“It is only when we are aware of the earth
and of the earth as poetry that we truly live.”
- Henry Beston, 1935, Herbs and the Earth
BUKOD sa mga nakaririwasang dibdib at mga mala-labanos na crispy pata ng mga katakam-takam na dilag na pasahero, tahasang hinihimod ko rin ng tingin ang nadadaanang tanawin sa labas ng bus. Araw-araw na madadaanan, hindi mapapansin ang mumunting pagbabago sa mga iyon. Pero laging bago ang pananaw na mailalapat.
Tatlong buwig yata ang may mahihinog nang bunga sa ikatlong puno sa hanay ng Phoenix dactylifera mula sangandaan ng Paseo de Roxas at Ayala.
Date palm nga pala ang karaniwang pangalan ng mga punong iyon, Hindi naman talaga puno kundi dambuhalang damo. “Date-bearing phoenix” ang pangalan na inilapat mula Latin. Katulad daw kasi ng ibon sa alamat, ang phoenix. Isinisilang ang sarili sa gitna ng pagliliyab. Kagila-gilalas ang katangian ng date palm na mabuhay, mamulaklak at mamunga sa gitna ng lagablab-init ng disyerto.
Higit kong kilala ang kulumpon ng spider lilies o liryong gagamba na nakaligid sa bawat puno ng date palm sa gitna ng Ayala. Espadang lunti ang mga dahon. At tila galamay ng gagamba ang talulot na puti na tuwing tag-ulan nagluluwal ng mga bulaklak.
Mas nakatuon ang aking paningin sa mga puno’t palumpon na palamuti ng lansangan kaysa mga nakahumindig na gusali sa Ayala—mapakla ang lasa ng kongkreto, metal at salamin kung ngangatain sa isipan.
Laging may natitigis at bumubukal na tamis mula sa mga date palms, lalo na kung tila buriko kang pandalas na ngunguya sa mga nakatambad na bunga—tiyak na mangahuhulog, may mapapadpad sa mismong traffic safety island, may mapipitpit sa gulong ng dumadaang sasakyan.
Mayaman nga pala sa protina ang dates—and whenever I get a date, she gets thoroughly eaten, why, the consequent multiple orgasms devastate her. Oops… But we’re still on the topic of dates—and don’t give me that look, not one of ‘em dates I’ve had turned up with something called ectopic.
Even Arabs are saying there are as many uses for dates as there are days in a year— check that out but I haven’t got one date who does proper and palatable cookery. And since they can’t offer anything decent tucked in their pantries, I often have to settle eating that’s tucked in their panties.
Hindi ko maipapayong kainin ang mga bunga ng date sa Ayala. Ang lamukot niyon, tiyak na tigmak sa heavy metals na nasagap mula tambutso ng sasakyan—mapanganib iyon sa kalusugan, pati na sa katinuan. Nakakabobo ang heavy metals na nasasagap sa hangin, pangunahing biktima nga ang drivers ng sasakyan.
Burukang nakasambulat ang lunting buhok—ganoon minsan ang nakikita kong larawan ng date palms kapag nagiging malikot ang guni-guni habang bumabagtas ang sinakyang bus sa Ayala.
Mga nakatindig na Circe sila. Maghahandog ng matutungga. At bawat sisimsim sa inialok na alak makakatulog—saka unti-unting magbabago ang anyo. Magiging OINK—o irog na kinaplog. Ganoon ang takbo ng pangyayari sa alamat ng marilag na burukang si Circe who seduced seafarers then turned ‘em with firewater into swine.
‘Langya talaga ‘no, parang umaakma sa kalagayan ng mga nangingibang bayan. Nagiging baboy. Nabababoy. Masaklap. Mapait.
Bukod sa hanay ng date palms sa Ayala, meron din nga palang ilang puno sa pabrika ng Magnolia sa Aurora Boulevard na kanugnog lang ng Cubao. Hitik din sa bunga. Pero tiyak na tigmak din sa heavy metals ang lamukot ng bawat bunga dahil kalapit lang din ng sikip sa trapik na lansangan.
Kung gustong makatikim, bumili na lang kayo ng dried dates sa Chinatown. Medyo may kamahalan pero huwag mabahala. Hindi naman embalsado ang dates nila. ‘Yung mga mahilig kumain ng embalsamadong dates, tinatawag na necrophiliac.
Mwa-ha-ha-haw!
Saturday, July 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment