Thursday, February 07, 2008

Pagkatapos ng Araw ng Ekis

NAKASALAMPAK ang tatak na ekis sa mapa ng kayamanan. Batay ang ganoon sa katakut-takot nang pelikula’t nobela sa komiks na nasumpungan namin sa kamusmusan—hanggang sa Indiana Jones and the Last Crusade na walang pasubali pang naglantad ng napakalaking ekis (I, II, III… VIII, IX…) sa lapag ng katedral bilang palatandaan sa ibinaong kayamanan na mahuhukay.

Ganoong gunita ang sasagi sa isipan tuwing “Araw ng X Rating” na pasakalye pala sa Semana Santa. Can’t help thinking that X marks the spot.

Maybe Graffenberg’s la bella loca in which multiple orgasms can be triggered through firm digital probing pressure—now that’s something to treasure.

Maybe there’s pirates’ cache of booty buried there that can be unearthed and brought to light—ba’t pulos yata DVD ng pelikula, computer software saka music albums in MP3 format?

Baka naman itinatak ang ekis sa noo dahil unfit for public viewing ang anumang nakasiksik sa kaloob-looban ng mga bumbunang natarakan ng X rating? X is Roman Catholic numeral for a perfect, oh, ten… masagwa yatang pukinggan ‘yon pero hindi kaya sampung pulgada ang hinihiling na maibaon sa anumang hukay na dapat mahalukay? Now that maybe something unfit for general patronage, the sort of viewing fare too often consigned into the realm of the censored.

Ipagpaumanhin na lang ng iba dahil hindi yata kami kabilang sa pila-balde tungong altar para matatakan ng ekis na abo sa noo para maipahiwatig o ikintal sa alaala na likha sa alikabok mula mga bituin, buntala’t yagit ng kalawakan ang aming katawang lupa kung saan, kung saan, kung saan-saan… talagang kakaiba ang ilandang ng aming isipan dahil hindi pa rin namin masikmura’t tahasang maatim ang karumal-dumal, kahindik-hindik, kasula-sulasok, kasuka-suka, kasuklam-suklam, karima-rimarim, buraot na pagsulpot ng “kung saan” sa mga pangungusap na ibinibisaklat sa media.

Hindi kami papayag na tatakan ng dos equis dahil mabigat sa bulsa ang pinakapopular yatang Corona cerveza sa lupalop ni Juan Manuel Marquez and it doesn’t help us any to be double-crossed or star-crossed. Equis? Kasintunog yata ng pagturing sa kabayo’t sa astig na dula ni Peter Shaffer ukol sa bathala ng mga mahilig mangabayo’t bumayo na hindi naman nadamay ang bayang karerista. Equus.

Hindi rin kami payag na tatakan ng XXX, hindi naman po kami ganoong kalaswa para ipagsigawan ang madalas na marinig sa mga paulit-ulit na nasunog—burnt again—“Praise the lewd!”

We may not be that math-sharp but there’s this sinking feeling a crossed sign like such daubed on one’s brows is a -- keep your eyes and fingers crossed-- tacit order for the bearer, “Go and multiply!” Heck, we remember from Sunday school that the setting for such a command was a multitude of Eden denizens that included two cheesecake figures, what were their names again, Edam and Eve?

In the context of such a setting, they were ordered to plunge, if memory serves me right, into livestock raising, fishery, animal husbandry, agronomy, soil science, and horticulture. And maybe rear a kid or two on the side.

Magbibigay-daan ang Araw ng X-Rating sa Day of Hangover Consciousness sa Pebrero 7, na natapat din sa ika-530 kaarawan ni Sir Thomas More, sumulat ng Utopia, “a man for all seasons,” “the honest politician”. Natapat din sa pagpasok ng taon ng Earth Rat o Dagang Lupa that trots out a new 12-year lunar cycle. Sa araw ding ito pasusumpain kami nina Dennis Fetalino, Ding Generoso at Lito Gagni kasama ng iba pang halal na board of trustees ng Dawn Alumni and Writers Network, Inc. ng aming idol na trailblazer taipan Dr. Lucio Tan.

Kung hei fat choy!

No comments: