WATCHING Scorpio Nights this time around made me more thankful for the three or four frogs or maybe toads that have made home in a nook or likely muezzin of a crevice among stones in the household garden.
They don’t croak. They don’t creak. They take turns at singing the tune they can carry—one frog per night. The single sustained note plied out at a lapse of every 18 seconds sounds like a compressed version of a greeting to a Hindu divinity, Brahma—aum sat chit ekam Brahma… Or I’m probably having a hearing problem after that deluge of the “Hello Garci” ring tone in the not-so-remote past.
Our garden isn’t exactly laid out like a Zen spread for pondering economy of grandeur and splendor of austere beauty. It’s something plunked down in fits of whimsy and fancy to nudge the imagination into running amok. Thus, a sagittaria in a pot ordinarily used for stewing vegetables lie cheek by jowl with a patch of Chinese parsley, kinchay to you; a grafted fruit-bearing tamarind no taller than three feet cuddles close to a scrawl of fragrant screw pines, pandan for you with a modest stand of dog bean shrubs looking on.
Those resident frogs, why, they may be doing an impression of a bamboo water clapper—a garden contraption that takes in water off a running source, fills up, tilts and claps culm-on-culm to whip out a note that echoes soothingly in the night air.
Any frog on assignment for the night sings out its rich one-note samba.
But there’s one plump lug no bigger than a toddler’s clenched fist—I’ve seen him hang out in the hollow of a letlet clam shell one early morning, he was unperturbed by my presence. That guy sounds out a lush-sounding, nay, booming “Aum” on his assigned nights. Aum is, by the way, Sanskrit for “amen” or “may it be so.”
Love those lugs who may likely be suckers for Coughin’s Law.
“Don’t speak unless you can improve the silence.”
So what gives about Scorpio Nights? Why should a soft-porn movie tie in to the meaningful sound of batrachian blokes? Let’s pore over at what the kid in me wrote:
KASAMA ang “Scorpio Nights” sa sambayong lang yatang mga pelikula na hindi pagsasawaang panoorin ng matanda namin na hindi man uhugin talagang utugin pa rin. Mahahalungkat sa kanyang bayong ang— hindi pumuputak, pumuputok ang inilalagay— mga itinatanging pelikula, kabilang ang:
“Seven Samurai” at “Yojimbo” ni Akira Kurosawa
“Zatoichi” ni Shintaru Katsu
“Blade Runner” ni Ridley Scott
“Kakabakaba ka ba?” ni Mike de Leon
“Crouching Tiger, Hidden Dragon” ni Ang Lee
“The God of Cookery” at “Kung Fu Hustle” ni Stephen Chau
“The Vertical Ray of the Sun” na dinirehe ng isang taga-Vietnam, at
“Unforgiven” ni Clint Eastwood.
Napasama sa koleksiyon ng sandosenang pelikula na pawang panoorin sa malamig na silid ng motel ang “Scorpio Nights” na kung mga tagpo ng harumpakan ang pagbabatayan ay mas matindi pa rin ang itinatambad sa “In the Realm of the Senses” ni Nagisa Oshima na talagang nagpabuyangyang ng mabalahibong yungib ng kaligayahan habang sinasalaksak ng tako pero hindi naman nagbibilyar, eh baka naman kinakapos sa libog ang mga pasimuno sa paggawa ng “Scorpio Nights” kaya ganoon nga’t mapapansin naman siguro ng nagbabasa na kahit nagprusisyon na ng santambak na mga salita sa iisang pangungusap na ito’y hindi man lang sumulpot ang kupal na pariralang madalas na ginagamit ng mga may panis na kupal sa kukote: “kung saan.”
Sa mga taon ng dekada 1980 sumulpot ang “Scorpio Nights.” Nirepaso pa nga raw ng matanda namin para sa Philippines Free Press na kalaunan nga, inungkat naman ni Ate Podying pati ang naturang artikulo. Inalam kung bakit nakagiliwan ni Ama ang ganoong pelikula. Soft porn na mabuti na lang, nakalusot yata sa halihaw ng gunting ni G. Manoling Morato na pinuno noon sa MTRCB.
Malalim kasi ang pagsusuri ng “Scorpio Nights” sa pamumuhay sa siksikang lugar sa lungsod. Gigitgitin ang pandinig at pandama sa walang humpay na haplit ng ingay ng usapan, taltalan, iringan, bangayan, murahan at laging bukas na radyo (wala pa noong videoke) ng mga kalapit-bahay. Walang patumangga ang paglunod sa pandama’t pandinig ng sunod-sunod na mga alon ng ingay. Walang humpay na ingay— nanghihimasok pati sa tinatawag na moments of tender intimacy, kasaliw sa halinghing ng libog. Kaya bukod-tangi ang pelikula bilang soft porn sa walang pakundangang pamboboso ng walang kawawaang ingay sa anumang tagpo na hindi makapagtago.
Wala ring papawirin o horizon na mahahagilap ang paningin. Pulos gapok na mga hangganan ng sikip na paligid. Na tahasang mas malaswa’t nakakasuklam kaysa alinmang kabanata ng kangkangan.
Ginigipit pati mga puwang sa loob ng kabahayan. Walang susulingang santuwaryo ng katahimikan o katiwasayan. Walang kalawakang mayayakap ng diwang nais mapayapa kahit saglit lang.
Mauungkat muli ang idiniin ni Karl Haushofer na tumungkab sa ikatlong mata ng isang Adolph Hitler. Tinukoy ang katangian ng buhay na kalawakan saanmang lunan.
“Space does not inhere power. It is power.”
Kaya sa kalawakan ng disyerto nag-ayuno ng may 40 maghapon at magdamag ang Manunubos upang salinan marahil ang sarili ng kapangyarihang taglay ng kalawakan. Kaya naungkat na naman kamakailan sa isang pagsusuri na umaantig ang mataas na kisame ng kabahayan o tanggapan sa mga paglilimi ukol sa pangmatagalan, pangmalawakang plano samantalang sapilitan namang maipapako ang isipan sa mga mumunting kuntil-butil na detalye kapag gipit ang ginagalawan.
Pero hikahos sa lawak ang iniinugang daigdig ng “Scorpio Nights.”
Sanhi ng walang humpay na haplit ng ingay at kasikipan, nakatkat din ang mga batayan ng pagiging tao ng mga tauhan sa “Scorpio Nights”—umiral na lang ang pagiging animal na nakabilanggo. Nakahawla. Wala nang anumang mapagbalingan na kalawakang maglalapat ng kapangyarihan.
Kapag wala nang maapuhap na kalawakan, mapipilitang mapatuon ang pansin sa sariling katawan. At sa “Scorpio Nights” ni hindi malalim ni mapang-unawa o mapanuklas na paggalugad sa mga liblib at lihim na lunan ng katawan ang pinagkaabalahan.
Sa ganoong mapait na kalagayan na tumutungkab sa pagiging tao, laging malagim ang wakas.
Friday, June 15, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment