Puwang sa buhay
BUHAY at kamatayan ang nakataya sa puwang—kahit masisipat na wala namang laman ang puwang, it’s an empty space, but its emptiness so vital.
Wala mang masipat sa puwang, meron namang masusukat.
An inch-long-goldfish needs a gallon of water to swim in—a lesser volume of available living space induces retardation, stunted growth. A hectare of grassland can accommodate 45 native goats; add a goat or two and the grassland’s capacity to provide chow for those goats is imperiled. Every man, woman or child needs 45 square meters of space in the home to maintain their sense of well-being.
We’re back to the old-fashioned notion of lebensraum— “living space” which empowers, accrues powers and enhances life.
Nabungkal na naman ang usapin hinggil sa stocking practice sa mga baklad na palakihan ng bangus sa bunganga ng ilog na sumasalin sa isang bahagi ng Lingayen Gulf, Pangasinan. Bangus lang naman ang nakatinggal sa mga ganoong baklad—nagsisiksikan marahil sa kakatwang bilangguan, hahagisan tuwina ng fish pellets para magsikain at magtabaan, saka hahanguin at isasalya sa pamilihan.
Tiyak na tinuos na ng mga fishery experts ang optimum stocking capacity pati maximum stocking capacity—o bilang ng maititinggal na bangus bawat litro o cubic meter ng tabsing. Sa ganitong negosyo, talagang tila kabayong may tapa de ojo ang paningin ng may-ari ng palaisdaang baklad. Bilang lang ng nakatinggal na bangus at inaasam na kita mula bentahan ng bangus ang nakikita.
Mahirap talagang makita ang mga mikrobyo’t mikroorganismo na naglipana’t kahalubilo ng mga isda sa tubig—humihinga rin, kailangan din ng pantustos na hangin o ang tinatawag na biological oxygen demand para manatiling buhay. Ituring din na life support system na nakakabit hindi lang sa iisang agaw-buhay na pasyente. Nakakabit sa buong ospital…
Trabahong tamad ang mag-alaga ng kambing pero parang nag-alaga ng mga kambing sa isang ektaryang kural—hindi lang 45 na ulo na kakayaning tustusan ng damo sa ganoong sukat, baka nagtinggal ng may 100 ulo ng kambing. Masalanta man ang damuhan o magawak pati takip na lupa ng isang ektaryang kural, maaaring tumabas, humakot ng damo sa ibang lunan na mapagkukunan.
Hindi na puwede ang ganoong diskarte sa mga nakabaklad na bangus—saan aamot o hahagilap ng biological oxygen demand na itutustos sa magkahalubilong isda at mikrobyo? Ibobomba ng aerator na sasagap ng hangin sa paligid? Pero hindi naman pure oxygen ang masasagap sa paligid at hindi tahasang maisasalin sa tubig para agad mapakinabangan ng mga titikab-tikab na bangus.
Kaya fishkill ang kasunod. Lulutang sa tubig ang mga bangus. Lalantakan agad ng mga mikrobyo. Mabubulok. Sasansang. Kung ilang milyong pisong puhunan din ang lagas at laspag sa bulsa ng mga may-ari ng palaisdaan.
They’re just out there to hack profits. They don’t make sense at all. Nasalanta na ang mga inaalagaang bangus, nasalanta rin ang balance in the marine biological system in that part of the Lingayen Gulf. That’s not trying to make a living or engage in livelihood—that’s murdering a fragile ecosystem that could put populations out of business.
Siguro’y nahuhulaan na ninyo ang sanhi ng matiim at tumataginting na linamnam ng free-range chicken or jamon serrano de bellotas culled off free-ranging swine.
It’s the lush taste of freedom, and the opulence of space in ‘em, that’s what.
Friday, July 06, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment