Wednesday, July 04, 2007

Deities and demons tucked in

SO drop-dead unfair prayer is—God stays ever as is not even budging, the supplicant won’t be and becomes. There’s the rub. In becoming.

Ever heard of the adjective, a descriptive saying “enthusiastic?” Or that child-like quality called “enthusiasm?” That, my dear, is becoming.


Kasama sa mga pinakamarikit na kataga ang enthusiasm—nabuo mula ugat na Latin “en=kalooban” at “theos=mga diyos”. Kapag may iwing sigla ang kalooban—hindi panlabas na anyo, basta bumubukal na lang sa gawi’t gawa—may namamahay na mga bathala sa sinumang taglay ang ganoong katangian. Gods taking up abode within sounds too friggin’ far out but…

Sa sinaunang paniniwalang Shinto (‘landas ng mga bathala’ ang katuturan) pilit kinikilala ang napakaraming bathala at bathaluman. Isa lang naman talaga. Pero napakaraming katangian. Hindi rin mabilang ang itinuturing na mga bathala at bathaluman sa paniniwala ng mga Hindu. Pero tahasang iisa lang nga.

Sa litanya o napakahabang listahan ng mga katangian at kapangyarihan ng iisang Ama, nabihisan bawat mausal na katangian bilang bathala na rin. Wala na talagang masinop at masinsinang paghimay. Hindi makakayang gagapin ng diwa ng karaniwang tao ang kawalang-hangganan ng nakapangyayari sa sanlibutan.

Teka. May 100 pagtawag kay Allah—99 lang ang mabibigkas ng tao, may tanging pagtawag na pawang mga nilalang mula kalikasan ang nakakabatid. Mga tupa, kamelyo, aso, pusa, kambing, kalabaw, tutan kasama na pati ipis at daga. Damay pati mikroorganismo’t mga halaman.

May bukal ng kapangyarihang taglay ang bawat pangalan ng bathala. May nakapatnubay pa ngang anghel sa bawat pangalan, sa bawat katawagan. Na naisasalin sa kalooban—na pinag-ugatan ng “kaluban,” sisidlan ng gulok, sundang at iba pang patalim. Every sacred name is imbued with a cutting edge and the believer merely aspires to be a sheath, a vessel for the lancet sharpness invoked.

Now, that’s what becoming is all about, go on, read some more. You might get some sharps. Or you might get cut. Or minced, but what the hack!?

Sambitlain ngang kataga sa Batangas ang “ala eh.” Na mauugat sa papuri. Allahu akbar!

Al Mumit o “Kumikitil ng buhay” ang kinagigiliwan kong pagtawag kay Allah. Hindi kailangan pang ungkatin ang dahilan para makipag-ugnayan sa talibang anghel na Tar’athyail na tagapaghatid ng kamatayan. Dalawa-sampera lang kasi ang turing sa mga peryodista sa bansang ito. Dapat lang pairalin ang ginintuang alituntunin. It is better to give than to receive, iyon nga ba? Hindi kaya do unto others before they do it unto you?

Tiyak kagigiliwan ng ibang manawagan kay Ash Shamad, “Nagtutustos sa lahat ng pangangailangan” para makatalastasan ang anghel na si Nuryail.

At sa mga mahilig magkamal ng tala-talaksang yaman, Al Malikul Mulk, “May-ari ng lahat” na anghel na tagapaglingkod si Rumyail.

Seek and ye shall find: hindi natagalan sa paghahalungkat sa global information superhighway, natagpuan at naisubi ang halos dalawang sandaling MP3 ng malamyos na pagbigkas ng Kyrie Eleison (Panginoon maawa Ka). Mas mainam marahil kung natuhog ang apat na Kyrie Eleison—tig-isa mula kina Johann Sebastian Bach at Felix Mendelssohn saka ang dalawang naisubi.

Ano ang nasa Kyrie? Nakabaon kasi sa naturang panawagan ang binhing kataga na alay naman kay Kali, isang bathaluman ng mga Hindu. Bathaluman ng pagpuksa at kamatayan si Kali. Malupit na martial arts ang kali, tiyak na isinunod ang pangalan sa bathaluman. Pakay ng alay na katagang binhi na wasakin bawat makakatunggali, bawat masasagupa.

Hindi kasi makatitiyak sa mga Kristiyano—kaya dapat yatang manikluhod kay Kristo. Para makaligtas naman sa karumal-dumal na gawi at gawa ng mga Kristiyano. Yeah, Christ, save me! From Christians!

Samut-saring papuri sa kung sinu-sinong bathala at bathaluman ang pumapailanlang mula sa halamanang nakaligid sa aming tahanan. Para bang napag-utusan o tinakdaan na idaos nila ang Angelus, Vespers, Oracion, pati Matins—na nakatapat nga sa TV prime time na kung sinu-sino namang kumag at kupal ang ilalantad. Sasambahin, didilaan at hihimod-himurin ng tingin, susuubin ng papuri. And there’s neither blasphemy nor idolatry in that. These days that’s hip. Read my hips.

The environs where I’ve taken abode howl out a pagan ecumenical rant.

The crickets and cicadas keen in homage to the Hindu goddess Lakshmi, humming hymns that consist of a seed word for enduring beauty and material prosperity.

In unseen crevices among sermons in stones, less than a dozen frogs and toads hurl syllables to Durga, she who takes away obstacles and ensures success to undertakings.

And the child in me who refuses to grow up says every thriving bush and tree is aflame with archangels and Yahweh, why, the home yard must be holy ground.

Those humble creatures aren’t exactly religious—I haven’t seen any going to church, engage in religious debate, bang out silly columns like this or flock to an El Shaddai rally. They probably can’t watch TV,
kawawa naman sila, ‘di ba?

Bwa-ha-ha-ha-haw!

No comments: