Monday, February 18, 2008

Hindi naman kami nakatira sa polis

THIS shouldn’t sound Greek to you but we don’t dwell in the polis, that ancient maybe too Spartan a word for city state whose affairs of stewardship we’ve coined an abominable term for: politics. Politicos in the strictest meaning of the word are us. It’s us who look after, ensure the weal of our habitat and its inhabitants. It’s a tough act, a thankless job. Talagang mahirap malublob sa usapin at usapan hinggil sa matinong pag-ugit sa tahanang lunan, sa lumawak nang polis na sinasaklaw ang buong bansa.

We dwell out of this Third World. We inhabit certain realities that define our workaday lives, estranged somehow from squealing squalor of this land. Kaya hindi kami maganyak na makisangkot diyan sa paghahayag ng panawagan para kumalas sa kapit-bayawak na hawak sa luklukan ng Palasyo ang Ale Baba and Plenty Thieves, ah, some would sink in adoration or aberration—whatever’s more convenient-- really worship the very quicksand they’d tread upon.

And with the quality of the more numerous people we’re saddled with and in which we turn up leaders from, even rely upon to choose those who’d lead them, we might as well give up— o isalang na natin sa pamamahala sa pulitika ang tulad nina Lucio Tan, Salvador Enriquez, Washington Sycip or let’s have a clone of that meek Korean workaholic Kim Woo-choong or Thai monarch King Bhumibol to lead us not into temptation but deliver us from the likes of whatever we’re having these days.

Sino ba naman ang ayaw sa matinong pinuno? Hindi ba’t nag-uugat iyon sa katagang puno, nakasuksok sa lupa’t matatag ang paninindigan, anuman ang mahitit ng ugat na sustansiya sa kailaliman isasalin bilang malabay na mga sangang nagbibigay ng lilim, hitik-siksik-liglig-umaapaw sa pamumunga’t marami ang makikinabang? Mag-aapuhap na rin lang ng matibay na puno, akalain ba naman namin na ang masasalpak… bonsai?

Hirap din naman sa mga kumag, nag-aapuhap ng matinong liderato. Sa halip na usisain nang masinsinan ang sarili— hindi ka dapat manatiling buhay kung hindi sinusuri ang sariling buhay, giit nga ni Aristotle-- nakatingala lagi sa mahusay na pinuno. Aba’y hindi ba maninigas at mangangawit ang leeg ng mga ganyan na mahilig tumingala, not unless the empress we’ve enshrined up in high office isn’t wearing panties—kung walang masisipat na mainam sa pagitan ng tainga kahit na lang sa pagitan ng dalawang hita? Or as that innocent imp in the Hans Christian Andersen tale blurts out, “But she doesn’t have a stitch on!”

A ruler is also called a straight-edge but we’ve been having for ages an epidemic of crooks in both high and low places
, saan ka pa maghahagilap ng matuwid?

Aba’y dagdag lang sa mahaba nang listahan ng alingasaw ng nasilat na $329-milyong kontrata sa ZTE para maglatag ng national broadband network, ni hindi pa nga nalalantad ang mas masabaw na $500-milyong kontrata ng MWSS na wala pang pahintulot sa NEDA, at convicted grafter pa nga ang nakipagkasundo para umutang sa Export Import Bank of China ng ganoong halaga.

Nagpapadugo ng buwis ang polites o naninirahan sa polis. Sa dalawang kontrata pa lang pumapalo na halos sa U.S. $1 bilyon ang utang ng bansa. Para mabayaran ang mga hinayupak na utangna’ng yan, magsusulsol ang global credit bodies sa liderato ng pamahalaan para magdagdag-taas ng mga pataw na buwis—pinakamalupit nga ang 12% EVAT on manufactured goods, produktong petrolyo at professional fees. Kamukat-mukat, pati pambansang pantapal sa ngalngal ng sikmura o instant noodles which is a manufactured good, angat sa 12% ang presyo or pay the same price for less quantity of the good so you won’t feel the pinch.

Sa huling tuusan, pasanin ng karaniwang taumbayan ang bigat ng bawat utang na pinagkakuwaltahan ng mga pinunong tulisan. We’re saying that the polites or the body politic unwittingly engage in survival while their leaders hold them as ransom to bleed payments, do outright robbery and decent thievery on the polites.

The Greeks also have a word for those who don’t bother with polites. Idiotes.

No comments: