangos na sasampa sina Marduk at Zahrim sa akin—nakakatuwa ang mga lekat. Ah, such tender unconditional love nudged with tough tendril talons.

Kuhollywood

HINUHUBOG daw ng media ang kaisipan ng balana. Baka naman hinuhubog na ng balana ang kukote ng nasa media. O baka aarukin muna ng media ang umiiral na katangahan ng tanan. Saka aangkupan ng katangahan. Bigay-hilig.

Kung ibabatay sa paliwanag noon ni media guru Marshall McLuhan na bawat umaga’y maglublublob para maligo sa media ang balana, maiisip na mas marami yata ang nais maglunoy sa kumunoy. At mas marami ang nais magtampisaw sa lubluban ng kalabaw. Hindi masaya ang sanghaya ng katotohanan.

Kaya nga ipinahiwatig na sa uhuging ‘yon sa aming e-mail group ang paraan para maisupalpal sa bahalanang mambabasa ang nauukol at mailululan sa kanilang kinauululan.

Ipilit, ipilipit at ipihit kahit na usaping pamayanan at pangkabuhayan sa mga artista’t sikat na hinahangaan. Ayaw namang maniwala ng kumag. Na tiyak sisipsipin ng tanan ang bawat makabuluhang usapin kung ihahain bilang kakaibang putahe ng pagkain na nanggigitata sa gata: Kuhollywood!

Dull it may sound. Aba’y katunog niyon ang may pinakamalaking bilang ng mga nakasubaybay na Penoy bugok sa buong daigdig. Mantakin naman. Saanmang singit, tumbong at kili-kili ng daigdig na may Penoy bugok.

Curry favor—and exotic flavors—with the teeming maggots of Penoy bugok readers the world over, try Bulbollywood!

Or go dog-rabid, spread a plague of lockjaw among the more numerous audiences shocked and awed at every tidbit of trivia swirling like sewage on entertainment celebrities—Kahollywood ulollywood!

It’s a tack not easily taken.

Huwag nang pansinin pa ang lapidang isinalampak ni H. L. Mencken sa inilathala niyang pahayagan noon pang 1912, “Katumbas ng isang sibilisadong mambabasa ang sanlibong walang laman ang ulo.” 1:1,000? But we favor quantity over quality these days. Parang hindi na angkop sa ating kasalukuyang sabilisasyon—pulos bili—at destabilisasyon ang ganoong pagsukat sa nalalaman at nilalaman ng mambabasa.

Sa makulay na mga salitang madalas masambit ng yumaong Damian Sotto nitong mga taon ng 1950 hanggang 1960 sa himpapawid para mapukaw ang mga tagapakinig: “Hindi ko sinasabing mga hindot kayo!”

Kaya dapat maibunyag sa balana ang talagang sanhi nang muntik nang itapat sa kaarawan yata ni Andres Bonifacio ang namputscha talagang agaw-eksena ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Makati Peniskula. Para magdiwang, magpugay sa pangalan ng naturang bayani. Andres = maghubo’t hubad. Bonifacio = ibuyangyang sa madla ang kanyang itinatagong buni! Show and tell on nationwide TV coverage!

Para makapag-ulat, gagayahin naman ng sandamakmak na peryodista ang pahiwatig sa pangalan ng isa pang bayani—Jose Rizalsal!

At tiyak na mapupukaw ang pag-ibig sa sariling bayan ng sambayanan na nais lumipad-dumapo sa Amerika.

Ihiwa rin sa pahiwatig na baka hindi binayaran ng P100 ang 12-anyos na batang taga-Davao kahit ilang ulit na siyang tinitikman, gagamitin pa naman sana niya sa school project ang P100 na laspag isang araw sa sinumang talamak ang pagiging text maniac sa pakikipagdutdutan ng kung anu-ano lang. May magpapakamatay na pala sa ganoong halaga…

Teka, matagal nang idinikdik ‘yan ng mga mananaliksik ukol sa mind-set ng mga hikahos—homicidal-suicidal. Mahirap na raw kasing mabuhay sa ngayon pero konti lang sa kanila ang nagpapakamatay. Laging maghahanap ng damay.

(Samantala, nakatunganga pa rin ang sumusubaybay habang nagsusulat ng pitak na ito. Ganoon at ganoon sa buong maghapon at magdamag ang inutil na ‘yon… Nakatunganga. Pensionado ng OFW. Walang sariling pamumuhay na tututukan kundi pamumuhay ng iba. Penoy bugok din po ‘yon, ni hindi nga inaalam kung ano na ang nagaganap sa bansa at sa mundo, aasahang uungkatin ng kupal na ‘yon ang usad ng sariling pamumuhay?)

Dapat na maaliw ang balana na kinabibilangan ng Penoy bugok na nakatutok sa pagsusulat nito. Kailangang maghagilap ng mga kakaiba’t kakatwang sangkap para maihain, maitapat sa kanilang natatangi’t pihikang panlasa.

Dapat itampok para sipsipin ang kuhollywood!

Itanghal at ibandila ang ulollywood!

At huwag na huwag kaming sisihin kung bakit naglipana na ang mga gunggong at tanga—dahil ganoon talaga sila, mwa-ha-ha-haw!

Kunsintidor lang po kami.