Thursday, January 17, 2008

Baka lumipat sa kuyukot ang Albay

Kuro ni Bernard “Bebe” Megino :

"SAPOL mo lahat ang katwiran ng mga nangingibang bayan. Todong trabaho at babalik sa inang bayan kapag di na makayanan at doo’y hihintayin ang kamatayan, bakit nga kaya ganon? Ito ba’y isang pangarap? Isang pangarap kung papaano sasalubungin ang sariling kamatayan? I have been imagining and had put myself in that situation. Sabi ko sa sarili at sa aking ginang, "ayaw kong mamatay sa ibang bayan." Hangga’t mayroong pag-iisip at kakayahan kahit pupugak-pugak na nga ang katawan, ibig ko pa rin na makabalik sa ating bayan, manirahan sa isang lugar na mayroong magandang tanawin at sa may bintana’y pilit aabutin ng paningin ang mga luntiang pananim at mga pilapil saka hahagurin ang huling hininga at mag-iiwan ng ngiti sa labi. That is the way I want to go at hindi sa kapiligiran ng mga dextrose at mga tunog ng kung anu-anong instrumento ng ospital. Marahil nga, ito ang aking 'pangarap' na kamatayan matapos tuparin ang mga pangarap na pinagarap ng mga anak.


P.S. Say hi to Joel and his father (for me) if you happen to meet them in Pagudpud and thank you so much for including me in your e-mail list. I really enjoy reading your articles and really commend you and your wife for how you nurtured your children (from your articles, pati buhay Saudi eh nalalaman ko din, hehehe). Salamat muli...

Paliwanag ng kulamnistang mangkokolum :

PARA maibsan ang untag at antig ng nunal sa paa, kailangan talagang ilakad. Kung ubra’y ikaladkad sa mainit na buhanginan ng aplaya sa katanghalian. O kahit pa sa baha.

Inabot ako minsan ng walang humpay na ulan sa Peter Lee’s Hongkong Tea House—sapak ang pancit canton, sepo’t beef mami nila doon—sa bunganga ng A. Mabini sa Ermita. I had to slow slog through floodwaters from there at around midnight to Welcome Rotonda via España by one in the morning.

May angking ulirat din yata ang mga binti’t paa. Kaya marahil ipinapayo ng ilang guro na bago pumasok sa walking meditation o malalim na limi habang naglalakad, kailangan munang mamihasa ang katawan sa 108 na galaw ng taiqiquan. Walking meditation ang lusong-lublob na ‘yon sa baha—nakaligtas sa lahat ng bukas na manhole at storm drains sa gilid ng kahabaan ng España.

Pero talagang kinabahan ako sa pagkakataong iyon. Baka kasi mapalipat sa sariling kuyukot ang lalawigang Albay—o alipunga sa bayag—dahil nababad nga sa may nakabukakang bukana ng Morayta. Karima-rimarim ang pagkapit sa balat ng samut-saring fungal infections na makukuha sa maruming tubig. ‘Kakatakot din ang leptospirosis o Weil disease. Tiyak na sumanib sa tubig-baha ang pamatay na ihi ng daga.

So many sights stranded in floodwaters can offer insights. Sa mga nangaunang sasakyan sa bunganga ng C. Lerma na sasalpak sa España, walang nangahas na sumulong sa baha. Bumara’t naging hadlang ang mga nasa unahan sa alinmang pangahas na sasakyan na nasa kanilang likuran. And when you’re way out in front or by some chance ahead, you can be an obstructionist by getting stalled and hogging the road in the middle of a journey. Bakit hindi na lang iligpit ang sarili sa tabi’t kailangan pang maging sagka’t sagabal sa mga pangahas o nais magtangka?

Marami ring kabataang mag-aaral ang nagkumpol sa gilid ng mga gusali’t commercial establishments, naghihintay ng paghupa ng tubig. May mangilan-ngilang pangahas o tulad kong tila musmos na magtatampisaw sa katas ng basura’t ihi ng daga, tila hindi alintana ang panganib sa kalusugan.

Sa may bandang Welcome Rotonda na ako nakasakay ng pampublikong sasakyan, may ilang matiyagang naghintay ng pasaherong mangangahas gumaygay sa baha. Ah, maraming magandang tanawing dinaanan sa baha—mga nakalilis na palda’t mga bakat na hubog ng katawan ng mga dilag.

Kuskos-gulugod ng patola’t umaatikabong kaskas-kiskis-kuskos ng panghilod ang sinapit ng buong katawan, lalo na ang mga kubling singit at sulok na mga lupi ng balat nang makarating sa sariling tahanan. Makailang ulit na nagsabon. Ilang ulit na nagbanlaw. Kahit siguro sanlinggo’y ubrang hindi muna maligo.

Saka sumalagmak sa higaan, kapiling ng maybahay at kagyat na nakatulog sa pagod. Enjoy na enjoy sa pinagdaanan—inner city travels can become instant travails.

Kaunting kuwalta lang naman ang kailangan para gumalugad sa mga marikit na lupalop sa bansa. Malimit na mas malaki ang sukli sa matutuklasan saanman, at ganoo’t ganoon nga ang aming nakakagiliwan—idagdag na natin ang land prospecting at pananaliksik sa paligid na gaya sa gawi ng natural historian na Loren Eiseley, “man is an expression of his landscape.”

Kaunti lang ang gugulin para magtamasa ng kasiyahan sa mga mumunting bagay sa ating bansa and if we can’t enjoy the wee things, we can’t enjoy the great things. Or if we can’t parlay small resources for purposeful enjoyment, we similarly can’t throw huge sums for great enjoyment.

Pagtungkab sa maratangtang, pag-untag sa Malakanyang

HINDI maiiwasang isunggab ang isipan sa peso-dollar exchange rate habang tumutungkab ng maratangtang o sand dollar sa batuhan ng bahura o coral reef. Pumapalo na kasi sa halos P40 bawat U.S. dollar ang palitan. Dapat na masulit ang P150 na ibinayad sa switchblade na pinanday daw sa Pozorrubio na nasa bahaging bulubundukin ng Pangasinan.

Kasalukuyang namamapak ng asukal-sa-tamis na chico pineras (P30 sangkilo) sa lilim ng bukana ng simbahan ng Manaoag—tanghaling tapat nang nangilin doon ang mga kasamang bakasyonistang nagmimithi ng biyayang himala. Nilapitan ako ng lalaking naglalako ng samut-saring patalim na sintabas ng kanyang katawan, sunog sa araw ang balat, pawisan, kupasin ang suot. Nag-alok ng meat cleaver. Tinanggihan.

Ilang ulit umaligid at nagpabalik-balik ang naglalako kaya nasabihang hindi man agad mapapanis o masisira ang kanyang kalakal, hirap naman siya sa pagbitbit ng mga iyon. ‘Kako’y ilapag muna niya’t inisa-isa kong damahin ang talas ng mga patalim, mula sa mga kampit na pangkusina hanggang sa switchblade, pawang bakal mula steel roller bearings ng makina. Nagkahuntahan hinggil sa katangian ng bakal na nais ko, with a just-right softness to keep an edge fused with a hardness to keep its spine. Wala pa tayo sa ganoong yugto ng materials engineering, aniko.

Kaibang sales pitch ang bitaw niya kaya napilitang humugot ng kuwalta. Aliwalas daw ang pakiramdam niya sa ‘kin. Kapag ako raw ang nagbigay ng buena-mano o good hand, nararamdaman daw niyang magiging maganda ang benta niya sa araw na ‘yon (I blessed that chap beforehand, honest, with the usual admixture of Sanskrit and Islamic mumbo-jumbo that I secretly ply to busy, working folks I bump into everyday in the precincts of Divisoria and Sta. Cruz).

Anupa’t nadagdagan ng P150 switchblade ang doble veinte nueve sa talas-sukat ng baywang. Kakabahan: the longer the waistline, the shorter the lifeline.

Sa limang piraso pa lang ng sand dollar o maratangtang na tinungkab sa batuhang bahura ng Ilog Malino sa Bolinao, Pangasinan, matutuos na P200 ang agad na naging pakinabang. Sulit din sa lasa—there’s rewarding discovery of deep orange meat enclosed by calcite shell and nest of poisoned spikes. Just a drizzle of freshly squeezed kalamansi juice and the raw meat’s savory as the tang of the sea with a hint of palatably unwashed, ah, I labia minora!

Ni hindi nga kailangan ng talim, tibay-gulugod lang ng P150 switchblade ang kinailangan sa pagtantang-tanggal sa maratangtang. Gulugod lang…

Habang ninanamnam ang linamnam ng tinungkab na maratangtang, dadaplis sa isipan ang isa pang nakalublob naman sa tubig-tabang na tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System—hindi yata matungkab. O walang tibay ng gulugod ang dapat magtungkab.

Naglabas ng pasya nitong Mayo 18, 2007 ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na tungkabin na’t huwag payagang makapasok sa trabahong gobyerno ang Local Water Utilities Administrator Lorenzo H. Jamora. Natukoy na nilabag niya ang alituntunin sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act-- umalingasaw ang sansang ng may P2.7 milyong itatapon ng mga pinasukang kontrata sa pagpapagawa ng training facility para sa LWUA.

May alingasngas man o alingasaw na sumingaw, nitong Mayo 25, 2007 ay nakapagsalpak pa ng U.S. $500 milyong kontrata ang Jamora at China International Water & Electric Corp. para sa panibagong proyekto—na walang pahintulot ng NEDA, na nakantiyawan na minsan, “may $200 million ka dito.” At MWSS Administrator na ang papel ng Jamora hanggang sa ngayon.

Madalas na mahimas ang matatag na gulugod ng P150 switchblade mula Pozorrubio, Pangasinan—talagang may gulugod na pantungkab ang hamak na punyal kaysa PAGC ni Gloria Macapagal-Arroyo…

Thursday, January 10, 2008

Inurirat sa ulirat ng sikmura

DINALA na pauwi ang tipak ng batong bahura na sinlapad-tambok ng pisngi ng seksing tumbong ng dilag—maghapong naghilamos iyon sa init ng araw nang masumpungan sa aplaya’t matagal na idiniin sa humihilab na sikmura. Nanuot hanggang bituka ang hiram na araw ng batong bahura. Naibsan ang hapdi ng hilab sa silahis ng init.

Habang nagtatampisaw ang mga kasama sa tubig-alat, ilang ulit naman akong pabalik-balik sa Taku Beach—sige na nga, kasilyas—upang magbuhos ng sama ng loob. Hinayupak na kilaw na talaba ang sanhi. Hindi nakayanan ng sikmura. Tatlo kami na namulutan niyon ang tinamaan. Pinakamatindi ang tama ko.

Sinadya ng tropa ang Enchanted Cave ni Manang Auring— nabungkal mula angaw na taong gulang na salansan ng bahura ang yungib na tagos sa coastal aquifer o likas na imbakan ng tubig-tabang sa baybay-dagat. Masayang naglunoy ang pangkat habang pabalik-balik pa rin ako sa Taku Beach. Umaariba pa rin ang hilab ng sikmura.

Hindi nasikmura ang kilaw na talaba. Sinikmuraan ng hilaw na talaba. Hindi nakasundo, hindi natunaw ang kinain. The raw oysters just didn’t agree with me, as we would have it in idiomatic English. Just like the cannibal who devoured his in-laws and as he suffered from a bum tummy, belched a bellyache: “They still don’t agree with me.”

The problem is alimentary, my dear. There’s indigestion—whacked out assimilation of whatever that was taken for ingestion.


Kung isasalin sa lirip ang tipak ng kaalaman, kailangan talagang himayin muna. Mga mumunting piraso na madaling maisusubo’t mangunguya nang dahan-dahan, matamang nilalasahan—hindi mabubulunan—para lubusang maisalin sa katawan. Para mapakinabangan ang taglay na kabuluhan at sustansiya.

Now we call that information chunking— know-how, know-why, know-what dealt out in easy-to-chew bite-size tidbits. Madaling nguya-nguyain o himay-himayin, saka unti-unting maisasalin sa sariling katawa’t magiging bahagi ng pansariling kaalaman.

Maiuugnay ito sa kakaibang kabatirang inilahad nitong 1998 sa obrang Virus Clans ni Michael Kanaly—naiimbak, nalilikom at naisasalin ang kaalaman sa pamamagitan ng protina na isinangkap sa katawan at nagiging bahagi ng genetic code o deoxyribonucleic acid (DNA). Sa madaling sabi, may ulirat na naninirahan sa utak at mayroon ding ulirat na namamahay sa sikmura.

Kumakalam ang sikmura. Kumakalampag, umaalam ang diwa. Dapat na tustusan kapwa.

Mauungkat na mga kawing ng amino acids at peptides ang bumubuo sa protina. Mga kawing na kailangan munang himayin, tilad-tilarin. Mga kawing na naglalaman ng kaalaman na maisasalin sa laman ng katawan. Kaya napapailing habang tukop ang sikmura— hindi nakayanan ng ulirat ang information overload mula hinayupak na talabang kinilaw. Hinigop na’t isinalang sa bituka pero hindi nga naatim ng sikmura.

Pero hindi ito nangangahulugang itatakwil na natin ang kaalaman mula sa malinamnam na laman ng talaba—na pampalambot man ng ilalabas na sama ng loob, pampatigas naman ng singkapan at pampagana pa nga sa pakikipaglaro ng bedminton.

Babalik-balikan pa rin ang paglantak sa lintek na talaba. Parang paksa ng kaalaman na hindi man naunawa o natunaw at lubusang naisalin sa isang pagkakataon, muli’t muling lalantakan at hihimayin sa iba pang pagkakataon.

Ayoko namang magtiis na lang sa oyster sauce para ibahog sa pinasingawang usbong ng asparagus o ihalo sa mga tangkay at dahon ng kangkong.

Mas madaling maunawa ang nilalaman na maisasalin sa laman mula sa talaba. Maaatim ng sikmura. Sa kapwa na may mga kasula-sulasok na gawi’t gawa, lalo na ang mga umaastang kakandidato sa halalang panguluhan sa tu-uten o 2010, talagang mahirap nang maatim ng sikmura, pwe-he-he-he!

Wednesday, January 09, 2008

Carpe diem

Kuwento ng anak, doodles11006@yahoo.com:

HI, hi kamusta na dyan again...How are my lovable cats doing?

I asked Aaron with regards to the PC being broken. Naayos na pala...Do not throw though the crashed hard disk as you can still retrieve the files in it, even your novel.

So far I am comfortable with the new office I am in despite being riddled still with network problems and access in the new PC. Everything went sort of, well, Engineering would not let me go still, unique
daw ako susmeh...they fought over me regarding where I should be assigned....Panalo ang Instrumentation and Corrosion department after a long word war that I never really understood...Arabic kasi. Hopefully everything would be settled by then.

I caught a kangaroo rat here and tried to keep it as a pet. However, it escaped after an attempt to take pictures of it...
ang cute n’ya kasi ang sarap i-cuddle. Next time hahanap ulit ako...

How are things with regards to the prices of commodities there? I am not able to monitor anything for the past few weeks due to tons of work, especially after a pipeline blew up while making a hot tap on it. Luckily no Filipino was working on it-- mostly Indians, “cheap labor” as a British co-worker called them. The department is actually questioning the reasons why was it done by the Indians

Oil here will go up again by December so brace yourselves there for more problems...It is speculated to go up to $200 per barrel

We have quite a lot of lively discussions here, especially about economics, with my British neighbors. I have acquired their accent already because of it. Tea anyone…?.
Maryosefff


Tugon ng ama, noqualmasabomb@yahoo.com:

PINAGKRUS na lang ang hintuturo’t hinlalato saka inilagay ang soft-shelled turtle sa ating burnay na tinggalan ng tubig-ulan—at pangitlugan ng mga tutubi sa ating bakuran. Ubos tiyak ang mga magbabanyuhay na supling ng tutubi, nymphs sa English. iyon lang ang malalantakang pagkain ng naturang pagong, Nahuli iyon ni Erap-- sumama nang minsang pinaghakot ko ng ipot ng bulate si Arjuna sa mga dawag ng rono kalapit sa sapa, mga 50 metro ang layo sa gawing hilaga ng ating tahanan. Nito lang nakaraang panimula sa tag-ulan.

Hard-shelled turtle naman ang naunang naging alaga natin, si Gamera. Ipanghuhuli ng guppies sa sapa. Isasalin ang mga nahuli sa palamuting kawa na may tubig sa ating bakuran. Doon isasadlak si Gamera para manginain—lingguhan ang pagpapakain. Kasalo na sa pagpapakain, kailangan pang subuan si Kabbalah, ahas-tubig na naging alaga rin natin. Matapos ang mahigit santaon yata, hindi na maapuhap kung saan nagsuot si Gamera. Nakatawid-bakuran naman si Kabbalah, agad na tinaga ng nakakita.

Kailangan pang manaliksik para matukoy ang makakain ng nahuling soft-shelled turtle—na mailuluto rin pala. Turtle soup. Braised turtle with mixed vegetables in piquant sauce and nuts.

Hindi nagkamali ang sapantaha. Ubos ang dragonfly at damselfly (tutubing karayom) nymphs sa burnay. At naglaho na rin ang pagong—mainam na rin. Mahirap mangalaga ng kakaibang alaga. Kailangang tustusan ng higit pa sa pagkain.

Makailang ulit na rin akong nakahuli ng bayagbag at hunyango sa Antipolo, Nakakatuwa ang unti-unting pagpapalit-kulay nitong mga kaanak ng iguana at bayawak. Matagal na ang ilang sandali na hihimas-himasin ang nahuli. Saka pakakawalan. Sapat nang hindi nakaligtas ang mapanlinlang na pagpapalit-kulay sa mapanuring paningin. Tama nang napatunayan na mas maliksi’t may taglay ding ilap ang kamay na isinunggab sa kanila—ni wala nang balak na putulan ng buntot bago pawalan ang hunyango para gawing mala-tagabulag na agimat.

Aba’y magugol sa panahon ang maghagilap sa parang ng lukton, tipaklong, sitsiritsit at anumang kulisap para tustusan ng pagkain ang hunyango.

Matatandaan mo marahil na ilang ulit tayong nanlambat ng susuwi sa ilog sa paanan ng Sierra Madre. Parang miniature swordfish. At balak nating ipagbili sa mga kalaro’t kamag-aaral ninyo na mahilig mag-alaga ng isda. Kahit masiba sa detritus at samut-saring himaymay ng layak ang susuwi, lagi’t laging patay na ang mga nahuli natin pagsapit sa ating bahay. Tiyak na hindi natustusan ang biological oxygen demand ng susuwi sa pinaglagyan. Maaaring hindi rin nakayanan ang mahabang biyahe mula paanan ng bundok patungo sa siyudad—mas maselan nga ang susuwi kaysa guppy.

May kariktan sa katiyakan ng banayad na usad ng king cobra—mahigit dalawang dipa ang haba ng nasubaybayan ko sa isang panhik sa Makiling. May kakaibang kinang ng ginto ang mga kaliskis, nakakaganyak na bihagin, dalhin sa pamamahay, itampok sa kulungang salamin at ipagparangalan.

Napansin mo rin siguro na kahit ang mga pinupol nating tilaTeflon-coated na bulaklak ng jade vineendangered species pala ‘to—sa liblib na dawag ng Makiling, mabilis na maluoy kahit pa ingatan nang husto. They won’t be in their element when we take them, bring ‘em to our habitat.

May lagda ng Maykapal ang bawat marikit na anyo ng buhay sa kalikasan. Mas masugid pa tayo sa pag-uusisa at pagsisiyasat—tahasan nga nating nabibihag, nahuhuli’t naihahawla. We’re deadlier predators. Pero hangad din nating lagdaan tayo ng karikatan sa kamay ng Maykapal

Natitiyak kong hindi ka maiinip diyan sa Dammam. Pati ang mga lagda ng kariktan ng Maykapal sa mga mumunting nilalang ay nasusunggaban mo’t nahahawakan.

Kung anu-anong masasayang gunita na naranasan mo sa Sierra Madre, Makiling at mga dawag na ating tinahak noon—bumubulwak na batis pa rin hanggang sa ngayon. Napitas sa kakaibang bunga ng kukurbita sa disyerto, nasipat mo sa sea urchin sa Arabian Gulf, nahimas sa nahuling kangaroo rat.

We may gather thought in huge bales and bundles but we really give life to thoughts in the minuscule details.

'Kagutom... 'Kainggit... 'Kainis...

Liham ng anak:

MY mouth waters just reading of what you bought from Bolinao. Daing here is considered gold....tuyo as platinum and bagoong as diamond...maryoseff. Such commodities are hard to come by. ‘Kagutom...’Kainggit....’Kainis.

Winter here is far from over. We built a heater out of spare parts taken from an old air con so as to dump my complaints of cold-as-hell days. I’m already 130 pounds and still gaining. Joy wants me to keep it under 135 lbs so as to maintain my current build. I sent her a half naked picture of me for her to assess if it’s pleasing enough for her. OK na pwede!!! Yum yum! It’s a good thing my body was already sculpted (due to fetching cow dung and river rocks for our house and garden then), my chest became more prominent and my shoulders broader. My legs are getting stronger as I can do prison squats without pain in my legs when standing up.. Your exercise regimen paid off. But I still need more workouts as I cannot kick as high as I could before.

I’m looking for Doctor Wong’s sulfur soap here as remedy for my back acne...(Aaron has the same problem too...) How are my cats...ibinalik na ba si Bonyat? Pusa ko ‘yun.... Aaron told me that there were four of them that celebrated New Year, andu’n daw si Raymund ang nobyo ni Angeli. Kumusta naman ‘yung dalawa? Have you seen “30 Days of Night,” watch it. I recommend it since it’s an adaptation of the book pati na rin ‘yung “I Am Legend” ni Will Smith....it’s a remake of the apocalyptic movie “The Last Man on Earth” and the “Omega Man” which starred Charlton Heston...asteeeg. An H.P Lovecraft based movie will come out soon ‘kalimutan ko title eh.....asteeg din.. hinihintay ko mapirata sa Internet site na pinapanooran ko ng movies ha-ha-ha...Ingats and Happy New Year!

Tugon ng amang Kulamnista,

PAST Noel’s midnight feast, I asked your mom to fry me some tunsoy, the sun-baked platinum fish you speak of in those Middle Eastern precincts. I just love the sound of that sardine specie—tung hsui or water vessel that pumps up a bit of irony, tuyo nga kasi. I had some allowed wallowing in a puddle of palm sugar vinegar with crushed chilies, re-hydrated flesh pried off tidbit after wee bit and eaten a la instant sushi wrapped in steaming fragrant rice. Divine!

And I had to explain at length to a pair of masseuses over at Bing’s Beach Resort in Barangay Patar, Bolinao in Pangasinan that such humble pleasures as rice, fish, and a cornucopia of greens adorning their tables can bless ‘em with better health and well-being than a diet of beef, pork, and poultry.

Even bits of
bagoong that have been worked over by lactic acid bacteria becomes diamond boon—the fish protein content had turned up pre-digested, the long peptide chains snipped shorter for easier ingestion and assimilation in the body. Juicy steaks, pork chops, and honey-glazed chicken drumsticks proffer too-long protein chains that the guts have a tough time snipping in snippets for easy bio-availability.

Ah, we do a bit of pickling with vinegar and condiments on milkfish flesh with the same alimentary end—to allow a bit of fermentation, nudging zillions of helpful bacteria to unleash their acids and snip peptide chains to bio-available lengths.

True,
balaw-balaw or burong isda smells hellish like unwashed nether labia but the protein content in the fish is ready-to-ingest in the gut lining. Mabilis na naisasalin at napapakinabangan sa katawan.

(Parang nakikita mo siguro kung paano ako magbigay ng lecture, he-he-he.)

The masseuses were insisting that they work me over, probably what “Hello Garci” did kneading poll figures to foist up a winning edge. Then I had to explain some more that the nearby pounding sounding surf had kept me awash inside out with negative ions. That had recharged me many times over and I may just return their compliment, kneading their figures thoroughly if that pleases ‘em—nah, I’m not charging a cent for that.

Remember: We slept beside streams and flowing water in the Sierra Madre and Makiling to allow our bodies to soak up the negative ions—mystics, hermits, and certain people versed in arcane arts do the same. Charge up and refresh.

Teka, the explosive force in hand and foot blows are generated by iremi or the turning of the entire body as such blows are delivered. Hindi naman kailangan talaga ng mataas na tadyak, kahit pa magandang tingnan. Kailangan: igkas-sa-bilis na tadyak.

Teka uli, pakibigay naman sa ‘kin ang URL ng website na ‘yan na pinapanooran mo ng pelikula.

Talampakan o talaan ng mga niyapakan

YAKAP ng yapak na paa ang suson-susong salansan ng mga butil-buhangin sa dalampasigang nakaharap sa katimugan ng Dagat China, nakaungaong sa walang humpay na dagundong ng hangin at along rumaragasa sa paanan.

Nakasalubong ang isang Koreano sa baybay na saklaw ng Bing’s Beach Resort—18 kilometro ang layo sa bayan, nakalatag sa aplaya ng Barangay Patar, Bolinao sa Pangasinan. Hawak-hawak, tinitimbang sa magkabilang kamay ang ilang tipak ng pinulot na batong bahura o coral stone.

Sumalampak siya ng upo sa buhanginan. Isa-isang sinipat ang kanyang nalikom. Mataman ang pagsipat, parang may inaarok na kung ano sa galasgas ng bato. Dulo ng sundang ang singkit na mga matang marahan, buong hinahon na inihahaplos sa malikaskas na tabas ng bato.

To see the world in a splayed groin of sand… and, ah, dulcet heaven in a maiden’s candid flower… Ganoon marahil ang kanyang taimtim na paglilimi sa mga tipak ng bahura. Siya lang ang aangkin sa matutungkab-tuklas ng kanyang lirip, siya lang ang sisimsim sa anumang katas na mapipiga ng sariling isip.

Iba naman ang nakasalang sa sariling lirip. Umiiral pa rin ang pananaw agham. Kapag natipon ang tone-toneladang tipak at pira-piraso ng bahura sa dalampasigan, maaaring sunugin. Apog ang malalabi sa pinagsunugan. Mahusay na mortar ang calcite o carbonate material na sangkap din ng gulugod, bungo’t buto sa katawan. Mismong ang mga tipak ng bahura’y matatabasan sa kainamang sukat para maisalansan. Patayugin. Maititindig na matibay na tahanan. Mga bahay na bato. Ganoon ang nakikita sa nakahandog na mga tipak ng bahura, mga marikit na kalansay at bungo ng lamang-dagat sa baybayin.

Ganoon man ang humahaplos sa isip, nakahulagpos naman ang musmos sa sariling dibdib, made a few gingerly steps on wet sand then did a few cartwheels, haah… To what silly lengths we go to for the child within to romp anew, bereft of cares and concerns about bills to pay, deadlines to meet, reports to rush through, competition to crush. And maybe glutathione sessions to plunge into or liposuction operations to go under to bring back that young feeling. Bother not this child with gripes about having too little to enjoy, too much to endure.

Nah, I didn’t have to do a 15-minute headstand on the sand to feel jolts of humility cramming the cranium. The Afro-Brazilian capoeira cartwheels, one hand bearing the body’s entire weight for a heartbeat can be enough to quicken the childlike feel within. The crush of over 40 years borne in a 50 years plus body, the years flee in a fit of giggles.

Malawak ang ari-ariang lupain ni Aling Bing, bukod pa sa kanyang inot-inot na sinisinop na beach resort. Inalok pa mandin ang sumusulat nito. Baka gusto ko raw bumili ng ilang tipak—P2,500 por metro kuwadrado-- para matindigan ng kahit na kubakob lang para may babalik-balikan, bakasyunan o pamamalagian kapag retirado na sa pamamasukan sa trabaho.

Mahirap aminin na hindi makakatikim ng pagreretiro—pagsuko o pag-urong ang tahasang katuturan nito mula Español—sa ganitong uri ng hanapbuhay. Sa pagsusulat. Lagi’t lagi nang iyayapak ang paa sa lupa, burak man o buhanginan, batuhan man o putikan. Saka magsusungkit ng mga butil ng buhangin o bubog kahit tinik o salubsob na tumurok sa talampakan. Lagi nang magsisiwalat ng mga talang niyapakan o niyakap ng talampakan.

Limang kilong tipak ng bahura’t mga sigay ang bitbit ko pauwi. Kahit nasa liblib man ng kalunsuran, may maiuukol na panahon upang tukuyin ang mga natipong daigdig sa binlid na buhangin, masipat pati ang langit sa nakangangang talulot ng corales y caracoles.

Umamin ka na nga Dennis T!

MALAKI ang kinalaman ni DennisT. Tinio sa sulating ito—lalo pa’t bubusinahan ng eskandalo. Tiyak na puputaktihin. Kukuyugin sa basa.

Babasahin talaga ng mga malalansi’t malilinlang. Si Dennis T. Tinio. O kahit pa si Dennis F. Fetalino, ang matalik na kasabwat namin sa pagtungga na talagang pakay namin? Baka ang titik na kasunod ng pangalang Dennis ay tungga, tinggil o tarugo. O thrilling taunting—para double T. Bahala na kayo batay sa inyong pihikang panlasa at taglay na libog na pilit huhulagpos, ipagbawal man ang kalayaan sa pamamahayag kahit pa pangalawang pinakamapanganib na lupalop sa mundo ang Pilipinas para sa karaniwang peryodista.

Wala na kaming balak humingi ng paumanhin. Talagang parang samputol na bulate o sampirasong hita pinilas mula palaka ang itinuhog sa taga’t ipinain para maipukol sa tubig ng anumang sapa’t dumugin ng mabibingwit na isda—isda venereal, oops, venerable sort of reader who plugs what’s between the ears with life-and-death matters of tripe and trivia.

At kawan-kawan ang ganoong isda—isdagukan man sa tuktok ang mga ‘yan, talagang hindi matatauhan. Kaya kailangang linlangin. Lansihin. Ipadamba sa mga tiyanakis na manyakis at tikbalang.

Mabuti na ang ganitong pamimingwit kaysa naman kuryentehin para mangisay sa hirap. O buhusan ng lason ang nilalanguyan nila para lumutang. O paputukan ng dinamita—para magkaluray-luray at madaling magamit na sangkap sa bagoong na isda.

Nananaghili na kasi kami sa mga pinakasikat, pinakasusubaybayang nagsusulat ng pitak sa buong Pilipinas, pati na sa overseas Filipino community—talagang matindi ang global following. They rule… rulers they… straight edge nga pala ang isa pang tawag sa ruler at hindi yata puwede ang crooked ruler, hindi tuwid o sali-saliwang panukat ng haba’t layo na karaniwang gamit sa ruler. We’ll have no measure of where we’re going and what distance we’ve covered.

Dapat na ngang baklasin mula sa mga pahinang panlibangan ang kanilang pitak, at ipagkudkuran—that’s the sexy action done when scraping meat off a mature coconut—ang hilatsa ng pagmumukha’t pagsusulat sa opinion-editorial page, hey, this is what the whole country has come to. Maybe it’s not getting properly laid or licked or plumbed at the G spot but come, come, come this way it did.

Hindi pa ginagawa ang ganoong mapangahas na hakbang. Pero napapanahon na ang ganito. Aminin na natin ang tinutungo ng umiiral na kalarakan. Let the blonde lead the non-blondes!

Tuwing maaanyayahan ang umaararo sa pitak na ito para magpanayam sa mga sumisibol na manunulat, tiyak na ibubulatlat sa kanila ang ganitong makawarat-panties na kalagayan ng panulatan at pag-uulat sa bansa.

Saka ipagdidiinan na para bang bumabarukbok at sumapit sa yugto na pinuputukan na ng kinikimkim sa kalooban: Kailangan nang umangkop sa hilig ng mas malaking bilang ng mambabasa—na hindi maglalawa ni manlalagkit ang hinaharap kung hindi ikakalikot ang sulatin sa mga nakalublob o iniluklok sa pelikula’t panoorin sa TV.

Kailangang ibigay ang hilig ng balana.

Kahit pa si Dr. Jose Rizal ang sumulpot sa panahon ngayon, kailangan ng mas matinding kalibugan at alimbukay-alimuom ng showbiz. Ipaloob sa Noli Me Tangnaire at El Filibustiriktitimo. Para pansinin kahit konti lang. Huwag umasa na may mapupukaw ang kamalayan. O babangon sa himlayan. Huwag asahan ang pagkulo ng himagsikan.

Kawawa lang si Rizal—ilalampaso lang siya nina Dr. Vicky Belo at Pie Calayan. Pero meron pa ba siyang pakinabang sa ngayon?

Aminin Dennis T. Tinio!

Kapag pasalubong ay ngiting magiliw, tiyak na pustiso ang ngipin

HINDI biro ang magbitbit ng pasalubong. Hindi lang kasi dalawa-tatlo katao ang kipkip sa isip, magiging pakay ng alay na nahalukay mula saanmang lupalop na pinagmulan o pinuntahan.

Kalahating kilo ang sandosenang natatanging suriso mula Alaminos, Pangasinan—tig-isang dosena ang ilalaan sa mga taong malapit sa puso saanman lumayo. Unti-unting madarama ang bigat ng hindi iilang kalahating kilo na natitipon sa sisidlang pasan sa gulugod.

Kalahating kilo ang ilang pirasong daing na boneless bangus—timplado na sa bawang, paminta’t suka. Iluluto na lang. Dadagdagan pa ang dagan ng bigat na pasan.

Masakit ang mag-ukol ng pagmamahal. Kung saan-saan maghahagilap, lilikom ng iaalay na handog. Kalakip ng bawat handog ang hingal-hagok-hapdi ng balikat, bisig, at gulugod.

Hindi na alintana ang ginugol na kuwalta, lagi’t lagi namang may kikitain sa walang humpay na daloy ng gawain. Gagaang ang lukbutan. Bumibigat naman ang samut-saring bitbitin o pasaning pasalubong. Parang penitensiya. Parang parusa.

Dumaan na tayo sa ganitong karanasan noon pa man. Listo ang tingin, ginagalugad, at tinatahip ng tanaw ang mga nakahanay na bagay-bagay sa paligid. Tiyak na may mahahagip, may masisilang inakay ang matang-lawin. Kaya marahil nakagiliwan natin ang pag-aalaga ng napakaraming pusa—bawat isa’y natatangi ang katangian at paraan ng pananaliksik, walang patid ni hibas na halungkat-tuklas sa bawat bagay sa paligid.

Kakaibang bulaklak, kakatwang palumpon o tangkay ng halaman. Ilang pumpon ng digman, ilang bungkos ng talbos ng pako mula sa ilog sa paanan ng Sierra Madre. Ilang punggok na pinya mula sa nadaanang taniman, ilang dakot na bunga ng lipote’t buto ng nutmeg mula dawag ng Makiling. Ilang kipil na bulaklak ng jade vine.

You’d think sometimes that things like these we bothered and paid mind to bring home can be priceless relics of our passage into uncharted landscapes and broad horizons we dared explore.

Napakaraming ulit na nag-uwi tayo ng mga pumpon ng bulaklak at bunga ng kalug-kalog na pinupol sa parang. Ni hindi nga pinapansin ‘yon ng mga baka’t kalabaw doon, kayo lang ang nag-ukol ng pansin. May isang pagkakataon na namingwit tayo noon ng kalahating sako ng palakang bukid—tugak na paborito ng tagak. Ilang oras din ang nagugol sa pamimingwit. Hindi naman pala alam ihanda ng bathaluman sa ating tahanan. Pinakawalan ang kalahating sakong palaka. Talunan kung saan-saang sulok ng ating halamanan. Bundat na bundat ang dalawa nating pusa, sila ang nagpakasawa’t nagpiyesta sa palakang sariwa—hindi na kailangan pang gawing katakam-takam na batute, adobo, sinampalukan o fricassee.

Hinahagod-hagod ko pa ang nananakit na balikat at gulugod. Naipamudmod na ang mga pasalubong sa mga kalapit ng puso’t kabuhol ng bituka’t kapilas ng hininga.

Suson-suson din ang bigat ng pasalubong na binata’t naglagda ng sakit sa kalamnan. Kahit paano, tiyak na mag-iiwan din ng kahit katiting na tuwa’t galak ang mga hinandugan ng pasalubong— marami rin sila.

We were on a commute to and from Bolinao, Pangasinan and it takes a hideously strong upper torso to bear the burden of tokens and offerings for those we hold dear.

Basta talagang gumagaan ang pakiramdam, naiibsan ang kirot ng kalamnan habang naipapamudmod ang mga bigat na pinasan.

Saka lalo yatang lumalakas-tumitibay ang balikat, bisig, tuhod, at gulugod sa mahabang singkad ng pagpasan sa mga ganoong dalahin— mga 50 kilo na naman ang pinasan… Nakayanan. Para kasi sa mga kalapit ng puso. Mga kabuhol ng bituka’t kapilas ng hininga.

Taboy cinco litros

NAHAPYAWAN ang isang paring nangangaral sa isang palatuntunan sa radyo, taliwas daw sa paniniwalang Kristiyano na itaboy ang masamang espiritu sa pamamagitan ng mga paputok. Sa pakiramdam namin, talagang gunggong ang paniniwala na nabubulabog ng rebentador at mga kauri nito ang anumang maligno’t imbing espiritu.

Nairaos na rin lang ng karamihan ang kanilang kagunggungan sa pagpasok ng 2008, hindi na rin kailangang ipaliwanag ang paraan para akitin ang malas at samut-saring kunsumisyon at perhuwisyo sa pamumuhay sa pamamagitan ng-- ah, tumpak po kayo mga tunggak na torpeng bobo’t utak-pulgas na estupido—paputok.

Dapat na ipagpatuloy ang ganoong maingay, maalingasaw, masansang na nakagawian sa bawat papasok na taon upang lalo pang malublob sa sandamakmak na kahunghangan ang inyong kabuhayan—lalong mainam kung nasabugan sa inyo mismong pagpapaputok ang inyong pagmumukha’t nanghiram kayo ng mukha sa tipaklong, mas mainam kung naputol ang inyong mga daliri para hindi na magamit sa pagtuklas ng batis ng luwalhati ng bawat dilag o ang tinatawag na Graffenberg spot. Ganyan kasidhi ang taimtim na hangarin para sa inyong mga ulol.

Hindi naman siguro saliwa sa mga itinatakda ng Simbahan ang pamamaraan sa pagpapalayas ng mga diyablo’t kahila-hilakbot na espiritu na masisipat sa isang pelikula, The Exorcist ni William Peter Blatty. Wala namang rebentador, kuwitis, pla-pla, super lolo o kahit dinamita na ginamit doon para itaboy ang masamang espiritu na sumapi sa pinapelan ni Linda Blair.

Sa Constantine na pinapelan ni Keanu Reeves, ihaharap naman sa mahabang salamin ang sinapian ng masamang espiritu’t kakatkatan ng sangkatutak na panlalait ang sumapi kung gaano siya kapangit. Mapipilitang pumasok sa salamin ang kumag na espiritu. Saka babasagin ang salamin.

Kung pagtataboy ng mga espiritung hindi kanais-nais ang tahasang pakay sa pagpasok ng bawat taon, limpak-limpak sana ang delihensiya ng mga manghuhula sa gilid-gilid na gilagid ng simbahan ng Quiapo. Meron din daw silang kakayahan na magtaboy ng mga engkanto’t (oops-oops-oops hindi malaswa ‘yan, ha?) espiritung karima-rimarim bukod sa pag-alam sa magiging kapalaran—P50 lang yata per session kaya mas makakamura kaysa bumili ng sandamakmak na kuwitis.

Nang bulabugin daw ng mga hindi kanais-nais na espiritu’t laman-lupa yata ang mga trabahador na nagtitindig ng naging tahanan namin sa Bulacan—dalawa-tatlo ang inapuntahan ng lagnat sa hindi maipaliwanag na dahilan—ako ang naatasan para umareglo.

Sa pagkakatanda ko’y nagsaboy ako ng asin sa paligid. Saka nagsindi ng insenso—joss sticks na may samyo ng sampaguita. Saka sapilitang nakipag-ugnayan sa mga diyaske’t sinabihan na wala akong balak gutay-gutayin ang kanilang laman-loob kung hindi na sila mambubulabog ng mga trabahador. Napahinuhod naman at tumalima sa matinong usapan ang mga diyaske.

Sa pagkakaalam ko’y may katangiang umakit ng mga kamalasan at hindi kanais-nais na espiritu ang sansang ng pulbura’t-- teka-teka-teka baka sabihin ninyong masagwa na naman ‘to—paputok. Mga espiritung naghahatid ng maamong pasok ng magandang kapalaran at kabuhayan naman ang inaakit ng kamanyang at mga insenso na mahalimuyak ang sanghaya.

Natatandaan din namin na meron ngang Taboy’s 5 Litros sa kanto ng isang maikling kalye na nakatagos sa Isaac Peral na U.N. Avenue na ngayon at Kalye T. M. Kalaw sa Ermita, Maynila. Pulos Karen o mga nasa linya 40 yata ang makakaniig sa naturang tabuyan ng masasamang espiritu’t binago na rin yata ang pangalan, Bistro Emilio yata.

Hangad namin ang payapang taon sa mga magsasagawa ng payapa’t tiwasay na rituwal sa pagpasok ng 2008. Hangad din namin ang saganang ingay at walang humpay na sambulat ng pulbura sa buhay ng mga gunggong na maghahasik ng ingay at pulbura sa pagpasok ng 2008.

Gulugod sa hagupit ng araw, agos, at alon

IT was neither legal nor tender but it was the legal tender back in around 2,000 years before the Common Era for procuring worldly possessions, buying slaves in West Africa or purchasing a clutch of lovely maidens for a harem in China. That was the sort of money I had amassed and lugged around on a canvass sling bag around my neck—about five kilos of a non-current coin of the realm that somehow follows the tradition of having loads of cash at the first few hours of the New Year.

Were we not furnished with a tidbit of trivia in a past Senate hearing: a kilogram of P1000 bills equals a cool million pesos?

By duly honoring such tradition, we can construe that I’ll be enjoying easy cash flow—the sort that buys loyalties of slaves and waves of carnal bliss from a retinue of hits-and-missus.

I had collected money cowries— in denominations of dull or shiny slate, lustrous rose and pink plus pale blue. I had this silly notion that beach combing has something to do with raking a length of coastline by trudging through it for hours, picking up whatever looks like nit or louse to give the shore due tonsorial care.


Kaya sangkatutak na sigay at kaligay ang nalikom sa naturang pangingilak ng dating katumbas ng salaping pilak.

Ni wala naman sa balak na bumili ng sungkaan o maglaro ng sungka. Wala na rin sa isip na maglaro ng siklot—para makaipon ng sangkatutak na baboy matapos ang bawat siklo ng siklot. Wala na ‘kong nakikitang mga paslit na magtitiyaga sa mga ganoong laro na mayamang diwa ang paiiralin at pupukawin—hindi malupit na digital imagery ng computer. Pero malilimi na talagang mapaglalaruan ang sigay at kaligay, may iwing kaligayahan na tila himig na sasaliw sa paglalaro nito.

Kung tutuusin, pawing kalansay o gulugod ng mga mumunting nilalang ang mga natipong sigay at kaligay. Mauungkat tuloy ang sinaunang kapural ng dambuhalang korporasyong Royal Dutch Shell, magiliwin at tahasang masinop na nagtipon ng samut-saring gulugod ng mga kaanak ng suso, lukan, tulya’t kasing-kasing. Nagtitingi pa nga ng mga naturang gulugod sa mga mahilig na magtipon nito sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Nauwi nga ang ganoong negosyo sa pagbungkal ng mga balon ng krudo’t gas—kasi’y palatandaan o tila muhon rin ang mga shells sa kinaroroonan ng gas and crude reservoirs sa kailaliman ng lupa. Hanggang sa ngayon nga, nagsasalya ang naturang dambuhala ng mga produktong petrolyo na nakapangalan sa samut-saring maririkit na taklobo’t kabibi.

Nawala na ang nilalang na nananahan sa mga marikit na gulugod, ilalantad na lang nga sa aplaya’t matitisod-tisod o mapupulot. Pasubali ang matatambad na mga tayantang sa araw at agos na kalansay sa iginiit ni William Shakespeare: “The good that men do are oft interred with their bones; the evil that men do live on after they’re gone.”

Kaya sa pulitika, lipunan, at anumang larangan ng pamumuhay, tahasang umiiwas tayo sa dikya. Sa mga walang gulugod.

Marikit na saplot at baluti ng karaniwang nabubuhay na sigay o kaligay ang kani-kanilang gulugod at kalansay. Pambihis ang matibay na gulugod ng pagiging nilalang. Ganoon ang igigiit ng nakatambad nilang pamumuhay. Masawi’t maglaho man ang nagbihis ng matibay na gulugod, may maiiwang katibayan at kariktan. Matitipon. Malilikom. Maitatanghal.

Nais kong isipin na pawang marikit, matibay na mga gulugod at kalansay ang aking tinipon sa naturang pakikipagniig sa mga agos, araw, at alon.

That, for me, is more than legal tenderness with which I can procure loyalties of slaves or carnal favors from well-stacked numbers.

Paglalaro sa larawan ng tahanan

Dagli ng anak, doodles11006@yahoo.com:

OO nga pala take a picture naman of the house and can you measure the floor area nung second floor...Madali lang yun at pakikunan ng picture yung stairs natin sa bahay, yung gilid at ilalim at itaas ha. I need a perspective view of it.

Pakli ng kulamnistang ama. noqualmasabomb@yahoo.com:

LUNTIANG utong na ang laki ng tatlong pnganay na bunga ng tumabal na sayote mula Tagaytay—tiyak na magiging tampulan na naman ng pansin. Balak kong binhiin lang ang mga iyon para dagdag na panghalo sa pagkain ng mga aso. Hindi naman natin nakahiligan ang pagkain ng sayote-- talbos man o bunga nito—kahit pa manamis-namis ang kapipitas na sayote’t madaling ilahok sa alinmang lutuin.

Nagsisimula pa lang sumigla ang paglaki ng ikalawang binhing sayote na inangkat mula rin sa Tagaytay. Nasa hilagang silangang harapan ng bahay at tiyak gagapang paakyat na kasama ng bunton ng cadena de amor, millionaire’s vine, patani’t sigarilyas. Gusto ko ang masigabong tabal ng mga baging para halos matakpan ang ating tahanan. It’s a classic look of a Frank Lloyd Wright work in which both nature and structure blend as an organic whole—you won’t know where nature ends and structure begins in the interplay. Sa ganito pulpol ang kukote ng taga-MMDA na isasalang daw sa halalan sa tu-uten o 2010.

Paslit ka pa nang mapanayam ko si Nicolas Feliciano’t naging katoto pa nga hinggil sa mga pangahas na pamantayan sa disenyo. Arkitekto siya. Naging matinding alkalde ng Concepcion, Tarlac at nitong mga taon ng 1990s, naging bokal pa ng naturang lalawigan. Architecture is allowing a structure to become what it wants to be. It’s about defining freedom for space and nature. Even an unfinished but sound structure or the ruins thereof would breathe of sound planning and the hallmark of grandeur. It would speak of honesty of the materials. Ganoon ang mga paniwala niya. Na higit na matatag na nakatindig sa lapag ng katotohanan at katinuan.

Umaalingawngaw ang ganitong pananaw sa giit naman ng ninong at maestro mo, si Jerry Araos na sinasabing kailangan munang makiugnay at makipag-usap sa alinmang material na lalapatan ng kamay para makabuo ng masining/masinop na gawa. The material must speak for itself. The artist does not have to impose his will. He composes.

Gulantang ang section editor ng isang broadsheet nang minsang ihatid ako hanggang sa ating tahanan mula Ermita. He went on rhapsodizing about the outward appearance of our home, noon lang siya nakakita ng ganoon. Lasing siya noon-- in vino veritas.

Ni hindi naman nakapasok para manaliksik sa kabuuan ng panloob na bahagi ng ating pamamahay ang isang arkitekto na kinopya nga ang panlabas na disenyo nito. Mapurol din ang kukote ng kumag na ‘yon kaya hindi makabuo ng disenyo na may tinatawag na organic unity of form and function in a structure. Hsien o immortal ang katumbas na magkatalik na larawan o kuei-i ideogram ng ganoong pamantayan: pagniniig ng bundok at ng ermitanyo na nagsisinop ng malalim na kaalaman sa kabundukan. Aminin man o hindi, dito nakasalalay ang nabuo mong design philosophy.

Hindi na tahasang bago ang nabuo mong mga saligan, nasimulan na iyon ni Chang Tao-Ling na isa sa mga unang immortal o celestial being na tumuntong sa mundo para magbigay-lunas sa mga maysakit. Payak lang ang paraan ng paglulunas noon dahil pinaniniwalaang kasalanan ang sanhi ng bawat karamdaman. Kaya pinananatili ang maysakit sa payapa o tiwasay na tahanan upang magtika’t isubsob ang panahon sa pagbabasa ng Tao Te Ching o The Way of Power.

Hanggang sa panahong ito, may mga pamamahay na tiwalag sa katiwasayan at kapayapaan, doon tumatahan ang mga sigalot at hidwaan. Natutuwa akong ang balangkas ng tahanan na itinindig natin ay makapagbibigay-lunas, namamayani ang kapayapaan at katiwasayan.

Friday, December 14, 2007

Rhyme doesn't pay

ISINULAT sa Kulamnista ni jorlem_mohn:

“I don't know how you do it. But man.. u'r a demigod.... I've always wanted to learn the art of writing.. And i am like a new born baby when it comes to this field.. But you.. You seem to know very well what it's all about.. I don't know if this is what you took up or if it's really runs in your blood... But i'm sure of one thing.. I AM A FAN...”

Tugon ng Kulamnista:

SA kalapit na kanal ng tindahan ni Inay sa Kalye Palomaria, Project 7 sa Quezon City nitong 1956 nang mamasdan sa kauna-unahang pagkakataon ang isang kumpol ng water hyacinth—namumulaklak. Mga dinukit na balintataw sa mata ni Argus ang nakatitig sa ‘kin sa mga bulaklak. Matamang nakipagtitigan. Nakahiligang gawi tuwing umaga ang pakikipagtitigan sa mga bulaklak ng water hyacinth.

Nakasagap na ng mga dagdag pang kakaibang gawi mula sa ganoong karanasan sapul kamusmusan. Natulad nga sa alamat ni Narcissus na nakagiliwan ang pananalamin sa sariling anyo sa bubog na tubig ng batis. Nabighani sa nakikita—talaga palang nakakabighani ang kiki.

At nabihag din pala ang batis sa balintataw ni Narcissus. Nasalamin din ng batis ang kanyang marikit na anyo sa mata ng kumag na ‘yon, mutual admiration society ang nangyari.

Sablay nga ang giit ni Friedrich Nietszche na makikipagtitigan ang hukay sa matamang nakatitig sa hukay—he who gazes into an abyss nudges the abyss to gaze into him. Higit pa roon ang nangyayari. Mayroong interface na nagaganap—mas masinsinan, mas masinop ang pag-ukol ng pananaw sa bagay-bagay, lalong nagiging malalim at matalim ang suklian-palitan ng kaalaman, katangian at kakayahan. Ganoon ‘yon. The process is straight out of quantum physics.

Sa ganoong balangkas mauunawa ang gawi ni O-Sensei Morihei Ueshiba na pagpupugay at taimtim na parangal sa araw tuwing bukang-liwayway—it’s looking up to a deity and seeing the myriad aspects of the Divine Creator become manifest in creation. Thus, everything in creation requites the adoration it has received. It’s the familiar theme-scheme of love begets love. That goes on an untrammeled roll in aubade or matins— the so-called silent time devoted to prayerful meditation at the onset of each day.

I am an agronomist by training and discipline—hindi talaga masinop na paghahalaman ang ibinabadya ng ganoong kataga. Tahasang pagsisinop lang ng kinatitindigang lupa. Maglulupa lang ako, sa madaling sabi. Sa lupa nakabatay ang paninindigan.

Ibabangon sa katagang discipline ang disciple o pagiging tagasunod ng natatanging daan at pamamaraan. Ibabangon din mula discipline ang isa pang kataga: descir o alamin, to know, to discern.

Tayo na mismo ang makakapansin na kulang ang Penoy bugok sa disiplina. Malalim yata masyado ang katuturan nito. Mauungkat na hikahos tayo sa paghakbang sa anumang daan at pamamaraan. Dahop din sa pagtuklas ng kaalaman—and every quantum surge in spiritual, social or economic standing stems from discerning knowledge. And that’s grounded on discipline.

Consider yourself looking at a mirror pool when you ponder upon the writing that I turn up. You will be rapt in your own beauty. You saw a demigod in the mirror pool. That’s you!


Nagsusulat lang ako sa ngayon—nagsimula pa nga sa pagsasalansan ng mga taludtod ng tula. Na nauuwi sa tuya. Pero sabi nga, rhyme does not pay. Sablay nga kadalasan ang pagbabayad sa mga nalalathalang sinulat but I’m not the sort to yield this bit of space. It’s something of a ground on which I can stand on and say my piece. I usually pack an ugly-looking, silencer-fitted Tokarev 9 millimeter as reliable piece of choice—apart from a pair of fan knives.

Sala’am at salamat sa iyong pagpapahalaga.

Mabuhay ka!

Wednesday, December 12, 2007

Gorilla in excelsis Deo...

CARDIAC arrest ye fat gentleman, so that ye can’t dismay…

Basta naulinig na lang ang paglutang sa karimlan at halumigmig ng gabi ng mga nakagiliwang awiting nakaukol, nakabukol sa Pasko. May mababanaag na kakatwang lamlam-lampara na sumisiyap yata habang sakmal ng dilim sa umiiral na panahon.

Lansag pati salansan ng titik ni Mang Levi Celerio sa kanyang “Pasko na namang muli”-- Naku, may coup, may coup na namang muli. Nasa Palasyo’y ngiwi’t napapaihi. Naku, may coup, may coup na namang muli. Pero hindi yata maaari.

Baka kasi lumabis na naman ang laklak ng aming iniirog na currant-flavored vodka. Kaya tigmak sa galak ang pagtaktak ng himig, pati sa mga ibinubulalas sa cajoling… quarreling.. Ano na nga ba ang angkop na katagang tumutukoy sa pananapatan sa mga bahay-bahay? Harana o harang na? Pangangaluluwa o luwa ang panga ng mga walang kaluluwa?

Kung anu-ano na lang ang ibinubunghalit kasi para makaamot ng kahit konting barya.

“Ang Pasko ay sumabit. Bonus namin ay inahit.”

Silent na. Nahuli na. Oil is high. All can sigh ‘round yon pump prices high. Luli’t impaktang nanay ay nakakahimatay…”

Wreck the polls with Hello Garci, fa-la-la-la-la panalo na. ‘Tis our reason to be jolly, tulala sila natalo pa!”

“Satan’s claws are coming.. kantutown!…”

“We wish you a messy crisis, we wish you a messy crisis, we wish you messy crisis and a used underwear.”

Pati ba naman mga nabibilang sa tinatawag na kapisanang linis-tubo’y binabago ang “Whispering Hope”—Supsop the boys?

Kahit na ano pang pangkat at pulutong na aalulong ng mga napapanahong himig sa tapat ng aming tahanan, lagi’t lagi namang sasabihan ng madalas ding iungot sa mga seksing tindera saanmang palengke dahil nais naming makatipid at matabtaban nang kahit kaunti kahit kapiraso lang naman ang nakakasindak na taas ng halaga ng mga bilihin pero hindi naman itinataas ng tindera ang kanyang palda at ibinababa ang kanyang panties, este, hindi naman itinataas ang sahod at ibinababa ang presyo ng bilihin:

“Patawad po.”

Saka dudugtungan: “Kung ang isang Erap na hinatulan na ng Sandiganbayan sa salang pandarambong at pangungurakot sa salapi ng taxpayers ay pinapatawad, kami pa kayang kawawang taxpayer ang hindi bibigyan ng patawad?”

Kapag may umuungot naman ng regalo o may kalabit-penge na nagpapahiwatig na mabigyan ng kahit duling na singko, tiyak na hihirit ng ganito: “Merry Christmas, sir.”

Kagyat na susuklian naman ng ganito: “Happy Valentine to you, too!”

Saka ipapaliwanag sa kumag na lubhang mapanganib ang yugtong ito ng panahon—maligayang ika-47 kaarawan nga pala sa aking kampon sa Journal Online, si Oliviaria Manaois na sa mismong pinakamaikling araw sa kabuuan ng bawat taon o winter solstice ang kapanganakan—at laging nakaamba ang makayanig-bulsang kapahamakan lalo na kapag sinalakay na ng mga inaanak na iisa lang ang ihihirit, “Money po ninong!” habang nagbabanta naman ang napakaraming pagkakataon para sumibasib ng lamon kaya sandamakmak na triglycerides, low density lipoproteins, at samut-saring lason ang sasalin sa katawan na karaniwang magiging sanhi ng ataque de cabeza y infarto, diabetes mellitus, constipation, erectile dysfunction, flatulence, acute income deficiency syndrome, cash shortage, at iba pang kahindik-hindik na pinsala sa katawan.

Lilinawin sa kausap na mas mainam pa rin ang Araw ng mga Puso. Solamente coño aguado es servido. Malinamnam na, healthy eating pa.

Saturday, December 08, 2007

Tinubuan ng tahid, tinubuan ng sungay

NAGBALIBAG-BLOG pa siya bago lubusang lumisan. Atake de cabeza’t samut-saring pinsala sa menudencia—end organ damage-- ang humigop sa kanyang huling hininga, kabilang sa mga sinaklot at sasaklutin pa ng walang pangiming pagkain.

Pinatulan pa ang pakulo sa Peninsula nina Trillanes—na ikinibit-balikat lang namin ng balikat ng mga katoto sa tunggaan. Humahakbang kami sa iisang panahon-- pero magkaiba ng landas, magkaiba ng antas o taas. Kaya magkaiba ng tanaw sa anumang nagaganap. Kung banta sa demokrasya ang tingin niya sa gaya ni Trillanes, singaw na butlig na lang sa paningin namin ang ganoon. Kung sa sakit, palatandaan na lang ng mas talamak na pinsala—end organ damage.

Katangian mismo ng mga tao ang nagtatakda ng katangian o katangahan ng demokrasya’t anumang paiiraling paraan sa pamamahala.

Madaling humagilap ng matingkad na halimbawa.

Ni sampirasong identification card, hindi inungkat kay Yoyoy Alano sa kanyang buwanang walang sablay na deposito ng pondo sa sangay ng isang bangko sa kanilang bayan. So the bank factotums knew the regular depositor’s face like the palms of their hands they masturbate with.

Santoneladang identification cards ang hinihingi kay Yoyoy nang minsang mag-withdraw siya ng pondo—ni hindi naman isasara ang bank account. Walang maipakitang pagkakakilanlan, pero tuwinang nakasupalpal naman ang hilatsa ng kanyang pagmumukha sa mga kawani ng bangko sa kanyang regular na lagak ng impok.

Payak na payo ang ibinigay: Since no one can positively identify you in that bank, we might as well do regular informal withdrawals—yeah, rape, robbery, whatever wicked fancy that can be done on those comely tellers and the bank itself. Their convoluted sense of identifying customers is a tempting go-ahead to the criminally minded. And who can resist temptations for such fierce pleasures?

Divine intent or lofty content of every whit of rule and regulation hinges on people
Hudas the implementation.

Democracy can be a government of the people, by the people, and for the people—if there are genuine people in it
. Hindi naman tayo masinop sa ungkat at halungkat ng pagkatao.

Kaya nga matindi ang pamantayan ng pagiging Tao sa sinaunang obra daw ni Lao-Tse, ang Tao Te Ching—hindi basta nagkantutan, nagkabuntisan, inilabas sa puwerta, tao na.

Baka anyo lang ang sa Tao. Dapat na maungkat ang pagkatao. Hindi lahat na anyong tao, maituturing na tao. Paano kung mas marami sa mga naglipana saanman—sa gobyerno’t sa mga sambahayan saan-saan-- ang hindi talaga tao kundi hunyango?

Matagal na kaming tinamad sa pagsisiyasat sa mga nakatindig na pamamaraan at institusyon—dambuhala ang mga sukat. Kung yayakapin at iinuhin, baka matulad lang kami sa kuwentong bayan ukol anim na bulag. Kumapa sa elepante. Tama silang lahat sa natuklasan. Pero mali pa rin silang lahat.

Kaya marahil pagkatao’t pekpek na lang ang nakakahiligang kapain—madalas na tama. Matapos ang ganoong pagsisiyasat, madalas din ang toma.

Nakapagbalibag-blog pa ang dating katoto bago tuluyang lumisan. Nahapyawan ko pa ang kanyang anyo nitong nakaraang Setyembre sa isang piging—sa Manila Peninsula rin. Hindi ko na siya nilapitan. Nagsisimula na ang pagsingaw ng sansang mula end organ damage. Nahihimay nang unti-unti ang kalamnan sa loob ng katawan.

Maihahambing sa unti-unting naaagnas na pagkatao ng mga kunwang tao. Oops, nahapyawan ko pala minsan ang katuturan ng katagang “sangkatauhan” sa Qur’an—alamin! Alam = mundo. At lumilitaw na kabilang ang mga djinn at maligno, engkanto, hayup, halaman, at samut-saring anyo ng buhay sa buong mundo.

Kaya yata nahihilig kami sa kamunduhan…. Marami pa kasing hindi alam.

Ya Allah rab al-Alamin!

Friday, December 07, 2007

'Yung mga pusang gala

NAPABALIKWAS ako, alas tres yata ng madaling araw, nag-usisa sa sarili: “Sa’n ako naro’n?”

Todo bangenge pala sa toma nitong nakaraang gabi, nabitbit na lang ako ng Ninong Conrado mo sa bahay niya’t baka may makadyot o malaplap na naman ako—kabi-kabila kasi ang dala kong balaraw na bawal raw sa lukbutan. Umiigkas na lang. Susuksok, kakayod sa laman. Udyok yata ng muscle memory—bata pa ‘ko nang masanay kumatay ng baka’t baboy, menudencia’t leeg ang nilalapa.

Kapag ganoong oras bago magbukang-liwayway, mararamdaman kasi sa paanan ang dampi ng katawan ng pusa—karaniwang si Shampoo o si Bhatman ang nakabaluktot sa aking paanan. Baka hinihitit ang pumasok na singaw ng lupa sa aking katawan. Posible rin na pinapalis ang mga masamang alimuom na nasagap ko sa buong maghapon.

Naglunoy kasi kami sa usapan ni Ka Teo—tatlo ang naging supling nila ni Sol, bunso na lang ang nagkokolehiyo’t tiyak na papalaot din sa trabaho kapag nakatapos. Maiiwan silang magkabiyak sa kanilang lunggang condominium unit sa Buendia Avenue, Makati. May kani-kaniyang buhay na ang mga dating paslit.

Bahagi ito ng pagsuong sa dapithapon ng pamumuhay. Dapat lang na ilaan sa mga talagang mahal sa buhay ang buong panahon. ‘Yung mga tapat na katoto, kaibigan, at kapilas-puso. It’s an enriching investment for such a priceless thing as time.

Pareho kami na Ka Teo na dumaraan sa ganitong karanasan. Paparating pa lang sa ganitong yugto ang Ninong Conrado mo—dalawa ang supling, kapwa nasa kolehiyo na rin. Kaya subsob naman siya sa samut-saring pagkakaabalahan bukod sa hanapbuhay namin sa pagsusulat, pananaliksik, pagkalap ng dagdag pang kaalaman. Dito na kami nakatutok.

Aso’t pusa na lang nga ang mapag-uukulan ng aruga’t pagsubaybay—may sinsing umano si Haring Solomon na nagbibigay sa kanya ng kakayahan para maunawa’t makipag-usap sa iba’t ibang hayup. Iba pa rin ang mga abang animal. Kung anu-anong larawan ang kanilang ibabangon, pupukawin sa ubod ng kalooban. Lalo na sa tinatawag na earth energy center ng katawan, ‘yun bang root chakra sa gawing pinakatuntungan ng gulugod. At malakas ang kutob ko na nagbibigay ng energy supplements at pangontra sa kanser ang mga kumag na pusa. With their proverbial nine lives, they’ll be wont to spare some for their keepers.

May isa sa mga naiibang nobelang pangkomiks si Mars Ravelo. Nahapyawan ko nitong 1960s. Tungkol sa padre de pamilya na binigyan ng kapangyarihan para marinig ang iniisip ng bawat nilalang—kabilang na nga ang mga hayup. Halos sumambulat ang bungo niya sa salimbayan ng walang patumanggang ingay. Walang humpay ang ragasa ng mga kawan-kawan, kawing-kawing na alalahanin at pangamba. At nagkagutay-gutay na masahol pa sa basahan ang tiwala niya sa kapwa-tao. Pawang paimbabaw lang ang pakikitungo. Natatangi ang kanyang alagang aso. Talagang nagmamahal sa kanya—unconditional love, walang bahid ng imbot at pansariling kapakanan. Ni hindi umaasam na bibigyan ng pagkain.

Sina Mischa, Oca’t Monster ang katabi ngayon sa pagtulog ng tatlong kumag na kuting na pawang itim—Marduk, Zahrim at Zahgurim. Bagong karanasan para sa mga aso natin. Magkasiping man sa pagtulog, hiwalay pa rin sa pagkain. Minsan nang nakatikim ng walang patid na halihaw-kalmot si Oca kina Shampoo at Pin-yin nang tinangkang sagpangin ang isang kuting. Napaihi sa hapdi si Oca. Halos humagulgol.

Tuwing babati ako sa umaga’t kay Amaterazu O-Kami, hangos na sasampa sina Marduk at Zahrim sa akin—nakakatuwa ang mga lekat. Ah, such tender unconditional love nudged with tough tendril talons.

Kuhollywood

HINUHUBOG daw ng media ang kaisipan ng balana. Baka naman hinuhubog na ng balana ang kukote ng nasa media. O baka aarukin muna ng media ang umiiral na katangahan ng tanan. Saka aangkupan ng katangahan. Bigay-hilig.

Kung ibabatay sa paliwanag noon ni media guru Marshall McLuhan na bawat umaga’y maglublublob para maligo sa media ang balana, maiisip na mas marami yata ang nais maglunoy sa kumunoy. At mas marami ang nais magtampisaw sa lubluban ng kalabaw. Hindi masaya ang sanghaya ng katotohanan.

Kaya nga ipinahiwatig na sa uhuging ‘yon sa aming e-mail group ang paraan para maisupalpal sa bahalanang mambabasa ang nauukol at mailululan sa kanilang kinauululan.

Ipilit, ipilipit at ipihit kahit na usaping pamayanan at pangkabuhayan sa mga artista’t sikat na hinahangaan. Ayaw namang maniwala ng kumag. Na tiyak sisipsipin ng tanan ang bawat makabuluhang usapin kung ihahain bilang kakaibang putahe ng pagkain na nanggigitata sa gata: Kuhollywood!

Dull it may sound. Aba’y katunog niyon ang may pinakamalaking bilang ng mga nakasubaybay na Penoy bugok sa buong daigdig. Mantakin naman. Saanmang singit, tumbong at kili-kili ng daigdig na may Penoy bugok.

Curry favor—and exotic flavors—with the teeming maggots of Penoy bugok readers the world over, try Bulbollywood!

Or go dog-rabid, spread a plague of lockjaw among the more numerous audiences shocked and awed at every tidbit of trivia swirling like sewage on entertainment celebrities—Kahollywood ulollywood!

It’s a tack not easily taken.

Huwag nang pansinin pa ang lapidang isinalampak ni H. L. Mencken sa inilathala niyang pahayagan noon pang 1912, “Katumbas ng isang sibilisadong mambabasa ang sanlibong walang laman ang ulo.” 1:1,000? But we favor quantity over quality these days. Parang hindi na angkop sa ating kasalukuyang sabilisasyon—pulos bili—at destabilisasyon ang ganoong pagsukat sa nalalaman at nilalaman ng mambabasa.

Sa makulay na mga salitang madalas masambit ng yumaong Damian Sotto nitong mga taon ng 1950 hanggang 1960 sa himpapawid para mapukaw ang mga tagapakinig: “Hindi ko sinasabing mga hindot kayo!”

Kaya dapat maibunyag sa balana ang talagang sanhi nang muntik nang itapat sa kaarawan yata ni Andres Bonifacio ang namputscha talagang agaw-eksena ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Makati Peniskula. Para magdiwang, magpugay sa pangalan ng naturang bayani. Andres = maghubo’t hubad. Bonifacio = ibuyangyang sa madla ang kanyang itinatagong buni! Show and tell on nationwide TV coverage!

Para makapag-ulat, gagayahin naman ng sandamakmak na peryodista ang pahiwatig sa pangalan ng isa pang bayani—Jose Rizalsal!

At tiyak na mapupukaw ang pag-ibig sa sariling bayan ng sambayanan na nais lumipad-dumapo sa Amerika.

Ihiwa rin sa pahiwatig na baka hindi binayaran ng P100 ang 12-anyos na batang taga-Davao kahit ilang ulit na siyang tinitikman, gagamitin pa naman sana niya sa school project ang P100 na laspag isang araw sa sinumang talamak ang pagiging text maniac sa pakikipagdutdutan ng kung anu-ano lang. May magpapakamatay na pala sa ganoong halaga…

Teka, matagal nang idinikdik ‘yan ng mga mananaliksik ukol sa mind-set ng mga hikahos—homicidal-suicidal. Mahirap na raw kasing mabuhay sa ngayon pero konti lang sa kanila ang nagpapakamatay. Laging maghahanap ng damay.

(Samantala, nakatunganga pa rin ang sumusubaybay habang nagsusulat ng pitak na ito. Ganoon at ganoon sa buong maghapon at magdamag ang inutil na ‘yon… Nakatunganga. Pensionado ng OFW. Walang sariling pamumuhay na tututukan kundi pamumuhay ng iba. Penoy bugok din po ‘yon, ni hindi nga inaalam kung ano na ang nagaganap sa bansa at sa mundo, aasahang uungkatin ng kupal na ‘yon ang usad ng sariling pamumuhay?)

Dapat na maaliw ang balana na kinabibilangan ng Penoy bugok na nakatutok sa pagsusulat nito. Kailangang maghagilap ng mga kakaiba’t kakatwang sangkap para maihain, maitapat sa kanilang natatangi’t pihikang panlasa.

Dapat itampok para sipsipin ang kuhollywood!

Itanghal at ibandila ang ulollywood!

At huwag na huwag kaming sisihin kung bakit naglipana na ang mga gunggong at tanga—dahil ganoon talaga sila, mwa-ha-ha-haw!

Kunsintidor lang po kami.

Wednesday, October 31, 2007

Gaya mo ba 'to?

GAYAHIN. Tularan. Sundan. Kung ano ang ginagawa at paiiralin ng isang tinangkilik ng madla, gagagarin na rin ng iba pa para matangkilik rin. Hindi dapat maging iba, liban na lang sa sasalpakang lugar—ganito yata ang makikiangkas na lang sa franchise, sasakay sa tagumpay ng iba.

Parang cloning—pararamihin ang kopya ng isa na kilalang-kilala ng balana. Kuntento na ang mahilig manggaya sa ganoon. Gaya-gaya puto maya, h’wag ka nang mag-aksaya.

Pero sa mga ibig maging iba, talagang it pays to make a difference. Why, cloning is a mode of asexual propagation and isn’t necessarily as satisfying and sexually challenging as the old-fashioned coupling to spring forth a brainchild.

Limang buwan mula Nobyembre hanggang Marso, sarado ang No. 1 restaurant sa buong daigdig. Matatagpuan sa Spain—ang El Bulli. Pitong buwan lang nakabukas. Para sa mga panauhin na kailangang kabilang sa reservation list—guests have to make reservations a year or so in advance. Ganoon ka-astig ‘to.

So it’s closed for five months every year, can that enterprise still make truckloads of money? They still can. An elite clientele the outfit caters to are coughing truckloads. They keep coming back to shell out some more for a fill of “unexpected contrasts of flavor, temperature and texture. Nothing is what it seems (in a cuisine meant) to provoke, surprise and delight the diner."

El Bulli isn’t likely to have itself cloned, ply out multi-million dollars worth of franchise to eager beaver takers out to cash in on the outfit’s reputation that it has built and earned for itself.

Pila-balde rin ang mga naghahangad na bumili ng pinakamasarap na serbesa sa buong daigdig. Alinmang panahon, anumang pagkakataon laging mas marami ang mamimili kaysa maipagbibili sa naturang serbesa—ni wala nga yatang tatak, non-branded.

Ni hindi nga alintana ang papasok na kita mula sa ordinaryong produkto na magagawa palang ekstra-ordinaryo. Cistercian monks ang gumagawa ng naturang beer sa isang monasteryo sa Belgium. Bahagi lang ng kanilang matinding disiplina ang pangangalaga sa mga pananim na magiging sangkap sa naturang inumin. Kakatwang pagpanday ng katauhan at pagtugon sa mga pangangailangan ng kaluluwa’t isipan—laborare est orare, orare est laborare. Ang gawain ay dalangin, dalangin ay gawain.

And in sustaining the demands of the spirit through earnest work, the by-product turns out to be a much sought-after drink, maybe nearly equal to the alchemy plied out by the Master in a wedding at Cana when he turned pronto water into wine.

We’re likely to turn water into whine.

Mayroon kaagad isasangkalang dahilan. Hindi kakayanin. Mahirap gayahin ang mga ganoong nagawa na—world-class, world-beater. Iba na nga naman ang sigurista’t oportunista, sasakay sa tagumpay na nagawa ng iba. Mas madaling maging kaliskis o balakubak ng lumalaking dambuhala, kaysa maging ulo ng sisiw na hindi tiyak kung bubulas na manok, uwak, limbas, lawin o agila.

Mas madaling maging clone—kayang-kaya kahit kinakapos na sa libog, nanlulupaypay na ang utog, kahit may erectile dysfunction.

Mas mahirap yata… Pero mas masarap at mas masayang bumarukbok. Mag-aruga’t magpalago ng sariling supling. Ganoon yata ang diskarte ng astig na entrepreneur. Barako sa sariling negosyo.

Sapul 1890s, nagpalipat-lipat lang sa ibang lugar ang Wah Sun at Ambos Mundos na magkaharap ngayon sa bunganga ng Florentino Torres sa Sta. Cruz, Maynila. Kahit antigo na, dinadagsa pa rin ng mga parokyano.

Sapul 1900s, nanatiling nakatindig ang Ma Mon Luk na mami’t siopao lang ang handog sa balana—ni hindi naisipang ikalat ang lihim na mga sangkap ng sabaw sa mami, ni hindi naakit na makisakay sa franchising bandwagon.

Antigo na sa Binondo, Maynila ang Smart Panciteria pero lumipat nga sa Libis, Quezon City—sinundan doon ng mga nawiwili sa kangkong in lechon sauce.

Alin kaya sa mga astig na ‘to ang kaya mong gayahin?

Mga halamang pampalibog

VAGINARIAN, oops, vegetarian nga pala ang karamihan sa mga Pilipino sanhi ng walang patumanggang lantak sa pambansang pagkain—parang sinabawang gulay na instant noodles na karaniwang P5 sampakete na mula sa trigo’t tinambakan ng kung ilang pabrika ng kemikal na pampalasa’t sinalpakan ng tatak “Sangkap Pinoy” ng Department of Health. Pero hindi maliwanag kung ano talaga ang sangkap na ‘yon. Na baka naman giniling, pinatuyo’t pinulbos na laman-loob ng mga natigok, hinango mula iba’t ibang punerarya, pwe-he-he-he!

Buwan ng nutrisyon ang Hulyo na kaarawan ko ang huling araw kaya inaanyayahan ko kayong lumapang ng mga pagkaing umaantig at umuuntag sa utog:

1.Anis (Pimpinella anisum) na nagtataglay ng masamyong langis na pampasigla at mahusay sa sikmura na nasa dakong itaas ng puson na ang nasa dakong ibaba ay hindi amoy anis minsan yata’y panis.

2. Asparagus (Asparagus officinales) - Pampaihi, nagpapasigla sa bato—pero wala talagang remedyo para sumigla ang batugan—at pinaniniwalaang ang mga mahilig kumain ng asparagus, mahilig ding kumain.

3. Arabika (Coffea arabica) Sagradong inumin ang kapeng Arabika sa mga Muslim na Sufi mula Africa. Para sumigla ang utog, timplahan ng cardamom at pulot ang lalaklaking kape. Pangontra din sa diabetes mellitus at alta-presyon.

4. Avocado (Persea americana) Mayaman sa unsaturated fat na ubrang hatakin pababa ang antas ng masamang cholesterol. Pantulong para maisalin sa dugo ang sustansiya ng iba pang gulay at bungang-kahoy. Ubrang gadgarin ang buto nito’t gawing tsaa. May katangiang maglaglag ng nabubuong bata sa matris. Pampasigla ng katawan.

5. Basil o balanoy (Ocimum sanctum) Itinuturing ng mga Hindu na halamang banal, iniaalay sa bathaluman ng kariktan at kasaganaan, si Lakshmi at kabiyak niyang si Vishnu. Karaniwang nakatanim malapit sa mga altar. Pananim din sa paligid ng pamamahay upang maging tanod kontra sa inggit at masamang pita ng mga kapitbahay. Ginagamit na butil ng dusaryo ang kahoy nito. Kumain ng isang dahon bawat araw upang manatili ang kalusugan, magaang na pamumuhay at mataas na sigla ng utog.

6. Bawang o garlic. Pampasigla. May katangiang antibiotic, Ginagamit nang pampalibog sapul ialay ito ng mga Romans kay Ceres, bathaluman ng fertility. Para lalo pang sumipa ang utog, kailangan daw ituwang sa wansoy o coriander na masarap na sawsawan sa inihaw na hito, dalag o bangus.

7. Kakaw (Theobroma cacao) Feel good food ang sikulate na mula sa pinulbos na buto ng kakaw. Nakapagtataka nga na samut-saring astig na produkto mula kakaw ang nalikha ng Belgium at Switzerland—na hindi naman mga bansang tropiko’t umaangkat lang ng tone-toneladang buto ng kakaw sa mga bansa sa Africa. Karaniwang sikulate at bungkos ng rosas ang iniaalay sa kasintahan o kabiyak para maging pasakalye sa biyakan. Itinuring na “pagkain ng mga bathala” ng sinaunang Aztec sa Mexico. Pambayad noon ang mga buto ng kakaw sa mga pokpok. Nagtataglay ang kakaw ng theobromine, caffeine, at phenylethylamine. (Pampatindi din nga pala ng libog ang ensaladang bulaklak ng kakawate o madre de kakaw na karaniwang panlilim sa pananim na kakaw.)

8. Cardamom (Elettaria cardamomum). Pampaganang rekado na inilalahok sa kape para tumingkad ang paghuhuramentado ng singkapan na nakapagitan sa nag-uumpugang hita.

9. Carrot (Daucus carota). May beta-carotene na, may Vitamin A pa ang ugat na gulay na pampalinaw ng mata para lubusang masipat ang karaniwang kinakapkap at kinakapa-kapa sa dilim at mga bahaging nakalublob sa karimlan.

9. Durian (Durio zibethinus). Mala-krema ang lamukot nito na matindi man ang alingasaw sa kakalkal sa mga dinding ng ilong, malinamnam naman ang hagod sa dila. Talaga namang sa kung saan-saang liblib na sulok at singit inihahagod ang dila.

10. Mustasa (Brassica nigra) – Pampatibay ng paninindigan, pampasigla ng kuwan at talagang masarap ang hilaw na dahon ng mustasa na pagbalutan ng tipak ng inihaw na hito at burong Candaba o balaw-balaw na hawig sa amoy ng pekpek ang halimuyak. Masarap ding ihalo ang burong mustasa sa pritong itlog. At muy siempre, panalong kalahok ng sinigang na kanduli sa miso o ginataang tambakol na maraming kalahok na sili.

(Abangan ang susugod na kababata!)

Gutom sa madaling-araw

NAKATULUGAN na ang panonood sa mga nalalabing tagpo ng pelikulang Night of the Living Dead ni George Romero. Sa karatig na bulwagan ng National Press Club, walang humpay pa rin sa paghimay ang mga kabungguang-bote sa isinalampak na pasya ng Sandiganbayan kay Erap Estrada.

Ikalawang gabi ng Ramadhan nitong Setyembre 14, ni hindi makadungaw sa maulap na kalangitan ang talim na lingkaw ng bagong buwan. Gamit sa pag-ani ng butil ang lingkaw o kujang—at kabilang yata sa mga ginilit sa gapasan ang leeg ng dating artista.

Dalawang pantig ng katagang Ramadhan ang pilit namang sininop. Matagal nang nakalibing ang tahasang katuturan ng ‘ram’. Kailangan pang hukayin. Kabilang ang pantig na iyon sa may 48 butil ng mga punlang pantig na tinuhog bilang bungo, naging kuwintas ng bathala ng pagpuksa’t pagkakaloob ng kapangyarihan. Nasa kuwintas ng mga bungo ni Kali.

Liyab ng apoy ang maipupunlang butil ng ‘ram.’ Inihahasik sa pitak ng puso upang lubusang maglagablab. Upang maging masigla ang pagliyab sa pagpintig at dumaloy na apoy hanggang sa pinakamaliit na ugat na nagsalabat saanmang bahagi ng katawan.

Apoy sa dibdib ang ‘ram.’ Matimyas na galak ang lubusang katuturan. Delight!

Maaari ring paigkasin ang naturang apoy para lubusang matupok, maging abo ang makakatunggali. Magagawa lang iyon kung may naihasik na’t pinalagong mga butil ng ‘ram’ sa mga liblib at kubling pitak ng dibdib.

May adhan sa Ramadhan—limang ulit sa bawat maghapon at magdamag na mauulinig ang panawagan mula sa mga mosque. Limang ulit bawat araw na uuntag at aantig:

“Allahu Akbar. Allahu Akbar.Allahu Akbar. Allahu Akbar.Ash-hadu an la ilaha ill-Allah. Ash-hadu an la ilaha ill-Allah.Ash-hadu anna Muhammad-ar-Rasoolullah. Ash-hadu anna Muhammad-ar-Rasoolullah.Hayya 'alas-Salah. Hayya 'alas-Salah. Hayya 'alal-falah. Hayya 'alal-falah.Allahu Akbar. Allahu Akbar.La ilaha ill-Allah….”

Ramadhan. Matimyas na galak sa panawagan upang mag-alay ng panalangin. Maliyab, marikit na paghahasik ng panalangin sa Maykapal.

Agaw-tulog na’t ilang ulit na kinukusot ang mga mata habang nakatambad sa TV ang ilang huling tagpo sa Night of the Living Dead—there they are the dead driven by mindless hunger to eat the living and here we are the living driven by similar mindlessness to feast upon chunks and morsels off the dead…

Sa ikalawang palapag ng dating Good Earth Emporium sa Sta. Cruz, Maynila: hindi nakayanan ng katawan ng isang dalaginding na Muslim ang unang araw ng ayuno. Nanlupaypay. Pinauwi ng kanyang pinaglilingkuran upang magpahinga’t sanayin ang katawan sa paghuhumiyaw ng isaw sa pagkain.

Nabanggit naman ng aking suki sa DVD na instant mami ang nilantakan niya kanginang takipsilim,,, iyon ang nakayanan ng kanyang bulsa para maisapin sa sikmura. Aniko’y tigmak sa pampalasang kemikal at samut-saring asin ang instant mami. Parusa lang sa bato, sa atay at sa puso. Dapat ituring na haram.

Aniko’y murang mura lang ang cracked oats na pagkain talaga ng kabayo—kaya naman matibay sa gutom at kumakayod pa rin kahit gutom ang kabayo. Hindi rolled oats kundi cracked oats na mabibili sa mga tindahan ng sangkap na gamit sa panaderia sa Quiapo. Gawing lugaw, samahan ng pasas—na sagana naman sa bio-available iron o bakal na kagyat na maisasalin sa katawan. Abot-kaya rin ng bulsa ang pasas. Sa mga ganoong pagkain may itatagal ang katawan sa maghapong ayuno.

Nakatulugan ko sa takipsilim matapos ang ikalawang gabi ng Ramadhan ang mga patapos na tagpo sa Night of the Living Dead. Papaidlip at nauulinig ang balitaktakan sa naging pasya sa dating artista. Na matatandaang nagpahain at lumantak ng lechon de leche sa isang kuta ng mga Muslim sa katimugan.

Power trip

KUNG sila raw ang masusunod, huwag na lang daw akong magtungo sa isang lalawigan sa katimugan para magkalkal ng maiuulat. Sila: isang fiscal na nakatalaga sa Taguig, isang information officer sa Kamara’t isang hepe ng tanggapan sa LTO.

In vino veritas—katotohanan ang ilalagaslas ng alak, magsalitan man ang dilim at liwanag. Light beer sa kanila, dark beer sa ‘kin nang magkaumpukan sa bungguang-bote’t palitang-kuro.

Talamak daw sa power trip ang pulitikong warlord na namamayagpag sa lalawigan doon. Nakabukakang lihim sa tanan ang mga kabulukan at katiwalian sa pamamahala nito. Pero naka-zipper naman ang bunganga ng lahat ng nasasakupan. Walang magtatangkang magbunyag.

Walang pangimi kung magtumba ng sinuman ang mga kampon ng naturang political warlord.

‘Kako’y laging dumarating, hindi mapipigilan kahit hindi inaasahan ang tinatawag na Gottardammerung. Iyong takipsilim ng mga namamayagpag na bathala. Si Ambrose Bierce yata ang nagsabi: mahusay na umiiral ang timbangan ng kapangyarihan sa demokrasya sa pamamagitan ng checks and balances at paminsan-minsang pagliligpit ng mga pinuno—assassinations.

Mapalad pa ang alkalde ng isang bayan sa Laguna na napapaligiran ng walo yatang alalay. Nadamay ang mga nakapaligid na alalay nang paslangin ang alkalde. Ni hindi na natugis, ni hindi pa rin nadadakip ang mga salarin.

Maliwanag ‘kako na hindi mapapangalagaan ng sandatahang alalay o kahit pribadong hukbo ang kapangyarihan ng pinuno. Sablay ‘kako ang ipinagdidiinan ng mga nasa Kaliwa. Na ang kapangyarihang pampulitika’y bumubuga sa nguso ng baril.

Mayroong tinatawag na backfire. May misfire. Meron ding tumitimbuwang kahit sa friendly fire.

‘Kako’y mahirap panghawakan ang poder o kapangyarihan. Payo nga sa Spiderman, with great power comes great responsibility. Kung hindi rin lang mapapanghawakan na mahinusay, may pagsasaalang-alang at ilalaan sa mainam na paglilingkod, makabubuting isalong na lang, isuko ang taglay o kinamkam na kapangyarihan.

Payak lang ‘kako ang kahulugang ng kapangyarihan—kakayahan o kaalaman para may mangyari, maganap, magawa. Power boils down to making things happen.

One of the most powerful people I’ve stumbled into in the last few decades wasn’t obscenely rich to plunk down money, rip up the grounds and desecrate horizons with a proliferation of ugly malls. She didn’t store up an arsenal of firepower to arm an army.

She was a homely old lady who gave up her powers—she practiced a dark sort of witchcraft.

P20,000 lang ang katumbas ng sinuman na ipaliligpit sa pamamagitan ng kanyang kakatwang poder. At marami siyang nailigpit. Paktol daw ang kanyang pamamaraan sa pagkulam.

Buong pangalan lang ng biktima ang kailangan. Ni wala nang matagalang reconnaissance o surveillance para matukoy ang mga kahinaan ng ililigpit. Paliwanag nga ng payaso sa dulang Los Intereses Creados ni Jacinto Benavente: “Tengo cualquiera al alcance de mis versos.”

Sa madaling sabi, mahahagip ang sinuman sa sunggab ng mga taludtod. Kahit ‘yung tinatawag na in absentia o nagtatago sa kung saan-saang lupalop tulad nina Jocjoc Bolante at Hello Garci, matutudla pa rin. At tiyak na matotodas kapag binasahan ng tinatawag na death sentence.

Ganoon man katindi ang natutunan niyang kapangyarihan—na nagbigay din sa kanya ng kontrata sa pagpatay—nitong huli’y isinalong at isinuko rin ng matanda. Hindi na raw niya maatim pa ang pumatay at humaba pa ang listahan ng kanyang mga biktima—walang pinipili, mayaman man o pobre pa sa daga, armado man ng mataas na kalibreng armas, ligid man ng bakal, bubog at kongkreto’t modernong security system ang pamamahay o kutang pinaglunggaan… sapin-sapin man ang Kevlar bulletproof vest… Titigok pa rin kapag binabaan ng kakatwang death sentence.

“Tengo cualquiera al alcance de mis versos.”

Ganoon ‘kako ang matinding power trip.

Pagtimbang, pagtimbuwang

“Another important part of the inner ear is the organ of equilibrium, the vestibular. The vestibular registers the body's movements, thus ensuring that we can keep our balance. The vestibular consists of three ring-shaped passages, oriented in three different planes. All three passages are filled with fluid that moves in accordance with the body's movements. In addition to the fluid, these passages also contain thousands of hair fibres which react to the movement of the fluid sending little impulses to the brain. The brain then decodes these impulses which are used to help the body keep its balance. “

KUNG ilang sapin ng papel-sa-nipis na bakal ang pinagsasangkap sa palihan para mahubog ang gulugod at talim ng katana o samurai sword. Malambot na bakal ang nasa talim—kaya tumatagal ang labahang talas. Matigas na bakal naman sa gulugod kaya matatag.

Ganoon ang kakatwang katangian ng kanilang patalim—seda ang talas na hahagod, asero ang taglay na gulugod. Kapara ng katana, ganoon din daw ang katangian ng mahusay na pagkatao.

Mauungkat na kasunod, ganoon ang hahanaping katangian ng kapwa tao? Seda ang talas na ihahagod. Asero ang tibay ng gulugod. Mataman, matagalan ang paghubog sa palihan ng mga ganoong payak na katangian.

Nakasaliw sa ilang saglit na usapan sa telepono ang tugtog ng tropa ni Sting at taimtim na usal ng gayatri mantra.

Napagsama nina Sting and the Police ang two-tone beat ng reggae at ang suwabeng sibasib ng rock and roll.

Nakaugnay sa masasal na tahip ng dibdib at alon ng alpha waves ng utak ang pagbigkas ng gayatri mantra.

Naka-loop ang mantra sa iTune player software ng personal computer. Kaya walang humpay ang agos ng tunog nito.

Tuloy-tuloy lang din ang alon ng reggae-rock and roll fusion nina Sting mula MP3 player software ng personal computer.

Magkasanib ang buhos ng alon at agos tungo sa pandinig.

Nasapol ng sapin-sapin, magkatuhog na tunog at tugtog ang kausap, ipinaaalam ang petsa ng pagpupulong ng inampalan sa “Brightleaf Agriculture Journalistm Awards” sa bulwagan ng isang hotel sa Ortigas Center. Isinama ako sa lupon ng inampalan.

Matapos ang naturang pulong, nabitbit na ‘ko ng kausap sa isang lunan sa Makati. Sa bilihan ng plaka—vinyl music discs—na kalapit-pinto ng tindahan ng diode tube ensemble na mahusay na humihimay ng mga agos ng tugtog at tunog mula plaka o compact disc.

Mahigit isang oras na ibinabad lang ang pandinig sa tunog at tugtog. Na masinop na idinadaloy ang igting at taginting, hindi sinalaula ng pinatingkad na bass na nakakagiliwan ng balana. Malutong pati pagkayas ng himig mula sa mga bagting ng piano o gitara. Sasagi pati sa ulinig ang kaskas at kiskis ng karayom sa inukit na landas sa plaka.

Masakit sa bulsa kahit pinakamurang diode tube ensemble para maisalin nang mahinusay ang mga inimbak na musika sa CD o plaka. Parang makikinig sa live performance, hindi sapal ng tunog ang dadaloy. Each precious note comes clean and clear—not as a gargle of bits and pieces of hogwash made palatable by pumping up the bass to an intolerable maximum.

Sinabi sa kausap na sapat na marahil ang pag-iingat sa vestibular, the organ of body equilibrium na nakapaloob sa tainga. Para manatili ang kakayahan ng panimbang sa sariling katawan at pagtimbang anumang nagaganap sa paligid.

Aniko’y pare-pareho naman tayong nagkakaedad at darating sa gulang na magiging mabuway ang panimbang at pagtimbang—may mga pagkakataon na sasadsad na lang nang iglap, nawalan ng panimbang, lalagapak. Mababalian ng buto. At masaklap kung makakalas pati na balakang.

I’d like to keep the decibel level of the music I love to be attuned and attenuated to at a tolerable hearing level. I sure love heavy metal fused with pieces of prayer like the gayatri or shri mantra or even the Muslim call to prayer offerings.

Mas mahal ang pagmamahal sa sangkap ng katawan sa panimbang at pagtimbang.

Kapag hindi iyon inalagaan, mawawalan ng panimbang at pagtimbang. Timbuwang.

Nagbabantang kataga ng panahon

BUNTON ng mga ulat at sinulat ang tinahip ng mga patnugot ng isang talatinigang English. Humiwalay ang busal sa butil—natukoy ang100 katagang gasgas na gasgas sa pagsulpot sa alinmang usapin, talakayan, pati na karaniwang usapan sa araw-araw.

Time o panahon ang nangunguna sa pinakagasgas na kataga. Talaga yatang tangay sa aliw-iw at kasaliw ng panahon ang daloy ng pamumuhay at kabuhayan.

Patunay ang nagtusak at nagtusok na page impressions sa mga lunan sa Internet ukol sa pang-araw-araw na pagtaya sa lagay ng panahon. Nakasalalay kasi ang buhay at kabuhayan sa mga samut-saring gawain na kakawing sa pagkain— isang napakahabang tanikala mula sakahan hanggang pamamahagi sa mga pamilihan pati na paghahain sa mga hapag-kainan.

Panahon pa rin ang pakay ng pagmamadali sa paglasap at pagsangkap ng punyagi sa bawat sandali—kung maaari.

Ilang ulit na nahagip ng ulan ang ibinibilad na tumpok ng mga sili—labuyo, Cantonese, at pansigang—sa arawan. Kailangang matayantang sa araw bago halu-halong liligisin lamukot, buto’t balat sa almires o lusong. Sasangkapan ng niligis na ilang ulo ng bawang, ilang daliri ng luya’t mga mumunting hiwa ng labanos o murang ugat ng malunggay. Sasamahan ng ilang kutsarang asukal para masawata nang konti ang anghang. Sa mga ganitong ligis na sangkap igugumon ang mga hiniwa’t pinigang dahon at tangkay ng petsay Baguio o Napa cabbage.

Isasalin sa garapon o banga, sambuwang ititinggal sa isang sulok ng refrigerator o ibabaon sa lupa. Ganoon ang “pagpapahinog” o paglalaon sa kim chee. Mainam itong pambukas ng gana sa pagkain. O ihahain na katuwang ng inihaw o pritong isda. Habang umuusok ang kanin, uusok naman ang tainga’t ilong sa sikad-anghang ng kim chee.

Pinakamadaling isahog saanmang usapan at usapin ang pagkain, batay sa natuklasan ng mga mananaliksik. Kaya tiyak na madaling maisasahog at magiging palabok ang panahon—na lagi’t laging kakawing sa samut-saring gawi’t gawa ukol sa pagkain.

Talagang nakasanayan nang namnamin ang maliwag na pagkain. ‘Yung slow food. ‘Yung nilaon sa usad ng panahon. Hindi minadali. Ano nga ang salawikain na nakaukol sa ganoon? Ang bungangang nahinog sa pilit… sapilitang magdirikit?

Teka, bungo man ng sariling ulo hilaw pa rin kahit ikalburo. Ikalburo ma’y manggang kalabaw, mahinog man lasang hilaw.

Ni hindi nasimulan ang pagbabad ng petsay sa tubig at asin para katasin. Sinapian ng amag ang mga siling labuyo’t Cantonese. Nangatunaw naman ang mga siling pansigang. Pero hindi naman lubusang nasayang—Capsicum frutescens ang sili, nakasaad sa pangalan ang taglay na capsicin na maisasangkap sa pamatay-kulisap. Ikinanaw na lang ang ilang dakot na sili sa bangang may nakatanim na water hyacinth at sagittaria. Iwas sa kiti-kiti. Na nagiging lamok.

Inaangkin tayo ng mga inaangkin natin. Ganoon ang giit ng aming dalubguro Raul S. Gonzalez na taga-Mandaluyong pero hindi kandidato upang ipasok sa Mandaluyong. May ilang bayong din marahil ang naimbak kong mga kataga, paulit-ulit na ihahabi, ihahayuma’t itatagni sa mga hibla’t himaymay ng pangungusap—ah, such sequins and sequences of words one can stitch into the fabric of thought.

Sa isinagawang adult literacy classes sa mga manggagawang pansakahan, natukoy naman ang kataga na may pinakamatimbang na kahulugan. Pinakamalapit din sa puso nila ang katagang “lupa.” Kasi, tila sudsod ng araro na nakasubsob doon ang kanilang pamumuhay.

Kaya “lupa” ang titibok sa kanilang dibdib, aalingawngaw sa kanilang isip. Hindi tiwalag sa kanilang gawaing pangkabuhayan ang “lupa.” Gasgas na gasgas, pagas na pagas pero lagi’t laging may ibabalikwas na katuturan sa pamumuhay nila ang “lupa.”

“Miskol” daw ang salita ng taon para sa isang pangkatin ng mga text maniacs. Matindi ang katuturan niyon sa kanilang pamumuhay.

“Dyakol” naman ang iminungkahi ng isang katoto. Nakasalalay daw kasi sa sariling kamay ang pangangalaga sa kuyukot kontra prostate cancer. Saka mas may pakinabang daw sa digital technology.

Friday, October 19, 2007

Ale Baba & Plenty Thieves

SAWIKAIN ng mga Tagalog ang ipinagpipilitan: kapatid ng bulaan ang kawatan.

Baka naman kaugnay ito ng inilalapat sa pangalan ng mga kawatan. Este, kinatawan nga pala sa House of Thieves, oops, House of Representatives, Ito ‘yung tinatawag yatang tahanan ng mga diputado o sa wikang Español, Casa de los Hijo de Putados. Madalas ngang tanggalin ang huling pantig na –dos kasi sobra sa 200 silang nakalublob doon. Lalaspag ng mga P200 milyon para magkasundong bumuo bawat isang batas na walang balak maipatupad kahit palit-pangalan lang ng kalye o eskinita. They’re kindred spirits, not kind, though.

Tinatawag kasi sila, Hon. Your honor pa nga ang pasakalye bago sila magtaltalan sa kapulungan. Malakas ang kutob naming ito na ang tinutukoy ng kasabihan naman sa Ingles: There is honor among thieves.

Hindi naman kami nagtataka nang dumagsa nitong nakaraang linggo ang mga your honor upang sumagpang ng agahan o almusalsal sa Palasyo sa Pasig. Sumulpot na lang sa mga bali-balita na may nagbigay sa kanila ng pabaon sa pag-uwi. Dalawa ang nagkumpisal—tig-P500,000 ang natanggap nila. Masaklap na hindi maturol ni matiyak kung sinu-sino ang mga kumag na naghatag.

At nagsiklab nga ang Ale Baba nang magkatimbugan tungkol sa mga bulaang kapatid ng kawatan—para bang pamagat ng isa sa mga kinagiliwang kuwento ni Scheherazade na nakatakdang pugutan ng ulo matapos matikman ng esposong sultan sa 1001 Arabian Nights, ‘yung Ale Baba and Plenty Thieves.

Samantala, nagpupuyos naman daw ang mga kawal sa sumingaw na panibagong kawalanghiyaan—ni hindi raw kasi nakakatanggap ng P150 bawat araw na combat pay at tatambad nga naman sa kanila ang mga bali-balita ukol sa mga your honor na lumablab na ng saganang almusalsal, binigyan pa ng dagdag na masasagpang na tig-P500,000.

Nang masipat nga ang anyo ng puno sa aming lalawigan na bumulaga sa TV, talagang namimintog sa busog. Parang patabaing baboy na inihahanda sa katayan. Hindi lang namin matiyak kung sinu-sino ang aatasan ang kanilang sari-sarili para katayin ang mga ganoong patabain na pumuputok ang katawan sa saganang cholesterol.

Nagugunita tuloy ang isa sa mga naging aralin sa Sunday school, ‘yun bang itinaboy ni Jesus Christ ang isang pangkat ng mga demonyo. Pumasok sa kawan ng mga patabaing baboy na kasalukuyang nanginginain ng almusalsal—sarap na sarap siguro’t baka sa panlasa nila’y nasa handaan sila sa Palasyo sa Pasig.

Nang masapian ng samut-saring demonyo ang mga baboy, nagsipagpulasan. Tumalon sa bangin. Tigok lahat. Ang natutunan naming moral lesson sa naturang kuwento mula Banal na Kasulatan, mas matindi pala ang kahihiyan ng mga baboy.

‘Yung kawan-kawang baboy na inanyayahan para mag-almusalsal sa Palasyo? Sagana daw sa lamon ng pork barrel ang mga ‘yon.

At kakaiba ang mga baboy na ‘yon—kaya nga matindi ang paniniwala namin na madalas silang absent sa Sunday school. And millions of pesos are scattered before swine—butata pati mga ipinapayo ni Jesus Christ kaya mas sikat talaga ang mga demonyo’t diyablo dito sa Pilipinas, ‘tangna talaga.

Pugot na ulo ng baboy nga pala ang tinuhog at itinulos para sambahin sa obra ni William Golding, ‘yung Lord of the Flies. Ang tinutukoy na panginoon doon ay si Belial, isa sa top three demons in hell.

Balak naming batukan ang aming Sunday school teacher. Pulos kabalbalan lang ang natutunan namin.

Samantala’y hinihintay naming tumalon sa bangin ang mga baboy, kung meron silang kahihiyan at may matatagpuang bangin. At naghihintay din marahil ang iba pa na pugutan ng ulo ang mga baboy, itulos at sambahin ng balana tulad ng aming nabasa sa Lord of the Flies—talagang namamayagpag at sinasamba sa Pilipinas ang mga kampon ni Satanas.

Mwa-ha-ha-haw!

Monday, October 15, 2007

Pampatigas ng titig

PAMPALAMBOT at pampatigas yata ng titig ang mga iyon. Tatluhang pangkat na katumbas ng kilabot na triad o dong sa Cantonese. Tatlong hukluban na may mga pakpak ng sisne o swan ang unang pangkat. Mga ginintuang kaliskis-ahas at kung anong bagwis naman ang taglay ng ikalawang pangkat. Tiyak na ibabaon ang titig sa sa kanilang pekpek, este, pakpak nga pala…

So I have this huge crush on someone called Enya— she’s a bit huge I sort of feel crushed kaya binalikan na lang ang talagang unang crush sa masayang kamusmusan, one of three Gorgon sisters named Medusa who’s an eyeful in Greek mythology.

Pero bago natunton ang kinaroroonan ng magkakapatid na Gorgon, sumangguni muna sa tatlong matandang magkakapatid na pasa-pasahan naman sa iisang mata para makakita’t mahalihaw ng tanaw ang kanilang paligid. Sila ang may mga pakpak-sisne.

Para sa lumalaking bata na nagsisimula pa lang maghimay ng mga kakatwang tayutay o idiomatic expressions, napakarikit na halimbawa ng mga ganoong uri ng babae. Sharing a viewpoint. Looks that petrify. May tatlo na nagpapahiram ng paningin para maunawa’t magkamit ng kaalaman sa mga bagay-bagay. May tatlo naman na magiging bato bawat mahagip ng titig—halos pawang pader ang kanilang paligid.

Noon pa man, kinutuban nang dalawang mukha ng iisang bagol ang tatlong hukluban na nagsasalo sa iisang paningin at ang tatlong Gorgon na nagiging bato bawat lambatin ng tanaw—ni hindi na nga tatablan ng talim ang tigas ng leeg ng dalawa’t kay Medusa na lang ang hindi pa gaanong makunat.

Labis na aba’t napakahamak ng kalagayan ng unang tatlo. Nagsasalo sa iisang pananaw, magugunita ang awit ng Beatles, “let’s see it my way, we can work it out.” Napakahamak man, hindi pahamak ang katangian ng kanilang pananaw—sa paham o genius nga. Three fields of vision are triangulated for unique insight and foresight into the essence of things.

Hagupit ng lupit na gipit ang pananaw-Gorgon. Parang masikip na pananaw ng makatang nakamasid mula sandipang kulungan sa sandipang langit. Pananaw ng palaka na nakalublob sa loob ng balon. Pansin ng isa pang makata, ito ang pananaw na bubuo lang ng pader kahit saan itingin—and those who stonewall can see enclosing walls in any direction, even if there’s an open doorway.

Parang gobernador ng aming lalawigang Bulacan. Ayaw ipakita ang pinagmulan ng ginintuang kaliskis-Gorgon na ipinamudmod kamakailan sa Palasyo sa Pasig, Basta sumulpot na lang kung saan ang mga supot ni Hudas na iniabot pati sa gobernador ng Pampanga. May naganap mang himala na kahina-hinala, mayroon namang naibuyangyang na katibayan ng 30 pirasong pilak ang Pampanga governor. Hindi katulad ng isang kinatawang kaliwa’t saliwa na inalok pa lang ng P2 milyon, kumatsang na pero walang maipakitang matibay na ebidensiya, mwa-ha-ha-haw!

Masaya siyempre ang tingin ng Gorgon—bawat titigan, tiyak na maninigas. Baka nga may unexpurgated version ang naturang alamat na maaaring may kasi-kasiping ang magkakapatid na Gorgon na may talamak na erectile dysfunction na ang naging remedyo nga’y dapat matamang titigan. Para manigas.

May isinukling gantimpala sa ganoong stiff-necked vision. Pinugutan ng leeg.

Pero noong paslit pa lang, talagang maiisip na huwag nang makisalo sa paglilipat-lipat at pagsasalin ng paningin sa tatlo o higit pang paraan. Eye such a sight from this perspective. Eye such a site from this and that level of perspective. See it in another dimension. Take another look. Look some more, see more. Soak in the sights. See it with new eyes.

Mahihiling na kahit kaliwang mata lang ni Medusa’y maipalit sa sariling mata—o kahit ihalili sa mata ng pigsa sa bisig, madalas ako noong tubuan ng pigsa’t madalas ding magpahinog ng mata niyon para mapiga’t lumilamsik palabas. Sa mata ng pigsa yata nagmula ang eyeball o harapang pagkikita.

Isipin na lang kung nasalinan ng mata ni Medusa. Palalagyan ng takip, eye patch na parang weapon of mass destruction na kailangang hindi ilalantad. Tutungkabin lang ang takip sa mga natatanging okasyon, halimbawa’y habang nanonood ng Congress joint session sa state of the nation address—maraming mababato sa mga naroon.

Dinalaw ng mga ganitong sagimsim nang sumanggani ang isang anak para mapahusay naman ang tingin sa kanya ng kapatid na lalaki ng kanyang nobya. Wala naman ‘kakong magagawa kung sulipat ang tingin ng kahit na sino sa kanya.

These days, we can’t share plain sights—even deep insights or foresight, pwe-he-he-he!