Saturday, June 30, 2007

Mga halamang pampalibog

VAGINARIAN, oops, vegetarian nga pala ang karamihan sa mga Pilipino sanhi ng walang patumanggang lantak sa pambansang pagkain—parang sinabawang gulay na instant noodles na karaniwang P5 sampakete na mula sa trigo’t tinambakan ng kung ilang pabrika ng kemikal na pampalasa’t sinalpakan ng tatak “Sangkap Pinoy” ng Department of Health. Pero hindi maliwanag kung ano talaga ang sangkap na ‘yon. Na baka naman giniling, pinatuyo’t pinulbos na laman-loob ng mga natigok, hinango mula iba’t ibang punerarya, pwe-he-he-he!

Buwan ng nutrisyon ang Hulyo na kaarawan ko ang huling araw kaya inaanyayahan ko kayong lumapang ng mga pagkaing umaantig at umuuntag sa utog:

1.Anis (Pimpinella anisum) na nagtataglay ng masamyong langis na pampasigla at mahusay sa sikmura na nasa dakong itaas ng puson na ang nasa dakong ibaba ay hindi amoy anis minsan yata’y panis.

2. Asparagus (Asparagus officinales) - Pampaihi, nagpapasigla sa bato—pero wala talagang remedyo para sumigla ang batugan—at pinaniniwalaang ang mga mahilig kumain ng asparagus, mahilig ding kumain.

3. Arabika (Coffea arabica) Sagradong inumin ang kapeng Arabika sa mga Muslim na Sufi mula Africa . Para sumigla ang utog, timplahan ng cardamom at pulot ang lalaklaking kape. Pangontra din sa diabetes mellitus at alta-presyon.

4. Avocado (Persea americana ) Mayaman sa unsaturated fat na ubrang hatakin pababa ang antas ng masamang cholesterol. Pantulong para maisalin sa dugo ang sustansiya ng iba pang gulay at bungang-kahoy. Ubrang gadgarin ang buto nito’t gawing tsaa. May katangiang maglaglag ng nabubuong bata sa matris. Pampasigla ng katawan.

5. Basil o balanoy (Ocimum sanctum) Itinuturing ng mga Hindu na halamang banal, iniaalay sa bathaluman ng kariktan at kasaganaan, si Lakshmi at kabiyak niyang si Vishnu. Karaniwang nakatanim malapit sa mga altar. Pananim din sa paligid ng pamamahay upang maging tanod kontra sa inggit at masamang pita ng mga kapitbahay. Ginagamit na butil ng dusaryo ang kahoy nito. Kumain ng isang dahon bawat araw upang manatili ang kalusugan, magaang na pamumuhay at mataas na sigla ng utog.

6. Bawang o garlic. Pampasigla. May katangiang antibiotic. Ginagamit nang pampalibog sapul ialay ito ng mga Romans kay Ceres, bathaluman ng fertility. Para lalo pang sumipa ang utog, kailangan daw ituwang sa wansoy o coriander na masarap na sawsawan sa inihaw na hito, dalag o bangus.

7. Kakaw (Theobroma cacao) Feel good food ang sikulate na mula sa pinulbos na buto ng kakaw. Nakapagtataka nga na samut-saring astig na produkto mula kakaw ang nalikha ng Belgium at Switzerland —na hindi naman mga bansang tropiko’t umaangkat lang ng tone-toneladang buto ng kakaw sa mga bansa sa Africa . Karaniwang sikulate at bungkos ng rosas ang iniaalay sa kasintahan o kabiyak para maging pasakalye sa biyakan. Itinuring na “pagkain ng mga bathala” ng sinaunang Aztecs sa Mexico . Pambayad noon ang mga buto ng kakaw sa mga pokpok. Nagtataglay ang kakaw ng theobromine, caffeine, at phenylethylamine. (Pampatindi din nga pala ng libog ang ensaladang bulaklak ng kakawate o madre de kakaw na karaniwang panlilim sa pananim na kakaw.)

8. Cardamom (Elettaria cardamomum). Pampaganang rekado na inilalahok sa kape para tumingkad ang paghuhuramentado ng singkapan na nakapagitan sa nag-uumpugang hita.

9. Carrot (Daucus carota). May beta-carotene na, may Vitamin A pa ang ugat na gulay na pampalinaw ng mata para lubusang masipat ang karaniwang kinakapkap at kinakapa-kapa sa dilim at mga bahaging nakalublob sa karimlan.

9. Durian (Durio zibethinus). Mala-krema ang lamukot nito na matindi man ang alingasaw sa kakalkal sa mga dinding ng ilong, malinamnam naman ang hagod sa dila. Talaga namang sa kung saan-saang liblib na sulok at singit inihahagod ang dila.

10. Mustasa (Brassica nigra) – Pampatibay ng paninindigan, pampasigla ng kuwan at talagang masarap ang hilaw na dahon ng mustasa na pagbalutan ng tipak ng inihaw na hito at burong Candaba o balaw-balaw na hawig sa amoy ng pekpek ang halimuyak. Masarap ding ihalo ang burong mustasa sa pritong itlog. At muy siempre, panalong kalahok ng sinigang na kanduli sa miso o ginataang tambakol na maraming kalahok na sili.

(Abangan ang susugod na kababata!)

Thursday, June 28, 2007

Kagimbal-gimbal yata ‘to ‘dre

KUWENTONG pambata ‘yon na nawaglit na ang sipi—nasa soft floppy disk kaya tiyak na naitapon—na tungkol sa pagsasanib ng mga katangian ng palay at talahib. Naging palahib.

Tatabal na tila talahib sa hikahos mang lupa. Hindi na kailangan ng patubig at pataba. Mag-uuhay, magbubunga ng palay na walang humpay. Kaunting sipag na lang ang kailangan. Para maghasik. Para gumapas, Hindi na kailangang mag-araro. Pati napakahabang paghahanda ng linang na tatamnan, hindi na kailangan.

Hindi naman kailangan ng malikot at mapaglarong isip para matukoy na supling ng kamay ang sudsod ng araro.

Kinailangan ng kasangkapan na mas matibay kaysa kamay sa pagbungkal ng lupa. Isinilang ang pala. Nilaro-laro ang anyo upang maging mas mabilis ang pagbubungkal—at naging sudsod nga ng araro.

Sa bawat malilikhang kagamitan, karaniwang pinag-iibayo ang kakayahan ng tao para mapahusay at lalong bumilis ang gawain. Tinatanggap natin ang pagsulong na hatid ng nilikhang kasangkapan o kagamitan. Wala tayong nakikitang banta ng kasangkapan. Na baka tayo naman ang mapalitan.

Mula sa payak na panitik at papel, naging mas mabilis ang pagsusulat dahil sa makinilya o typewriter—kahit hindi tahasang naging mabilis ang daloy at likot ng diwa na maglalagak ng mga bunton ng salita.

Lalo pang bumilis ang paraan ng pagsusulat sa pagdating ng personal computer—pero wala pa ring nabago sa daloy ng isipan, hindi naman talagang nakipaghabulan sa lintik-sa-bilis na paraan ng mas makabagong kasangkapan sa panulat. Thinking kept its usual pace while the tool for plying out thought can operate at blinding speed. Let’s just say we refuse to be blinded by speed.

We’re not seeing any threat in the tools that we make, content in codifying human efficiency and capacity at an exponential rate into these tools. Ah, tools turn in less work efforts for us to give us more and more time to play.

Lasing na siguro ‘ko nang ipagdiinan ang ganito sa kausap na kabataan. Sabi ko’y hindi naman yata matinong trabaho ang magtipon ng mga sagot na de kahon para itugon sa mga nambubulabog sa hanay ng mga call boys at call girls na nakalublob sa call centers. Not one of those bozos deviate from the stock replies that must be enunciated letter-perfect in American accent. Spouting off stock holding statements isn’t engaging in earnest dialogue or discussion. A job like that doesn’t call for mastery of the English tongue, does it?

This kid I was talking to is into software development. So I was nudging him to turn up software that can respond to key words in a customer inquiry. The sort of software that can mouth off stock replies, enunciated in letter-perfect, American-accented English in lush tones that might even lull a gone-amok gorilla to deep sleep.

Kasangkapan lang ang software. Mapapangahasan ng sinuman na bumuo ng ganoong kasangkapan. Hindi naman lilihis o sisinsay sa dating pakay sa pagbuo ng mga naunang kasangkapan na nagbibigay ng kapakinabangan. Iaangat ang antas ng kahusayan ng tao para sa mas mabilis, mas masinop na gawain. Para madagdagan pa ang panahon na maiuukol sa paglalaro at paglilibang.

No, a tool like that won’t mean the death of the business process outsourcing industry.

O, hindi ba tayo kinakabahan sa banta ng mga malilikhang kasangkapan ng mga may pangahas na isipan?

Pisak sa bayan ng mga bulag

PISAK daw ang hari sa bayan ng mga bulag. Pero sa teritoryo ng mga gunggong at hunghang, kawawa naman ang maging henyo— tiyak na ituturing na hindi kabilang sa lipi ng tao.

Bawat bata’y isinilang na kampeon— kaisa-isang punlay lang ang magwawagi sa tugisan at tagisan ng kung ilang milyong punlay patungo sa itlog o ovum ng ina. Isa lang ang magiging tagumpay sa pagtusok sa itlog para mapasimulan ang buhay sa sinapupunan.

Katangi-tanging kampeon man, karaniwang ang isisilang na sanggol ay isasalang sa walang patumangga’t walang pangiming pamamaraan para maging gunggong, hunghang at talunan. Madaling makabuo ng tao kahit sa tabi-tabi, nakakarami’t nagpaparami. Pero ‘yang pumanday at humubog sa pagkatao, sabi nga mismo sa Banal na Kasulatan, sige mag-anak ka ng isa kung kayang pamahalaan ang isang lungsod, mag-anak ka ng dalawa kung kayang umugit sa dalawang lungsod; tatlong anak kung kaya ang tatlong lungsod… 10 anak, 10 lungsod…

O, kaya ba?

We ought to be cursing Divine Providence and the Bible for setting forth such criterion-- a steely grasp of statecraft as must know-how prior to having children. Ito yata ang lupit na humahagupit. Don’t bother me with that lame excuse and criminally insane alibi, “Go forth and multiply…” which was told to the first couple then dead smack in so much livestock, fishery, and biological diversity.

Lumalabas na iniatas na pararamihin pati ang mga alagain at patabaing hayup para sa hapag-kainan, pati na pangisdaan at samut-saring halaman. Para sa masaganang pamumuhay.

Humaplit na latigo ang ganitong alalahanin matapos makalkal ang ulat hinggil sa dalawang taong gulang na paslit, Na naging pinakabagong kasapi ng mga nasa pinakarurok na dalawang bahagdan ng populasyon—mga henyo.

Madali namang matukoy ang mga kakaibang katangian ng henyo:

Buhos ang loob sa mga usaping panlipunan at pangkaalaman
Napakaselan, maramdamin pati na pangangatawan
Mapagmalasakit, concerned about fairness and injustice
Masigla
Matindi ang sense of humor
Intrinsically motivated
Malawak ang gagap na bokabularyo
Karaniwang maagang natutong magbasa
Mabilis magbasa, malawak ang mga paksang binabasa
Mapagtanong ng mga katanungang “paano na kung”
Nasisiyahan sa pagtuklas ng mga bagong bagay
Nasisiyahan sa mga gawaing pang-isipan
Maharot ang takbo ng isip, may tinatawag na intellectual playfulness
Mapanuri, mapanimbang, mapagpasya
Matalim sa pagmamasid—very observant and extremely curious
Intense interests
Excellent memory and reasoning skills
Long attention span
Well-developed powers of abstraction, conceptualization, and synthesis
Mental agility: quickly and easily sees relationships in ideas, objects, or facts
Fluent and flexible thinking
Elaborate and original thinking
Excellent problem solving skills
Learns quickly and with less practice and repetition
Unusual and/or vivid imagination



Ah, 152 ang intelligence quotient ng naturang bata, pinanday ng mga kaanak, magulang at lasambahay. Hindi maituturing na pisak sa kaharian ng mga bulag. Baka ituring na hindi kabilang sa lipi ng tao dahil tiyak na gagalugad siya’t mamumuhay sa teritoryo ng mga makapangyarihang gunggong, hunghang at bobo. Na nagluluklok ng mga pinuno at tagaugit saanmang sulok at singit ng gobyerno.

Ituring na lang na mga bilang lang ang intelligence quotient. Halimbawa’y kung pagsasamahin ang IQ 80 ng dalawang rapist, ganoon ang naisalin sa uluna’t katawan ng sumusulat nito, Kaya naglulumigwak ang utog sa magkabilang ulunan at samut-saring lunan sa katawan.

Mwa-ha-ha-haw!

Tuesday, June 26, 2007

Lucky lucky pick pick

TIYAK ang tabo ng limpak-limpak kung may hawak kang lotto outlet. Basta nasa magandang lugar na daan-daanan ng sanrekwang tao sa araw-araw, gabi-gabi tiyak na marami ang magaganyak na ilaro sa kapalaran ang P10 o kahit P100 pa—baka sakaling ang sampung piso ay magwagi ng barko.

Kuntento na ang tulad ng sumulat nito na mismong online computer ang pumili ng sampares ng anim na numero—lagi naman talagang panalo ang pigurang 36-24-36, doon ako madalas tumama at tamaan—kapag sinusumpong ng utog, oops, pag-alulong sa buwan. A pair of six lucky numbers for a grab at a piece of the moon—lucky lucky pick pick.

Hindi malaswa, masarap pa ngang pakinggan kapag ihihirit ang pinagnanasaang tatayaan sa suking seksing lotto outlet attendant: “Miss, lucky lucky pick pick!”

Hornier-than-thou was the demeanor I took when I found out my third kid was the top honcho of the ending game in our subdivision, why, he sopped me with P500 a day—allowance ko raw.

He had four or five “runners”. They took bets off households in every block in a mopping up operations of sorts. A percentage off those bets goes to the runner, so the more bets a runner collects, the bigger his cut off the total bets that, in turn, goes to my kid—he was barely in his sophomore year in high school and had just turned 13.

Look, intoned I at him, but there isn’t a whit of wealth generated in this money-making operation of yours. Say, 10 blokes chip P10 each for a pot of P100. The winner gets P60, you get the rest of the money as pecuniary intermediation fee, eh? It’s a repetitive process that doesn’t create value—you’re just raking the money in and redistributing it. There’s no exchange of values, say, P5 worth of nutrition and eased hunger from banana cue is traded for a P5 bill—and both parties win in that transaction.

In your operation: out of 10 blokes chipping in their share of the pot, only one wins while nine turn up as sorry losers. Oops, include yourself as constant winner since you provide the potholder for those bozos.

Business isn’t about making one a winner at the expense of nine wannabe-winners-turned-losers. It’s about generating value in every deal that turns every participant into a winner. Business isn’t a win-loss proposition; it’s always a win-win affair that metes out value, whether pecuniary or intrinsic. Hindi ka basta gagawa lang ng pera, gagawa ka ng halaga at pagpapahalaga.

Well, the kid’s foray as gaming godfather, he had to say goodbye to that after our earnest talk on my distorted or perverted sense of values.

A similar modus operandi goes on in lottery—bozos cough up the so-called gullibility tax for a chance at raking millions of pesos. The operation is quite efficient at soaking up excess liquidity and fostering stupidity.

‘Nuff said on values
at kung kursunada mong tumabo ng gullibility tax sa mga multi-milyong nagnanasang sumunggab ng milyones sa mailap na kamay ng kapalaran, makipag-alam sa Philippine Charity Sweepstakes Office (kaharap ng gusali ng NFA sa may E. Rodriguez Ave. sa Galas, Quezon City—marami do’ng namimitik ng hub cap at side mirror ng sasakyan kaya ingat lang po).

Monday, June 25, 2007

Taya yata

BINABALIK-BALIKAN ko ang unang kabanata ng binubunong nobela. Sa halip na dagdag-bawas, bawas sa awas. Para malutong basahin. Para bawat Ilalagak na kataga, maging unday-sakyod ng taga.

Payak ang paksa. Tagisan o salungatan ng kultura. Malaki raw kasi ang pinsala nito. O baka naman may kapansanan. Ganoon ang kulturang umiiral sa bansa. Masipat-sukat nga. Mahimay ang himaymay. Maihambing. Ipingki sa gawi ng ipinapalagay kong mainam na kultura.

Payak lang ang kahulugan sa akin ng kultura. Agrikultura. Paglilinang ng lupa. Pagsisinop. Halos walang humpay. Para mapagyaman, maging malusog at mayaman. Na kapag nilagakan ng binhi’t punla, tiyak na bubulas na malusog at mayaman din. Lalago, mamumulaklak, mamumunga.

Malapit saka hapit sa puso ko ang agrikultura. I am an agronomist. Maglulupa. Amoy lupa. Nakatuntong sa lupa. Humahakbang.

Gano’n ang alam ko sa kultura. Nakasandig sa takda ng agham at kalikasan—para ubrang maisangkalan pati pananaw ni Pythagoras. Aniya: Pamumuhay na nakabatay sa Kalikasan ang ninanais ng mga bathala para sa atin.

Hindi ito nalilihis sa katuturan ng kultura sa laboratoryo. Microbes are grown and kept alive in a stew of nutrients—a culture. Culture nurtures.

Makrobyo—hindi na mikrobyo-- ang mga tauhan na isasalang sa nobela. Kikilos sila. Karaniwang sa udyok ng taglay na gawi ng pagkatao. Na hinubog—pinunggok, binugok o maaaring sinugbo’t naging asero sa palihan ng inangkin nilang kultura. Inaangkin din tayo ng kultura. Our passions and possessions possess us.

Susunod ako sa payo ng sumulat ng Dandelion Wine at The Illustrated Man. Kay Ray Bradbury. Isadlak saanmang lunan, kagipitan o pihit ng pangyayari ang may matibay na pagkatao. Tapunan ng mga hadlang at balakid. Tiyak at mapagpasya lang bawat kilos niya. Parang tubig na ibinuhos. Kusang aagos. Subaybayan na lang siya. Iulat ang haginit-kidlat na balikwas para igiit ang pagiging tao.

Ibabatay ko ang katuturan ng tao mula Tao Te Ching ni Lao Tze. May mga masusukat at matitimbang na pagkukulang sa pagkatao.

Parang maghahasik lang ako ng lintik. May liyab na ilalagda saanmang daanan. May maiiwang liwanag, Saka haginit ng init. Pati abo’t labi ng alinmang humalang na hadlang.

Ituturing kong laro lang ‘tong pakikipagbuno. Nobela na nobena. At taya yata ako.

Bartolome ang pangalan ng isa sa mga tampok na tauhan. Oo, mabantot ang tunog. Halaw sa pintakasi ng mga patalim at gulok na ang kapistahan ay itinaon sa simula ng pagbabalikwas ng Katipunan.

Sinasalinan nga pala ng khodam na parang guardian angel or animating spirit ang patalim, kahit baling sungay o balisong—lalo na ang keris at kujang. Kaya iniingatan ang taglay na patalim. Ikinukubli. Inililihim. Iniigkas lang kung hinihingi ng pagkakataon. Masinsinang pananaliksik ang inilaan para mabigyan ng liwanag ang maningning na khodam na nakatahan, naghahagkis ng biyaya at pagpapala mula talim.

That’s saying I want a character with a sharp cutting edge.

Matandang magbubukid si Bartolome na ipagdiriwang ang bawat pihit ng panahon sa pamamagitan ng pagtatanim. Napaibig ako ng tauhan ni Edna Ferber sa So Big—matayog ang mga pangarap sa kanyang anak na itinaguyod niya, pinalaki at pinag-aral mula sa ani ng gulay sa tumana. Nagpambuno ang ina at halos baog na lupa—na unti-unting naging tumana sa walang humpay na tiyaga at kalinga.

Hinubog at pinagyaman ng ina ang lawak ng lupa. Sinuklian ang sikap. Hinubog at pinagyaman ng lupa ang ina. That to me is the cultural process, a shaping, enriching process.

Pingkian ng mapagpalang kultura at gulanit-limahid na kultura ang tataglayin ng sinusulat kong nobela. I’d like it daubed in the colors of the senses, sense of humor including.

Nobela na ba ‘to? Alam ko namang marami nang walang tiyaga sa pagbabasa. Kahit pa kapirasong kuwento lang. Nobela pa kaya? Ako naman ‘tong gumagawa eh. So I would like something like piping hot pie slammed smack in your face.

Nobelaaat!

Aahitan kita...

NATATAPAT minsan sa magandang hasa sa hindi naman kujang, hindi rin sundang—na pawang pinamamahayan ng-- batay sa Indonesian occult tradition—tinatawag na khodam o guardian angel ng patalim.

P30 lang ang bayad sa vaciador sa Hortaleza Beauty Corporation—na naging HBC na lang tulad ng Kentucky Fried Chicken na ginawang KFC naman. Papatak sa P60 ang pagpapabasyada sa dalawang veinte nueve na tuusin man ng tuso, nagkataon na piso lang ang kulang kung ibabayad sa vaciador.

Ang totoo nito, pinakamatino yatang talim-balisong na nabili’y mula pa sa Taiwan. Matte-black finished blade with scalpel cutting edge that keeps longer than a year. High tensile carbon steel ang talim. Hindi ko lang makasanayan ang nakaungos na bahagi sa puluhan ng talim—parang chuba o sword guard. Hadlang kasi sa iglap na igkas ng talim.

Nakakantiyawan ako ng katotong Conrado I. Generoso na security blanket ang kambal na baling sungay na parang bahagi na ng pang-araw-araw na bihis. Lilinawin ko naman na parang hubo’t hubad ang aking pakiramdam kapag walang sukbit na kambal na patalim-- ambidextrous nga pala ako at sa kaliwang kamay ko nakalaan ang computer mouse. Isa pa’y matagal ding nabihasa ang katawan sa pagbubukid. At laging may sukbit na gulok ang sumasalunga sa gawaing bukid. Karaniwang pamutol ng kahoy na panggatong. Pantiba ng saging. Pantabas ng damo. Pandukal ng lupa. Pantalop ng buko o manggang hilaw.

Labahang pang-ahit ang gamit ng baling sungay. ‘Yung talim sa gawing puluhan ang dapat na pinakamatalas. Para maisatsat sa papausbong na balbas. Madalas pa ngang maipamupol ng tangkay ng pananim na naiuuwi para ibilang sa mga alagang halaman. May ilang pagkakataon na nagamit na ring pantilad sa maganit na karne—ni hindi nga agad napansin ng mga kaharap at katabi sa salu-salo, nagulat lang nang itiklop na’t lumagatak ang kaluban sa pagsinop nito sa patalim.

Kaya hindi mainit sa katawan ang baling sungay. Hindi kasi pag-utas ang tahasang pakay. Hindi rin dapat maging palamuti sa katawan—kaya nga nakakubli’t iniingatan. Hindi katulad ng paboritong 9 mm Tokarev pistol na standard sidearm ng mga pinunong Vietcong nitong nakalipas na pakikidigma kontra U.S. Madali ring itago sa katawan dahil katamtaman lang ang sukat—pero hindi nga magagamit sa iba’t ibang gawain dahil tahasang sa pamumutok lang magagamit.

Saka wala yatang maninirahang khodam o kahit ligaw na anghel sa alinmang bahagi ng 9 mm Tokarev.

The man gave me the most baleful stare I’ve seen right across where he was slumped in the jeepney I had boarded for home. Butete ang tiyan, ‘tangna, sabay na igkas lang at gawak-gawak agad ang mga isaw nito. Tiyak na kahit dalubhasang gaya ng katotong Net Billiones, mahihirapan na mapanumbalik ang mga bituka nito. I do not know what his problem was except that he stared at me like that.

I had no problem with him. Maybe he was looking for trouble and he was testing me out. I was in no mood to oblige but maybe I had something else for effecting mayhem.


Wala namang naniniwala sa mga khodam o sa kulam o sa mga nilimot nang tradisyon. Naniniwala pa rin po ako. Kaya nakiusap ako sa mga khodam ng patalim. Gawakin ang buteteng tiyan ng hindot na ‘yon.

Ah, hindi na kailangan pang igkasin at gagapin sa kamay ang patalim para itarak sa sinuman. Mayroong mga patalim na tumatarak na lang—parang isinakyod na mata. It’ll be slow, slow butchery.

Ulol sa online gaming

ISANG pangkat ng mga dalubhasa sa US ang nakikiusap sa American Medical Association para ibilang na ang pagkahumaling sa video games sa mga pinsala sa isip. Umaabot raw sa may 5 milyong kabataan sa Amerika ang sugapa na sa video games— baka malulong at maulol din ang halos 90% ng kabataan sa US na mahilig din sa ganoong laro.

Pinakapopular na video game sa Amerika ang World of Warcraft— popular din ito dito sa atin sa mga kabataan na naglalaspag ng panahon, kuryente, at himaymay ng utak bawat salang sa laro.

Hindi pa itinuturing ng mga dalubhasa na addiction ang sobrang laro ng video games. Pero may mga nagsusulputan nang ulat tungkol sa mga kabataan na nagmistulang ulol sa pagkahumaling sa ganoong laro— giyera naman pala ang kawili-wiling libangan para sa kabataang Kano, ba’t hindi na lang sila ipagtatapon sa Afghanistan o Iraq kaya para lubusan silang malibang?

May mga nababahalang magulang sa ikinikilos ng kanilang anak na nagbababad ng matagal na panahon sa larong tulad ng World of Warcraft.

May naiulat na edad-17 na kinailangang mailagak sa therapeutic boarding school ng anim na buwan-- $5,000 sambuwan ang gastos. Na hindi naman sinalo ng health insurance. Hindi pa nga kasi itinuturing ng mga dalubhasa na kaululan o addiction ang pagkahumaling sa computer games. Kahila-hilakbot nga naman ang gastos.

Meron ding edad-13 na naglaro nang 12 oras na tuloy-tuloy. Nang makatapos, suicidal na ang ikid ng tuktok.

May mga nagpupuyat na todo, ni hindi na naliligo—kaya lalong umaalingasaw ang problema.

May mga nag-ulat ding may sapat nang gulang na nahumaling din sa video games. Palpak na sa trabaho, may mga nawalan pa ng trabaho. May mga nasira ang pamilya. May mga nasira ang tiwala sa sarili.

Siyempre ayaw naman ng Entertainment Software Association na maituring na kaululan o nakakapinsala sa isip ang pagkahumaling ng kabataan sa computer games.

Sabihin na ninyong sugapa din sa laro ang sumusulat nito pero the kind of game or manner of play I go gaga over starts out with, well, foreplay. Talagang interactive na, mas masaya pa kaysa combat simulation.

Sa pinakahuling ulat na nakalkal namin ukol sa online access ng mga Filipino, lumitaw na isa lang bawat 50 katao ang napapasabak sa computer.

At sa ganoong katiting na bilang, halos 100% ang nakababad sa dalawang bagay lang—Friendster at online games, kabilang na nga ang popular na World of Warcraft.

Lalabas na dalawang uri lang ang ulol sa mga nakababad sa computer sa Pilipinas. Ulol sa Friendster. Ulol sa online games. At kahit na anong sabihin nila na mas marami na ang makakahawak ng computer dahil murang-mura lang—P20 o P30 bawat oras-- ang bayad-upa sa mga Internet cafes at computer salons, kakatiting pa rin ang bilang ng mga nauulol sa Friendster at online games.

May mga naliligaw namang kaluluwa, sumusulat sa isa kong electronic mail address, habalakibur@hotmail.com na pawang inapuntahan yata ng kung anong sunog sa timog—fire down south. Hindi karne norte kundi carne sur. Marami pong pilit naghahagilap ng kahit kasiyahang katiting, what a sad world this is for folks like that…

Sariling angkin

SAANMANG lupalop pansamantalang lumapag, nakagawian nang maghalungkat sa kung ano ang talagang itinatangi ng nasadlakang lunan—kabilang ako sa iilang ayaw tumuntong sa tulad ng Jollibee, McDonald’s, KFC. O kahit sa Chow King. Tumatangkilik ako sa sariling angkin.

Hindi ko na matandaan kung saang kuyukot ng Cebu nakasumpong ng malinamnam na balbakwa—mukha at pata ng baka na inilaga lang nang matagalan kaya talagang slow food. Ni hindi na tatangkain pang hulaan kung anu-ano ang mga sangkap na pampasarap-- atchuete ang pangkulay para hindi naman karima-rimarim tingnan ang balbakwa, lalo na’t may maliligaw na nakadilat na mata ng baka.

Astig ang balbakwa— lalo na kung sa sinaing na mais isasanaw ang sabaw na mas malapot yata sa gawgaw. Sa halip na litson manok o lechon baboy na timplang Cebu ang sinabakan, balbakwa ang nilantakan sa hindi ko matandaang kainan ng mga tsuper ng taksi at dyipni—Sianghio St. yata. Nabitbit ang kasamang batang photographer na naintriga sa nakakatawa raw na pangalan ng paborito kong pagkain sa Cebu. (Nakatipid pa nga kami.)

Anumang fastfood chain ang naglipana sa Metro Manila, matatagpuan na rin sa Cebu at alinman yatang tumbong ng bansa. Anupa’t anuman ang natatanging putahe ng bawat lunan, sasagasaan lang ng humahagibis na fastfood franchise na karaniwang nakaluktok sa pinakatampok na bahagi ng alinmang bayan o siyudad sa labas ng Metro Manila.

Let those advertising choir boys cook up rhapsodies on those fastfood outlets purveying tons of LDL (evil cholesterol, if you ask your physician or nutritionist) and trans-fatty acids. Let me howl hymns to whatever humble fare my own compatriots can stuff my tummy with, mwa-ha-ha-haw!

Kaysa lumantak ng French fries, magtitiyaga ako— ah, this is heaven, believe me—sa atsarang guso o seaweeds at nilagang kamote.

No, no, no. Don’t ever dump me into the august halls of Congress. The blokes there are into something like interpellation whenever one of them dishes out a privileged ho-hum. Inter fellatio? My, but those tasteless ilk could be eating each other! (Let’s hear ‘em Beatles: I read the news today, oh boy… Pakainin daw ng karne ng buwaya ang isa nating long jumper para makasagpang ng gold medal sa Olympics.)

Sa Agoo, La Union nakatikim kaming mag-ama ng pinaka-astig na inabraw—sinabawang samut-saring gulay na may pangunahing lahok na inihaw na isda at malabnaw na bagoong isda. Sariwa kasi lahat ng sangkap na gulay—ampalaya, talong, okra, alokon… at bulaklak ng patola!

Sa Tagudin, Ilocos Sur ako nakasimsim ng pinakamatinding basi—fermented sugar cane wine—na may timplang fully digested grass plus digestive enzymes off a goat’s small intestines.

Ba’t ako magtitiyaga sa Max’s Tagaytay kung may malalantakang sinaing na tawilis—the world’s only freshwater sardine thriving in sulfur-infused medicinal waters of Taal Lake—at paksiw na litid ng baka sa Ponderosa Market sa naturang lungsod?

Magdidildil na lang ako ng pinikpikan na may lahok na itag o inasin tuwing nasasadlak sa La Trinidad sa Benguet. O kahit nilagang kapipitas na sayote na isasawsaw sa sili’t asin.

Sa Bacolod ako nakatikim. Na hindi uminom ng alak at manigarilyo ng tatlong araw yata bago nakapagbigay ng dugo— type A+ -- sa isang klinika doon. Matapos mabawasan ang katawan ng 450 ml ng dugo—saka naunang dalawang herenggilya na sinlaki ng lata ng sardinas para matesting-- sugod agad sa Pala-pala (na delikado palang lugar nang panahong iyon) at nagpakabundat sa pangantot (panga at buntot na tula na ilang kaldero yata ang sabaw), sugbang diwal o abalone, at kilaw na malasugui.

So you’re offering me burgers? Nakamulatan ko kasi na sa gulay mahilig si Popeye. ‘Yung mukhang pork barrel na tulad ni Wimpey lang ang kumakain ng burger. Kasi iyon ang middle name ni George Wimp Bush, pwe-he-he-he!

Monday, June 18, 2007

It pays to ruin your Filipino word power

NOT just a word or phrase, spit out the entire sentence. I’m more comfortable translating entire sentences, my dear. Tagalog has a certain way of trotting out words to home in on a complete thought. I hope you know your English—it has its own manner of fitting out sense in a sentence.

(Kausap ko po ang aking anak. Perdoneme pero hablamos en ingles recto. Natalisod na naman yata sa kung anong tayutay, baka naman sampirasong kataga lang. Nagsusulat sa TV network. Ako na naman ang tinawagan—parang isa kong katoto na nagsasara ng opinion-editorial page ng pahayagan, pulos wastong gamit naman ng preposition ang isinasangguni.)

What in Satan’s hell is ‘kapulisan?’ If you’re referring to a covey of cops, just call ‘em ‘mga pulis’. If it’s the entire police force, pulisya is the word, yes, it’s out-and-out rip-off from Spanish. So is the root word ‘pulis.’ No, not Sting’s band. Yes, just like ‘tao’ in ‘katauhan’ which means ‘innate character.’ No, katauhan doesn’t point to the entire human race or the populace of a locality. Yes, just like the root word tanga or stupid which is an adjective; it becomes a noun as katangahan or stupidity.

Yes, there’s rampant stupidity in the media. You folks insist on your off-the-cuff coinage. Why don’t you just revert back to plain English on primetime, huh? We can bring back Strunk and White’s book, "Elements of Style." It would be easier to spot bloopers. Aah, most of ‘em can’t even construct a decent sentence in English. It shows, my dear. The slip shows, why, it’s worse than burlesque.

Spare me ‘polisiya.’ That’s gross. Patakaran, that’s the word. From the root ‘takda.Sinalpakan ng unlaping ‘pa-‘ at hulaping ‘-an’. Si, tengo que hablar y comprender Español. Blame those nitwit lawmakers who chucked Spanish off the curriculum. Now you guys don’t have access to the originals of Jose Rizal or Federico Garcia Lorca, Antonio Machado, Gabriel Garcia Marquez or even Paolo Coelho.

Komento?’ That’s obscene! Kuro is the word. Why don’t you guys friggin’ bother sometime to read the likes of Edgardo M. Reyes, Nemesio Caravana, even that komiks man Mars Ravelo or the prose-gush poetry of Teo T. Antonio. Yeah, they don’t emasculate their mother tongues. They wield it in lush elegance. They keep it robust. Kick-ass alive and kinky.

Nah, they’re not outmoded. They’re in the 1950s mode, yeah. Exchange rate was a lousy dollar to two pesos back then, I’d like to write in that mode of economic strength and colossal word power. We don’t get tongue-tied. Except in cunnilingus.

Look here. In Batangas alone, the Tagalog dialect has over 80 variants-- that points up how huge the stockpile of words we have in our language that awaits exploration, discovery and outright usage.

Residente? Chinga! Ano’ng buong pangungusap? O, ‘Nanawagan ang mga residente ng Baseco at Parola na ibalik sa kanilang lugar ang mga sundalo para matigil ang holdapan doon.’ Ganito: ‘Nanawagan ang mga taga-Baseco at Parola…"

Apat na taon nang bahagi si Silvestre sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng MILF at pamahalaan?’ Wordy. Make that ‘Apat na taon na si Silvestre sa binubuong kasunduan ng MILF at pamahalaan.

Muling sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga kupal at kumag?’ Umm…’Muling sumiklab ang labanan ng mga kupal at kumag!’ You’re doing word-for-word translation. ‘Tangna, baka galing sa press release ‘yan. Nakasulat sa English. Tinatagalog na papilipit. Fighting between louts and nitwits broke anew, ah…

Aminado ang mga kupal na mas mabagsik ang mga kumag.’ Hindot na instant hybrid Spanglish ‘yang ‘aminado.’ Sinabi ng mga kupal: Mas mabagsik ang mga kumag, that’s in active voice. Go for economy of words to make sense. Go gunshot terse.

'Talento?' That would make talentado as acceptable as your Spanglish non-word. Use 'talino'. Genius and talent don't refer to the mental capacity alone-- there are around eight sorts of genius-- physical, musical, spatial, interpersonal, et al.

‘Pumasok sa pagitan ng dalawang hita?’ ‘Yan pa lang ang narinig kong tama. Meron pang karugtong? ‘Pumasok sa pagitan ng dalawang hita kung saan may matalahib na yungib?

Make that ‘Pumasok sa pagitan ng dalawang hita na may matalahib na yum---’ Are you sure you’re writing a tourism story?

Saturday, June 16, 2007

Angus beef? Batangus beef!

ANYBODY can step into the shoes of Elena A. Gonzales, a grandmother in her late 70’s— she keeps house and shoots the breeze five days a week. On the sixth or seventh day, which ought to be holy, she’s in the thick of her business.

She retails beef cuts. Sells ‘em meat like a politico on an earnest house-to-house, door-to-door campaign in Metro Manila subdivisions and neighborhoods.

In the late 1970s, live cows fetched P1,000 a head. The cut up carcass is retailed to the tune of P3,000 up. That’s meat and potatoes two-fold profit.

And there’s lots of gravy to boot. Certain portions like the eyeballs, balls and pecker, udder, brains, tendons, or the ox face that are turned into delicacies—strictly not for sale unless a gourmet specifically asks for them. The hide is salted, sold off to a tannery that turns up leather and leather products. The hooves and horns are boiled down, turn out as glue used in cabinetry and woodworking. Even bones are collected—certain cabinetmaker firms that do bone-inlaid furniture buy them by the kilo.

The profit margins may have changed but the Elena A. Gonzales old-fashioned formula in making a market has not.

She descends upon a neighborhood, goes on a door-to-door campaign seeking out the lady of the household, chats up the lady in earnest to haul in a customer.

It’s a trite-and-tested sales pitch she plies again and again. Why buy Australian, Kobe or Angus beef when homebred Batangus beef isn’t fed with what could be entire chemical factories or by-products from industrial plants? Besides, there hasn’t been an outbreak of mad cow disease hereabouts. Too, there’s a lot more flavor in local cattle as they’re fattened with whole grain corn and sugarcane tops. Matutulungan pa ang magbabakang Pilipino kapag tinangkilik ang produkto nila!

A sales pitch like that can nudge at the potential customer’s sense of patriotism.

Besides, Philippine households spend more than P55 for food for every P100 spent in living costs. So there’s also a gut-level appeal to that sales pitch.

Three converts in a subdivision block is an auspicious start for a weekend delivery of Batangus beef. Customer satisfaction is assured. Word gets around the neighborhood that there’s a Batangus beef peddler who regularly descends on the area as if it’s her newspaper route. And she sells quality cuts from BAI-stamped and approved carcass of freshly slaughtered Batangus beef.

It doesn’t take a month to win over most of the households in a subdivision block. She’ll be feeding ‘em off her hands—and they’ll be glad to buy from her.

With a roster of some 30 customers to go back to each weekend, the hardworking grandmother hardly breaks up a sweat racking up modest margins for two days work.

Remember: there are a lot more neighborhoods that await conquest.

Back in the late 1970s, a number of students who were paying for their college schooling have dared step into the shoes of Elena A. Gonzales. And they’re still at it. They earned more than tuition and spending money from their foray into a retailing business.

They’ve also learned that it can be easy to earn an honest buck—why work five days a week when you can make do with weekends?

Pauso sa suso

KAILANGAN pa palang bumuo ng batas para itaktak sa tuktok ng mga ina na magpasuso sa kanilang supling. Habang sinusulat ang pitak na ito, larawan ng tatlong hubo’t hubad na dilag ang nakabalatay sa kaliwang panig ng bintana nitong PC. Panghilam at panghilamos sa nanlilimos na paningin. Pawang aratiles ang mga tirik na utong na tampok sa magkatambal na sinta papaya, opo, sinta na inaasinta.

Kinukutuban man ako na baka hinebra marka demonyo, serbesa o kapeng barako ang mahihigop sa aking mga utong, walang duda na gatas o leche na hindi lechon ang masisimsim sa suso ng kapapanganak na ina. Opo, hindi lang magandang dekorasyon ang suso ng ina. Ipinapasuso ang suso sa sanggol sapul pagkasilang kahit hanggang dalawang taon na ang edad.

Nahapyawan natin sa isang kolum ang paliwanag ng isang ina na muntik nang umabot sa 20 ang anak. Hindi raw siya nagpapasuso (baka kasi para lang sa kanyang mister) dahil hindi raw pantay ang sukat ng sa kanya— upo yata sa kaliwa, kalabasa sa kanan. Gano’n ang idinahilan.

Hindi na masasaklaw ng paiiraling batas ang katangahan ng naturang ginang.

Kailangan pa palang magpatupad ng batas sa pagpapasuso ng mga nanay sa kanilang sanggol.

Hindi naman nakatuntong ng kahit anong paaralan ang panganay na pusa sa aming tahanan, si Shampoo. Lahat ng isinilang na anak, pinasuso. Tatlong pares na suso na iniisa-isang susuhin ng kanyang bunso, nabansagang Bruce Wayne Batman, itim kasi ang kulay. Ang totoo nito, kidlat kung sumila ng mayang mamindita si Batman. Araw man o gabi, laging may pangal-pangal na biktima na pagkukunan ng protina.

Gayunman, sususo’t sususo pa rin sa kanyang nanay ang lekat. Lagi’t lagi namang nakalaan ang anim na suso ng inang pusa sa kanyang anak na hindi na nga matatawag pang kuting.

Iyan kasing mga itinatakdang batas, madalas na kailangan pang laanan ng salapi para maipatupad. At kung paiiralin na nga ang batas sa pagpapasuso, baka kailangan pang suhulan ng salapi ang mga nanay na pasusuhin ang kanilang sanggol.

Gagastusan ang information campaign. Kailangan namang ipaalam sa mga walang malay na sanggol ang wastong paraan ng pagsalikop ng nguso sa utong, ang sapat na lakas ng higop sa suso. Pati na tamang paglalakbay ng kamay para kalikutin ang dibdib ng nanay ay dapat maipaliwanag. Travel a broad!

Malawakang information campaign ang kailangan kaya mamamayagpag na naman ang TV. Kukuning mga demonstration models ang mga sikat na balaybay ng niyog ang dibdib o kambal na bunga ng langka ang suso. Kung maaari, bawat 10 minuto’y may TV spot na magpapakita sa mga tatanga-tangang ina ang tamang paraan ng pagpapasuso.

Pagkakataon na ito ng mga korporasyon na naglalako ng shampoo. Bukod sa walang humpay na pagpapakita ng mga makintab, walang tikwas, walang balakubak na bulbol sa ulunan na wala naman yatang utak, magkakaroon na ng kabuluhan ang kanilang mga patalastas—sa wakas!

May sangkap namang formaldehyde—na ginagamit sa pag-embalsamo ng bangkay—ang shampoo kaya madali nang igiit na kailangang gumamit ng shampoo, panghugas ng suso. Upang maging sintigas ng bangkay ang paninindigan ng utong ng mga nanay para umangkop sa pinakamatindi mang sibasib ng sanggol.

At kung itatadhana ng batas sa pagpapasuso ang pangangailangan ng inspector general para matiyak na nasa tamang kondisyon ang mga suso ng nanay o mga nagbabalak maging nanay, count me in as a volunteer.

Marami talagang kailangang isaalang-alang sa pagbalangkas ng paiiraling batas tulad nitong sa pagpapasuso. Kailangang unawain na talamak na ang mga tanga sa Pilipinas, mwa-ha-ha-haw!

Friday, June 15, 2007

Pagsisinop sa mga bituin

MAY kung ilang labi ng alagang aso na rin ang nakahimlay sa gawing timog silangan ng lote—ang dako na dapat raw sinupin at tamnan ng mga halamang namumulaklak o namumunga ng kulay pula. Matatamnan ng kulumpon ng kawayan, balite, malunggay o anumang halaman na bilog ang hugis ng dahon. Malalagakan din ng mga banga o kauring tinggalan ng tubig. Mapapalagyan ng lotus pond o kahit swimming pool.

Iisa lang ang payak na pakay doon. Para daw maging magaan ang daloy ng pera sa pamamahay.

Madulas na pasok ng pera… Tahasang nagmula sa kaplugin o inahing aso ang katuturan ng pera. Perra. Bitch. Isang reyna ng España ang inilapat ang hilatsa ng mukha sa salaping metal. Bawat nakakaalam sa matinding kati sa kuyukot ng naturang reyna, napapasambit tuwing makikita ang mukha nitong nakaumbok sa salaping metal—perra… perra…

Nangingibabaw ang alulong sa bunton ng mga natipon nating salita ang pera. Na mauugat nga ang pinagmulan sa kapluging aso. Maraming nauulol sa pera.

Angkop naman palang mailagak ang mga huling labi ng alagang aso sa dakong timog silangan ng pinamamahayan. May perro na, may perra pa. May kakaplog, may magpapakaplog—umaatikabong kaplugan sa gawing timog silangan.

Bago natirikan ng pamamahay, ginawang tapunan ng basura ang lote.

Anupa’t laging makakabungkal sa lupang patuloy na sinisinop ng mga piraso ng plastik, mga kinakalawang na piraso ng alambre o mga basag na bote, salamin at bubog. Hindi kayang tunawin ng lupa ang mga iyon. Hindi matunawan? Impaktong impatso.

Ihambing sa tao na tahasang nilalang mula sa lupa, tiyak na namimilipit sa hapdi ang lupa. Maalox? Hindi ubra ‘yon sa lupa. Kailangang mapalis ang mga inorganikong layak na sapilitang isinalaksak sa sikmura ng lupa. Para maibsan ang hirap. Para maging maginhawa ang pakiramdam.

Hindi pa natin natutukoy kung ano ang paraan kaya naisasalin ni O-Sensei Morihei Ueshiba sa kanyang latawan ang katatagan ng lupang tinutuntungan. Pero tiyak na lupang hindi nasalaula ang laging nayayapakan ng kanyang mga paa—hindi pa uso sa kanyang panahon ang plastik at lalong hindi salaula at yumuyurak sa lupa ang gawi sa pamumuhay ng kanyang mga kababayan.

Itatambad at bibigkasing tila pangungusap ng lupang kinalinga ang katauhan ng nakatahan dito, pansin naman ng isang Dr. Loren Eiseley. Ganoon lang din ang iginiit ni O-Sensei Ueshiba hinggil sa pagsisinop ng lupa na haligi ng maayos na pagkilos at maayang pamumuhay.

Magugunita na naman ang bigwas ng taludtod ni Gat Andres Bonifacio:

“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkafalisay at pagkadakila
Kundi ang pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga. Wala.”

Sakaling sinalaula ang lupa, tiyak na mga katauhan na angkop lang itapon sa basurahan ang maitatambad ng ganoong lupa.

Sa bawat paghahalungkat sa himaymay ng lupa, nakakalap at naililigpit ang mga ganoong napabaong basura—na saliwa ang pintig, ni hindi aakit at lalong hindi katugma sa pagpasok ng biyaya sa pamamahay.

Hindi naman mga bituin at buntala sa kalawakang walang hangganan ang sinisinop sa astronomy. Pulos pagsipat at pagkilala lang.

Lupa lang ang sinisinop sa agronomy—na nagkataong pinagsunugan ko ng kilay sa matagal na ring panahon. At hanggang sa ngayon ay ginugugulan ng pansin at panahon.

Kapag nasinop ang natutuntungan at nayayapakan, nagiging matatag ang pamumuhay at kabuhayan. Ganoon lang ang talampakang iginiit nina Dr. Eiseley at O-Sensei Ueshiba.

Dampalit a la kim chee

SOIL quality speaks of itself through the plants that suckled at and took in that quality. The usual nitrogen-phosphorous-potassium ménage a trois plus over two dozen elements and motley nutrients go into soil composition—and that may sound plaintive as a famished beggar asking for alms, or even sing like a suave nabob doling in abandon flamboyance, florins and flowers.

Eggplants are next of kin to the magical yet deadly mandrake, the plant that dreams it is man and maybe is. Eggplants are a poor man’s meat. Freshly picked eggplants fetch P20 a kilo at the public market in Alaminos, Pangasinan. Those eggplants must have been grown in lush soil, the sort that sings symphonies.

Eggplants like that needn’t be done as moussaka-- arrayed in minced lamb meat, virgin olive oil and a king’s ransom in spices and herbs. The subtly suave sweetish notes that sing of the soil the fruit grew from would be likely lost in moussaka’s babble of flavors.

Halved and made to sit not too long in a thin coat of oil on a frying pan, the eggplants came out as good as steak a la pobre, as opulent in flavor as beggar’s chicken. Those eggplants spoke of the good earth and the industry of the hands that nurtured them. Grace is said: “God bless this food and those who grew and prepared this food. May it nourish our bodies and strengthen our spirits. Amen.”

Chunks of freshly caught devilfish (the sort that skewered Steve Irwin's neck) bought at the public market in Bolinao, those had to stay in the fridge for a few days. I wanted top quality vinegar—not diluted acetic acid readily available in supermarket shelves—to go into its cooking.

Fermented sugar palm sap, I had that in mind and was even contemplating to hie off to Tagaytay to get a gallon—plus a few kilos of beef, a kilo of roasted Liberica coffee, some radish and some more veggies. The devilfish chunks had to settle for coconut toddy-turned-sour bought in a vegetable stall in the Manila Seedling Bank Foundation spread in Quezon City.

Sure, I’d like to pamper the main ingredients in a recipe, assemble an excellent cast—never settle for anything less than better—and mount a good show.

Umm, five tablespoons of that sour coconut sap went into the devilfish chunks that was dumped in a confetti shower of malunggay leaves, julienned ginger, pepper, turmeric, Ilocos garlic and coconut cream—plain old-fashioned kinunot. In less than five minutes, that over a kilo of devilfish chunks went somewhere after it was served at my mother-in-law’s birthday gathering. All I got to chew on for leftovers are compliments and good reviews.

Ah, the leftover ingredients in a three-day sojourn in Bolinao was a small bundle of succulent dampalit or Sessuvium portulacastrum culled off a patch growing beneath a bantigue shrub—lovely sight that was part of the beachfront portion of Treasures of Bolinao resort.

Alex M. Fernando the late Dawn editor-in-chief turned take-charge guy at the Philippine Star news desk would often call me over at his desk to hand in a glass jar or two of pickled dampalit. He buys them from Bustos, Bulacan, where it's done by wringing the juices out of dampalit stalks and leaves before covering ‘em wrung out members in a sweet-sour pickling solution.

I couldn’t tell Alex that I had my own version of pickled dampalit. Leaves and stalks are sun-dried for around three days, then arranged in alternating layers of dampalit and sliced Ilocos garlic cloves and julienned hot peppers. The pickling solution for covering such assemblage in a glass jar: two cups of nipa palm vinegar; two tablespoons of pakaskas or raw sugar from kaong (sugar palm) whose sweetness isn’t cloying; pinches of salt, black pepper, and grated nutmeg. The solution is heated over a slow fire in an earthen pot. The fire’s turned off pronto after the solution hits boiling point, made to cool for around 30 minutes, then poured into the dampalit-pepper/garlic-dampalit assemblage.

The pickle is ripened in the fridge for a month, allowing the motley flavors to mingle in suavely sweetish-sour harmony that’s a tad incendiary.

Coming… God, am coming, haah…

WATCHING Scorpio Nights this time around made me more thankful for the three or four frogs or maybe toads that have made home in a nook or likely muezzin of a crevice among stones in the household garden.

They don’t croak. They don’t creak. They take turns at singing the tune they can carry—one frog per night. The single sustained note plied out at a lapse of every 18 seconds sounds like a compressed version of a greeting to a Hindu divinity, Brahma—aum sat chit ekam Brahma… Or I’m probably having a hearing problem after that deluge of the “Hello Garci” ring tone in the not-so-remote past.

Our garden isn’t exactly laid out like a Zen spread for pondering economy of grandeur and splendor of austere beauty. It’s something plunked down in fits of whimsy and fancy to nudge the imagination into running amok. Thus, a sagittaria in a pot ordinarily used for stewing vegetables lie cheek by jowl with a patch of Chinese parsley, kinchay to you; a grafted fruit-bearing tamarind no taller than three feet cuddles close to a scrawl of fragrant screw pines, pandan for you with a modest stand of dog bean shrubs looking on.

Those resident frogs, why, they may be doing an impression of a bamboo water clapper—a garden contraption that takes in water off a running source, fills up, tilts and claps culm-on-culm to whip out a note that echoes soothingly in the night air.

Any frog on assignment for the night sings out its rich one-note samba.

But there’s one plump lug no bigger than a toddler’s clenched fist—I’ve seen him hang out in the hollow of a letlet clam shell one early morning, he was unperturbed by my presence. That guy sounds out a lush-sounding, nay, booming “Aum” on his assigned nights. Aum is, by the way, Sanskrit for “amen” or “may it be so.”

Love those lugs who may likely be suckers for Coughin’s Law.

“Don’t speak unless you can improve the silence.”

So what gives about Scorpio Nights? Why should a soft-porn movie tie in to the meaningful sound of batrachian blokes? Let’s pore over at what the kid in me wrote:

KASAMA ang “Scorpio Nights” sa sambayong lang yatang mga pelikula na hindi pagsasawaang panoorin ng matanda namin na hindi man uhugin talagang utugin pa rin. Mahahalungkat sa kanyang bayong ang— hindi pumuputak, pumuputok ang inilalagay— mga itinatanging pelikula, kabilang ang:

“Seven Samurai” at “Yojimbo” ni Akira Kurosawa
“Zatoichi” ni Shintaru Katsu
“Blade Runner” ni Ridley Scott
“Kakabakaba ka ba?” ni Mike de Leon
“Crouching Tiger, Hidden Dragon” ni Ang Lee
“The God of Cookery” at “Kung Fu Hustle” ni Stephen Chau
“The Vertical Ray of the Sun” na dinirehe ng isang taga-Vietnam, at
“Unforgiven” ni Clint Eastwood.

Napasama sa koleksiyon ng sandosenang pelikula na pawang panoorin sa malamig na silid ng motel ang “Scorpio Nights” na kung mga tagpo ng harumpakan ang pagbabatayan ay mas matindi pa rin ang itinatambad sa “In the Realm of the Senses” ni Nagisa Oshima na talagang nagpabuyangyang ng mabalahibong yungib ng kaligayahan habang sinasalaksak ng tako pero hindi naman nagbibilyar, eh baka naman kinakapos sa libog ang mga pasimuno sa paggawa ng “Scorpio Nights” kaya ganoon nga’t mapapansin naman siguro ng nagbabasa na kahit nagprusisyon na ng santambak na mga salita sa iisang pangungusap na ito’y hindi man lang sumulpot ang kupal na pariralang madalas na ginagamit ng mga may panis na kupal sa kukote: “kung saan.”

Sa mga taon ng dekada 1980 sumulpot ang “Scorpio Nights.” Nirepaso pa nga raw ng matanda namin para sa Philippines Free Press na kalaunan nga, inungkat naman ni Ate Podying pati ang naturang artikulo. Inalam kung bakit nakagiliwan ni Ama ang ganoong pelikula. Soft porn na mabuti na lang, nakalusot yata sa halihaw ng gunting ni G. Manoling Morato na pinuno noon sa MTRCB.

Malalim kasi ang pagsusuri ng “Scorpio Nights” sa pamumuhay sa siksikang lugar sa lungsod. Gigitgitin ang pandinig at pandama sa walang humpay na haplit ng ingay ng usapan, taltalan, iringan, bangayan, murahan at laging bukas na radyo (wala pa noong videoke) ng mga kalapit-bahay. Walang patumangga ang paglunod sa pandama’t pandinig ng sunod-sunod na mga alon ng ingay. Walang humpay na ingay— nanghihimasok pati sa tinatawag na moments of tender intimacy, kasaliw sa halinghing ng libog. Kaya bukod-tangi ang pelikula bilang soft porn sa walang pakundangang pamboboso ng walang kawawaang ingay sa anumang tagpo na hindi makapagtago.

Wala ring papawirin o horizon na mahahagilap ang paningin. Pulos gapok na mga hangganan ng sikip na paligid. Na tahasang mas malaswa’t nakakasuklam kaysa alinmang kabanata ng kangkangan.

Ginigipit pati mga puwang sa loob ng kabahayan. Walang susulingang santuwaryo ng katahimikan o katiwasayan. Walang kalawakang mayayakap ng diwang nais mapayapa kahit saglit lang.

Mauungkat muli ang idiniin ni Karl Haushofer na tumungkab sa ikatlong mata ng isang Adolph Hitler. Tinukoy ang katangian ng buhay na kalawakan saanmang lunan.

“Space does not inhere power. It is power.”

Kaya sa kalawakan ng disyerto nag-ayuno ng may 40 maghapon at magdamag ang Manunubos upang salinan marahil ang sarili ng kapangyarihang taglay ng kalawakan. Kaya naungkat na naman kamakailan sa isang pagsusuri na umaantig ang mataas na kisame ng kabahayan o tanggapan sa mga paglilimi ukol sa pangmatagalan, pangmalawakang plano samantalang sapilitan namang maipapako ang isipan sa mga mumunting kuntil-butil na detalye kapag gipit ang ginagalawan.

Pero hikahos sa lawak ang iniinugang daigdig ng “Scorpio Nights.”

Sanhi ng walang humpay na haplit ng ingay at kasikipan, nakatkat din ang mga batayan ng pagiging tao ng mga tauhan sa “Scorpio Nights”—umiral na lang ang pagiging animal na nakabilanggo. Nakahawla. Wala nang anumang mapagbalingan na kalawakang maglalapat ng kapangyarihan.

Kapag wala nang maapuhap na kalawakan, mapipilitang mapatuon ang pansin sa sariling katawan. At sa “Scorpio Nights” ni hindi malalim ni mapang-unawa o mapanuklas na paggalugad sa mga liblib at lihim na lunan ng katawan ang pinagkaabalahan.

Sa ganoong mapait na kalagayan na tumutungkab sa pagiging tao, laging malagim ang wakas.

Abang apartment, multi-bilyong negosyo

HINDI ko sinasabing mga hindot kayo—ganoon ang madalas na madinig na bukambibig ng yumaong komentaristang Damian Sotto na isa sa mga kinagiliwan ng aking lola nitong dekada 1960. Nabahiran tuloy ng makulay na bitiw ng pangungusap pati aking pakikiusap.

Kibit-balikat lang at bukambibig ng Damian Sotto ang ibinusina habang nauulinig sa ulat-TV na ginugulan daw ng may P16 milyon ang bahay ng isang sikat na seksing artista. Isang Angel Locsin.

Hinayaan ko na lang na magbusa nang magbusa sa haplit ng alaala si Damian Sotto. Hindi ko sinasabing mga hindot kayo.

Kung iniulat sana na nagbuhos ng P16 milyon ang naturang sikat para magpalago ng negosyo—na tiyak na may ilang kawani o obrero na mabibigyan ng hanapbuhay, madadamay sa pakinabang ang pamilya ng mga ganoong mamamasukan sa naipatayong negosyo—baka kumalansing sa tuwa pati na mga bolitas ko.

Mas nasisilaw po ako sa kinis ng hitang labanos. Lalo na sa pusikit na karimlan na nakatampok na tambok sa pagitan ng masarap na lantakang gulay. Likas nang masilaw ang karaniwang pananaw sa limpak-limpak na bilang ng perra, which in my book is the Spanish word for a female canine. Yeah, bitch.

Uh, nakasumpong na rin naman ng iba pang halimbawa ng mas makatuturang pagsasalang ng puhunan para lumikha ng kabuluhan at pagpapahalaga. Resources can also be plied out to generate enduring values worthier than the coin of the realm.

Dalawang taon na yata ang nakaraan nang makalkal ang isang ulat mula sa United Press International ukol sa isang multi-bilyonaryong Chino na naninirahan lang sa karaniwang apartment—kahit kabi-kabila ang tinutustusang industriya’t pinalalagong negosyo na pawang kung ilang libo ang nakikinabang na kawani, obrero’t kani-kanilang pamilya.

Nagsulat pa nga ng pangulong tudling para sa pahayagan para maibandila ang ganoong halimbawa ng huwarang pamumuhay. What a life! A laid-back, carefree, down-to-earth lifestyle espoused by that drunkard of a sage, Lao-tze. That’s the same guy who was credited with having written the classic Tao Te Ching.

Ganoon din ang payak na pamumuhay ng nagtindig ng dambuhalang Daewoo ng South Korea, si Kim Woo-Choong na nakakalat na sa buong daigdig ang pinasulong na business empire. Naninirahan lang din sa isang karaniwang apartment. He drives around Seoul in a modest sedan which his own colossus of a corporation churns out by the hundreds of thousands to sell to the world.

So what’s wrong with these guys who steer their national economies to the forefront of global competitiveness? Why can’t they live like and act like emperors when they really rake mountains of dough, move men and mountains, actually rule empires that stretch across continents?

Do they adhere to the tenets spelled out in Tao Te Ching?

Sa isipan gumuguhit na kidlat ang liwanag ng mga ganoong halimbawa habang pinapagpag ang ugong ng ulat-TV ukol sa P16 milyon na ginugol ng isang sikat sa pagpapatayo ng bahay.

Umaalingawngaw din ang madalas maulinig na bukambibig ng yumaong Damian Sotto.

“Hindi ko sinasabing mga hindot kayo!”

Sarap talaga mang-asar 'dre!

P150 ang sampirasong loro sa Obeertime sa kanto ng de la Rosa at Pasok Tamad… este, Susong Tamo… kaya nga siguro pinalitan ang pangalan, ginawang Don Chino Roces Avenue na kalapit ng pinapasukan ko sa Makati. Putok lagi sa mga naghuhunta-sabay-tungga ang Obeertime matapos ang oras ng trabaho. Paminsan-minsan, dito kami nagtatagpo ng premyado’t iginagalang na manunula T.T. Antonio na sa karatig lang na condominium sa Avenida Gil Puyat naglulungga.

Sa halip na loro na baka magdamag nang mapupulutan, madalas na inihaw na taingang baboy ang kagayak ng aming sinisimsim na bula ng pale pilsen— full-bodied o may katakam-takam na katawan ang lasa ‘di tulad ng light na binantuan ng santambak na tubig kaya lasang bantilawan, malabnaw.

Hindi talaga loro.

Baka kasi mapadpad ng lipad o langoy sa Obeertime ang isang loro na hinirang na tagapagsalita, spokesman ng isang alkalde sa Guayaquil na pinakamalaking siyudad sa bansang Ecuador.

Napika na ang alkalde-- isang Jaime Negot—sa mga peryodista na madalas na mambulabog sa kanya. Lalo nang nakakapika ang mga nagbabalibag ng mga walang katuturang tanong. Sagabal lang sa daloy ng gawain. Aksaya pa raw sa panahon na dapat mailaan sa mas makabuluhang magagawa.

Kaya niya ginawang official spokesman ang isang loro. Para sumagot sa mga walang kalatoy-latoy na pag-uusisa ng mga peryodista na pinabili lang yata ng suka, naghagilap na ng kahit anong maibabalita.

Nito pang Oktubre 2003 lumabas ang ulat hinggil sa paghirang sa naturang spokesman. Hindi naman siguro nangahas ang sinumang kumag at kupal na magpanayam o kausapin ng masinsinan ang naturang loro para makapagtipon ng maiuulat.

Saka marami talagang mahilig mag-ungkat ng kung anu-ano lang. May isa-dalawa ngang gunggong na pilit sumusubaybay sa bawat kilos ng inyong kulamnista. Kinukumbinsi pilit ang kanilang sarili na wala naman talagang pinagkakaabalahang gawain, pulos walang katuturan ang gawi ng inyong kulamnista.

Hindi naman mapangahasan na makausap ang inyong lingkod—na editor-in-mischief nga yata sa isang business website at kailangang makipagbuno sa micro-management ng ilan ding nag-aambag ng artikulo’t sulatin. Kaya madalas na nakababad tayo sa harap ng personal computer, kakayod kahit pakonti-konti para masulit naman ang ibinabayad sa atin.

Sa halip na humirang ng uwak, paniki, sabukot, tuturyok o buwitre upang maging tagapagsalita para kumausap sa mga mahilig lang sa taltalan at satsatan na wala namang matinong patutunguhan, pag-asikaso sa mga alagang aso, pusa’t halaman ang napapagbalingan. Nakakagalak kasi. Parang haplos ng lambing sa puso ang kakatwang paraan ng pag-ugnay ng mga alagang naturan.

Idleness of the body saps the vigor of the mind, sabi nga. Paano ba makipag-usap sa mga ni ayaw ipagpag ang mantika sa katawan sa pagsubsob sa trabaho? Paano makikipagtalastasan sa mga batugang palamunin na nagwawaldas lang ng panahon?

Let me talk to a busy body. Kahit sa paru-paro’t laywan na napakaraming gawain na ginagampanan. Kahit sa alinmang halaman na walang humpay na humahango ng kung anu-anong kemikal at sangkap mula sa lupa para maialay bilang lunas o pagkain sa kanilang tagapangalaga. Nangako nga pala si Dr. George Abordo na ipagsasama ako sa kanyang klinika sa lalawigang pulo ng Siquijor—kung balak ko raw magpanayam sa anumang makakapulong na mga halamang gamot doon. A busy life—even plant life-- can be enriching to others. They endure. They succeed. They're a joy. (If you want to enjoy enduring success, try traveling a little in advance of the rest of the world. Your greatness will come from being great in the little things.)

So let me talk to busy bodies with vigorous minds.


Kahit na sa karaniwang pokpok—they’ve got busy bodies.

May nilad sa Singapore

NANGAHAS ang Kabataang Barangay sa Kamuning na tamnan ng kamuning ang gitnang bahagi ng lansangang Kamuning—nasalanta lang ang naturang halamang palumpon sa sibasib-usok ng tambutso. Kaya tiyak na maraming tagaroon ang hindi makakakilala ng Kamuning na mahalimuyak na ang bulaklak, napakafibay at marikit pa ang nangingitim na haspe ng kahoy nito.

Maraming taga-Cabuyao sa Laguna ang hindi kilala ang punong kabuyaw. Hindi makikilala ng mga nasa Apalit, Pampanga ang anyo ng puno o kahoy na apalit. Tambakan man ng quiapo ang mga nakatira sa Quiapo, hindi rin nila makikilala. Mabuti na lang, may dampalit pa raw sa Dampalit, Malabon. May mga punong talisay pa rin sa Talisay, Batangas.

Bet your balls, our amigos y amigas in Cunt, Spain are too familiar with that breathtaking sight. Or Fukue residents in Honshu, Japan have enjoyed seeing—maybe more-- such a delectably delicious spot like that.

Masaklap matiwalag ang pangalan ng lunan sa anumang bagay na pinagkunan ng pangalan nito. Parang halamang kinatkatan ng ugat, tiyak na maluluoy at tuluyang mamamatay. May mga makati pa sa Makati—tiyak na nagkakamot. May mga kawayanan pa rin naman sa Meycauayan pero wala nang bulakan sa Bulacan. Wala na rin yatang maaapuhap na tumutubong labong sa Malabon.

Wala nang maaapuhap na nilad sa Maynilad. Sa Maynila.

Bihira na o rare ang Scyphiphora hydrophyllacea, ang nilad. Wala man nito sa mismong lungsod na nagbabandila sa taglay na pangalan nito, meron namang mahahagilap sa bansang lungsod na Singapore na sinlaki lang ng Pasay pero may anim na oil refineries na nagtutustos ng panggatong na gasolina, diesel, at iba pang panggatong na petrokemikal sa buong rehiyon. Maiisip tuloy kung bakit pilit ipinagtatabuyan ng dating nakaluklok sa city hall ng Maynila ang mga imbakan ng petrokemikal sa Pandacan—naroon na ang mga iyon bago pa man sumambulat ang World War II.

Makabago man ang Singapore, may bahagi itong virgin rain forest na tahasang pinangangalagaan, iniingatan. Mauungkat na bahagi sa iniingatang likas-yaman ng naturang bansa ang gubat ng mga bakawan sa pampanging bahagi na kanugnog lang ng oil refineries. Huwag sana itong ikagulat ng dating pamunuan ng Maynila na pinagpipilitan pa nga na wasakin ang urban afforestation site sa gilid ng Arroceros, mabuti na lang at hindi nasalin sa anak ang trono.

Isang uri ng bakawan ang nilad. Kaya mahihinuha na kadatig lang ng oil refineries ang kinatatamnan ng mga nilad sa Singapore.

Iniulat ng mga dalubhasa na mahigit 50% ng pagkasalanta ng mga gubat-bakawan sa Pilipinas ay sanhi ng konstruksiyon ng mga palaisdaan—karaniwang sa tilapia, bangus, hipon, karpa’t plapla. Umaabot sa 450,000 ektarya ang magkasanib na lawak ng mga gubat-bakawan sa bansa noong 1920—132,500 ektarya na lang nitong 1990 at lumawak naman ang mga palaisdaan sa 223 000 ektarya.

Likas na pangitlugan at palakihan ng samut-saring biyaya ng dagat ang mga gubat-bakawan. Natural marine resource sanctuary na maaaring mas matimbang kaysa palaisdaan o man-made brackish water fishponds. Coastal water filtration system din ang gubat-bakawan—nililinis ang polusyon sa tubig, kaya nga mas mababa ang antas ng polusyon sa tubig-dagat ng Manila Bay sa bahaging Las Piñas at Parañaque. Meron kasing itinanim na suson-susong hanay ng bakawan doon.

Pakiusap na lang po sa pamunuan ng Parañaque at Las Piñas na bahagi pa rin ng Metro Manila. Humingi sana tayo ng maipupunlang nilad mula sa Singapore. Itanim natin sa pampangin ng inyong mga lunsod.

Para naman makilala ng mga taga-Metro Manila kung ano ang nilad—na angkin lang ang pangalan pero naglaho na ang kabuluhan ng pinagmulan.

Sarap mang-asar 'dre!

LALO na sa mga mahilig magmiron lang habang subsob ka sa ginagawa. Ganoon naman kasi ang kulturang panis ng Pinoy—sampay-bakod na nakatunganga kahit hindi naman inatasan na maging supervisor o magpalaki ng bayag habang nakatanghod sa may ginagawa. Pulos self-appointed consultants yata.

Marami na ‘kong kinunsultang medical specialists tungkol sa ganitong sakit. Pati sila’y hindi makapagbigay ng mahusay na diagnosis. Sakit ba ‘to? Attention deficiency disorder. Ang dami nila. Kulang sa pansin. Nagpapapansin. Their numbers run to epidemic proportions. Pharmaceutical companies ought to take note, do earnest research and development, turn up a drug or medication to remedy the malady, and rake in zillions of profits from attention deficiency disorder. ADD.

Kaya tiba-tiba ang negosyo ng business process outsourcing—‘yung call centers. Sangkatutak ang naghahagilap ng makakausap. Basta makakausap lang. There’s no honest-to-goodness dialogue ensuing in call center calls. Calls boys and call girls merely mouth sound bites from a script no longer than two pages. The sound bites don’t help at all—these are downright holding statements meant to addle maybe whack with oral paddle a help-seeker’s brains.

Believe it or else, call centers provide dirt-cheap therapy for those lonesome folks.

Mas tipid kasing makatanggap ng kahit katiting na mga salita kapag nambulahaw sa call center. Mas matipid kaysa, halimbawa lang, mangahoy ng makakadaupang-ari saanmang kili-kili ng Sta. Cruz., Maynila. O magbabad kaya sa VIP room ng naglipanang videoke joints. O tahasang umupa ng makakausap na seksi sa Classmate, Pegasus o Mystique kaya.

Mas katiting din ang abala kaysa pambubulabog sa radio station para bumati o magsampay ng opinyon, haka-haka at pala-palagay.

It’s not easy to find a bon vivant, a raconteur, a wit to engage in pleasantries and sensible talk.

Mayroon kasing mga tao na payak lang ang pamantayan sa mga nais nilang makatalastasan— ‘yung uri ng tao na talagang maipagmamalaki mo. Someone you can take pride in, be proud of having as company.

Siyempre naman, bawat isa’y may diskarte na para bang kompanya na naghahagilap ng kukuning tauhan para makatulong sa pagpapasulong ng kabuhayan at negosyo. Kaya kailangan talagang maging mapili sa pamimili.

Para laging sapak ang paksa ng talakayan at salakayan.

Madaling-araw nang dumating, lulan ng SUV ang dalawang pareha sa kalapit na silid ng tinuluyang bed-and-breakfast sa Tagaytay. Lumutang agad ang ingay.ng usapan. Walang kawawaan. Walang mapupulot na katuturan. Na madaling mahulaan ang patutunguhan— camaraderie or that which is mostly done without the raderie.

Madalas din naman akong maalok sa ganoong pakikilibing—na sa tulad nating mahiligin sa musika, hindi na aawit pa ng notang “pa” sa pakikilibing:

Patukso ang sambit: “Tatay, short time…”

Maagap ang sukli: “Anak, next time!”

Maiiwang humahagikgik sa tawa o mapapangiti ang nakausap nang iglap. Karaniwang hahabol, igigiit ang sarili para magkausap pa nang mas matagalan. Maraming uhaw sa usapan.

Sa natuklasan sa pananaliksik, pagkain ang nangunguna sa mga paksa na pinakamadaling magbukas ng usapan ng Pilipino. Sex naman ang nangunguna sa mga paksa na pinangingilagang mapag-usapan.

Pagkain at sex. Pinakamadali’t pinakamahirap mapag-usapan.

At kapag mabusisi sa pagkain, tiyak na subsob sa paghahagilap ng mga sangkap ng lutuin at putahe. At magiging abala sa kusina sa mga paghahanda ng ilalaman sa sikmura. Magiging bihasa sa samut-saring sangkap, masasanay sa iba’t ibang lasa’t linamnam na lalapat sa dila. At ganoon ang mga madali na maging kaututang-dila.

Sarap talagang mang-asar, ‘dre. Ayokong isiwalat ang wika ng katawan na nag-aanyaya sa umuusok sa pusok na harumpakan.

Invasion of EDSA

KABILANG sa mga itinuturing na mapanakop na halaman—invasive species ang tawag ng mga dalubhasa—ang cadena de amor. Kaya marahil isinalang sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue. Baka sakaling masakop nga naman ang mga nanlilimahid sa libag at nanggigitata sa dusing na mga haligi’t pader na nakasupalpal sa EDSA.

Mapanakop din ang kugon, talahib at buntot-pusa. Tiyak na may mga punlang sumakay sa hanging nasalaula’t napasadlak sa kahit munting puwang ng lupa, sisibol, mangangahas na umusbong. Pero sa buhos ng alikabok at lasong usok—tigok.

Mapanakop din ang ratiles at balite. Tiyak naman na may mga mayang mamindita na nagkalat ng kanilang dumi saanmang panig ng EDSA. Kalakip ng kanilang dumi ang mga punla ng ratiles at balite. May mga punla na napasiksik sa mga singit ng lansangan at inprastruktura. May mangilan-ngilang mangangahas na mag-usbong. Pero sa walang humpay na daluyong mula sa mga tambutso’t suson-susong alikabok at alipato na ihahagupit ng hangin, hindi makayanan ng ratiles at balite na makapagtangkay ni magsangay. Pulos punggok, nakukulapulan ng samut-saring dusing.

Tahasang inilagak ang mga punla ng cadena de amor o kawing ng pag-ibig sa mga inukit na pitak sa kongkreto, sinapnan ng tutubuang lupa. Nilagyan pa ng balag na magagapangan ng tatabal na baging. Para kahit paano’y magkabahid ng buhay na luntian sa may gitna ng lansangan. Para may tumitibok na kulay na maihuhugas at magdadampi ng lamig sa paningin.

Pero hihilahod sa anumang pagganyak at pagsulsol sa mga kawan ng cadena de amor na sakupin ang EDSA—kahit nga invasive species o mapanakop na uri sila.

Nangatuyo na ang mga naging magulang na bulaklak ng cadena de amor— nag-iisa pero naging malabay ang mga sangay ng pagbabaging nito sa hilagang silangang panig ng aming pamamahay. Walang humpay sa pamumulaklak ng matingkad na rosas—kulay na ayon sa mga dalubhasa’y malaking tulong para maging matalim ang pagtuon ng isipan sa mga gawain.

Kailangan nang putiin ang mga nangalaglag na tuyo nang bulaklak—na pawang naging binhi’t nagsimula nang magsiusbong. Kailangang itambak sa bulukan ng mga layak, tangkay at dahon upang maging maging pampalusog sa lupa. Kailangang tabasan ang mga nangatuyong sanga upang magbigay-daan sa mga bagong pag-usbong.

Naglipana ang mga laywan sa mga bungkos ng bulaklak ng cadena de amor—walang humpay sa kakatwang ugong. Mayroon ding ilang paru-paro, nangingitlog sa mga murang dahon. Magiging mga tilas o caterpillar na manginginain. Magpapakabusog. Saka hihimbing upang sa muling paggising ay maging mga paru-paro.

Mga laywan at paru-paro—sila ang sanhi kaya may kakayahan na maging mapanakop ang cadena de amor.

May mga kawan ba ng laywan na dumadalaw sa mga mapuputlang bungkos ng bulaklak ng cadena de amor sa EDSA? Mayroon din bang mga naliligaw na mga paru-paro upang maglagak ng mga sisilang na tilas na magiging paru-paro rin sa ganoong kahabaan ng lansangan?

Hindi man agaw-buhay, lagi’t laging nakasuong sa bigat ng pagdalisay sa maruming hangin sa EDSA ang mga kawan ng cadena de amor—mga uri ng halamang mapanakop, isiningkaw at tinatabunan bilang alipin sa bunton ng gawain.

God, what a meaningful life there is to the chains of love made to struggle through moment to polluted moment in a loveless highway…

Monday, June 04, 2007

Pinay moms rate an ‘X’

A PERFECT ‘X’ rating is still what the missus deserves even after going through the body-wracking ordeal of pregnancy capped by a high-wire act called childbirth—that wreaks devastation on her waistline, distends the pelvic girdle causing the bosom to swell out, so goes her figure. So I pried from a wizened comadrona cum apothecary the secrets of a quaint massage technique called kaban—literally “chest” which holds treasures usually, actually a euphemism for portions of the female anatomy showcasing the reproductive organs—to tune up, probably bring healing and tender loving post-partum care to the beloved.

Filipino moms nationwide also get an undeserved ‘X’ rating—that is, done in and crossed out as in a killer’s hit list. Pregnancy isn’t just about bearing life in mom’s belly—it’s a tightrope act, no nets most times as womb drops to tomb.

On any day, 10 Filipino mothers die. Culprit: childbirth and pregnancy-related causes.

“Ten Filipino fathers are also grieving everyday from such loss. Ten Filipino families everyday suffer from the inestimable economic, social and emotional loss. Since most of these mothers who die are among the poor and the poorest, the orphaned newborn babies will most likely not survive their first year of life. Every maternal death is a family tragedy, a neighborhood tragedy, a community tragedy.”

So laments extant Secretary of Health and current University of the Philippines-Manila’s Vice Chancellor for Research Dr. Jaime Z. Galvez Tan as he points out such daily deadly toll can be prevented.

“The Philippines does not need new technologies to prevent maternal deaths. The phenomenon has been studied well enough. The strategies have been laid out. What we need is courage, the commitment and the political will to act,” he avers.

Filipino mothers give birth to about three children. Every dead mother leaves behind three orphans. For 10 dead mothers that turn up daily, 30 children are orphaned.

Dead count aside, some 30 other mothers survive. Survive injured—debilitated by uncontrollable leakage of urine and feces resulting from obstetric fistula, infertility, and depression.

Unafraid for their lives but most moms are doubtful for their family’s capacity to feed, clothe, shelter and rear on to decent schooling another child. Thus, about 473,000 abortions occur each year in the Philippines.

“The tragedy is that the causes of maternal deaths are preventable,” stresses United Nations Population Fund (UNPFA) country representative Suneeta Mukherjee as she rues: “The greater tragedy is that these deaths are taken for granted; even though they occur daily, the whole year round.”

In face of such apathy and neglect, UNFPA strongly asserts that no woman, no Filipina should die giving life and points up to three pillars of safe motherhood, “cost-effective interventions that would cut down maternal deaths.”

The pillars of safe motherhood:
• Access to family planning enables a woman to decide when to become pregnant and how many children she will bear;
• Skilled attendance at birth that can avert four of five maternal deaths due to childbirth complications; and
• Access to emergency obstetrics care that can greatly reduce life-threatening delays.

For a country that conveniently tabs itself as Christian—whatever that means—even divine example speaks less volume than any peroration at the pulpit. The heart-meat of the Scriptures may point up family planning and replacement fertility, “For God so loved the world that He gave His only begotten Son…” but mortal teachings moored on more mundane grounds can dump divine example.

Thus, access to family planning is often barred and family planning commodity security placed at risk. Donated commodities such as pills, injectables and prophylactics have been gradually phased out since 2003. The final phase-out is set for 2008 and at the same time, the national government is no longer procuring contraceptives in keeping with a so-called “Pro-Life” policy.

However, family planning can save the lives of 150,000 women worldwide yearly. Birth spacing by at least two years means more than a million under five children saved each year.

Ms. Mukherjee notes an equally important fact: “Family planning also prevents recourse to abortion. In the Philippines, this could reduce, if not eliminate some 473,000 yearly abortions.”

Abortion can co-exist with the government’s hands-off stance on population concerns. But the most affected will be the poorest individuals and couples in the dirt-poor towns nationwide. As UNFPA data shows, the poorest 20 percent of Filipinos have a fertility rate of about six children compared to their desired number, about four. The haves usually have two children.

UNFPA projects the country would need an average of $2 million a year from 2007 to 2010 to import family planning commodities. These are to be given free or at subsidized prices for the poorest Filipino couples.

In providing skilled attendance at birth, Ms. Mukherjee points up UNFPA’s key focus on MOMS—midwives and others with midwifery skills, including nurses, physicians, and specialist obstetricians and gynecologists.

Properly trained, empowered and supported, “midwives in the community offer the most cost-effective low-technology, high-quality path to maternal health care. The midwife provides essential care during delivery, and can play several important roles by offering immunizations health education, family planning information and promotion on many aspects of healthy lifestyles.

“In fact, many obstetricians and gynecologists readily acknowledge that they learned their midwifery skills from midwives,” she notes.

As of 2004, DoH records show that there were 16,067 government midwives that typically endure low status, poor pay and a lack of support despite enormous responsibilities. The calling call for great stamina, physical and mental strength and the ability to be flexible and ready for the unexpected: an unbooked birth, undiagnosed twins, or complications of pregnancy, she relates.

Running EmOC

“While severe bleeding during childbirth results in the death of the woman in less than two hours, the window period for saving a mother’s life is 6-12 hours. This is where emergency obstetric care (EmOC) proves decisive,” she states.

In running EmOC, fatal delays can be reduced—“failure to recognize the danger signs of pregnancy and childbirth complications, lack of money to avail of emergency obstetric services, lack of transportation to the health facility; inadequate equipment, and lack od staff or inadequately trained staff at the health facility,” cites Ms. Mukherjee.


She informs that the DoH assisted by UNFPA, UNICEF, JICA and Plan International is “still in the initial stages of training health professionals for EmOC—90 obstetric teams have been trined, each team composed of a doctor, a nurse, and a midwife.”

For his part, Dr. Galvez-Tan is batting for a nine-point plan to ensure “quick wins” in enhancing maternal health in the Philippines. These include:

• Make every local government chief executive—at barangay, municipal and provincial levels—accountable for every maternal death that occurs within the political boundary as they are “powerful moblizers of resources, particularly transportation support, communication facilities, social and health referral system linkages and emergency fund allocations”;
• Deploy a trained health professional or a midwife in every barangay;
• Ensure community involvement in maternal care;
• Focus targeting on the poorest, least educated, the most hungry, the most isolated women of reproductive age;
• Establish a network of functional emergency obstetrical care services in key health facilities nationwide;
• Make quality family planning services and contraceptives available, accessible and affordable in all barangays;
• Install community-based financing schemes for maternal health complimented by PhilHealth’s Philippine Health Insurance Program;
• Ensure every girl finishes basic education; and
• Continuously improve the status of Filipino women.

Such quick wins coming at the loss of 10 Filipina mothers on any day ought to help “transform childbirth and motherhood to the valued, joyful moment that it should be.”