PAYAK ang pakay ng bawat pagdinig sa Kongreso— kahit sa mataas o mababaw na kapulungan. Sa huling yugto ng masinsinang pagdinig sa tulad ng mga inilahad nitong Rodolfo Noel Lozada Jr., kailangang bumalangkas ang lupon—that’s our not-too-hard-to-find word for committee—ng angkop na batas na tutugon sa umalingasaw na alingasngas. Batas na aakma upang masawata nang tuluyan ang ibinuyangyang na tila hindi kinukusot-kusot-sinasabon-pinapalu-palo-hinuhugasang bulaklak ng burikak na katiwalian.
Ganoon lang ang inaasam ng tulad naming kabilang sa may anim na milyong mambubuwis at nabubuwisit sa pagbabayad ng buwis sa mga mambabatas. Do your jobs, we somehow get our money’s worth.
Nasabihan kami na naging mambabatas din daw sa Mababang Kapulpulungan ang kasalukuyang legal counsel yata sa Palasyo. Pero hindi na kami magbubungkal sa paminggalan ng mga nabalangkas na panukala sa Kamara de Diputados (mas tipid na isalpak sa pangungusap ang Kamara lang para hindi na lulutang whatever sounds in English as litter off bitches or offspring of a whore). Hindi na mag-uusisa kung anuman ang binalangkas, binuno’t binuong panukala’t mungkahi niyong post-prandial haggle cancel, basta ganoon na rin ang tunog niyon ‘di ba?
And for those who bother to keep track of someone’s string of legislation, suffice to say character or history is simply the past catching up on the present, and ‘twill be in hot pursuit operations on into the person’s future. Ang gawi noon, magiging gawa ngayon hanggang sa hinaharap. Ganoon at ganoon ang ibubunyag sa saysay at kasaysayan ng sinuman, ninuman.
Batay sa mga ibinulalas na pahayag, mauunawa na ang isusulong na panukala ng dating mambabatas sa Mababang Kapulpulan: Bawal humagulgol, umalulong, tumangis o umiyak sa mga pagdinig sa anumang kapulungan, lalong lalo sa Senado para makaiwas sa emotional blackmail at mga makabagbag-damdamin, makapagpag-pusong eksena na aantig sa balana.
Madaling hulaan ang karampatang pataw na parusa sa sinumang lalabag sa ganoong batas, sakali mang lubusang mabalangkas at tuluyang mapagtibay: “They say he’s a Chinese from the province. Bagay sa iyo i-deport ka. Magulo ka dito.”
Himayin natin ang mga itatadhana ng ganoong panukala. Huwag ka nang mangahas pang tumuntong sa Metro Manila kung promdi ka—at layunin ng ganitong alituntunin na mapigil ang tinatawag na rural-to-urban migration para naman hindi magsikip sa nanggigita’t nanlilimahid na populasyon at pamahayan ang mga lungsod. And if there’s a clot of Chinese blood in your lineage, all the more you ought to be banned from setting foot in any Philippine metropolis.
Why so? Magulo ka dito. We’d rather have you deported, flung back to the boondocks where you belong in the first place—that’ll soon be duly covered by, and it’s likely to push through, the $329,481,290 national broadband network anyway. And take your lachrymal glands and sob tales, we’re having buckets of ‘em gushing forth from competing television networks.
And that’s how landmark legislation is crafted, the inspiration drawn from stark realities and kinks in space-time continuum that lawmakers and legal minds wrangle with in their waking hours.
Kung pakikinggan naman ang hinagpis ng Rodolfo Noel Lozada, Jr. and you’re a lawmaker worth the taxpayer’s money and the destitute future of the nation’s young resulting from incurring zillions of loans from every global and domestic lending institutions, crafting a decent piece of statute grounded on the realities he uncovered ought to be a piece of cake.
‘(I) deal with billion-peso projects and give (out) like P3.5 billion (in commissions), and they don’t even like it,” aniya na tinutukoy ang mga bugaw na naglipana sa gobyerno na magkakasa ng mga pokpok na proyekto, hindi naman sila ang kakaplugin at pagpaparausan ng libog kundi masabaw na proyektong pokpok nga.
Sapat na raw ang $65 milyon, sagad-buto sa kahayukan kapag $130 milyon ang tatabasan mula $329,481,290. Kahit daw hitik na hitik sa bunga ang punong nasa bayabasan, ang mga taong bundok daw ay hindi na pipitas ng bunga’t ipapaubaya na lang sa mga ibon.
We do math and come up with a 20% cut-- a 40% commission off a public works project to be funded by a foreign or domestic lending body isn’t decent anymore. Let’s peg the legislated wage cuts, oops, h’wag naman kayong aangal mga katotong kawal at obrero pero tasahan na lang sa sukat ng balisong na pantastas ng lalamunan at isaw ang pagiging hayok sa makukurakot.
Huwag na nating pukawin pa ang kaluluwa ng namayapang Damian Sotto, baka makarinig na naman tayo ng, “Hindi ko sinasabing mga hindot kayo…”
Friday, February 08, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment