MATAPOS magwalis sa katamtamang lawak sa paligid ng pamamahay, that old woman who lives beside a Batangas town cemetery daubs kerosene on the lining of a lead mould depicting a cherub. Saka maghahalo ng ilang tabo ng semento’t pinong buhangin na isasalin sa tinggang hulmahan. Ilang araw lang tuyo na ang isinalpak sa hulma, madaling tungkabin sanhi ng gaas na ipinahid sa loob ng hulma. May bagong kerubin. Pero muling maghahalo ng apog at semento upang isadlak sa hulmahan.
Mayroon nang nakahanay na pulutong ng mga kongkretong kerubin, nakataliba sa harapan ng kanyang dampa—P50 ang tingi bawat anghel na pawang kuyom na kamay ng maamong mukhang nakasalpak sa pagitan ng bukakang pakpak,
Mabili marahil ang mga kerubin. Na karaniwang inilalapat sa mga nitso’t lapida, pati sa mga haligi ng trangkahan ng bahay na ligid ng pader.
Anyo lang ng kerubin ‘yon. Hindi talaga kerubin. Pero kahit hamak na kanaw ng buhangin at apog, maihuhulma sa molde na may ukab na anyo ng kerubin, matutuyo’t mahahango na ang nakalimbag na anyo ng nilalang mula pananampalataya. Anyo lang ang maitatakda ng hulmahan, hindi nito mapagbabago ang katangian ng anumang sangkap na isasalin sa hulma.
Think of the mould as something man-made as an institution. Shapes and forms can be borrowed by materials fitted into a mould but the intrinsic nature, content and substance of the materials stay the same. Anupa’t maisasalpak-luklok ang mga arrobo’t dorobo sa liyanera o hulmahan ng Palasyo o alinmang sangay ng gobyerno. Ipalit man ang parliamentary sa kasalukuyang hulmang presidential, hindi mapagbabago ng hulma ang mga kakayahan at likas na katangian ng isasalpak sa hulma. Kaya kahit matino ang mga sangay ng militar at pulisya, tiyak na may sasalpak at sasalpak na mga bugok, may anyo’t uniporme ng kawal, heneral o pulis. Pero hindi makatitiyak sa likas na katangian at katangahan.
Kakaiba man ang anyong kongkreto, tataglayin pa rin nito ang katangian ng mga sangkap na isinalang sa hulmahan—tila leche flan na sasapnan muna ng arnibal ang liyanera, bubuhusan ng pinaghalong pula ng itlog, ilang butil ng asin, ginadgad na balat ng dayap, at gatas kondensada na pasisingawan o isasalang sa hurno. Tataglayin ng nalutong sangkap leche flan ang hugis ng pinaghulmahang liyanera na karaniwang nakaumbok na hugis puso. I’ve yet to see a flan mould that’s shaped like a vulva which ought to be wickedly familiar, a delight to behold and hold. And eat, of course.
So enduring erection did cross my mind. Structures in stone—palisades and walls that define redoubts, keeps, and fortresses of times and climes past. Nakatambad kasi sa paningin ang mga malalaking tipak ng bahura o coral stone sa pampangin ng South China Sea na humihimod nga sa mga baybaying bayan ng Pangasinan. Tiyak na mas matigas kaysa batong dapi at adobeng bulik na hinahango sa tibagan ang bahura. Na mas mataas ang antas ng calcite and carbonate content, the same mineral compounds that make up human bones. Sasagi sa isipan ang anyo ng mga kalansay, ng mga matatag na gulugod, pati mga bahay na bato ng mga ninuno.
Hindi naman marahil dahop sa teknolohiya ng pagtabas ng bato ang panahong ito. Matatabas at mahuhubog sa angkop na sukat ang mga dambuhalang tipak ng bahura. Magiging kakaibang tisa —minasang putik at tadtad na dayami ang mga pangunahing sangkap ng tisa, isinalang sa impiyernong init para mapanatili ang itinakdang anyo,
Kung walang mahagilap na diamond-tipped drills or rotary saws for cutting huge coral stone boulders into sizes suitable for stacking up as walls or posts, kahit na concrete hollow block maker na lang. O maski hulmahan sa pagbuo ng tisa. Coral stone chips or dust can be mixed with mortar and turned up as CHB or tile pieces in huge quantities. The porous calcite/carbonate material will retain its lightweight, soundproofing, heat insulating qualities.
Nakatiwangwang pa lang sa dalampasigan ang mga mainam na sangkap sa paglikha ng mga haligi’t pader ng ititindig na tahanan. Naghihintay lang ng masikhay at malikhaing kamay na kukupkop, magsisinop.
Monday, February 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment