Tuesday, February 26, 2008

Kuwento ng panganay

“JUST a while ago I overheard my boss discussing about cellular phones, the Malaysian corrosion engineer suggested to him to acquire the CPs that Aramco issues for its employees, its very bulky and it has Internet capability very much like a PDA of sort...he stated that our CPs tell us what kind of personality we have...

“If one has a CP that is slim, smallish and stylish then the owner’s either gay or a woman....So I gave a long look at my CP with a wall paper of two of my cats..(I grieve for the loss of my other cat) and a screen saver of a few pictures I have of Joy....This CP is bulky not slim, so that means I’m not gay. It’s stylish yet nearly everything that I need from taking pictures to listening to music is there. Aside from its Wi-Fi system I can have an office right in my pocket....that just means I’m a stylish person and outgoing...may punto yung Arabo ha...

“I also have another CP which I treasure the most as it was the first brought by my own money, aside from being bought by Joy...the Arab stated that when it comes to your things...you have to be very loyal to them as it also tells if you are loyal to someone...I would guess he was pertaining to the significant other...well I treasure my stuff, even though they are old.

“I laughed at the thought of my fellow expats having very slim CPs. These guys are highly skilled people, they really get down and dirty....I can’t say some of them are gay...ha-ha-ha-ha-ha, no put down intended as I also have gay acquaintances...ha-ha-ha.

“I expect the mirasol over Marduk’s grave to grow so at least I can see where my cat lies...what about my Bonyat? How is he doing?...If there are new kittens and if it’s a white colored she-kitten...akin na ‘yun ha....for sure sa lineage ni Shampoo that kitten would turn out to have blue eyes.... “

Kuwenta ng amang Kulamnista:

Madalas na masabi sa mga katoto na kung nais nilang magpadala ng kalatas, itali sa paa ng free range chicken saka ipahatid—na may kasamang luya, bawang, mantika, hilaw na papaya’t santungkos na talbos ng sili. O kung talagang kailangang maipahatid at maipabatid agad ang kalatas, sunugin ang Bureau of Customs, Kamara, Senado’t MalacaƱang (tiyakin lang na walang makakawala na animal habang nasusunog ang mga naturan)… ‘kako’y madali namang matutunan ang smoke signals na ginagamit noon pa man sa pakikipagpalitan ng kalatas.

Katotong Dennis Fetalino ang nagpumilit na bigyan ako ng CP 3310 model, talampakan sa kapayakan na kapag inagaw, babalikan ako ng umagaw para bigyan ng pambili ng mas mahal. Bigay pati patak-patak na load. Para mahagilap daw ako’t mayakag sa mga lakad… Bundok Giting-giting sa kanilang lalawigan ang pakay ko, engkantado tulad ng Makiling at Vavilov biodiversity center din.

Iginiit ko na noon na meron na ‘kong CP na may tatlong nunal o taling sa dulo. Erection 66010 that really connects people and such a model betrays a kindly personality.
It was drilled into my cranium to treat the assault weapon issued to me then as my own wife. Pero kahit na ano’ng tingin talaga, hindi katakam-takam at lalong hindi makakangkang, madiwara pa o sobrang bungangera. Naibenta ko.

CPs and assault rifles, my pair of butterfly knives—baling sungay, folded horns which ought to, as your boss’s try at hermeneutics has it, confirm my horniness kept in check—are tools. Adjuncts they are, extensions of certain body parts and competencies. The rifle extends one’s sense of perspective. A CP fans out a sense of touch. And with it we can keep in touch or get a thorough kneading, sangkatutak na lamutak katulad nitong kahindik-hindik na naganap sa “Hello Garci!” na narinig sa buong daigdig.

I may be wrong but such adjuncts can extend one’s built-in inanities, stupidity, and nonsense.

Bonyat’s still a picky eater, won’t touch pandesal so like Shampoo who won’t eat sardines.

...but deliver us from evil...

LIMANG ulit ‘kako sa maghapon at magdamag na mag-aalay ng panalangin o solat ang talagang Muslim kay Allah, may mga pagkakataon nga na nakakasabay sa pampublikong sasakyan ang mga masugid sa pagsolat, hawak ang tasbih o dusaryo’t maglalagak ng alay na dalangin habang nasa kalagitnaan ng impiyernong trapiko… malas pala ang taguri sa bawat butil ng dusaryo at tala-talaksang malas ang naililigpit, pinapawi sa paulit-ulit na untag (nudge with a kick) at antig (cause to budge with a nudge) ng pagsolat.

Mauunawaan na kahit ni Allah, Ama, Yahweh, Brahma or any of the zillion non-generic appellations tacked on to the divine that circumstances like being stuck in traffic don’t allow the supplicant to go through the ablutions and physical exertions of conventional solat. Its cunt thought… ehek, I mean the reverent thought is what counts.

By the way, a regimen of prayers does insane alchemy to body secretions; the supplicant in earnest may sometimes sweat blood or cause a faintest whiff of sandalwood, cedar or attar of roses to permeate skin pores that routs cosmetics outfits cranking up marketable products meant to extirpate body odors or exacerbate such evil malignancies as the functions of sweat glands.

Pinakamalupit nga pala ‘yung ibinubuga ngayon sa patalastas pantelebisyon ng Lucky Me instant mamisolat ‘yon! “Thank You po!” ang makailang ulit na inuusal na parang mantra niyong paslit sa bawat pihit ng pangyayari sa kanilang mag-ina na sagsag pauwi habang may papalapit na unos… kamukat-mukat, sa ama pala napulot ng bata ang ganoong refreshingly thankful attitude to an Omnipresence that guides the destinies of men and nations, whew!

Hasn’t it dawned yet na kahit ilublob sa pabrika ng body deodorant at isalang maghapon sa beauty spas nina Dr. Vicki Belo at Dr. Pie Calayan ang sinuman, aalingasaw pa rin ang panloob na kabulukan, we tab it conveniently as “corruption” these days but was once tacked to both bodied and disembodied spirits as innocuously “unclean”?

Call me Re-legion for we are many… O, ‘di ba ganoon ang bunghalit ng mga nahihintakutang kawan ng mga demonyo bago sila naitaboy sa pulutong ng mga nanginganaing baboy na tuluyang tumalon sa bangin?

Kung saan-saan na umabot ‘tong pagsisiwalat na tugon sa reklamo ng ikatlong anak, umaalis daw sa kanyang Makati work station ng 1800, darating sa pamamahay ng mga 2200 matapos ang apat na oras na pagpapatubo ng talaba, taliptip, at tahong ng mga sasakyan sa agos ng trapiko. Stressful daw ang ganoong araw-araw na uwi.

Kaya naisiwalat nga ang tungkol sa solat, an all-too mundane regimen that can be plied if stuck up in traffic. Sa diwa kasi nakatahan ang deva, the divine— action words are called pandiwa dahil bawat pagkilos ay may nakasubaybay na diwa or spirit so it’s a strength-boosting regimen to be in touch with the divine…that eases stress and if a samurai does a sort of dry firing with a hundred or thousand cuts of his sword in a day to amass truckloads of muscle memory that can be unleashed in just one lethal cut on an adversary in an instant mami, it pays to amass truckloads of that which nourishes the spirit, cleanses unwanted body odors, shrinks hemorrhoids without surgery, shoos off carcinoma in one’s offal, brings damnable end to lousy telenovelas and curses the core and squeezes off the cojones of potential hold-up men… even the strategy guru Sun Tzu had it down pat… every fight begins in the spirit…

Pampoder o pakain sa taglay na agimat ang tawag sa ganito ng mga may iniingatang kung anu-anong hiwa’t hiwaga sa katawan, sila ang maysabi na tularan daw ang mga dahon ng sampalok at akasya, each pair of leaves closes together in an attitude of prayer at angelus to offer thanks to the Maker.

O ‘di ba nagtatapos ang Ama Namin or Pater Noster in that death wish on the incumbent MalacaƱang bedspacer, “but deliver us from evil… for thine is the kingdom and the power and the glory forever?”

Amen.

Sunday, February 24, 2008

Your credit isn't good but we need cash

PATAY na pabigat ang tahasang katuturan ng mortgage. Katumbas ng gilingang bato na isinabit sa leeg. Kapara din ng albatross hung on one’s neck.

Ito ang naging mitsa ng pagpapakamatay ng pangunahing tauhan sa dulang “Death of a Salesman” ni Arthur Miller. Nagpatiwakal ang edad-60 nang Willy Loman upang makasingil ng malaking halaga sa life insurance ang kanyang asawa—nagmula sa naturang halaga ang kahuli-hulihang hulog sa kanilang binabayarang tahanan sa nakalipas na 30 taon. Hindi naging pabigat sa pamilya ang kamatayan ng haligi ng tahanan na nagpumilit tugisin ang mailap na American dream, ang magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Mahapdi sa bulsa ang pagtustos sa bumubuhos nang patak-patak na gastos. Makirot ang gugulin sa pagkain na sasakmal ng mula 35% hanggang 47% sa kita ng middle income family sa Pilipinas. Pangalawa lang sa sasagpang sa kita ng ganitong pamilya ang bayarin sa hinuhulugang bahay at lupa—mula P15 hanggang P17 ang nakalaan mula bawat P100 gana, abot-kaya ng bulsa ang amortization o ipapatak sa patay na pabigat na utang.

Kabi-kabilang utang rin ang ibinunton sa leeg ng Amerika’t naglulublob dito ngayon sa kumunoy—hindi uso sa kanila ang mamaluktot kung maiksi ang kumot, kailangan kasing may credit history o kasaysayan ng pangungutang ang mga utangna nila upang maituring na lehitimong tagaroon. Ipinagtutulakan talaga para maglublob sa utang ang mamamayan nila.

Anupa’t isinoga’t isinugo ang kakatwang hayop para lubusang suwagin ang balana sa pagkakautang—subprime rates o subprime lang ang animal na ‘to. Kapara sa Pilipinas na sasablay man ang suweldo sa mga hinuhulugang utang, magpupumilit na makakuha ng credit card na isasangkalan sa pangungutang.

Little strokes fell great oaks. A little leak can sink a great ship and usually spouts off a small dick.

Sa kaso ng Amerika, karaniwan na hulugang lupa’t bahay ang pinatawan ng subprime—inilaan ang mas mababang tubo ng pautang sa mga kaduda-duda ang kakayahan sa pagbabayad. Nadamay na rin pati pangungutang sa sasakyan, at anumang bilihin na credit card ang isasangkalan. Kung 10% ang prime rate, kakatamin pa kahit kaunti ng magpapautang na bangko para makayanan ng mangungutang ang pagbabayad. Katwiran yata sa kakatwang patakaran sa pambansang kabuhayan na nakatindig ang mga haligi sa utang: your credit may not be good but we need cash.

Naunang sumablay sa pagpatak ang mga naghuhulog sa bahay at lupa, kamukat-mukat hawa na rin sa pagsablay sa patak-bayad ng utang ang iba pa. Anupa’t sumayaw na ang haligi ng pambansang kabuhayan at pamumuhay na ibinaon sa utang—umiindak sa sindak, lumalangoy sa kumunoy.

Kaya pandalas ng pagmumura ng OFWs saanmang lupalop sa panlulupaypay at erectile dysfunction ng U.S. dollar na humihiram ng tikas at tigas sa utang—utangna nila talaga! Nalilintikan pati nananahimik na piso sa Pilipinas.

Nagmumura rin madalas ang isang katotong mamang pulis na napatoka sa warrant section—siyam bawat 10 kaso na sasaklutin ng warrant, tiyak na estafa o kaugnay sa tumalbog na tsekeng ipinambayad sa utang. Para walang kawala, tiyak na masagpang ng bisa ng warrant ang may kaso, sasadyain niya habang nasa kasarapan ng pagtulog nito o habang nakabaon ang tagdan sa yungib na pinasukan. Tuwing madaling-araw ang lakad.

Batay sa bilang ng warrants na kailangang isalpak pambabalasubas ang pinakamalaganap na krimen sa Pilipinas—it’s a non-index crime anyway that won’t turn up in crime incidence figures racked up by the law enforcement agencies.

Hindi pinapairal ang subprime sa bansa. Ba’t kailangang makigaya’t mahawa sa kasuklam-suklam na sakit sa bulsa ng utangna’ng Amerika na nagbubuhat ng tala-talaksang patay na pabigat?

Payak at tipid na tipid ang mga tagubilin sa Tao Te Ching o landas ng pamumuhay na makapangyarihan… maging payak…yakapin ang kapayakan… bawasan ang mga nasa…tagumpay ang pamumuhay kapag natiyak ang mga nais ay talagang kailangan.

Will Rogers: “Too many people spend money they haven't earned, to buy things they don't want, to impress people they don't like.”

Maraming patay na pabigat na tutugisin ng perra, bitch. Mas masaya ang ganitong umaalulong sa buwan, sa mga bituin, araw at buntala…

Pagbaybay = spelling

HINDI na musmos na sukbit ang saltik sa likurang bulsa ng salawal habang bumabaybay sa gilid ng ilog, dalawang baling sungay sa magkabilang baywang at isang talas-scalpel na flick knife sa bulsa ang taglay sa pagbaybay sa kahabaan ng lansangan tungo sa Divisoria nitong katanghalian ng Pebrero 7.

Pagbaybay = spelling. The spell-check function fitted to most word processing software was plied by the missus, aghast at the sudden sight of the abraded sole on the left shoe of my favorite walking pair-- why, the right foot usually flicks out leaving the left to bear the brunt of body weight or absorb the shock of every explosive movement, every twist and squirm from waist up to the torso.

Mas matindi’t matatag ang bagsak ng kaliwang paa pero the right’s much more versatile, chockfull with a repertoire of kicks and witty turns. But I could use industrial safety shoes with cast-iron lining that probably weighs a ton each—but that’ll only make sturdier legs, and sturdy legs, as Mongol lore has it, is a tell-tale sign of stamina in bed bouts, mwa-ha-ha-haw!

Sapatos na pambundok-- limang kilo yata ang bigat ng isa-- ang ipinasuot sa ‘kin sa umagang iyon nang kasamang manumpa kay taipan Lucio Tan bilang isa sa mga board of trustees ng Dawn Alumni Writers Network, Inc. Inapuntahan kagyat ng pangangati ng nunal sa paanan. Kaya ginawa na naman ang nakagawiang pagbaybay sa lansangan patungong Divisoria.

Rekta sa Recto mula sa Tan Yan Kee Garden sa UE. Kaliwa sa Quezon Boulevard, saka pumanhik ng overpass sa dating Raon; tuloy lang ang lakad hanggang sa may Ongpin. Kumanan. Tuloy ang baybay at masinsinang hagod ng tingin sa bawat malalamutak na tanawin sa dinaraanan… Dalawang sayaw ng dragon at leon ang hinintuan, pinanood para makasagap sa alimom ng magandang kapalaran-- na umaalimbukay umano sa ganoong sayaw sa panimula ng lunar new year. Pula ang kulay ng araw, kupas na asul ang suot kong maong at pinangga,

Namumuwalan sa dami ng taong nakasupalpal sa bunganga ng Ongpin malapit sa simbahan ng Binondo. May shooting ng teleserye ng Channel 2. “Palos” daw na tiyak na pulos kahunghangan na naman ang ikakalat sa miron. Nakipaggitgitan sa mga nagsusumiksik at nahimasmasan nang lubusan habang gumagaygay na sa Juan Luna, doon na nakabili ng apat na supot ng mga sinlaki-ng-kurot—kurakot yata ang tawag kapag $130 milyon mula national broadband network ang sagpang-- na pandesal-Baliwag.

Iniluwa ang mga hakbang sa Recto’t muling hinimod ng tingin ang mga seksi’t bilihing abot-kaya ng bulsa habang pabaybay sa Elcano—pinatulan ang P5 sambalot ng bawang at sibuyas na pula mula Taiwan, pechay-Baguio na P20 sang-ulo, at tinuyong tunsoy, P50 ang kalahating kilo… sarap ng tunsoy, hinugasan lang ng tubig-dagat saka tinayantang sa araw para mahawot… hindi maalat.

Parang magkaugnay ang pinagmulang halamanang Tan Yan Kee at Kalye Elcano, pawang nakaungos sa Recto… ah, sa pagtatagni-tagni ng mga kuntil-butil sa binabagtas na daan, sa binabaybay ng mga hakbang, ni hindi madarama ang bigat ng suot na sapatos pambundok. Ni hindi kikikig o titigas sa pulikat ang kalamnan sa hita’t binti. Totoo ang natukoy sa pananaliksik na tila matagal lang ang lakad kapag bumabaybay din ang paningin sa samut-saring detalye sa dinaraanan.

Ibig kong iugnay ito sa ating binababoy na wika. Wika is of Coptic roots; Coptic's a tongue used by mages and sages in ancient Egypt. Wika literally translates to the soul taking refuge in a body and it more than refers to a body of knowledge or the body of language with which know-how, skills, and competence are passed on or imparted to learners.

We translate spell as
baybay that refers to a coastline, a riparian strip of land, even a riverbank-- magkaratig ang tubig at lupa, may kung anong engkantadong ugnayan ang dalawa. Spelling? Ask that to witches and warlocks how they come up with spells to work thaumaturgy and wonders. Grammar was once the sole domain of wizards and babaylanes. Baybayin is to trudge through a coastline, is it not? Marami kasi sa ngayon na wala mang 500 metro ang lalakarin, sasakay na sa tricycle o jeepney-- ayaw patatagin sa lakad ang paa, ayaw patatagin pati kapit ng neurons sa utak... Batugang tamad. Ayaw mapagod-- no pain, no gain. Kaya binabalbal pati baybay ng mga salita…

Ah, I'd take refuge in Philip Kindred Dick's confession-- with the army of words that I summon and give marching orders to, I change the very fabric of reality. Something wonderful, something magical. And I'd try doing that every time I write-- with the spelling that binds certain familiars and spirits both of this and other worlds, with the grammar of mages and sages... Hindi binalbal ni binaboy.

Oh, I must profess a healthy respect even for the radicals or snippets of images that go into the Chinese or such oriental characters that make up words, even the pictograms and hieroglyphs of the ancients. Do they eviscerate the images by misspelling them? I have no means to ask them if they misspelled or deliberately cranked out misspellings which won't summon spiritual entities and beings to help them in their work.

Uh, I must be too old-fashioned to have my hands try at writing with zap and zing....
kahit sabihin pa na nagmula sa iisang ugat ang mga katagang grammar o gabay sa balarila; grimoire o aklat ng lihim na karunungan; at glamour o haraya.

Monday, February 18, 2008

Hindi naman kami nakatira sa polis

THIS shouldn’t sound Greek to you but we don’t dwell in the polis, that ancient maybe too Spartan a word for city state whose affairs of stewardship we’ve coined an abominable term for: politics. Politicos in the strictest meaning of the word are us. It’s us who look after, ensure the weal of our habitat and its inhabitants. It’s a tough act, a thankless job. Talagang mahirap malublob sa usapin at usapan hinggil sa matinong pag-ugit sa tahanang lunan, sa lumawak nang polis na sinasaklaw ang buong bansa.

We dwell out of this Third World. We inhabit certain realities that define our workaday lives, estranged somehow from squealing squalor of this land. Kaya hindi kami maganyak na makisangkot diyan sa paghahayag ng panawagan para kumalas sa kapit-bayawak na hawak sa luklukan ng Palasyo ang Ale Baba and Plenty Thieves, ah, some would sink in adoration or aberration—whatever’s more convenient-- really worship the very quicksand they’d tread upon.

And with the quality of the more numerous people we’re saddled with and in which we turn up leaders from, even rely upon to choose those who’d lead them, we might as well give up— o isalang na natin sa pamamahala sa pulitika ang tulad nina Lucio Tan, Salvador Enriquez, Washington Sycip or let’s have a clone of that meek Korean workaholic Kim Woo-choong or Thai monarch King Bhumibol to lead us not into temptation but deliver us from the likes of whatever we’re having these days.

Sino ba naman ang ayaw sa matinong pinuno? Hindi ba’t nag-uugat iyon sa katagang puno, nakasuksok sa lupa’t matatag ang paninindigan, anuman ang mahitit ng ugat na sustansiya sa kailaliman isasalin bilang malabay na mga sangang nagbibigay ng lilim, hitik-siksik-liglig-umaapaw sa pamumunga’t marami ang makikinabang? Mag-aapuhap na rin lang ng matibay na puno, akalain ba naman namin na ang masasalpak… bonsai?

Hirap din naman sa mga kumag, nag-aapuhap ng matinong liderato. Sa halip na usisain nang masinsinan ang sarili— hindi ka dapat manatiling buhay kung hindi sinusuri ang sariling buhay, giit nga ni Aristotle-- nakatingala lagi sa mahusay na pinuno. Aba’y hindi ba maninigas at mangangawit ang leeg ng mga ganyan na mahilig tumingala, not unless the empress we’ve enshrined up in high office isn’t wearing panties—kung walang masisipat na mainam sa pagitan ng tainga kahit na lang sa pagitan ng dalawang hita? Or as that innocent imp in the Hans Christian Andersen tale blurts out, “But she doesn’t have a stitch on!”

A ruler is also called a straight-edge but we’ve been having for ages an epidemic of crooks in both high and low places
, saan ka pa maghahagilap ng matuwid?

Aba’y dagdag lang sa mahaba nang listahan ng alingasaw ng nasilat na $329-milyong kontrata sa ZTE para maglatag ng national broadband network, ni hindi pa nga nalalantad ang mas masabaw na $500-milyong kontrata ng MWSS na wala pang pahintulot sa NEDA, at convicted grafter pa nga ang nakipagkasundo para umutang sa Export Import Bank of China ng ganoong halaga.

Nagpapadugo ng buwis ang polites o naninirahan sa polis. Sa dalawang kontrata pa lang pumapalo na halos sa U.S. $1 bilyon ang utang ng bansa. Para mabayaran ang mga hinayupak na utangna’ng yan, magsusulsol ang global credit bodies sa liderato ng pamahalaan para magdagdag-taas ng mga pataw na buwis—pinakamalupit nga ang 12% EVAT on manufactured goods, produktong petrolyo at professional fees. Kamukat-mukat, pati pambansang pantapal sa ngalngal ng sikmura o instant noodles which is a manufactured good, angat sa 12% ang presyo or pay the same price for less quantity of the good so you won’t feel the pinch.

Sa huling tuusan, pasanin ng karaniwang taumbayan ang bigat ng bawat utang na pinagkakuwaltahan ng mga pinunong tulisan. We’re saying that the polites or the body politic unwittingly engage in survival while their leaders hold them as ransom to bleed payments, do outright robbery and decent thievery on the polites.

The Greeks also have a word for those who don’t bother with polites. Idiotes.

Liyanera ng leche flan

MATAPOS magwalis sa katamtamang lawak sa paligid ng pamamahay, that old woman who lives beside a Batangas town cemetery daubs kerosene on the lining of a lead mould depicting a cherub. Saka maghahalo ng ilang tabo ng semento’t pinong buhangin na isasalin sa tinggang hulmahan. Ilang araw lang tuyo na ang isinalpak sa hulma, madaling tungkabin sanhi ng gaas na ipinahid sa loob ng hulma. May bagong kerubin. Pero muling maghahalo ng apog at semento upang isadlak sa hulmahan.

Mayroon nang nakahanay na pulutong ng mga kongkretong kerubin, nakataliba sa harapan ng kanyang dampa—P50 ang tingi bawat anghel na pawang kuyom na kamay ng maamong mukhang nakasalpak sa pagitan ng bukakang pakpak,

Mabili marahil ang mga kerubin. Na karaniwang inilalapat sa mga nitso’t lapida, pati sa mga haligi ng trangkahan ng bahay na ligid ng pader.

Anyo lang ng kerubin ‘yon. Hindi talaga kerubin. Pero kahit hamak na kanaw ng buhangin at apog, maihuhulma sa molde na may ukab na anyo ng kerubin, matutuyo’t mahahango na ang nakalimbag na anyo ng nilalang mula pananampalataya. Anyo lang ang maitatakda ng hulmahan, hindi nito mapagbabago ang katangian ng anumang sangkap na isasalin sa hulma.

Think of the mould as something man-made as an institution. Shapes and forms can be borrowed by materials fitted into a mould but the intrinsic nature, content and substance of the materials stay the same. Anupa’t maisasalpak-luklok ang mga arrobo’t dorobo sa liyanera o hulmahan ng Palasyo o alinmang sangay ng gobyerno. Ipalit man ang parliamentary sa kasalukuyang hulmang presidential, hindi mapagbabago ng hulma ang mga kakayahan at likas na katangian ng isasalpak sa hulma. Kaya kahit matino ang mga sangay ng militar at pulisya, tiyak na may sasalpak at sasalpak na mga bugok, may anyo’t uniporme ng kawal, heneral o pulis. Pero hindi makatitiyak sa likas na katangian at katangahan.

Kakaiba man ang anyong kongkreto, tataglayin pa rin nito ang katangian ng mga sangkap na isinalang sa hulmahan—tila leche flan na sasapnan muna ng arnibal ang liyanera, bubuhusan ng pinaghalong pula ng itlog, ilang butil ng asin, ginadgad na balat ng dayap, at gatas kondensada na pasisingawan o isasalang sa hurno. Tataglayin ng nalutong sangkap leche flan ang hugis ng pinaghulmahang liyanera na karaniwang nakaumbok na hugis puso. I’ve yet to see a flan mould that’s shaped like a vulva which ought to be wickedly familiar, a delight to behold and hold. And eat, of course.

So enduring erection did cross my mind. Structures in stone—palisades and walls that define redoubts, keeps, and fortresses of times and climes past. Nakatambad kasi sa paningin ang mga malalaking tipak ng bahura o coral stone sa pampangin ng South China Sea na humihimod nga sa mga baybaying bayan ng Pangasinan. Tiyak na mas matigas kaysa batong dapi at adobeng bulik na hinahango sa tibagan ang bahura. Na mas mataas ang antas ng calcite and carbonate content, the same mineral compounds that make up human bones. Sasagi sa isipan ang anyo ng mga kalansay, ng mga matatag na gulugod, pati mga bahay na bato ng mga ninuno.

Hindi naman marahil dahop sa teknolohiya ng pagtabas ng bato ang panahong ito. Matatabas at mahuhubog sa angkop na sukat ang mga dambuhalang tipak ng bahura. Magiging kakaibang tisa —minasang putik at tadtad na dayami ang mga pangunahing sangkap ng tisa, isinalang sa impiyernong init para mapanatili ang itinakdang anyo,

Kung walang mahagilap na diamond-tipped drills or rotary saws for cutting huge coral stone boulders into sizes suitable for stacking up as walls or posts, kahit na concrete hollow block maker na lang. O maski hulmahan sa pagbuo ng tisa. Coral stone chips or dust can be mixed with mortar and turned up as CHB or tile pieces in huge quantities. The porous calcite/carbonate material will retain its lightweight, soundproofing, heat insulating qualities.

Nakatiwangwang pa lang sa dalampasigan ang mga mainam na sangkap sa paglikha ng mga haligi’t pader ng ititindig na tahanan. Naghihintay lang ng masikhay at malikhaing kamay na kukupkop, magsisinop.

Biglang-bigla nitong isang tag-araw

MUSMOS pa ang ikatlong supling nang maisama sa dalisayan ng krudo sa Tabangao, Batangas upang magpanayam sa ilang lider-kabataan na tagaroon. Mas malupit ang nahagip na kuwento’t kuwenta sa isang kawani ng dalisayan. Isang naiibang paglalahad ng dula, kay Tennessee Williams—Suddenly Last Summer.

Dalawa lang silang magkapatid—nasadlak nga ang kausap na panganay sa dalisayan ng krudo. Nagpakadalubhasa naman sa pangangalaga ng kalusugan at pamamahala ng negosyo ang kanyang kapatid na babae, masabaw, makapitlag-puso’t makabungkal-puson ang halina. Ah, halina na dinaglat mula mahar linga, tumescent flagpole erected into yummy manhole.

Wala naman palang balak si bunso na magkumahog na dumayo sa ibayong lupalop upang magkalkal ng greenbacks, green card, and greener pastures. Ni hindi nga namasukan sa alinmang klinika’t ospital sa kanilang lalawigan o nakipagsapalaran pa sa Metro Manila. Nanatili lang sa kanilang tahanan ang kabigha-bighaning binibini.

Kakatwa ang katwiran at mga inilahad niyang dahilan. Lintik lang ang walang ganti. Kaya gaganti siya sa napakahabang panahon ng pagkalinga’t pagsubaybay ng kanyang mga magulang. Muy siempre, gulantang sa mangha ang nanay at tatay.

Iba ang pihit ng pinanindigang pasya ng bunso sa ikid ng Suddenly Last Summer, sandamakmak na dahilan at pagkukunwa ang isinalang ng huklubang ina para mapanatili sa kanilang pamamahay ang anak na babae, ah, that crone had to feign disability and bound herself to a wheelchair and had to be plied with maintenance medications for her whacked out heart condition.

Ganoon din naman ang nagiging papel ng ating hukbo ng mga caregivers na nandayuhan sa ibang lupalop. Mahilab-hilab na sahod ang kapalit ng ganoong paglilingkod sa mga maysakit, may kapansanan pero may salaping pantustos, whose families would rather dump them in nursing homes and cough up sums for the hands that would tend to the elders.

Sabik din naman na makatikim ng luto ng Diyos ang palangga na ginagawang pindangga sa nabanggit na dula. Nagkaroon ng manliligaw—nagkatikiman naman at tahasang nasarapan. I’ve seen a variant to this script in which the hag of a matriarch actually does in and inters her spinster daughter’s string of lovers right in the family home yard.

Humahaginit na lintik at dagundong-kulog ang sangkatutak na sumbatan nang matimbog ang tunay na kalagayan ng ina na nagbalagoong, naglosyang sa kanyang anak. Mahilig tumunganga sa maingay malutong na arnisan ng laway, sumbat at murahan ang mga Pinoy pero hindi pa yata ginagawang sangkap ang ganitong kuwento sa mga nakabisaklat na telenovela sa kasalukuyan, o, ano pa’ng hinihintay n’yo?

Nabanggit ng kausap na andap ang mga kahit nagbabalak pa lang na lumigaw sa kanyang kapatid na babae. Maganda na’t mataas ang pinag-aralan, matalino pa raw kaya nahihirapang makatagpo ng kasukat na makakausap man lang na matino’t makatuturan. Saka hindi iilan ang kanilang ari-arian at kabuhayan. ‘Kako’y kapag napadaan ako sa kanilang lalawigan, sasadyain ko ang kanilang bunso’t bubugahan ko ng matinding gayuma. Para bumigay. Saka mapunlaan ng binhing mahusay, mwa-ha-ha-ha-haw!

Napahalakhak lang din ang kausap sa ganoong tudyo.

Ah, there’s the fierce fealty of felines. Tulad nga ni Bhatman na hinalaw sa Egyptian goddess of cats ang ngalan, lagi’t laging nakaantabay sa pasamano ng kalapit na bintana ng tinutulugan namin, laging humihibik at nananawagan. Lagi’t laging idadantay ang kabuuan ng katawan kahit man lang sa aking paanan. Tulad din ni Marduk, named after the Sumerian divinity, magpupumilit sumampa sa aking kaliwang balikat, may kung anong ibinubulong… Remind me next time to fashion a duplicate of King Solomon’s ring that’ll allow some understanding of what humble creation is confiding to me.

And include canine loyalty sumala man kami sa pagbibigay ng pagkain, mananatili sa piling ng sariling pamamahay ang mga kumag na aso. And as they grow in numbers, love multiplies.

There’s always the company of cats and curs. Nakakaawa din talaga ang mga tumatanda as their erstwhile fledglings seek out their own places in the sun; leave the family roost, live lives of their own.

Parang kailan lang ang tag-araw nang magsadya kami ng anak sa Tabangao. Abala na ang diyaske sa kanyang trabaho’t nobyang tinatrabaho.

Monday, February 11, 2008

Magandang balita sa maysakit na PTB—panay tunganga’t bunganga

HINDI namin maipapayo na ayusin ang pagkain—palatandaan lang naman kasi ng karimarimarim na kinakain sa araw-araw ang sakit na PTB o panay tunganga’t bunganga sa ginagawa ng kahanggan o ‘yung nasa kanto ang pamamahay at lalong hindi naman kayo mababayaran ni singkong duling sa inyong running commentary na hindi naman susunog ng nanggigitatang empty calories sa katawan since such exercise in running runs as fast as a runny nose and won’t cover mileage nor nudge an inch of a diseased, corrupted body such as yours, pwe-he-he-he!

Madalas naman kayong malipasan ng gutom dahil ‘yang sakit na PTB o panay tunganga’t bunganga ay sakit din talaga ng mga may attention deficit hyperactive disorder (ADHD), the hyperactive portion’s just the tongue which keeps on spilling the same oral diarrhea and perpetual flatulence. Pinapasok ng hangin ang bumbunan ng mga nalilipasan ang gutom. Kaya pulos utot ang lumalabas na mas angkop na sumingaw sa butas ng tumbong—iyang nagtatanim ng masamang hangin, laging utot ang aanihin.

Pero mainam na ituloy na lang sa ayuno ang pagpapalipas ng gutom habang nagpapalipas ng napakahalagang panahon sa mga walang halagang bagay na sanhi nga ng wala yatang lunas na sakit na PTB, panay tunganga’t bunganga.

Wala na rin kaming panahon para magturo ng mga aralin sa qigong o sining ng hininga upang isalin sa katawan ang mga alimuom at anuman mula sa apat na panig ng lupain, pati na balani’t kuryente mula kailaliman ng lupa—mas makabubuti sa mundo na mapugto na ang inyong mabahong hininga, mababawasan ang polusyon sa paligid.

Saka ang gawi ng mga gaya ninyo’y nagpapahiwatig lang ng kawalan ng pinag-aralan, kawalan ng kaalaman at nilalaman ng pagkatao. There’s too little hour in a 24-hour day to keep in step with the soaring flight of every moment, ah, Stephen King’s pet critters “The Langoliers” have this nasty habit of chomping up the wasted hours of louts (louts and nits included in that diet) that pile up into days, weeks… months… years… priceless nuggets of time that might have been more wisely invested and made more valuable by worthy people.

Kapag bunganga lang ang ipinapagpag na walang humpay, hindi talaga maaantig ni mauuntag na bumubo ang endorphins at mga kauri nitong hormones sa utak, such sort of secretions from ductless glands that impart a sense of well-being and inner equilibrium bordering on a magical equipoise.

Sa mga nais naman na humakbang sa matalim na landas na tinatahak at tinatarakan ng yapak ng mga curandera o manggagaway at brujo o mangkokolum, magtungo sa ilang o liblib na lunan, sumalampak ng upo sa ibabaw ng batumbuhay—mas mainam kung higanteng tipak na ibinuga ng bulkan—at tuktukan ng bato ang ibabaw ng inuupuan, walang humpay sa loob ng apat na maghapon at magdamag o 96 na oras habang nag-aayuno, kailangang walang laman ang sikmura sa ganoong panahong singkad. The in-dwelling spirit of the stone shows up on the fourth day of the fast to comfort you and lend a hand in your tasks. Offer the spirit gifts of tobacco—a soft pack of Philip Morris 100s suffices—and coins of the realm. Maaari ka nang manigarilyo pagkatapos ng naturang rituwal, ligtas na sa mga sinasabing sakit at karamdaman kaugnay ng yosi kadiri.

Or try the Munjiat Shalawat verse if you’re not inclined to trekking to desolate places or truculent topographies and would like to find enchantment in the solace of the household altar or prayer room.

“It is said that whosoever recites the prayer verse below for 1000 times at midnight will have his/her desires, whether mundane or spiritual, manifested or granted to him/her by Allah--faster than lightning!

"Allaahumma shalli 'alaa sayyidinaa muhammadin shalaatan tunjiinaa bihaa min jamii'il ahwaali wal aafaat. Wataqdhii lanaa bihaa min jamii'il haajaat. Watuthahhirunaa bihaa min jamii'issayyi-aat. Watarfa'unaa bihaa 'indaka a'laddarajaat. Watuballighunaa bihaa aqshal ghaayaat. Minjamii'il khairaat filhayaati waba'dal mamaat. Washalaahu 'alaa khairi khalqihii sayyidinaa muhammadin wa'alaa aalihii washahbihii wasallam.

Now, do you really desire to do away with the so-called First Couple?
Mwa-ha-ha-haw!

Umuwi nitong Sabado si Marduk...

NA mahigit sanlinggong nawala, naligaw yata’t nakahiligan ang gumala ng diyaskeng kuting.

Diyaske? Balbal na parirala ‘yon. EspaƱol. Dios que. Kapara ng madalas masambit sa Batangas na “ala eh,” nahugot naman mula sa Arabic na “Allahu” na tumutukoy din sa Maykapal. Nagkukubling anino sa mga madalas masambit o mausal na salita ang diwa ng makapangyarihan sa lahat.

Why, even the innocuous-sounding English interjection, “gee!” isn’t referring to gravity’s downward tug of 32 feet per squared second to bring us back to earth’s bound—it’s a reference to Jesus Christ just as the frantic outcry “holy smoke!” pertains to the burning bush that Moses chanced upon in Mount Sinai.

Nakakatuwa ang mga ganoong kakatwang katagang nasasambit—hindi tahasang binibigkas bilang bahagi sa balangkas ng pangungusap, naidadagdag lang na tila palamuti’t nalimot na gunita ukol sa kapangyarihang nakatahan sa bingit ng ating ulirat, the divine omnipotence, the deity or demiurge dwelling at the honed edge of awareness.

Muscle memory operates similarly. You have drilled various parts of your body in various movements and artifices of close quarters combat, romped off in devil-may-care playful antics of childhood games and fun activities… and the moves pertinent to situations at hand express themselves in an instant… no reflection, sheer reflex action that comes out naturally. Play, pray, parlay! There’s so much sense in these, sense of humor including such that when it turns dour, sense of tumor, often malignant, takes over…

Kasi sumalin na sa laman ang kaalaman and such know-how doesn’t take up too much space, imperceptible but palpable. Parang sina Marduk, Zahrim, at Zahgurim—hindi pa rin bumabalik itong huli’t talagang maituturing na nating puga, pusang gala—na pinalabas na nga para hindi na kung saan-saang sulok ng bahay mag-iiwan ng dumi. Paboritong laruin nina Mischa’t Bitoy si Zahgurim, sinasakmal-sakmal sa batok, dinidila-dilaan kaya laging mukhang bagong paligo.

Hinango mula sa aklat ng mga patay na ngalan at dalangin ang palayaw sa kanila—o, mas mahigpit kumapit ang inilapat na palayaw or pet name, connoting a heaping of ease and luxury upon the entity, ah, palayaw o “pala sa layaw” ang nasa ubod niyong kataga. Aklat ng mga patay na ngalan at dalangin: Necronomicon ni Abdul Al’hazred.

Marduk—he of four eyes, four ears and fire-breath-- is a Mesopotamian/Sumerian demiurge who made mincemeat of the ancient dragon deity Tiamat in single combat. As folklore in those parts has it, he fashioned the heavens and the earth, organized the year into months, and arranged the planets and stars. Out of Tiamat’s sections that Marduk cut up with his double-headed ax, he created the Tigris and Euphrates rivers, and turned her boobs into mountains…

Malaki ang hawig ni Marduk sa pusa nating Kwan Yin, bathaluman ng awa, na kapara naman ng gawi ni Zahrim—mahilig sumampa’t yumupyop sa kaliwang pigi ko kapag nakatalungko ako’t nagpupugay sa silangan tuwing umaga. Kakaiba ang kislap ng mga mata ni Zahrim, parang hindi sa pusa. Sa 50 pangalan ni Marduk na bawat isa’y may angking katangian at kapangyarihan, ika-22 si Zahrim. Sumerian lore has it Zahrim’s power destroys all opponents, it is said he can kill an entire army should their ends be evil—how puissant a name for this pusa!

Zahrim din ang pangalan ng isa nating aso noon na pinakamalaki ang bulas ng katawan—wala isa mang pangil sa bunganga, parang mga ngipin ng tao. At kapag tumangis, talagang umaagos ang luha sa mga mata… parang hindi aso.

Masaya nang magbungkal ng mga ganitong ngalan—para mahuhugot ang mga bathala na isinimpan sa isipan-- kaysa umapuhap sa mga artista na nakatambak lang sa pelikula.

Eczema't iba pang kating kinakamot

Date: Mon, 11 Feb 2008 00:43:14 -0800 (PST)
From: "darmel de los reyes"
Subject: NPA na ako..
To: "DONG AMPIL-DELOS REYES" tagakataga@yahoo.com

No Permanent Area...

As I write now I am at my other office at Safaniya, where they produce butane oil and gas and other petroleum products plus gases that I haven’t even heard of. Dito rin ginagawa ang ginagamit ng NASA sa kanilang rocket ships.... I go to and fro, from one area to another as I need to do site inspection redlining and updating, I’m not very good at time management.....one of the few traits I wish I was able to develop, Mama scolded me a lot of times about this (ayan tuloy)....so I’m wracking my brains on how I would effectively be able to set my schedules correctly, now I know what an organizer is for...madalas ko kasing pinagdodrowingan lang yun eh...ha-ha-ha-ha-ha.

I officially have three offices, one at Tanajib, one at Central Main and one here in Safaniya....I also wish I applied for the non-professionals drivers license as I am asked about it by the supervisors...so they could issue me a means of transportation...yung Ford na 4X4 ang ibibigay...sayang amputsa...katulad ng mga pusang gala sa bahay eh.. I will be staying in an area for a week then return to the main office for the updating and go to another area to be there in a week again for inspection.

It’s very dangerous being near a gas plant bawal ang cellphone.. ewan ko ba kung bakit hindi natin sinusunod yung nakikita natin sa gasoline stations na turn CP off dahil may naaksidente talaga dun...It doesn’t smell nice inside a plant...kaya medyo iwas ako sa hydrogen sulfide...you won’t smell it but in thirty minutes patay ka....kaya may hydrogen sulfide detector kaming dala...Ironically I’m not paid enough to do this kind of things...Hazardous na for me. Maingay pa....bale wala ang full volume ni Vanessa Mae (Nicholson) at ni (Johann Sebastian) Bach sa ingay...so I gave up on bringing my MP3 with me a month ago.

I’m just supposed to be in the office, not on site... Advantage nga lang is unlike my other colleagues, nakakainggit yung position ko, as I actually see what I am working on mas matututo ako...Yun lang mahirap.
I have pictures sent by Aaron, the el kumags... Marduk in particular...ha-ha-ha-ha! I can’t tell one from the other.

Sagot ng Amang Kulamnista:

Nice to hear you’re doing great in your job, keep it up! Astig pa rin ang mga tugtog na pinakikinggan mo, lalo na 'yung Vixen with Violin-- Vanessa Mae!

There’s one fat guy in this neck of the woods often caught on camera perpetually dawdling at his mobile phone. Must be an itchy hand and local superstition has it that’s a sign of money coming into one’s hands, there must have been lots and lots of foreplay involved for the incoming lots of money. Or maybe lots of eczema. I must say the not-so religious and wicked souls amongst us are storming heaven with prayers for that bloke to be afflicted with a terminal case of flatulence, why, he’d be turning up tons and tons and tons of methane that’ll likely be phone-sparked to a resounding blast not unlike the Glorietta tragedy in Makati last year.

Hah, I’ve figured a fail-safe way of identifying those frolicsome kittens. Each morning, grim-faced Zahrim’s the first to clamber up my left leg and sit at the crook between thigh and tummy (where the liver lies). All-black furred Marduk is round of face, mild-eyed and is the next to clamber up my left leg. Zahgurim has a splotch of white below the neck and is often nowhere to be found, she often gets a thorough preening and licking from our curs Oca, Mischa, and Bitoy that turn her into, well, one hot wet pussy…

Saturday, February 09, 2008

Kapag may tiyaga may Ilaga

THEY’RE bait for drawing fire. Kahit sa pagpapatrulya ng mga kawal sa mga lunan ng pananambang, mga maliligo sa ulan ng punglo ang pinapauna. Mga nakayapak. Parang Antheus ng alamat na kailangang walang sagabal sa dampi ng alinmang bahagi ng katawan sa Inang Lupa, kay Gaea. Para hindi mawalan ng lakas, para hindi raw tablan ng bala.

Dapaan at iglap na tila maglalaho sa dawag ang mga kawal sa unang buga ng putok ng mga mananambang—pero hindi matitinag ang mga ipinain, kakanlong lang na bahagya sa puno o kahit punong saging, tindig pa rin, makikipagwalisan ng putok. Mapapansin na nililihisan sila ng bala. Iniiwasan yata. At sa magaganap na suklian ng putok, matutukoy ang kanlungan ng mga tumambang… madali nang pulbusin ng kahit mortar o helicopter gunship.

Mga Ilaga ang nakapain sa putukan.

Meron nang gumawa ng pelikula sa buhay ng isang Feliciano Luces alias Kumander Toothpick, talagang payat na payat… kaya marahil hindi masapol kahit bugahan ng .12 gauge special purpose assault shotgun ang sinasabing kapural ng pangkating Ilaga na naghasik ng lagim sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao sapul dekada 1970.

Hayaan nating ungkatin na lang ng mga mapanaliksik anuman ang lihim… kung bakit lagi silang nakayapak para manatili ang bisa ng taglay na agimat o dupil laban sa bala… kung bakit panig sila sa pamahalaan at walang pangiming makikipagratratan sa mga rebeldeng Muslim… kung bakit kailangan pa nilang mag-alay ng mga dasal-pampoder sa araw-araw upang mapalawig yata ang expiry date ng itinatago nilang anting-anting na mas matipid nga naman kaysa mag-apply ng passport sa DFA… kung naniniwala ba sila sa salawikaing Pilipino na “kapag may tiyaga may Ilaga.”

Sinasabing taon ng Ilaga o dagang lupa ang 2008. Kaya naman naisipan naming ipaalam sa mga mahilig sa naiibang pagkain ang isang natatanging lutuin na ang pangunahing sangkap ay-- now hold your breath and let’s not get squeamish about this—daga! Not the sort that hole up in city sewers feeding on the detritus of civilization but the ilk that fattens on sugar cane or paddy rice—they sport a coat of golden brown, slick and gleaming in the sun and as scurrilous as their city-bred kin.

Masaya din ang paghaplit ng kawayang siit sa mga dagang tumatalilis habang nagliliyab ang kanilang kanlungang tubuhan—talagang sinusunog ang tubuhan kapag tatabasin na, tila talahib din na namumulaklak ng ulap kapag sapat na ang gulang. Samut-saring animal ang pupulas palabas, guguhit na tila kidlat mula naglalagablab na tubuhan, Maraming mahahagip na mailuluto ang maliksi’t bihasang pumilantik ng siit ng kawayan o kahit palasan—ulupong o sawa, pugo’t tikling, may naliligaw ding bayawak… pinakamarami sa mga pumupulas patakas sa impiyernong liyab ang daga, sandangkal ang haba’t 2-3 pulgada ang lapad ng katawan, walang taba’t pulos laman at lalong walang diabetes mellitus kahit hilaw na asukal ang walang sawang nilalantakan.

Mahigit sangkilo ang sandosenang piraso—talupan ng balat, pugutan ng ulo’t alisin ang mga laman loob pero itabi ang atay. Ibabad ng mga kalahating oras sa santasang sukang sasa (only the finest nipa palm vinegar will do), kalahating tasang toyo, tatlong kutsaritang Worcestershire sauce, tatlong kutsarang hinebra, isang kutsaritang durog na paminta, atay ng daga, at dinikdik na dalawang ulo ng bawang Ilokos.

Magpainit ng kalahating tasang mantika sa kawali. Kapag masigla na ang sagitsit-singaw ng usok, ihulog ang mga tilad na daga. Sangkutsahin hanggang sa halos pumula saka ibuhos ang pinagbabaran kasama ang atay. Takpan at hayaang maluto nang tuyo— pero huwag susunugin dahil kagagaling lang ng mga kawawang daga sa sunog sa tubuhan. Serve piping hot with chopped coriander on top. Buen provecho!

Cane field rat meat is a tad sweetish like Pacific salmon and a bit stringy and gamey not unlike wild boar’s flesh, made so by its free range foraging habits.

Friday, February 08, 2008

Nasa bayabasan-- bali-baligtarin man

PAYAK ang pakay ng bawat pagdinig sa Kongreso— kahit sa mataas o mababaw na kapulungan. Sa huling yugto ng masinsinang pagdinig sa tulad ng mga inilahad nitong Rodolfo Noel Lozada Jr., kailangang bumalangkas ang lupon—that’s our not-too-hard-to-find word for committee—ng angkop na batas na tutugon sa umalingasaw na alingasngas. Batas na aakma upang masawata nang tuluyan ang ibinuyangyang na tila hindi kinukusot-kusot-sinasabon-pinapalu-palo-hinuhugasang bulaklak ng burikak na katiwalian.

Ganoon lang ang inaasam ng tulad naming kabilang sa may anim na milyong mambubuwis at nabubuwisit sa pagbabayad ng buwis sa mga mambabatas. Do your jobs, we somehow get our money’s worth.

Nasabihan kami na naging mambabatas din daw sa Mababang Kapulpulungan ang kasalukuyang legal counsel yata sa Palasyo. Pero hindi na kami magbubungkal sa paminggalan ng mga nabalangkas na panukala sa Kamara de Diputados (mas tipid na isalpak sa pangungusap ang Kamara lang para hindi na lulutang whatever sounds in English as litter off bitches or offspring of a whore). Hindi na mag-uusisa kung anuman ang binalangkas, binuno’t binuong panukala’t mungkahi niyong post-prandial haggle cancel, basta ganoon na rin ang tunog niyon ‘di ba?

And for those who bother to keep track of someone’s string of legislation, suffice to say character or history is simply the past catching up on the present, and ‘twill be in hot pursuit operations on into the person’s future. Ang gawi noon, magiging gawa ngayon hanggang sa hinaharap. Ganoon at ganoon ang ibubunyag sa saysay at kasaysayan ng sinuman, ninuman.

Batay sa mga ibinulalas na pahayag, mauunawa na ang isusulong na panukala ng dating mambabatas sa Mababang Kapulpulan: Bawal humagulgol, umalulong, tumangis o umiyak sa mga pagdinig sa anumang kapulungan, lalong lalo sa Senado para makaiwas sa emotional blackmail at mga makabagbag-damdamin, makapagpag-pusong eksena na aantig sa balana.

Madaling hulaan ang karampatang pataw na parusa sa sinumang lalabag sa ganoong batas, sakali mang lubusang mabalangkas at tuluyang mapagtibay: “They say he’s a Chinese from the province. Bagay sa iyo i-deport ka. Magulo ka dito.”

Himayin natin ang mga itatadhana ng ganoong panukala. Huwag ka nang mangahas pang tumuntong sa Metro Manila kung promdi ka—at layunin ng ganitong alituntunin na mapigil ang tinatawag na rural-to-urban migration para naman hindi magsikip sa nanggigita’t nanlilimahid na populasyon at pamahayan ang mga lungsod. And if there’s a clot of Chinese blood in your lineage, all the more you ought to be banned from setting foot in any Philippine metropolis.

Why so? Magulo ka dito. We’d rather have you deported, flung back to the boondocks where you belong in the first place—that’ll soon be duly covered by, and it’s likely to push through, the $329,481,290 national broadband network anyway. And take your lachrymal glands and sob tales, we’re having buckets of ‘em gushing forth from competing television networks.

And that’s how landmark legislation is crafted, the inspiration drawn from stark realities and kinks in space-time continuum that lawmakers and legal minds wrangle with in their waking hours.

Kung pakikinggan naman ang hinagpis ng Rodolfo Noel Lozada, Jr. and you’re a lawmaker worth the taxpayer’s money and the destitute future of the nation’s young resulting from incurring zillions of loans from every global and domestic lending institutions, crafting a decent piece of statute grounded on the realities he uncovered ought to be a piece of cake.

‘(I) deal with billion-peso projects and give (out) like P3.5 billion (in commissions), and they don’t even like it,
” aniya na tinutukoy ang mga bugaw na naglipana sa gobyerno na magkakasa ng mga pokpok na proyekto, hindi naman sila ang kakaplugin at pagpaparausan ng libog kundi masabaw na proyektong pokpok nga.

Sapat na raw ang $65 milyon, sagad-buto sa kahayukan kapag $130 milyon ang tatabasan mula $329,481,290. Kahit daw hitik na hitik sa bunga ang punong nasa bayabasan, ang mga taong bundok daw ay hindi na pipitas ng bunga’t ipapaubaya na lang sa mga ibon.

We do math and come up with a 20% cut-- a 40% commission off a public works project to be funded by a foreign or domestic lending body isn’t decent anymore. Let’s peg the legislated wage cuts, oops, h’wag naman kayong aangal mga katotong kawal at obrero pero tasahan na lang sa sukat ng balisong na pantastas ng lalamunan at isaw ang pagiging hayok sa makukurakot.

Huwag na nating pukawin pa ang kaluluwa ng namayapang Damian Sotto, baka makarinig na naman tayo ng, “Hindi ko sinasabing mga hindot kayo…”

Thursday, February 07, 2008

Pagkatapos ng Araw ng Ekis

NAKASALAMPAK ang tatak na ekis sa mapa ng kayamanan. Batay ang ganoon sa katakut-takot nang pelikula’t nobela sa komiks na nasumpungan namin sa kamusmusan—hanggang sa Indiana Jones and the Last Crusade na walang pasubali pang naglantad ng napakalaking ekis (I, II, III… VIII, IX…) sa lapag ng katedral bilang palatandaan sa ibinaong kayamanan na mahuhukay.

Ganoong gunita ang sasagi sa isipan tuwing “Araw ng X Rating” na pasakalye pala sa Semana Santa. Can’t help thinking that X marks the spot.

Maybe Graffenberg’s la bella loca in which multiple orgasms can be triggered through firm digital probing pressure—now that’s something to treasure.

Maybe there’s pirates’ cache of booty buried there that can be unearthed and brought to light—ba’t pulos yata DVD ng pelikula, computer software saka music albums in MP3 format?

Baka naman itinatak ang ekis sa noo dahil unfit for public viewing ang anumang nakasiksik sa kaloob-looban ng mga bumbunang natarakan ng X rating? X is Roman Catholic numeral for a perfect, oh, ten… masagwa yatang pukinggan ‘yon pero hindi kaya sampung pulgada ang hinihiling na maibaon sa anumang hukay na dapat mahalukay? Now that maybe something unfit for general patronage, the sort of viewing fare too often consigned into the realm of the censored.

Ipagpaumanhin na lang ng iba dahil hindi yata kami kabilang sa pila-balde tungong altar para matatakan ng ekis na abo sa noo para maipahiwatig o ikintal sa alaala na likha sa alikabok mula mga bituin, buntala’t yagit ng kalawakan ang aming katawang lupa kung saan, kung saan, kung saan-saan… talagang kakaiba ang ilandang ng aming isipan dahil hindi pa rin namin masikmura’t tahasang maatim ang karumal-dumal, kahindik-hindik, kasula-sulasok, kasuka-suka, kasuklam-suklam, karima-rimarim, buraot na pagsulpot ng “kung saan” sa mga pangungusap na ibinibisaklat sa media.

Hindi kami papayag na tatakan ng dos equis dahil mabigat sa bulsa ang pinakapopular yatang Corona cerveza sa lupalop ni Juan Manuel Marquez and it doesn’t help us any to be double-crossed or star-crossed. Equis? Kasintunog yata ng pagturing sa kabayo’t sa astig na dula ni Peter Shaffer ukol sa bathala ng mga mahilig mangabayo’t bumayo na hindi naman nadamay ang bayang karerista. Equus.

Hindi rin kami payag na tatakan ng XXX, hindi naman po kami ganoong kalaswa para ipagsigawan ang madalas na marinig sa mga paulit-ulit na nasunog—burnt again—“Praise the lewd!”

We may not be that math-sharp but there’s this sinking feeling a crossed sign like such daubed on one’s brows is a -- keep your eyes and fingers crossed-- tacit order for the bearer, “Go and multiply!” Heck, we remember from Sunday school that the setting for such a command was a multitude of Eden denizens that included two cheesecake figures, what were their names again, Edam and Eve?

In the context of such a setting, they were ordered to plunge, if memory serves me right, into livestock raising, fishery, animal husbandry, agronomy, soil science, and horticulture. And maybe rear a kid or two on the side.

Magbibigay-daan ang Araw ng X-Rating sa Day of Hangover Consciousness sa Pebrero 7, na natapat din sa ika-530 kaarawan ni Sir Thomas More, sumulat ng Utopia, “a man for all seasons,” “the honest politician”. Natapat din sa pagpasok ng taon ng Earth Rat o Dagang Lupa that trots out a new 12-year lunar cycle. Sa araw ding ito pasusumpain kami nina Dennis Fetalino, Ding Generoso at Lito Gagni kasama ng iba pang halal na board of trustees ng Dawn Alumni and Writers Network, Inc. ng aming idol na trailblazer taipan Dr. Lucio Tan.

Kung hei fat choy!

Monday, February 04, 2008

Tiis ka muna, hintay ka

ERMITANYO yata ako nang masulat ‘to, gusto ko lang mailahad muli—konti lang kasi ang nakasagap sa alimuom nito:

Mula sa "hintay ka muna" ang teka muna– wait a while, take five, shoot the breeze, some patience please.

Mula naman ang "muna" sa mouna. May hiwatig ang kataga sa matatag, matikas na pagtindig ng bundok – na isinasaad sa himaymay ng ilang wikang Malayo-Polynesian. Mauungkat nating halimbawa ang bundok sa Hawaii – merong Mouna Loa, may Mouna Kea… walang Mouna Lisa, mwa-ha-ha-haw!

Malalim na nakaugat sa wikang Sanskrit ang mouna. "Perfectly constructed language" ang tahasang katuturan ng Sanskrit. Binalangkas, hinubog ang naturang wika upang mabisang makipagtalastasan at tuwirang makipag-ugnay sa Maykapal.

Teka: samut-sari ang hinuha’t hinala sa pinagmulan ng wika. Isa sa pinakahuling hinuha, ibinaon sa himaymay ng laman ang balangkas ng wika. A human genetic anomaly spun off the growth of human language, so this most recent theory would have it. Nakasuksok-silid sa hibla ng ating laman ang wika?

Balik-bungkal tayo sa nailahad ukol sa random letter code sequence – mga hanay ng tatak na titik – sa human chromosome, G, A, T, at C. Yes, my beloved reader, go see anew the film, "Gattaca." Grab another jolt of the awesome reality of genetic imprinting through the Logos, the Word incarnate in us. Nabanggit na rin sa pitak na ito ang malalim na taga ng kataga sa puso at diwa – TAGACATAGA. Tagakataga.

Halungkatin na rin ang inyong aklatan. Baka may nakabaon doon na "Focault’s Pendulum" ni Umberto Eco. Isinisiwalat sa naturang obra ang buhay-at-kamatayang bisa ng ginagamit nating pananalita. Ubrang makalunas sa mga malalim na pinsala at sakit. Nakakalutas. Nakakautas.

Naungkat ni Eco ang "Quabbalah" – ang mga lihim na kapangyarihan na nakasalin sa bawat titik ng abakada. The corpus of words one uses to convey meanings or nonsense can have profound impact on the user’s own body. Such can trigger inner healing and intrinsic well being. Or conversely, such can coax turmoil, the growth of malignant tumors and other forms of cancer. Yeah, mens sana in corpore sano.

George Bernard Shaw: "What’s this stupidity about a sound mind in a sound body? Have a sound mind. The body follows."

Nakasaalang-alang ang kalusugan ng diwa’t pangangatawan sa ipinayong dalangin ni Jesus Christ, ang Pater Noster o Ama Namin. Payak ang pakay ng mga kahilingang isinasaad nito. May bahaging pambungad na humihiling: "Iadya Mo kami sa dilang masama."

Muli, teka muna. Naibahagi sa akin ang pamamaraan ng mouna. Mula sa aking sensei (hindi guro o panginoon kundi nakatatandang kapatid ang tahasang katuturan nito) mula Okinawa. Bahagi ang mouna ng balangkas ng dharmadhyana, pagtahak ng tiwasay na diwa sa daan ng santinakpan – meditative journey on the way of the universe. The operative word is santinakpan. Hindi landas ng kamunduhan, definitely not on the ways of the world.

Sapul pagkagising tuwing umaga, walang imik na isasalang ang puso, diwa’t himaymay ng katawan sa taimtim na katahimikan. Ganoon kapayak ang mouna. Ang talagang payak na pakay: para tumindig na matatag at matikas tulad ng bundok. Sure, Mohammed doesn’t have to go to the mountain, the mountain goes to him. And becomes him.

Pangunahing sangkap ng mouna: katahimikan. It’s healing quiet time. Does a serene mountain ever chatter or blabber brainless blah-blah?

Pinakamahalagang sangkap sa mouna: yoga. Ang tahasang katuturan ng yoga – communion o pakikiisa sa Lumikha. I’ll shamelessly confess I’m in union with the divine in mouna. So I go rapt over my well-worn Bible – Q’uran, Atharva-Veda and some other esoteric texts to follow -- allow the healing logos to leap at and grab me. Pray. Meditate. Allow the logos to sink in, perhaps, right into the marrow and take root like a mustard seedling.

Then I indulge in the needful like tending to my small collection of potted herbs, bang out this column, do some cooking or housecleaning – all in the aegis of healing silence and serenity of a firmly rooted mountain. The Logos shape the terrain of my experience and competence – including the logos that I spout out.

The mouna praxis sure drives my neighbors to suspect that I am (1) an undesirable alien, (2) ringmaster of a terrorist cell, (3) drug user-peddler, (4) rotten-to-the-core sex fiend, (5) escapee from an insane asylum, or (6) a felon in hiding. This is, after all, a democratically free putatively Christian country where hell (from the antique English "helan," or abysmal ignorance) holds sway, pwe-he-he-he!

Bukambibig-Kristiyano: Maranatha… Maranatha…Darating ang Panginoon. Katumbas niyon sa Sanskrit – maran (kamatayan) at atha (mainam na simula). Mainam na simula ang kamatayan – dapat ibaon sa lupa ang binhi. Para tumubo. Lumago.

Teka muna uli: sala’am at salamat po sa ilang guro sa mga pamantasan na nagtatakda sa kanilang mga estudyante na gawing supplemental reading material ang pitak na ito—kahit maraming sangkap na medyo bastos.

Pagpalain ng biyaya ng Lumikha ang bawat masikap at maatikha!

Sunday, February 03, 2008

Fr. Fernando Suarez? Stella Suarez pa rin kami!

KIKIWAL-KIWAL na kumpol ng mga uod sa inaagnas na bangkay ang bunton ng mga maysakit na dumadalo sa bawat healing session ni healing priest Fr. Fernando Suarez… samut-saring karamdaman, mga pinsala’t kapansanan ng katawan at kalusugan ang umaamot ng kahit kaunting lunas… baka pati ‘yung asungot na nakatanaw sa bawat gawi’t gawa namin sa loob ng pamamahay, talamak na kasi ang PTB, hindi pulmonary tuberculosis kundi pulos tunganga’t bunganga… baka dumagsa na rin ang kawan ng mga OFW upang malunasan ang naghihingalong kalagayan ng U.S. dollar

Nababahala na yata ang ilang obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kahit hindi naman lumilihis sa mga doktrina ng Simbahan si Fr. Suarez na hindi pa namin nababalitang naglaglag ng unwanted pregnancies, nagpayo para sa family planning o nagpahayag na dapat nang ibalik ang death penalty para sa krimeng karima-rimarim tulad ng plunder, pandaraya sa halalan, graft and corruption…at lalong walang dapat ikabahala ang mga health and medical professionals ng bansa na baka ibalibag sa bintana ng healing priest ang mahabang panahong inilublob sa seminaryo’t magbiglang-liko sa alinmang sandamakmak nang nursing schools na nagsulputang kabute sa bansa para mapasama sa pantustos na registered nurses sa ibayong lupalop.

Hindi rin dapat mabahala sina Dr. Vicky Belo, Dr. Pie Calayan at mga kauri—wala pa namang binasbasan si Fr. Suarez na biglang naglaho ang suson-susong bilbil, kuminis sa iskoba ang magaspang na mukha, tumambok ang tumbong o umumbok sa katakam-takam na sukat ang suso’t naretoke sa sapat na sikip ang mahiwagang hiwa sa hinaharap…

Iginigiit ng healing priest na kawad lang siya. Medium. Parang electrical conduit… dinadaluyan ng kuryente mula sa pinagmulan nito… parang silya elektrika yata na kapag pusakal na salarin na sugapa sa pandarambong ang iniluklok, tiyak na bibiyayaan ng libu-libong boltahe’t magiging toast of the town… Kaya naman nananawagan na kami sa mga nasa Malakanyang, Senado, Kamara’t iba pang sangay ng gobyerno. Magpabasbas lang po sa healing priest… baka sakaling mabigyan ng lunas ang bansa.

Medium lang—hindi rare, well done, small, large, XL, XLL, XXX ang sukat, at hindi na nga maaaring ipalabas sa balana kapag nasukatan ng XXX, malaswa na kasi.

Kapag dumami ang tulad niyang medium, magiging media—at tagilid tiyak ang lagay nila sa nakaluklok ngayon sa Department of Justice, hindi na sila mapapahintulutang tumutok at maglabas ng ulat sa mga nagaganap na balita tulad niyong nangyari nitong Disyembre 2007 sa Manila Peninsula.

Iglap na ginhawa’t lunas ang karaniwang pakay ng mga maysakit, naghahanap yata ng iba pang medical opinions o naiibang diagnoses at himala kahit natukoy na ang kanilang sakit. Mas marami ang kapos ang kakayahan ng bulsa sa pambili ng gamot—menos-gastos ang dulot na lunas kahit pansamantala lang mula sa basbas-biyaya ng media na tulad ni Fr. Fernando Suarez.

Opo, media ang turing sa maramihan, medium kapag iisa lang. Sa laboratoryo, pinalalago din ang mga mikrobyo at cell colonies sa medium na nagtataglay ng sapat na nutrisyon, siksik-liglig-umaapaw. Sa labas ng laboratoryo, samut-sari na ang naglipanang media para sa makrobyo, Opo, makrobyo—kabilang na ang tao.

At hindi lahat ng media ay makakalunas, makakalutas… Kakaunti ang tulad ni Fr. Fernando Suarez.

Ang hinahanap-hanap namin ay tulad ni Stella Suarez… nasa awiting bayan ng aming kamusmusan na katunog ng A Hard(on) Day’s Night, “Divina Valencia, ang pangunahing artista… Stella Suarez… nagwawalis…”