THEY’RE bait for drawing fire. Kahit sa pagpapatrulya ng mga kawal sa mga lunan ng pananambang, mga maliligo sa ulan ng punglo ang pinapauna. Mga nakayapak. Parang Antheus ng alamat na kailangang walang sagabal sa dampi ng alinmang bahagi ng katawan sa Inang Lupa, kay Gaea. Para hindi mawalan ng lakas, para hindi raw tablan ng bala.
Dapaan at iglap na tila maglalaho sa dawag ang mga kawal sa unang buga ng putok ng mga mananambang—pero hindi matitinag ang mga ipinain, kakanlong lang na bahagya sa puno o kahit punong saging, tindig pa rin, makikipagwalisan ng putok. Mapapansin na nililihisan sila ng bala. Iniiwasan yata. At sa magaganap na suklian ng putok, matutukoy ang kanlungan ng mga tumambang… madali nang pulbusin ng kahit mortar o helicopter gunship.
Mga Ilaga ang nakapain sa putukan.
Meron nang gumawa ng pelikula sa buhay ng isang Feliciano Luces alias Kumander Toothpick, talagang payat na payat… kaya marahil hindi masapol kahit bugahan ng .12 gauge special purpose assault shotgun ang sinasabing kapural ng pangkating Ilaga na naghasik ng lagim sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao sapul dekada 1970.
Hayaan nating ungkatin na lang ng mga mapanaliksik anuman ang lihim… kung bakit lagi silang nakayapak para manatili ang bisa ng taglay na agimat o dupil laban sa bala… kung bakit panig sila sa pamahalaan at walang pangiming makikipagratratan sa mga rebeldeng Muslim… kung bakit kailangan pa nilang mag-alay ng mga dasal-pampoder sa araw-araw upang mapalawig yata ang expiry date ng itinatago nilang anting-anting na mas matipid nga naman kaysa mag-apply ng passport sa DFA… kung naniniwala ba sila sa salawikaing Pilipino na “kapag may tiyaga may Ilaga.”
Sinasabing taon ng Ilaga o dagang lupa ang 2008. Kaya naman naisipan naming ipaalam sa mga mahilig sa naiibang pagkain ang isang natatanging lutuin na ang pangunahing sangkap ay-- now hold your breath and let’s not get squeamish about this—daga! Not the sort that hole up in city sewers feeding on the detritus of civilization but the ilk that fattens on sugar cane or paddy rice—they sport a coat of golden brown, slick and gleaming in the sun and as scurrilous as their city-bred kin.
Masaya din ang paghaplit ng kawayang siit sa mga dagang tumatalilis habang nagliliyab ang kanilang kanlungang tubuhan—talagang sinusunog ang tubuhan kapag tatabasin na, tila talahib din na namumulaklak ng ulap kapag sapat na ang gulang. Samut-saring animal ang pupulas palabas, guguhit na tila kidlat mula naglalagablab na tubuhan, Maraming mahahagip na mailuluto ang maliksi’t bihasang pumilantik ng siit ng kawayan o kahit palasan—ulupong o sawa, pugo’t tikling, may naliligaw ding bayawak… pinakamarami sa mga pumupulas patakas sa impiyernong liyab ang daga, sandangkal ang haba’t 2-3 pulgada ang lapad ng katawan, walang taba’t pulos laman at lalong walang diabetes mellitus kahit hilaw na asukal ang walang sawang nilalantakan.
Mahigit sangkilo ang sandosenang piraso—talupan ng balat, pugutan ng ulo’t alisin ang mga laman loob pero itabi ang atay. Ibabad ng mga kalahating oras sa santasang sukang sasa (only the finest nipa palm vinegar will do), kalahating tasang toyo, tatlong kutsaritang Worcestershire sauce, tatlong kutsarang hinebra, isang kutsaritang durog na paminta, atay ng daga, at dinikdik na dalawang ulo ng bawang Ilokos.
Magpainit ng kalahating tasang mantika sa kawali. Kapag masigla na ang sagitsit-singaw ng usok, ihulog ang mga tilad na daga. Sangkutsahin hanggang sa halos pumula saka ibuhos ang pinagbabaran kasama ang atay. Takpan at hayaang maluto nang tuyo— pero huwag susunugin dahil kagagaling lang ng mga kawawang daga sa sunog sa tubuhan. Serve piping hot with chopped coriander on top. Buen provecho!
Cane field rat meat is a tad sweetish like Pacific salmon and a bit stringy and gamey not unlike wild boar’s flesh, made so by its free range foraging habits.
Saturday, February 09, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment