BAKIT pa kasi kailangang mag-abala pa ng iba kapag dumarating ang araw ng pagsilang ni Juliet Capulet na tauhan sa trahedyang Romeo and Juliet?
Mag-aambagan na naman ang mga diyaskeng anak para bumili ng samboteng currant-flavored vodka para tagayan ang kaarawan o kabuwangan yata dahil bilog na bilog ang buwan sa Hulyo 31—na araw din ng aking kapanganakan.
Araw ‘to ng kamatayan ni St. Ignatius of Loyola, ipagdiriwang sa taimtim na usal ng dasal mula iniingatang Verus Jesuitarum Libellus (The True Magical Work of the Jesuits) upang mapukaw o mauntag kahit paano ang mga diwata, lambana, batlaya’t anito sa paligid. Kabilang sila sa pagdiwa’t pagdiriwang sa gabi’t araw.
Kapistahan din ni Sta. Elena at ilang puno nga ng Sta. Elena ang matagal nang nakatanim sa aming halamanan para maging lubusan ang diwa at diwang, ang dingal at dangal.
Huwag nang ungkatin kung ilan taong gulang at panggugulang na ang tinahak sapul sumilang sa kapirasong liwanag at talaksang paliwanag.
Hindi kasi dapat maging bilanggo ng bilang— tulad ng inilahad ni Antoine de Saint-Exupery (naglaho noong Hulyo 31, 1944) sa The Little Prince, larawan ng negosyante na isinalang ang sarili sa pagtutuos ng kinakamal, kinakamkam na mga bilang. That filthy rich dolt was so dirt-poor; his picture reminded me of what our mentor cum tormentor Raul S. Gonzales once spat out: “Possessions can possess you.”
Sa ganoong pananaw sisipatin ang bungkos ng bilang na nakalaman nang kaalaman sa aking laman—pinagsamang intelligence quotient ng dalawang hayok na gunggong—tig- I.Q. 80 na magsama man ang dalawa, tatlo o kahit ilan pang tulad nila, they just can’t get to that act of synergy to muster the mental mettle of an I.Q. 160. Such a number hurtles its owner into the ranks of a certain coterie constituting 0.2 percent of the world’s population. Call us a menagerie of freaks, we just take that with a grain of assault.
Kaya naman napakahirap maghagilap ng makakausap. Kaya nakikipaghunta kahit sa mga kulisap, aso, pusa’t mga halaman—why, in God’s pecking order of priorities, humble creatures and a tenable biosphere were created first before man, I bear that in heart and mind.
Kaya masaya na kapag magiging panauhin sa palumpon ng mga lobster claw heliconia sa aming halamanan si Puwit, isang sunbird whose size equals a yellow-rimmed red bract-petal of that plant. Tiyak na sisimsim siya ng nektar doon at maghahasik ng kanyang matinis na pagbati, swee:eet, swe:eet, swee:eet… Pakiramdam ko’y binuhusan ng nektar ang pandinig at paligid. Swee:eet…
Suet? Nakagawian na yata ng bunsong kapatid nina Dennis at Jenna Fetalino na magpadala ng ganoon sa bawat peryodista na nagdiriwang ng kaarawan o kabuwanan. Sambuong litson baboy. Santambak na mantika ‘yon na talagang maghahatid ng panganib sa katawan kapag nilantakan.
Magpapadala ng sampaketeng soft-pack Philip Morris 100s sina Dave Gomez at Elmer Mesina. Magpapadala ng dagdag na writing assignment ang katotong Ding Generoso.
Magyayaya sa Wah Sun si Willy Valdez.
Magyayaya naman ang magkabiyak na Teo Teodoro. at Sol S. Antonio na sa kanilang lungga sa 19th floor ng isang condominium sa Gil Puyat Avenue ganapin ang pagdiriwang.
Maghahanda ng piging ang mentor-tormentor namin at ang kaniyang maybahay sa kanilang tahanan sa Mandaluyong.
Magyayaya ang Francis Singson Lagniton na magtanim ng puno, tulad ng ginawa sa epikong Indarapatra at Sulayman, para ipagbunyi ang pagsilang.
Magbibigay ng painting sina Dansoy Coquilla at Alvaro Jimenez, ‘langya saan ko isasabit na naman ‘yan, sa leeg?
Sasanaw sa santambak na pagbati ang tagakataga@yahoo.com at habalakibur@hotmail.com, lalo na sa huling electronic address. Na natatambakan ng indecent proposals ng mga ibig lang yatang makatikim ng sanlata ng sardinas na apat ang nunal sa ulo.
Magluluto naman ako ng lugaw. Kasubha, bawang, sibuyas, luya’t asin lang ang sangkap. Sapak kung bigas na milagrosa ang pangunahing sangkap. Para magpugay kay Amaterazu o-Kami, bathala ng araw na, ayon sa alamat, naghandog sa sangkatauhan ng mga butil at himaymay ng liwanag. Na naging bigas. Marikit na larawan, ‘no?
Parang pasinaya’t pasasalamat sa una kong pagtunghay sa liwanag. ‘Yon ang talagang lalantakan ko.
Lugaw. Liwanag.
Opo, naniniwala pa rin ako sa hirit ni Michael Harrington: “Our affluent society contains those of talent and insight who are driven to prefer poverty, to choose it, rather than submit to the desolation of an empty abundance.”
Thursday, July 19, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment