Sunday, February 24, 2008

Pagbaybay = spelling

HINDI na musmos na sukbit ang saltik sa likurang bulsa ng salawal habang bumabaybay sa gilid ng ilog, dalawang baling sungay sa magkabilang baywang at isang talas-scalpel na flick knife sa bulsa ang taglay sa pagbaybay sa kahabaan ng lansangan tungo sa Divisoria nitong katanghalian ng Pebrero 7.

Pagbaybay = spelling. The spell-check function fitted to most word processing software was plied by the missus, aghast at the sudden sight of the abraded sole on the left shoe of my favorite walking pair-- why, the right foot usually flicks out leaving the left to bear the brunt of body weight or absorb the shock of every explosive movement, every twist and squirm from waist up to the torso.

Mas matindi’t matatag ang bagsak ng kaliwang paa pero the right’s much more versatile, chockfull with a repertoire of kicks and witty turns. But I could use industrial safety shoes with cast-iron lining that probably weighs a ton each—but that’ll only make sturdier legs, and sturdy legs, as Mongol lore has it, is a tell-tale sign of stamina in bed bouts, mwa-ha-ha-haw!

Sapatos na pambundok-- limang kilo yata ang bigat ng isa-- ang ipinasuot sa ‘kin sa umagang iyon nang kasamang manumpa kay taipan Lucio Tan bilang isa sa mga board of trustees ng Dawn Alumni Writers Network, Inc. Inapuntahan kagyat ng pangangati ng nunal sa paanan. Kaya ginawa na naman ang nakagawiang pagbaybay sa lansangan patungong Divisoria.

Rekta sa Recto mula sa Tan Yan Kee Garden sa UE. Kaliwa sa Quezon Boulevard, saka pumanhik ng overpass sa dating Raon; tuloy lang ang lakad hanggang sa may Ongpin. Kumanan. Tuloy ang baybay at masinsinang hagod ng tingin sa bawat malalamutak na tanawin sa dinaraanan… Dalawang sayaw ng dragon at leon ang hinintuan, pinanood para makasagap sa alimom ng magandang kapalaran-- na umaalimbukay umano sa ganoong sayaw sa panimula ng lunar new year. Pula ang kulay ng araw, kupas na asul ang suot kong maong at pinangga,

Namumuwalan sa dami ng taong nakasupalpal sa bunganga ng Ongpin malapit sa simbahan ng Binondo. May shooting ng teleserye ng Channel 2. “Palos” daw na tiyak na pulos kahunghangan na naman ang ikakalat sa miron. Nakipaggitgitan sa mga nagsusumiksik at nahimasmasan nang lubusan habang gumagaygay na sa Juan Luna, doon na nakabili ng apat na supot ng mga sinlaki-ng-kurot—kurakot yata ang tawag kapag $130 milyon mula national broadband network ang sagpang-- na pandesal-Baliwag.

Iniluwa ang mga hakbang sa Recto’t muling hinimod ng tingin ang mga seksi’t bilihing abot-kaya ng bulsa habang pabaybay sa Elcano—pinatulan ang P5 sambalot ng bawang at sibuyas na pula mula Taiwan, pechay-Baguio na P20 sang-ulo, at tinuyong tunsoy, P50 ang kalahating kilo… sarap ng tunsoy, hinugasan lang ng tubig-dagat saka tinayantang sa araw para mahawot… hindi maalat.

Parang magkaugnay ang pinagmulang halamanang Tan Yan Kee at Kalye Elcano, pawang nakaungos sa Recto… ah, sa pagtatagni-tagni ng mga kuntil-butil sa binabagtas na daan, sa binabaybay ng mga hakbang, ni hindi madarama ang bigat ng suot na sapatos pambundok. Ni hindi kikikig o titigas sa pulikat ang kalamnan sa hita’t binti. Totoo ang natukoy sa pananaliksik na tila matagal lang ang lakad kapag bumabaybay din ang paningin sa samut-saring detalye sa dinaraanan.

Ibig kong iugnay ito sa ating binababoy na wika. Wika is of Coptic roots; Coptic's a tongue used by mages and sages in ancient Egypt. Wika literally translates to the soul taking refuge in a body and it more than refers to a body of knowledge or the body of language with which know-how, skills, and competence are passed on or imparted to learners.

We translate spell as
baybay that refers to a coastline, a riparian strip of land, even a riverbank-- magkaratig ang tubig at lupa, may kung anong engkantadong ugnayan ang dalawa. Spelling? Ask that to witches and warlocks how they come up with spells to work thaumaturgy and wonders. Grammar was once the sole domain of wizards and babaylanes. Baybayin is to trudge through a coastline, is it not? Marami kasi sa ngayon na wala mang 500 metro ang lalakarin, sasakay na sa tricycle o jeepney-- ayaw patatagin sa lakad ang paa, ayaw patatagin pati kapit ng neurons sa utak... Batugang tamad. Ayaw mapagod-- no pain, no gain. Kaya binabalbal pati baybay ng mga salita…

Ah, I'd take refuge in Philip Kindred Dick's confession-- with the army of words that I summon and give marching orders to, I change the very fabric of reality. Something wonderful, something magical. And I'd try doing that every time I write-- with the spelling that binds certain familiars and spirits both of this and other worlds, with the grammar of mages and sages... Hindi binalbal ni binaboy.

Oh, I must profess a healthy respect even for the radicals or snippets of images that go into the Chinese or such oriental characters that make up words, even the pictograms and hieroglyphs of the ancients. Do they eviscerate the images by misspelling them? I have no means to ask them if they misspelled or deliberately cranked out misspellings which won't summon spiritual entities and beings to help them in their work.

Uh, I must be too old-fashioned to have my hands try at writing with zap and zing....
kahit sabihin pa na nagmula sa iisang ugat ang mga katagang grammar o gabay sa balarila; grimoire o aklat ng lihim na karunungan; at glamour o haraya.

1 comment:

Unknown said...

Pre,

Nakakagulat ka naman. Mas marami na ang Inglis mo kesa Pilipino.

KOntakin mo ako sa 9383651, work phone ko. o kaya padala ka ng message sa email account ko kung saan mo ako yayayaing tumoma :-)

long time no see na no talk pa.

jim