Monday, February 11, 2008

Magandang balita sa maysakit na PTB—panay tunganga’t bunganga

HINDI namin maipapayo na ayusin ang pagkain—palatandaan lang naman kasi ng karimarimarim na kinakain sa araw-araw ang sakit na PTB o panay tunganga’t bunganga sa ginagawa ng kahanggan o ‘yung nasa kanto ang pamamahay at lalong hindi naman kayo mababayaran ni singkong duling sa inyong running commentary na hindi naman susunog ng nanggigitatang empty calories sa katawan since such exercise in running runs as fast as a runny nose and won’t cover mileage nor nudge an inch of a diseased, corrupted body such as yours, pwe-he-he-he!

Madalas naman kayong malipasan ng gutom dahil ‘yang sakit na PTB o panay tunganga’t bunganga ay sakit din talaga ng mga may attention deficit hyperactive disorder (ADHD), the hyperactive portion’s just the tongue which keeps on spilling the same oral diarrhea and perpetual flatulence. Pinapasok ng hangin ang bumbunan ng mga nalilipasan ang gutom. Kaya pulos utot ang lumalabas na mas angkop na sumingaw sa butas ng tumbong—iyang nagtatanim ng masamang hangin, laging utot ang aanihin.

Pero mainam na ituloy na lang sa ayuno ang pagpapalipas ng gutom habang nagpapalipas ng napakahalagang panahon sa mga walang halagang bagay na sanhi nga ng wala yatang lunas na sakit na PTB, panay tunganga’t bunganga.

Wala na rin kaming panahon para magturo ng mga aralin sa qigong o sining ng hininga upang isalin sa katawan ang mga alimuom at anuman mula sa apat na panig ng lupain, pati na balani’t kuryente mula kailaliman ng lupa—mas makabubuti sa mundo na mapugto na ang inyong mabahong hininga, mababawasan ang polusyon sa paligid.

Saka ang gawi ng mga gaya ninyo’y nagpapahiwatig lang ng kawalan ng pinag-aralan, kawalan ng kaalaman at nilalaman ng pagkatao. There’s too little hour in a 24-hour day to keep in step with the soaring flight of every moment, ah, Stephen King’s pet critters “The Langoliers” have this nasty habit of chomping up the wasted hours of louts (louts and nits included in that diet) that pile up into days, weeks… months… years… priceless nuggets of time that might have been more wisely invested and made more valuable by worthy people.

Kapag bunganga lang ang ipinapagpag na walang humpay, hindi talaga maaantig ni mauuntag na bumubo ang endorphins at mga kauri nitong hormones sa utak, such sort of secretions from ductless glands that impart a sense of well-being and inner equilibrium bordering on a magical equipoise.

Sa mga nais naman na humakbang sa matalim na landas na tinatahak at tinatarakan ng yapak ng mga curandera o manggagaway at brujo o mangkokolum, magtungo sa ilang o liblib na lunan, sumalampak ng upo sa ibabaw ng batumbuhay—mas mainam kung higanteng tipak na ibinuga ng bulkan—at tuktukan ng bato ang ibabaw ng inuupuan, walang humpay sa loob ng apat na maghapon at magdamag o 96 na oras habang nag-aayuno, kailangang walang laman ang sikmura sa ganoong panahong singkad. The in-dwelling spirit of the stone shows up on the fourth day of the fast to comfort you and lend a hand in your tasks. Offer the spirit gifts of tobacco—a soft pack of Philip Morris 100s suffices—and coins of the realm. Maaari ka nang manigarilyo pagkatapos ng naturang rituwal, ligtas na sa mga sinasabing sakit at karamdaman kaugnay ng yosi kadiri.

Or try the Munjiat Shalawat verse if you’re not inclined to trekking to desolate places or truculent topographies and would like to find enchantment in the solace of the household altar or prayer room.

“It is said that whosoever recites the prayer verse below for 1000 times at midnight will have his/her desires, whether mundane or spiritual, manifested or granted to him/her by Allah--faster than lightning!

"Allaahumma shalli 'alaa sayyidinaa muhammadin shalaatan tunjiinaa bihaa min jamii'il ahwaali wal aafaat. Wataqdhii lanaa bihaa min jamii'il haajaat. Watuthahhirunaa bihaa min jamii'issayyi-aat. Watarfa'unaa bihaa 'indaka a'laddarajaat. Watuballighunaa bihaa aqshal ghaayaat. Minjamii'il khairaat filhayaati waba'dal mamaat. Washalaahu 'alaa khairi khalqihii sayyidinaa muhammadin wa'alaa aalihii washahbihii wasallam.

Now, do you really desire to do away with the so-called First Couple?
Mwa-ha-ha-haw!

No comments: