NA mahigit sanlinggong nawala, naligaw yata’t nakahiligan ang gumala ng diyaskeng kuting.
Diyaske? Balbal na parirala ‘yon. Español. Dios que. Kapara ng madalas masambit sa Batangas na “ala eh,” nahugot naman mula sa Arabic na “Allahu” na tumutukoy din sa Maykapal. Nagkukubling anino sa mga madalas masambit o mausal na salita ang diwa ng makapangyarihan sa lahat.
Why, even the innocuous-sounding English interjection, “gee!” isn’t referring to gravity’s downward tug of 32 feet per squared second to bring us back to earth’s bound—it’s a reference to Jesus Christ just as the frantic outcry “holy smoke!” pertains to the burning bush that Moses chanced upon in Mount Sinai.
Nakakatuwa ang mga ganoong kakatwang katagang nasasambit—hindi tahasang binibigkas bilang bahagi sa balangkas ng pangungusap, naidadagdag lang na tila palamuti’t nalimot na gunita ukol sa kapangyarihang nakatahan sa bingit ng ating ulirat, the divine omnipotence, the deity or demiurge dwelling at the honed edge of awareness.
Muscle memory operates similarly. You have drilled various parts of your body in various movements and artifices of close quarters combat, romped off in devil-may-care playful antics of childhood games and fun activities… and the moves pertinent to situations at hand express themselves in an instant… no reflection, sheer reflex action that comes out naturally. Play, pray, parlay! There’s so much sense in these, sense of humor including such that when it turns dour, sense of tumor, often malignant, takes over…
Kasi sumalin na sa laman ang kaalaman and such know-how doesn’t take up too much space, imperceptible but palpable. Parang sina Marduk, Zahrim, at Zahgurim—hindi pa rin bumabalik itong huli’t talagang maituturing na nating puga, pusang gala—na pinalabas na nga para hindi na kung saan-saang sulok ng bahay mag-iiwan ng dumi. Paboritong laruin nina Mischa’t Bitoy si Zahgurim, sinasakmal-sakmal sa batok, dinidila-dilaan kaya laging mukhang bagong paligo.
Hinango mula sa aklat ng mga patay na ngalan at dalangin ang palayaw sa kanila—o, mas mahigpit kumapit ang inilapat na palayaw or pet name, connoting a heaping of ease and luxury upon the entity, ah, palayaw o “pala sa layaw” ang nasa ubod niyong kataga. Aklat ng mga patay na ngalan at dalangin: Necronomicon ni Abdul Al’hazred.
Marduk—he of four eyes, four ears and fire-breath-- is a Mesopotamian/Sumerian demiurge who made mincemeat of the ancient dragon deity Tiamat in single combat. As folklore in those parts has it, he fashioned the heavens and the earth, organized the year into months, and arranged the planets and stars. Out of Tiamat’s sections that Marduk cut up with his double-headed ax, he created the Tigris and Euphrates rivers, and turned her boobs into mountains…
Malaki ang hawig ni Marduk sa pusa nating Kwan Yin, bathaluman ng awa, na kapara naman ng gawi ni Zahrim—mahilig sumampa’t yumupyop sa kaliwang pigi ko kapag nakatalungko ako’t nagpupugay sa silangan tuwing umaga. Kakaiba ang kislap ng mga mata ni Zahrim, parang hindi sa pusa. Sa 50 pangalan ni Marduk na bawat isa’y may angking katangian at kapangyarihan, ika-22 si Zahrim. Sumerian lore has it Zahrim’s power destroys all opponents, it is said he can kill an entire army should their ends be evil—how puissant a name for this pusa!
Zahrim din ang pangalan ng isa nating aso noon na pinakamalaki ang bulas ng katawan—wala isa mang pangil sa bunganga, parang mga ngipin ng tao. At kapag tumangis, talagang umaagos ang luha sa mga mata… parang hindi aso.
Masaya nang magbungkal ng mga ganitong ngalan—para mahuhugot ang mga bathala na isinimpan sa isipan-- kaysa umapuhap sa mga artista na nakatambak lang sa pelikula.
Monday, February 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment