Wednesday, July 04, 2007

Manggahasa-hasa!

KAGIMBAL-GIMBAL. Kahila-hilakbot ang ulat: bokya, zero, nada, alaws daw ang lagay ng talim-isip ko ngayon batay sa sukat ng biological rhythm. Kaya dapat lumantak ng paboritong pagkain—we’re what we eat, aren’t we? Na talaga namang sa pamagat pa lang, marami nang alindog, dilag at mutya na maiilang, iilandang o malilinlang para makatikim nito.

Manggahasa-hasa!

Tadtad na manggang hilaw na sinamahan ng sibuyas, kamatis, sili’t bagoong para maging sawsawan ng paksiw o pangat na hasa-hasa. ‘Yan ang sapak na manggahasa-hasa.

Kailangan naman talagang lumantak ng isda, lalo na ang mga gaya naming nagkaka-edad—“oy, Caridad, halika nga rito…”

Para hindi maging malilimutin. Para maiwasan ang ganitong pangyayari: “Whaaat? I’ve made love to you. Whoa, six times already!? Uhmm, I thought we’re having the first bout for the night. Hey, I just woke up, dear. So sorry I forgot, dear.. Will I forget if you tie a string around my finger.. Aah, you’ll tie it around the… how naughty!”

Kapag malilimutin na kayo tulad niyan, kailangan na talaga ng isdabest. Maghunos-dilis. Lumapang ng magandang dilag na dalag. Isalpak ang ngipin o gilagid, nguya-nguyain ang nakapagitan sa hito o hita. Sumibasib ng tampal-puke at dalagang bukid. O mali patong, ehek, malaki utong, oops, maliputong mula Ilog Pansipit…

Sarap din ng pabuka. That’s Tagalog for eel—masyado talaga kayong ma-eel.

Tularan ang sumulat nito na nawiwili sa isdang… isdang…is dang…dang is… ah dang it! Dang yata ang palayaw ng dalaginding na ‘yon na matagal ko nang pinagnanasaan, pero dapat matukoy kung nasaan ang pinagnanasaan.

Basta kakainin kita, Dang!

Ganyan ang mga susulpot na palatandaan kapag hindi mahiligin sa pagkain ng isda. Madaling makalimot, panay pa ang kamot.

Sige na nga, heto ang maibabalibag pang dagdag na ulat. Para hindi man kayo magulat, sana’y mamulat:

“Middle-aged and older adults who have higher levels of certain fatty acids—those found in fatty fish like salmon and tuna—fare better on verbal fluency tasks compared with their peers who are deficient in fatty acids.

“It seems to be particularly true for people with artery troubles like hypertension or high levels of unhealthy blood fats. Researchers suspect that people in this group suffer from greater oxidative stress—which can wreak havoc on memory and other cognitive functions.”

Sa mga tumatanda na tulad namin, talagang kailangang lumapang ng… ng… seksing tila. Tilapia Zadora!

O kung maaatim ng ating mga bituka, ‘yung masabaw kahit bilasa nang Paris Hiltuna o Rufa Mae Quintuna.

Magtiyaga ang mga bading sa pagkain ng tulad nitong Bakoko Pimentel. Para makaiwas sa sakit na Zuberi-beri.

Oops, hindi lahat ng mahahango’t mabibingwit mula sa tubig ay isda—mag-ingat sa mga sumisipsip ng dugo na tulad ng tinatawag na Lintang Bedol.

And didn’t they ply out a fatwah to devour someone named Salmon Rushdie?

Kumakain naman po ako ng sinaing na tulingan pero sinaing… hindi po iyong minsan nang naihain sa akin. Sinaing na tulingan ang lutuin. Naging lugaw.

Kumakain din naman ng pinangat. Hindi pinangit.

Mag-apuhap nga ng apahap—matagal na ‘kong hindi nakakasibasib sa linamnam niyon.

Ah, labahita! Love a leg which could be something sumptuous, say jamon Serrano de bellotas. Or love something in between. Between those thighs, I mean. Hindi ka kaya gaganahan sa paglapang sa pagitan ng dalawang,,, este, lab-a-hita?

Danggit! Dang na naman yata ang nabanggit. Talagang iba na ang tumatan... Dang na naman. I’m so self-absorbed, my dear.

Salimbayan ng anghang-luya, asim-tuba at tamis-gata ang nakasukob sa malinis na tubig-alat na lasa ng tanigue. Kilaw.

Humaharumpak sa sarap ang sinabawang kapu-lapu o gindara na panga’t buntot lang. Pangantot!

All told, fish be unto you. Sa ating wika, magtamasa nawa ng biya. At biyaya.

No comments: