PISAK daw ang hari sa bayan ng mga bulag. Pero sa teritoryo ng mga gunggong at hunghang, kawawa naman ang maging henyo— tiyak na ituturing na hindi kabilang sa lipi ng tao.
Bawat bata’y isinilang na kampeon— kaisa-isang punlay lang ang magwawagi sa tugisan at tagisan ng kung ilang milyong punlay patungo sa itlog o ovum ng ina. Isa lang ang magiging tagumpay sa pagtusok sa itlog para mapasimulan ang buhay sa sinapupunan.
Katangi-tanging kampeon man, karaniwang ang isisilang na sanggol ay isasalang sa walang patumangga’t walang pangiming pamamaraan para maging gunggong, hunghang at talunan. Madaling makabuo ng tao kahit sa tabi-tabi, nakakarami’t nagpaparami. Pero ‘yang pumanday at humubog sa pagkatao, sabi nga mismo sa Banal na Kasulatan, sige mag-anak ka ng isa kung kayang pamahalaan ang isang lungsod, mag-anak ka ng dalawa kung kayang umugit sa dalawang lungsod; tatlong anak kung kaya ang tatlong lungsod… 10 anak, 10 lungsod…
O, kaya ba?
We ought to be cursing Divine Providence and the Bible for setting forth such criterion-- a steely grasp of statecraft as must know-how prior to having children. Ito yata ang lupit na humahagupit. Don’t bother me with that lame excuse and criminally insane alibi, “Go forth and multiply…” which was told to the first couple then dead smack in so much livestock, fishery, and biological diversity.
Lumalabas na iniatas na pararamihin pati ang mga alagain at patabaing hayup para sa hapag-kainan, pati na pangisdaan at samut-saring halaman. Para sa masaganang pamumuhay.
Humaplit na latigo ang ganitong alalahanin matapos makalkal ang ulat hinggil sa dalawang taong gulang na paslit, Na naging pinakabagong kasapi ng mga nasa pinakarurok na dalawang bahagdan ng populasyon—mga henyo.
Madali namang matukoy ang mga kakaibang katangian ng henyo:
Buhos ang loob sa mga usaping panlipunan at pangkaalaman
Napakaselan, maramdamin pati na pangangatawan
Mapagmalasakit, concerned about fairness and injustice
Masigla
Matindi ang sense of humor
Intrinsically motivated
Malawak ang gagap na bokabularyo
Karaniwang maagang natutong magbasa
Mabilis magbasa, malawak ang mga paksang binabasa
Mapagtanong ng mga katanungang “paano na kung”
Nasisiyahan sa pagtuklas ng mga bagong bagay
Nasisiyahan sa mga gawaing pang-isipan
Maharot ang takbo ng isip, may tinatawag na intellectual playfulness
Mapanuri, mapanimbang, mapagpasya
Matalim sa pagmamasid—very observant and extremely curious
Intense interests
Excellent memory and reasoning skills
Long attention span
Well-developed powers of abstraction, conceptualization, and synthesis
Mental agility: quickly and easily sees relationships in ideas, objects, or facts
Fluent and flexible thinking
Elaborate and original thinking
Excellent problem solving skills
Learns quickly and with less practice and repetition
Unusual and/or vivid imagination
Ah, 152 ang intelligence quotient ng naturang bata, pinanday ng mga kaanak, magulang at lasambahay. Hindi maituturing na pisak sa kaharian ng mga bulag. Baka ituring na hindi kabilang sa lipi ng tao dahil tiyak na gagalugad siya’t mamumuhay sa teritoryo ng mga makapangyarihang gunggong, hunghang at bobo. Na nagluluklok ng mga pinuno at tagaugit saanmang sulok at singit ng gobyerno.
Ituring na lang na mga bilang lang ang intelligence quotient. Halimbawa’y kung pagsasamahin ang IQ 80 ng dalawang rapist, ganoon ang naisalin sa uluna’t katawan ng sumusulat nito, Kaya naglulumigwak ang utog sa magkabilang ulunan at samut-saring lunan sa katawan.
Mwa-ha-ha-haw!
Thursday, June 28, 2007
Pisak sa bayan ng mga bulag
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment