$800 sambuwan ang nakontratang panimulang sahod ng panganay. Kakayod sa Aramco, idinaan pa sa ahensiya’t dadaanin naman namin sa pasensiya. Dalawang taon ang kontrata na nahagip sa isang overseas jobs fair, akala ko pa naman sa Dubai ang inaasinta ng diyaske.
Kaya nakagayak na lumipad sa ibayong lupalop ang anak—tulad ng may 20,000 Pilipino na tinutuwaran ang sariling bansa sa araw-araw dahil hindi sapat ang sahod dito’t kaunti lang ang mapapasukang trabaho.
Muntik na tayong mapasama sa mga tumatalikod sa bansa. Meron lang kasing mga pinaiiral na hindi masikmura.
Umugnay ang editor ng Saudi Gazette sa National Press Club. Naghahagilap ng mga mahuhugot na patnugot sa mga lokal na diyaryo para isalang sa Riyadh, K.S.A.
Ginawa palang gunggong ang NPC na binulabog na nga ang local editorial talents para maisalpak sa naturang peryodiko— katumbas ng P100,000 sambuwan ang suweldo.
‘Yung hindot na Arabobong editor, nakipag-alam din pala sa isang manpower recruitment agency sa Malate, Manila para kumalap din ng editors. Kasama sa short list ng mga sinulatan para magtungo sa kupal na ahensiya’t magbitbit ng ilang trak na papeles at dokumento na magpapatibay ng aking kakayahang mamahala sa pahina ng diyaryo.
Hindi naman talaga limang trak na dokumento ng aplikante ang kailangan ng Arabobong editor kundi mabibitbit na tao para sa kanyang pahayagan. Talagang talamak lang ang kagunggungan ng Arabobo. Nagpatulong sa NPC, lumapit pa pala sa dayukdok na recruitment agency.
You have a right to remain an idiot pero bakit ba sinabing gunggong ang kupal na Arabobo?
Ibinasura lang ang kakayahan ng NPC na humugot ng mga matinong editor mula sa iba’t ibang diyaryo’t pasulatan sa Pilipinas. Inakala ng mga aplikante na direct hiring ang mangyayari, kumuha pa pala ng bugaw.
Bakit naman ba sinabing dayukdok na dupang ang bugaw na recruitment agency?
Pahihirapan ka nang aplikante sa paghahagilap ng papeles at dokumento, tatagain ka pa agad ng katumbas ng sambuwang suweldo. Ni hindi ka pa sumasahod, kinatasan ka agad ng tamod.
Sa ganoong uri ng kayod, kailangang magpadugo agad bawat aplikante ng P100,000—kung susunod sa itinatakda ng umiiral na batas. Maipapaputol ang mismong tarugo kung merong manpower recruitment agency na tumutupad sa takda ng batas—tataga sila ng higit pa sa P100,000.
Kung papatulan mo ang alok na kayod ng editor na Arabobo, kailangang isangla ang sariling kaluluwa para makalikom ng P100,000. Kailangang umutang sa paiyakan. Pero kung bobo lang ang makakasama sa trabaho, magsalsal na lang sila.
Press the lewd ang ilandang ng ating mga salita ngayon. Naulit na naman kasi ang ganitong pagdayukdok sa isang kakilala na mamamasukan bilang kasambahay sa Hong Kong—P80,000 naman ang babayaran sa dupang na ahensiya, a legal recruitment agency perpetrating illegal fee collections.
Ganoon daw talaga ang kahayukang umiiral. Mapupuri pa nga ang mga linta’t limatik dahil konting dugo lang talaga ang sinisipsip, bibitiw na kapag nasandat.
Napilitang umutang ang bata. Ginawa akong co-maker sa utang. Pusong Ma Mon Luk kasi.
Walang balak magsuplong ang bata sa POEA tungkol sa karumal-dumal na pagsasamantala sa kanya—santaon naman daw ang nakuha niyang kontrata, pumapatak sa P20,000 sambuwan ang sasahurin.
Sa inutang na P80,000, apat na buwan ang ikakayod na pambayad ang tatanggaping sahod.
‘Tangna ‘kako ‘yang pagpayag sa pamimihasa ng mga nagbubugaw ng tao. Kailangan ‘kakong resbakan.
Pugutan. Para hindi tularan.
Wala raw talaga siyang balak na magsuplong sa POEA o sa NBI.
Hindi rin daw magsusumbong sa ISAFP. Kahit sa MILF, New People’s Army at Abu Sayyaf.
Mawiwili ‘kako ang mga kupal na bugaw na ‘yan. Dapat na sampolan. Sabi nga ni Dr. Jose P. Rizal: “Walang magiging alipin kung walang magpapaalipin.”
Inalam ko na lang ang mga pangalan ng mga taong nakausap niya sa naturang ahensiya. Ibabalato ko na lang sa mga katotong paktol at parakaraw. Mas mainam kung ako ‘kako ang makakapagbuga ng tigalpo o makapag-utos sa khodam.
Walang kalatoy-latoy kung kokontrata pa ng Grupong Gapan o Tropang Talavera para itumba isa-isa ang mga gahamang gaya niyon. Gagastos pa.
Mas masaya kung unti-unti, dahan-dahang natutuyot ang katawan sa pagsusuka’t pagtatae habang sumasablay ang lahat ng medical diagnosis at mahihilo sa pagtukoy ng sakit bawat doktor o arbularyo.
Mwa-ha-ha-ha-haw!
Sunday, July 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment