Friday, June 15, 2007

Sarap mang-asar 'dre!

LALO na sa mga mahilig magmiron lang habang subsob ka sa ginagawa. Ganoon naman kasi ang kulturang panis ng Pinoy—sampay-bakod na nakatunganga kahit hindi naman inatasan na maging supervisor o magpalaki ng bayag habang nakatanghod sa may ginagawa. Pulos self-appointed consultants yata.

Marami na ‘kong kinunsultang medical specialists tungkol sa ganitong sakit. Pati sila’y hindi makapagbigay ng mahusay na diagnosis. Sakit ba ‘to? Attention deficiency disorder. Ang dami nila. Kulang sa pansin. Nagpapapansin. Their numbers run to epidemic proportions. Pharmaceutical companies ought to take note, do earnest research and development, turn up a drug or medication to remedy the malady, and rake in zillions of profits from attention deficiency disorder. ADD.

Kaya tiba-tiba ang negosyo ng business process outsourcing—‘yung call centers. Sangkatutak ang naghahagilap ng makakausap. Basta makakausap lang. There’s no honest-to-goodness dialogue ensuing in call center calls. Calls boys and call girls merely mouth sound bites from a script no longer than two pages. The sound bites don’t help at all—these are downright holding statements meant to addle maybe whack with oral paddle a help-seeker’s brains.

Believe it or else, call centers provide dirt-cheap therapy for those lonesome folks.

Mas tipid kasing makatanggap ng kahit katiting na mga salita kapag nambulahaw sa call center. Mas matipid kaysa, halimbawa lang, mangahoy ng makakadaupang-ari saanmang kili-kili ng Sta. Cruz., Maynila. O magbabad kaya sa VIP room ng naglipanang videoke joints. O tahasang umupa ng makakausap na seksi sa Classmate, Pegasus o Mystique kaya.

Mas katiting din ang abala kaysa pambubulabog sa radio station para bumati o magsampay ng opinyon, haka-haka at pala-palagay.

It’s not easy to find a bon vivant, a raconteur, a wit to engage in pleasantries and sensible talk.

Mayroon kasing mga tao na payak lang ang pamantayan sa mga nais nilang makatalastasan— ‘yung uri ng tao na talagang maipagmamalaki mo. Someone you can take pride in, be proud of having as company.

Siyempre naman, bawat isa’y may diskarte na para bang kompanya na naghahagilap ng kukuning tauhan para makatulong sa pagpapasulong ng kabuhayan at negosyo. Kaya kailangan talagang maging mapili sa pamimili.

Para laging sapak ang paksa ng talakayan at salakayan.

Madaling-araw nang dumating, lulan ng SUV ang dalawang pareha sa kalapit na silid ng tinuluyang bed-and-breakfast sa Tagaytay. Lumutang agad ang ingay.ng usapan. Walang kawawaan. Walang mapupulot na katuturan. Na madaling mahulaan ang patutunguhan— camaraderie or that which is mostly done without the raderie.

Madalas din naman akong maalok sa ganoong pakikilibing—na sa tulad nating mahiligin sa musika, hindi na aawit pa ng notang “pa” sa pakikilibing:

Patukso ang sambit: “Tatay, short time…”

Maagap ang sukli: “Anak, next time!”

Maiiwang humahagikgik sa tawa o mapapangiti ang nakausap nang iglap. Karaniwang hahabol, igigiit ang sarili para magkausap pa nang mas matagalan. Maraming uhaw sa usapan.

Sa natuklasan sa pananaliksik, pagkain ang nangunguna sa mga paksa na pinakamadaling magbukas ng usapan ng Pilipino. Sex naman ang nangunguna sa mga paksa na pinangingilagang mapag-usapan.

Pagkain at sex. Pinakamadali’t pinakamahirap mapag-usapan.

At kapag mabusisi sa pagkain, tiyak na subsob sa paghahagilap ng mga sangkap ng lutuin at putahe. At magiging abala sa kusina sa mga paghahanda ng ilalaman sa sikmura. Magiging bihasa sa samut-saring sangkap, masasanay sa iba’t ibang lasa’t linamnam na lalapat sa dila. At ganoon ang mga madali na maging kaututang-dila.

Sarap talagang mang-asar, ‘dre. Ayokong isiwalat ang wika ng katawan na nag-aanyaya sa umuusok sa pusok na harumpakan.

No comments: