“Another important part of the inner ear is the organ of equilibrium, the vestibular. The vestibular registers the body's movements, thus ensuring that we can keep our balance. The vestibular consists of three ring-shaped passages, oriented in three different planes. All three passages are filled with fluid that moves in accordance with the body's movements. In addition to the fluid, these passages also contain thousands of hair fibres which react to the movement of the fluid sending little impulses to the brain. The brain then decodes these impulses which are used to help the body keep its balance. “
KUNG ilang sapin ng papel-sa-nipis na bakal ang pinagsasangkap sa palihan para mahubog ang gulugod at talim ng katana o samurai sword. Malambot na bakal ang nasa talim—kaya tumatagal ang labahang talas. Matigas na bakal naman sa gulugod kaya matatag.
Ganoon ang kakatwang katangian ng kanilang patalim—seda ang talas na hahagod, asero ang taglay na gulugod. Kapara ng katana, ganoon din daw ang katangian ng mahusay na pagkatao.
Mauungkat na kasunod, ganoon ang hahanaping katangian ng kapwa tao? Seda ang talas na ihahagod. Asero ang tibay ng gulugod. Mataman, matagalan ang paghubog sa palihan ng mga ganoong payak na katangian.
Nakasaliw sa ilang saglit na usapan sa telepono ang tugtog ng tropa ni Sting at taimtim na usal ng gayatri mantra.
Napagsama nina Sting and the Police ang two-tone beat ng reggae at ang suwabeng sibasib ng rock and roll.
Nakaugnay sa masasal na tahip ng dibdib at alon ng alpha waves ng utak ang pagbigkas ng gayatri mantra.
Naka-loop ang mantra sa iTune player software ng personal computer. Kaya walang humpay ang agos ng tunog nito.
Tuloy-tuloy lang din ang alon ng reggae-rock and roll fusion nina Sting mula MP3 player software ng personal computer.
Magkasanib ang buhos ng alon at agos tungo sa pandinig.
Nasapol ng sapin-sapin, magkatuhog na tunog at tugtog ang kausap, ipinaaalam ang petsa ng pagpupulong ng inampalan sa “Brightleaf Agriculture Journalistm Awards” sa bulwagan ng isang hotel sa Ortigas Center. Isinama ako sa lupon ng inampalan.
Matapos ang naturang pulong, nabitbit na ‘ko ng kausap sa isang lunan sa Makati. Sa bilihan ng plaka—vinyl music discs—na kalapit-pinto ng tindahan ng diode tube ensemble na mahusay na humihimay ng mga agos ng tugtog at tunog mula plaka o compact disc.
Mahigit isang oras na ibinabad lang ang pandinig sa tunog at tugtog. Na masinop na idinadaloy ang igting at taginting, hindi sinalaula ng pinatingkad na bass na nakakagiliwan ng balana. Malutong pati pagkayas ng himig mula sa mga bagting ng piano o gitara. Sasagi pati sa ulinig ang kaskas at kiskis ng karayom sa inukit na landas sa plaka.
Masakit sa bulsa kahit pinakamurang diode tube ensemble para maisalin nang mahinusay ang mga inimbak na musika sa CD o plaka. Parang makikinig sa live performance, hindi sapal ng tunog ang dadaloy. Each precious note comes clean and clear—not as a gargle of bits and pieces of hogwash made palatable by pumping up the bass to an intolerable maximum.
Sinabi sa kausap na sapat na marahil ang pag-iingat sa vestibular, the organ of body equilibrium na nakapaloob sa tainga. Para manatili ang kakayahan ng panimbang sa sariling katawan at pagtimbang anumang nagaganap sa paligid.
Aniko’y pare-pareho naman tayong nagkakaedad at darating sa gulang na magiging mabuway ang panimbang at pagtimbang—may mga pagkakataon na sasadsad na lang nang iglap, nawalan ng panimbang, lalagapak. Mababalian ng buto. At masaklap kung makakalas pati na balakang.
I’d like to keep the decibel level of the music I love to be attuned and attenuated to at a tolerable hearing level. I sure love heavy metal fused with pieces of prayer like the gayatri or shri mantra or even the Muslim call to prayer offerings.
Mas mahal ang pagmamahal sa sangkap ng katawan sa panimbang at pagtimbang.
Kapag hindi iyon inalagaan, mawawalan ng panimbang at pagtimbang. Timbuwang.
Wednesday, October 31, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment