ERMITANYO yata ako nang masulat ‘to, gusto ko lang mailahad muli—konti lang kasi ang nakasagap sa alimuom nito:
Mula sa "hintay ka muna" ang teka muna– wait a while, take five, shoot the breeze, some patience please.
Mula naman ang "muna" sa mouna. May hiwatig ang kataga sa matatag, matikas na pagtindig ng bundok – na isinasaad sa himaymay ng ilang wikang Malayo-Polynesian. Mauungkat nating halimbawa ang bundok sa Hawaii – merong Mouna Loa, may Mouna Kea… walang Mouna Lisa, mwa-ha-ha-haw!
Malalim na nakaugat sa wikang Sanskrit ang mouna. "Perfectly constructed language" ang tahasang katuturan ng Sanskrit. Binalangkas, hinubog ang naturang wika upang mabisang makipagtalastasan at tuwirang makipag-ugnay sa Maykapal.
Teka: samut-sari ang hinuha’t hinala sa pinagmulan ng wika. Isa sa pinakahuling hinuha, ibinaon sa himaymay ng laman ang balangkas ng wika. A human genetic anomaly spun off the growth of human language, so this most recent theory would have it. Nakasuksok-silid sa hibla ng ating laman ang wika?
Balik-bungkal tayo sa nailahad ukol sa random letter code sequence – mga hanay ng tatak na titik – sa human chromosome, G, A, T, at C. Yes, my beloved reader, go see anew the film, "Gattaca." Grab another jolt of the awesome reality of genetic imprinting through the Logos, the Word incarnate in us. Nabanggit na rin sa pitak na ito ang malalim na taga ng kataga sa puso at diwa – TAGACATAGA. Tagakataga.
Halungkatin na rin ang inyong aklatan. Baka may nakabaon doon na "Focault’s Pendulum" ni Umberto Eco. Isinisiwalat sa naturang obra ang buhay-at-kamatayang bisa ng ginagamit nating pananalita. Ubrang makalunas sa mga malalim na pinsala at sakit. Nakakalutas. Nakakautas.
Naungkat ni Eco ang "Quabbalah" – ang mga lihim na kapangyarihan na nakasalin sa bawat titik ng abakada. The corpus of words one uses to convey meanings or nonsense can have profound impact on the user’s own body. Such can trigger inner healing and intrinsic well being. Or conversely, such can coax turmoil, the growth of malignant tumors and other forms of cancer. Yeah, mens sana in corpore sano.
George Bernard Shaw: "What’s this stupidity about a sound mind in a sound body? Have a sound mind. The body follows."
Nakasaalang-alang ang kalusugan ng diwa’t pangangatawan sa ipinayong dalangin ni Jesus Christ, ang Pater Noster o Ama Namin. Payak ang pakay ng mga kahilingang isinasaad nito. May bahaging pambungad na humihiling: "Iadya Mo kami sa dilang masama."
Muli, teka muna. Naibahagi sa akin ang pamamaraan ng mouna. Mula sa aking sensei (hindi guro o panginoon kundi nakatatandang kapatid ang tahasang katuturan nito) mula Okinawa. Bahagi ang mouna ng balangkas ng dharmadhyana, pagtahak ng tiwasay na diwa sa daan ng santinakpan – meditative journey on the way of the universe. The operative word is santinakpan. Hindi landas ng kamunduhan, definitely not on the ways of the world.
Sapul pagkagising tuwing umaga, walang imik na isasalang ang puso, diwa’t himaymay ng katawan sa taimtim na katahimikan. Ganoon kapayak ang mouna. Ang talagang payak na pakay: para tumindig na matatag at matikas tulad ng bundok. Sure, Mohammed doesn’t have to go to the mountain, the mountain goes to him. And becomes him.
Pangunahing sangkap ng mouna: katahimikan. It’s healing quiet time. Does a serene mountain ever chatter or blabber brainless blah-blah?
Pinakamahalagang sangkap sa mouna: yoga. Ang tahasang katuturan ng yoga – communion o pakikiisa sa Lumikha. I’ll shamelessly confess I’m in union with the divine in mouna. So I go rapt over my well-worn Bible – Q’uran, Atharva-Veda and some other esoteric texts to follow -- allow the healing logos to leap at and grab me. Pray. Meditate. Allow the logos to sink in, perhaps, right into the marrow and take root like a mustard seedling.
Then I indulge in the needful like tending to my small collection of potted herbs, bang out this column, do some cooking or housecleaning – all in the aegis of healing silence and serenity of a firmly rooted mountain. The Logos shape the terrain of my experience and competence – including the logos that I spout out.
The mouna praxis sure drives my neighbors to suspect that I am (1) an undesirable alien, (2) ringmaster of a terrorist cell, (3) drug user-peddler, (4) rotten-to-the-core sex fiend, (5) escapee from an insane asylum, or (6) a felon in hiding. This is, after all, a democratically free putatively Christian country where hell (from the antique English "helan," or abysmal ignorance) holds sway, pwe-he-he-he!
Bukambibig-Kristiyano: Maranatha… Maranatha…Darating ang Panginoon. Katumbas niyon sa Sanskrit – maran (kamatayan) at atha (mainam na simula). Mainam na simula ang kamatayan – dapat ibaon sa lupa ang binhi. Para tumubo. Lumago.
Teka muna uli: sala’am at salamat po sa ilang guro sa mga pamantasan na nagtatakda sa kanilang mga estudyante na gawing supplemental reading material ang pitak na ito—kahit maraming sangkap na medyo bastos.
Pagpalain ng biyaya ng Lumikha ang bawat masikap at maatikha!
Monday, February 04, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment