Monday, February 18, 2008

Biglang-bigla nitong isang tag-araw

MUSMOS pa ang ikatlong supling nang maisama sa dalisayan ng krudo sa Tabangao, Batangas upang magpanayam sa ilang lider-kabataan na tagaroon. Mas malupit ang nahagip na kuwento’t kuwenta sa isang kawani ng dalisayan. Isang naiibang paglalahad ng dula, kay Tennessee Williams—Suddenly Last Summer.

Dalawa lang silang magkapatid—nasadlak nga ang kausap na panganay sa dalisayan ng krudo. Nagpakadalubhasa naman sa pangangalaga ng kalusugan at pamamahala ng negosyo ang kanyang kapatid na babae, masabaw, makapitlag-puso’t makabungkal-puson ang halina. Ah, halina na dinaglat mula mahar linga, tumescent flagpole erected into yummy manhole.

Wala naman palang balak si bunso na magkumahog na dumayo sa ibayong lupalop upang magkalkal ng greenbacks, green card, and greener pastures. Ni hindi nga namasukan sa alinmang klinika’t ospital sa kanilang lalawigan o nakipagsapalaran pa sa Metro Manila. Nanatili lang sa kanilang tahanan ang kabigha-bighaning binibini.

Kakatwa ang katwiran at mga inilahad niyang dahilan. Lintik lang ang walang ganti. Kaya gaganti siya sa napakahabang panahon ng pagkalinga’t pagsubaybay ng kanyang mga magulang. Muy siempre, gulantang sa mangha ang nanay at tatay.

Iba ang pihit ng pinanindigang pasya ng bunso sa ikid ng Suddenly Last Summer, sandamakmak na dahilan at pagkukunwa ang isinalang ng huklubang ina para mapanatili sa kanilang pamamahay ang anak na babae, ah, that crone had to feign disability and bound herself to a wheelchair and had to be plied with maintenance medications for her whacked out heart condition.

Ganoon din naman ang nagiging papel ng ating hukbo ng mga caregivers na nandayuhan sa ibang lupalop. Mahilab-hilab na sahod ang kapalit ng ganoong paglilingkod sa mga maysakit, may kapansanan pero may salaping pantustos, whose families would rather dump them in nursing homes and cough up sums for the hands that would tend to the elders.

Sabik din naman na makatikim ng luto ng Diyos ang palangga na ginagawang pindangga sa nabanggit na dula. Nagkaroon ng manliligaw—nagkatikiman naman at tahasang nasarapan. I’ve seen a variant to this script in which the hag of a matriarch actually does in and inters her spinster daughter’s string of lovers right in the family home yard.

Humahaginit na lintik at dagundong-kulog ang sangkatutak na sumbatan nang matimbog ang tunay na kalagayan ng ina na nagbalagoong, naglosyang sa kanyang anak. Mahilig tumunganga sa maingay malutong na arnisan ng laway, sumbat at murahan ang mga Pinoy pero hindi pa yata ginagawang sangkap ang ganitong kuwento sa mga nakabisaklat na telenovela sa kasalukuyan, o, ano pa’ng hinihintay n’yo?

Nabanggit ng kausap na andap ang mga kahit nagbabalak pa lang na lumigaw sa kanyang kapatid na babae. Maganda na’t mataas ang pinag-aralan, matalino pa raw kaya nahihirapang makatagpo ng kasukat na makakausap man lang na matino’t makatuturan. Saka hindi iilan ang kanilang ari-arian at kabuhayan. ‘Kako’y kapag napadaan ako sa kanilang lalawigan, sasadyain ko ang kanilang bunso’t bubugahan ko ng matinding gayuma. Para bumigay. Saka mapunlaan ng binhing mahusay, mwa-ha-ha-ha-haw!

Napahalakhak lang din ang kausap sa ganoong tudyo.

Ah, there’s the fierce fealty of felines. Tulad nga ni Bhatman na hinalaw sa Egyptian goddess of cats ang ngalan, lagi’t laging nakaantabay sa pasamano ng kalapit na bintana ng tinutulugan namin, laging humihibik at nananawagan. Lagi’t laging idadantay ang kabuuan ng katawan kahit man lang sa aking paanan. Tulad din ni Marduk, named after the Sumerian divinity, magpupumilit sumampa sa aking kaliwang balikat, may kung anong ibinubulong… Remind me next time to fashion a duplicate of King Solomon’s ring that’ll allow some understanding of what humble creation is confiding to me.

And include canine loyalty sumala man kami sa pagbibigay ng pagkain, mananatili sa piling ng sariling pamamahay ang mga kumag na aso. And as they grow in numbers, love multiplies.

There’s always the company of cats and curs. Nakakaawa din talaga ang mga tumatanda as their erstwhile fledglings seek out their own places in the sun; leave the family roost, live lives of their own.

Parang kailan lang ang tag-araw nang magsadya kami ng anak sa Tabangao. Abala na ang diyaske sa kanyang trabaho’t nobyang tinatrabaho.

No comments: