VAGINARIAN, oops, vegetarian nga pala ang karamihan sa mga Pilipino sanhi ng walang patumanggang lantak sa pambansang pagkain—parang sinabawang gulay na instant noodles na karaniwang P5 sampakete na mula sa trigo’t tinambakan ng kung ilang pabrika ng kemikal na pampalasa’t sinalpakan ng tatak “Sangkap Pinoy” ng Department of Health. Pero hindi maliwanag kung ano talaga ang sangkap na ‘yon. Na baka naman giniling, pinatuyo’t pinulbos na laman-loob ng mga natigok, hinango mula iba’t ibang punerarya, pwe-he-he-he!
Buwan ng nutrisyon ang Hulyo na kaarawan ko ang huling araw kaya inaanyayahan ko kayong lumapang ng mga pagkaing umaantig at umuuntag sa utog:
1.Anis (Pimpinella anisum) na nagtataglay ng masamyong langis na pampasigla at mahusay sa sikmura na nasa dakong itaas ng puson na ang nasa dakong ibaba ay hindi amoy anis minsan yata’y panis.
2. Asparagus (Asparagus officinales) - Pampaihi, nagpapasigla sa bato—pero wala talagang remedyo para sumigla ang batugan—at pinaniniwalaang ang mga mahilig kumain ng asparagus, mahilig ding kumain.
3. Arabika (Coffea arabica) Sagradong inumin ang kapeng Arabika sa mga Muslim na Sufi mula Africa . Para sumigla ang utog, timplahan ng cardamom at pulot ang lalaklaking kape. Pangontra din sa diabetes mellitus at alta-presyon.
4. Avocado (Persea americana ) Mayaman sa unsaturated fat na ubrang hatakin pababa ang antas ng masamang cholesterol. Pantulong para maisalin sa dugo ang sustansiya ng iba pang gulay at bungang-kahoy. Ubrang gadgarin ang buto nito’t gawing tsaa. May katangiang maglaglag ng nabubuong bata sa matris. Pampasigla ng katawan.
5. Basil o balanoy (Ocimum sanctum) Itinuturing ng mga Hindu na halamang banal, iniaalay sa bathaluman ng kariktan at kasaganaan, si Lakshmi at kabiyak niyang si Vishnu. Karaniwang nakatanim malapit sa mga altar. Pananim din sa paligid ng pamamahay upang maging tanod kontra sa inggit at masamang pita ng mga kapitbahay. Ginagamit na butil ng dusaryo ang kahoy nito. Kumain ng isang dahon bawat araw upang manatili ang kalusugan, magaang na pamumuhay at mataas na sigla ng utog.
6. Bawang o garlic. Pampasigla. May katangiang antibiotic. Ginagamit nang pampalibog sapul ialay ito ng mga Romans kay Ceres, bathaluman ng fertility. Para lalo pang sumipa ang utog, kailangan daw ituwang sa wansoy o coriander na masarap na sawsawan sa inihaw na hito, dalag o bangus.
7. Kakaw (Theobroma cacao) Feel good food ang sikulate na mula sa pinulbos na buto ng kakaw. Nakapagtataka nga na samut-saring astig na produkto mula kakaw ang nalikha ng Belgium at Switzerland —na hindi naman mga bansang tropiko’t umaangkat lang ng tone-toneladang buto ng kakaw sa mga bansa sa Africa . Karaniwang sikulate at bungkos ng rosas ang iniaalay sa kasintahan o kabiyak para maging pasakalye sa biyakan. Itinuring na “pagkain ng mga bathala” ng sinaunang Aztecs sa Mexico . Pambayad noon ang mga buto ng kakaw sa mga pokpok. Nagtataglay ang kakaw ng theobromine, caffeine, at phenylethylamine. (Pampatindi din nga pala ng libog ang ensaladang bulaklak ng kakawate o madre de kakaw na karaniwang panlilim sa pananim na kakaw.)
8. Cardamom (Elettaria cardamomum). Pampaganang rekado na inilalahok sa kape para tumingkad ang paghuhuramentado ng singkapan na nakapagitan sa nag-uumpugang hita.
9. Carrot (Daucus carota). May beta-carotene na, may Vitamin A pa ang ugat na gulay na pampalinaw ng mata para lubusang masipat ang karaniwang kinakapkap at kinakapa-kapa sa dilim at mga bahaging nakalublob sa karimlan.
9. Durian (Durio zibethinus). Mala-krema ang lamukot nito na matindi man ang alingasaw sa kakalkal sa mga dinding ng ilong, malinamnam naman ang hagod sa dila. Talaga namang sa kung saan-saang liblib na sulok at singit inihahagod ang dila.
10. Mustasa (Brassica nigra) – Pampatibay ng paninindigan, pampasigla ng kuwan at talagang masarap ang hilaw na dahon ng mustasa na pagbalutan ng tipak ng inihaw na hito at burong Candaba o balaw-balaw na hawig sa amoy ng pekpek ang halimuyak. Masarap ding ihalo ang burong mustasa sa pritong itlog. At muy siempre, panalong kalahok ng sinigang na kanduli sa miso o ginataang tambakol na maraming kalahok na sili.
(Abangan ang susugod na kababata!)
Saturday, June 30, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment