Friday, December 14, 2007

Rhyme doesn't pay

ISINULAT sa Kulamnista ni jorlem_mohn:

“I don't know how you do it. But man.. u'r a demigod.... I've always wanted to learn the art of writing.. And i am like a new born baby when it comes to this field.. But you.. You seem to know very well what it's all about.. I don't know if this is what you took up or if it's really runs in your blood... But i'm sure of one thing.. I AM A FAN...”

Tugon ng Kulamnista:

SA kalapit na kanal ng tindahan ni Inay sa Kalye Palomaria, Project 7 sa Quezon City nitong 1956 nang mamasdan sa kauna-unahang pagkakataon ang isang kumpol ng water hyacinth—namumulaklak. Mga dinukit na balintataw sa mata ni Argus ang nakatitig sa ‘kin sa mga bulaklak. Matamang nakipagtitigan. Nakahiligang gawi tuwing umaga ang pakikipagtitigan sa mga bulaklak ng water hyacinth.

Nakasagap na ng mga dagdag pang kakaibang gawi mula sa ganoong karanasan sapul kamusmusan. Natulad nga sa alamat ni Narcissus na nakagiliwan ang pananalamin sa sariling anyo sa bubog na tubig ng batis. Nabighani sa nakikita—talaga palang nakakabighani ang kiki.

At nabihag din pala ang batis sa balintataw ni Narcissus. Nasalamin din ng batis ang kanyang marikit na anyo sa mata ng kumag na ‘yon, mutual admiration society ang nangyari.

Sablay nga ang giit ni Friedrich Nietszche na makikipagtitigan ang hukay sa matamang nakatitig sa hukay—he who gazes into an abyss nudges the abyss to gaze into him. Higit pa roon ang nangyayari. Mayroong interface na nagaganap—mas masinsinan, mas masinop ang pag-ukol ng pananaw sa bagay-bagay, lalong nagiging malalim at matalim ang suklian-palitan ng kaalaman, katangian at kakayahan. Ganoon ‘yon. The process is straight out of quantum physics.

Sa ganoong balangkas mauunawa ang gawi ni O-Sensei Morihei Ueshiba na pagpupugay at taimtim na parangal sa araw tuwing bukang-liwayway—it’s looking up to a deity and seeing the myriad aspects of the Divine Creator become manifest in creation. Thus, everything in creation requites the adoration it has received. It’s the familiar theme-scheme of love begets love. That goes on an untrammeled roll in aubade or matins— the so-called silent time devoted to prayerful meditation at the onset of each day.

I am an agronomist by training and discipline—hindi talaga masinop na paghahalaman ang ibinabadya ng ganoong kataga. Tahasang pagsisinop lang ng kinatitindigang lupa. Maglulupa lang ako, sa madaling sabi. Sa lupa nakabatay ang paninindigan.

Ibabangon sa katagang discipline ang disciple o pagiging tagasunod ng natatanging daan at pamamaraan. Ibabangon din mula discipline ang isa pang kataga: descir o alamin, to know, to discern.

Tayo na mismo ang makakapansin na kulang ang Penoy bugok sa disiplina. Malalim yata masyado ang katuturan nito. Mauungkat na hikahos tayo sa paghakbang sa anumang daan at pamamaraan. Dahop din sa pagtuklas ng kaalaman—and every quantum surge in spiritual, social or economic standing stems from discerning knowledge. And that’s grounded on discipline.

Consider yourself looking at a mirror pool when you ponder upon the writing that I turn up. You will be rapt in your own beauty. You saw a demigod in the mirror pool. That’s you!


Nagsusulat lang ako sa ngayon—nagsimula pa nga sa pagsasalansan ng mga taludtod ng tula. Na nauuwi sa tuya. Pero sabi nga, rhyme does not pay. Sablay nga kadalasan ang pagbabayad sa mga nalalathalang sinulat but I’m not the sort to yield this bit of space. It’s something of a ground on which I can stand on and say my piece. I usually pack an ugly-looking, silencer-fitted Tokarev 9 millimeter as reliable piece of choice—apart from a pair of fan knives.

Sala’am at salamat sa iyong pagpapahalaga.

Mabuhay ka!

Wednesday, December 12, 2007

Gorilla in excelsis Deo...

CARDIAC arrest ye fat gentleman, so that ye can’t dismay…

Basta naulinig na lang ang paglutang sa karimlan at halumigmig ng gabi ng mga nakagiliwang awiting nakaukol, nakabukol sa Pasko. May mababanaag na kakatwang lamlam-lampara na sumisiyap yata habang sakmal ng dilim sa umiiral na panahon.

Lansag pati salansan ng titik ni Mang Levi Celerio sa kanyang “Pasko na namang muli”-- Naku, may coup, may coup na namang muli. Nasa Palasyo’y ngiwi’t napapaihi. Naku, may coup, may coup na namang muli. Pero hindi yata maaari.

Baka kasi lumabis na naman ang laklak ng aming iniirog na currant-flavored vodka. Kaya tigmak sa galak ang pagtaktak ng himig, pati sa mga ibinubulalas sa cajoling… quarreling.. Ano na nga ba ang angkop na katagang tumutukoy sa pananapatan sa mga bahay-bahay? Harana o harang na? Pangangaluluwa o luwa ang panga ng mga walang kaluluwa?

Kung anu-ano na lang ang ibinubunghalit kasi para makaamot ng kahit konting barya.

“Ang Pasko ay sumabit. Bonus namin ay inahit.”

Silent na. Nahuli na. Oil is high. All can sigh ‘round yon pump prices high. Luli’t impaktang nanay ay nakakahimatay…”

Wreck the polls with Hello Garci, fa-la-la-la-la panalo na. ‘Tis our reason to be jolly, tulala sila natalo pa!”

“Satan’s claws are coming.. kantutown!…”

“We wish you a messy crisis, we wish you a messy crisis, we wish you messy crisis and a used underwear.”

Pati ba naman mga nabibilang sa tinatawag na kapisanang linis-tubo’y binabago ang “Whispering Hope”—Supsop the boys?

Kahit na ano pang pangkat at pulutong na aalulong ng mga napapanahong himig sa tapat ng aming tahanan, lagi’t lagi namang sasabihan ng madalas ding iungot sa mga seksing tindera saanmang palengke dahil nais naming makatipid at matabtaban nang kahit kaunti kahit kapiraso lang naman ang nakakasindak na taas ng halaga ng mga bilihin pero hindi naman itinataas ng tindera ang kanyang palda at ibinababa ang kanyang panties, este, hindi naman itinataas ang sahod at ibinababa ang presyo ng bilihin:

“Patawad po.”

Saka dudugtungan: “Kung ang isang Erap na hinatulan na ng Sandiganbayan sa salang pandarambong at pangungurakot sa salapi ng taxpayers ay pinapatawad, kami pa kayang kawawang taxpayer ang hindi bibigyan ng patawad?”

Kapag may umuungot naman ng regalo o may kalabit-penge na nagpapahiwatig na mabigyan ng kahit duling na singko, tiyak na hihirit ng ganito: “Merry Christmas, sir.”

Kagyat na susuklian naman ng ganito: “Happy Valentine to you, too!”

Saka ipapaliwanag sa kumag na lubhang mapanganib ang yugtong ito ng panahon—maligayang ika-47 kaarawan nga pala sa aking kampon sa Journal Online, si Oliviaria Manaois na sa mismong pinakamaikling araw sa kabuuan ng bawat taon o winter solstice ang kapanganakan—at laging nakaamba ang makayanig-bulsang kapahamakan lalo na kapag sinalakay na ng mga inaanak na iisa lang ang ihihirit, “Money po ninong!” habang nagbabanta naman ang napakaraming pagkakataon para sumibasib ng lamon kaya sandamakmak na triglycerides, low density lipoproteins, at samut-saring lason ang sasalin sa katawan na karaniwang magiging sanhi ng ataque de cabeza y infarto, diabetes mellitus, constipation, erectile dysfunction, flatulence, acute income deficiency syndrome, cash shortage, at iba pang kahindik-hindik na pinsala sa katawan.

Lilinawin sa kausap na mas mainam pa rin ang Araw ng mga Puso. Solamente coño aguado es servido. Malinamnam na, healthy eating pa.

Saturday, December 08, 2007

Tinubuan ng tahid, tinubuan ng sungay

NAGBALIBAG-BLOG pa siya bago lubusang lumisan. Atake de cabeza’t samut-saring pinsala sa menudencia—end organ damage-- ang humigop sa kanyang huling hininga, kabilang sa mga sinaklot at sasaklutin pa ng walang pangiming pagkain.

Pinatulan pa ang pakulo sa Peninsula nina Trillanes—na ikinibit-balikat lang namin ng balikat ng mga katoto sa tunggaan. Humahakbang kami sa iisang panahon-- pero magkaiba ng landas, magkaiba ng antas o taas. Kaya magkaiba ng tanaw sa anumang nagaganap. Kung banta sa demokrasya ang tingin niya sa gaya ni Trillanes, singaw na butlig na lang sa paningin namin ang ganoon. Kung sa sakit, palatandaan na lang ng mas talamak na pinsala—end organ damage.

Katangian mismo ng mga tao ang nagtatakda ng katangian o katangahan ng demokrasya’t anumang paiiraling paraan sa pamamahala.

Madaling humagilap ng matingkad na halimbawa.

Ni sampirasong identification card, hindi inungkat kay Yoyoy Alano sa kanyang buwanang walang sablay na deposito ng pondo sa sangay ng isang bangko sa kanilang bayan. So the bank factotums knew the regular depositor’s face like the palms of their hands they masturbate with.

Santoneladang identification cards ang hinihingi kay Yoyoy nang minsang mag-withdraw siya ng pondo—ni hindi naman isasara ang bank account. Walang maipakitang pagkakakilanlan, pero tuwinang nakasupalpal naman ang hilatsa ng kanyang pagmumukha sa mga kawani ng bangko sa kanyang regular na lagak ng impok.

Payak na payo ang ibinigay: Since no one can positively identify you in that bank, we might as well do regular informal withdrawals—yeah, rape, robbery, whatever wicked fancy that can be done on those comely tellers and the bank itself. Their convoluted sense of identifying customers is a tempting go-ahead to the criminally minded. And who can resist temptations for such fierce pleasures?

Divine intent or lofty content of every whit of rule and regulation hinges on people
Hudas the implementation.

Democracy can be a government of the people, by the people, and for the people—if there are genuine people in it
. Hindi naman tayo masinop sa ungkat at halungkat ng pagkatao.

Kaya nga matindi ang pamantayan ng pagiging Tao sa sinaunang obra daw ni Lao-Tse, ang Tao Te Ching—hindi basta nagkantutan, nagkabuntisan, inilabas sa puwerta, tao na.

Baka anyo lang ang sa Tao. Dapat na maungkat ang pagkatao. Hindi lahat na anyong tao, maituturing na tao. Paano kung mas marami sa mga naglipana saanman—sa gobyerno’t sa mga sambahayan saan-saan-- ang hindi talaga tao kundi hunyango?

Matagal na kaming tinamad sa pagsisiyasat sa mga nakatindig na pamamaraan at institusyon—dambuhala ang mga sukat. Kung yayakapin at iinuhin, baka matulad lang kami sa kuwentong bayan ukol anim na bulag. Kumapa sa elepante. Tama silang lahat sa natuklasan. Pero mali pa rin silang lahat.

Kaya marahil pagkatao’t pekpek na lang ang nakakahiligang kapain—madalas na tama. Matapos ang ganoong pagsisiyasat, madalas din ang toma.

Nakapagbalibag-blog pa ang dating katoto bago tuluyang lumisan. Nahapyawan ko pa ang kanyang anyo nitong nakaraang Setyembre sa isang piging—sa Manila Peninsula rin. Hindi ko na siya nilapitan. Nagsisimula na ang pagsingaw ng sansang mula end organ damage. Nahihimay nang unti-unti ang kalamnan sa loob ng katawan.

Maihahambing sa unti-unting naaagnas na pagkatao ng mga kunwang tao. Oops, nahapyawan ko pala minsan ang katuturan ng katagang “sangkatauhan” sa Qur’an—alamin! Alam = mundo. At lumilitaw na kabilang ang mga djinn at maligno, engkanto, hayup, halaman, at samut-saring anyo ng buhay sa buong mundo.

Kaya yata nahihilig kami sa kamunduhan…. Marami pa kasing hindi alam.

Ya Allah rab al-Alamin!

Friday, December 07, 2007

'Yung mga pusang gala

NAPABALIKWAS ako, alas tres yata ng madaling araw, nag-usisa sa sarili: “Sa’n ako naro’n?”

Todo bangenge pala sa toma nitong nakaraang gabi, nabitbit na lang ako ng Ninong Conrado mo sa bahay niya’t baka may makadyot o malaplap na naman ako—kabi-kabila kasi ang dala kong balaraw na bawal raw sa lukbutan. Umiigkas na lang. Susuksok, kakayod sa laman. Udyok yata ng muscle memory—bata pa ‘ko nang masanay kumatay ng baka’t baboy, menudencia’t leeg ang nilalapa.

Kapag ganoong oras bago magbukang-liwayway, mararamdaman kasi sa paanan ang dampi ng katawan ng pusa—karaniwang si Shampoo o si Bhatman ang nakabaluktot sa aking paanan. Baka hinihitit ang pumasok na singaw ng lupa sa aking katawan. Posible rin na pinapalis ang mga masamang alimuom na nasagap ko sa buong maghapon.

Naglunoy kasi kami sa usapan ni Ka Teo—tatlo ang naging supling nila ni Sol, bunso na lang ang nagkokolehiyo’t tiyak na papalaot din sa trabaho kapag nakatapos. Maiiwan silang magkabiyak sa kanilang lunggang condominium unit sa Buendia Avenue, Makati. May kani-kaniyang buhay na ang mga dating paslit.

Bahagi ito ng pagsuong sa dapithapon ng pamumuhay. Dapat lang na ilaan sa mga talagang mahal sa buhay ang buong panahon. ‘Yung mga tapat na katoto, kaibigan, at kapilas-puso. It’s an enriching investment for such a priceless thing as time.

Pareho kami na Ka Teo na dumaraan sa ganitong karanasan. Paparating pa lang sa ganitong yugto ang Ninong Conrado mo—dalawa ang supling, kapwa nasa kolehiyo na rin. Kaya subsob naman siya sa samut-saring pagkakaabalahan bukod sa hanapbuhay namin sa pagsusulat, pananaliksik, pagkalap ng dagdag pang kaalaman. Dito na kami nakatutok.

Aso’t pusa na lang nga ang mapag-uukulan ng aruga’t pagsubaybay—may sinsing umano si Haring Solomon na nagbibigay sa kanya ng kakayahan para maunawa’t makipag-usap sa iba’t ibang hayup. Iba pa rin ang mga abang animal. Kung anu-anong larawan ang kanilang ibabangon, pupukawin sa ubod ng kalooban. Lalo na sa tinatawag na earth energy center ng katawan, ‘yun bang root chakra sa gawing pinakatuntungan ng gulugod. At malakas ang kutob ko na nagbibigay ng energy supplements at pangontra sa kanser ang mga kumag na pusa. With their proverbial nine lives, they’ll be wont to spare some for their keepers.

May isa sa mga naiibang nobelang pangkomiks si Mars Ravelo. Nahapyawan ko nitong 1960s. Tungkol sa padre de pamilya na binigyan ng kapangyarihan para marinig ang iniisip ng bawat nilalang—kabilang na nga ang mga hayup. Halos sumambulat ang bungo niya sa salimbayan ng walang patumanggang ingay. Walang humpay ang ragasa ng mga kawan-kawan, kawing-kawing na alalahanin at pangamba. At nagkagutay-gutay na masahol pa sa basahan ang tiwala niya sa kapwa-tao. Pawang paimbabaw lang ang pakikitungo. Natatangi ang kanyang alagang aso. Talagang nagmamahal sa kanya—unconditional love, walang bahid ng imbot at pansariling kapakanan. Ni hindi umaasam na bibigyan ng pagkain.

Sina Mischa, Oca’t Monster ang katabi ngayon sa pagtulog ng tatlong kumag na kuting na pawang itim—Marduk, Zahrim at Zahgurim. Bagong karanasan para sa mga aso natin. Magkasiping man sa pagtulog, hiwalay pa rin sa pagkain. Minsan nang nakatikim ng walang patid na halihaw-kalmot si Oca kina Shampoo at Pin-yin nang tinangkang sagpangin ang isang kuting. Napaihi sa hapdi si Oca. Halos humagulgol.

Tuwing babati ako sa umaga’t kay Amaterazu O-Kami, hangos na sasampa sina Marduk at Zahrim sa akin—nakakatuwa ang mga lekat. Ah, such tender unconditional love nudged with tough tendril talons.

Kuhollywood

HINUHUBOG daw ng media ang kaisipan ng balana. Baka naman hinuhubog na ng balana ang kukote ng nasa media. O baka aarukin muna ng media ang umiiral na katangahan ng tanan. Saka aangkupan ng katangahan. Bigay-hilig.

Kung ibabatay sa paliwanag noon ni media guru Marshall McLuhan na bawat umaga’y maglublublob para maligo sa media ang balana, maiisip na mas marami yata ang nais maglunoy sa kumunoy. At mas marami ang nais magtampisaw sa lubluban ng kalabaw. Hindi masaya ang sanghaya ng katotohanan.

Kaya nga ipinahiwatig na sa uhuging ‘yon sa aming e-mail group ang paraan para maisupalpal sa bahalanang mambabasa ang nauukol at mailululan sa kanilang kinauululan.

Ipilit, ipilipit at ipihit kahit na usaping pamayanan at pangkabuhayan sa mga artista’t sikat na hinahangaan. Ayaw namang maniwala ng kumag. Na tiyak sisipsipin ng tanan ang bawat makabuluhang usapin kung ihahain bilang kakaibang putahe ng pagkain na nanggigitata sa gata: Kuhollywood!

Dull it may sound. Aba’y katunog niyon ang may pinakamalaking bilang ng mga nakasubaybay na Penoy bugok sa buong daigdig. Mantakin naman. Saanmang singit, tumbong at kili-kili ng daigdig na may Penoy bugok.

Curry favor—and exotic flavors—with the teeming maggots of Penoy bugok readers the world over, try Bulbollywood!

Or go dog-rabid, spread a plague of lockjaw among the more numerous audiences shocked and awed at every tidbit of trivia swirling like sewage on entertainment celebrities—Kahollywood ulollywood!

It’s a tack not easily taken.

Huwag nang pansinin pa ang lapidang isinalampak ni H. L. Mencken sa inilathala niyang pahayagan noon pang 1912, “Katumbas ng isang sibilisadong mambabasa ang sanlibong walang laman ang ulo.” 1:1,000? But we favor quantity over quality these days. Parang hindi na angkop sa ating kasalukuyang sabilisasyon—pulos bili—at destabilisasyon ang ganoong pagsukat sa nalalaman at nilalaman ng mambabasa.

Sa makulay na mga salitang madalas masambit ng yumaong Damian Sotto nitong mga taon ng 1950 hanggang 1960 sa himpapawid para mapukaw ang mga tagapakinig: “Hindi ko sinasabing mga hindot kayo!”

Kaya dapat maibunyag sa balana ang talagang sanhi nang muntik nang itapat sa kaarawan yata ni Andres Bonifacio ang namputscha talagang agaw-eksena ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Makati Peniskula. Para magdiwang, magpugay sa pangalan ng naturang bayani. Andres = maghubo’t hubad. Bonifacio = ibuyangyang sa madla ang kanyang itinatagong buni! Show and tell on nationwide TV coverage!

Para makapag-ulat, gagayahin naman ng sandamakmak na peryodista ang pahiwatig sa pangalan ng isa pang bayani—Jose Rizalsal!

At tiyak na mapupukaw ang pag-ibig sa sariling bayan ng sambayanan na nais lumipad-dumapo sa Amerika.

Ihiwa rin sa pahiwatig na baka hindi binayaran ng P100 ang 12-anyos na batang taga-Davao kahit ilang ulit na siyang tinitikman, gagamitin pa naman sana niya sa school project ang P100 na laspag isang araw sa sinumang talamak ang pagiging text maniac sa pakikipagdutdutan ng kung anu-ano lang. May magpapakamatay na pala sa ganoong halaga…

Teka, matagal nang idinikdik ‘yan ng mga mananaliksik ukol sa mind-set ng mga hikahos—homicidal-suicidal. Mahirap na raw kasing mabuhay sa ngayon pero konti lang sa kanila ang nagpapakamatay. Laging maghahanap ng damay.

(Samantala, nakatunganga pa rin ang sumusubaybay habang nagsusulat ng pitak na ito. Ganoon at ganoon sa buong maghapon at magdamag ang inutil na ‘yon… Nakatunganga. Pensionado ng OFW. Walang sariling pamumuhay na tututukan kundi pamumuhay ng iba. Penoy bugok din po ‘yon, ni hindi nga inaalam kung ano na ang nagaganap sa bansa at sa mundo, aasahang uungkatin ng kupal na ‘yon ang usad ng sariling pamumuhay?)

Dapat na maaliw ang balana na kinabibilangan ng Penoy bugok na nakatutok sa pagsusulat nito. Kailangang maghagilap ng mga kakaiba’t kakatwang sangkap para maihain, maitapat sa kanilang natatangi’t pihikang panlasa.

Dapat itampok para sipsipin ang kuhollywood!

Itanghal at ibandila ang ulollywood!

At huwag na huwag kaming sisihin kung bakit naglipana na ang mga gunggong at tanga—dahil ganoon talaga sila, mwa-ha-ha-haw!

Kunsintidor lang po kami.

Wednesday, October 31, 2007

Gaya mo ba 'to?

GAYAHIN. Tularan. Sundan. Kung ano ang ginagawa at paiiralin ng isang tinangkilik ng madla, gagagarin na rin ng iba pa para matangkilik rin. Hindi dapat maging iba, liban na lang sa sasalpakang lugar—ganito yata ang makikiangkas na lang sa franchise, sasakay sa tagumpay ng iba.

Parang cloning—pararamihin ang kopya ng isa na kilalang-kilala ng balana. Kuntento na ang mahilig manggaya sa ganoon. Gaya-gaya puto maya, h’wag ka nang mag-aksaya.

Pero sa mga ibig maging iba, talagang it pays to make a difference. Why, cloning is a mode of asexual propagation and isn’t necessarily as satisfying and sexually challenging as the old-fashioned coupling to spring forth a brainchild.

Limang buwan mula Nobyembre hanggang Marso, sarado ang No. 1 restaurant sa buong daigdig. Matatagpuan sa Spain—ang El Bulli. Pitong buwan lang nakabukas. Para sa mga panauhin na kailangang kabilang sa reservation list—guests have to make reservations a year or so in advance. Ganoon ka-astig ‘to.

So it’s closed for five months every year, can that enterprise still make truckloads of money? They still can. An elite clientele the outfit caters to are coughing truckloads. They keep coming back to shell out some more for a fill of “unexpected contrasts of flavor, temperature and texture. Nothing is what it seems (in a cuisine meant) to provoke, surprise and delight the diner."

El Bulli isn’t likely to have itself cloned, ply out multi-million dollars worth of franchise to eager beaver takers out to cash in on the outfit’s reputation that it has built and earned for itself.

Pila-balde rin ang mga naghahangad na bumili ng pinakamasarap na serbesa sa buong daigdig. Alinmang panahon, anumang pagkakataon laging mas marami ang mamimili kaysa maipagbibili sa naturang serbesa—ni wala nga yatang tatak, non-branded.

Ni hindi nga alintana ang papasok na kita mula sa ordinaryong produkto na magagawa palang ekstra-ordinaryo. Cistercian monks ang gumagawa ng naturang beer sa isang monasteryo sa Belgium. Bahagi lang ng kanilang matinding disiplina ang pangangalaga sa mga pananim na magiging sangkap sa naturang inumin. Kakatwang pagpanday ng katauhan at pagtugon sa mga pangangailangan ng kaluluwa’t isipan—laborare est orare, orare est laborare. Ang gawain ay dalangin, dalangin ay gawain.

And in sustaining the demands of the spirit through earnest work, the by-product turns out to be a much sought-after drink, maybe nearly equal to the alchemy plied out by the Master in a wedding at Cana when he turned pronto water into wine.

We’re likely to turn water into whine.

Mayroon kaagad isasangkalang dahilan. Hindi kakayanin. Mahirap gayahin ang mga ganoong nagawa na—world-class, world-beater. Iba na nga naman ang sigurista’t oportunista, sasakay sa tagumpay na nagawa ng iba. Mas madaling maging kaliskis o balakubak ng lumalaking dambuhala, kaysa maging ulo ng sisiw na hindi tiyak kung bubulas na manok, uwak, limbas, lawin o agila.

Mas madaling maging clone—kayang-kaya kahit kinakapos na sa libog, nanlulupaypay na ang utog, kahit may erectile dysfunction.

Mas mahirap yata… Pero mas masarap at mas masayang bumarukbok. Mag-aruga’t magpalago ng sariling supling. Ganoon yata ang diskarte ng astig na entrepreneur. Barako sa sariling negosyo.

Sapul 1890s, nagpalipat-lipat lang sa ibang lugar ang Wah Sun at Ambos Mundos na magkaharap ngayon sa bunganga ng Florentino Torres sa Sta. Cruz, Maynila. Kahit antigo na, dinadagsa pa rin ng mga parokyano.

Sapul 1900s, nanatiling nakatindig ang Ma Mon Luk na mami’t siopao lang ang handog sa balana—ni hindi naisipang ikalat ang lihim na mga sangkap ng sabaw sa mami, ni hindi naakit na makisakay sa franchising bandwagon.

Antigo na sa Binondo, Maynila ang Smart Panciteria pero lumipat nga sa Libis, Quezon City—sinundan doon ng mga nawiwili sa kangkong in lechon sauce.

Alin kaya sa mga astig na ‘to ang kaya mong gayahin?

Mga halamang pampalibog

VAGINARIAN, oops, vegetarian nga pala ang karamihan sa mga Pilipino sanhi ng walang patumanggang lantak sa pambansang pagkain—parang sinabawang gulay na instant noodles na karaniwang P5 sampakete na mula sa trigo’t tinambakan ng kung ilang pabrika ng kemikal na pampalasa’t sinalpakan ng tatak “Sangkap Pinoy” ng Department of Health. Pero hindi maliwanag kung ano talaga ang sangkap na ‘yon. Na baka naman giniling, pinatuyo’t pinulbos na laman-loob ng mga natigok, hinango mula iba’t ibang punerarya, pwe-he-he-he!

Buwan ng nutrisyon ang Hulyo na kaarawan ko ang huling araw kaya inaanyayahan ko kayong lumapang ng mga pagkaing umaantig at umuuntag sa utog:

1.Anis (Pimpinella anisum) na nagtataglay ng masamyong langis na pampasigla at mahusay sa sikmura na nasa dakong itaas ng puson na ang nasa dakong ibaba ay hindi amoy anis minsan yata’y panis.

2. Asparagus (Asparagus officinales) - Pampaihi, nagpapasigla sa bato—pero wala talagang remedyo para sumigla ang batugan—at pinaniniwalaang ang mga mahilig kumain ng asparagus, mahilig ding kumain.

3. Arabika (Coffea arabica) Sagradong inumin ang kapeng Arabika sa mga Muslim na Sufi mula Africa. Para sumigla ang utog, timplahan ng cardamom at pulot ang lalaklaking kape. Pangontra din sa diabetes mellitus at alta-presyon.

4. Avocado (Persea americana) Mayaman sa unsaturated fat na ubrang hatakin pababa ang antas ng masamang cholesterol. Pantulong para maisalin sa dugo ang sustansiya ng iba pang gulay at bungang-kahoy. Ubrang gadgarin ang buto nito’t gawing tsaa. May katangiang maglaglag ng nabubuong bata sa matris. Pampasigla ng katawan.

5. Basil o balanoy (Ocimum sanctum) Itinuturing ng mga Hindu na halamang banal, iniaalay sa bathaluman ng kariktan at kasaganaan, si Lakshmi at kabiyak niyang si Vishnu. Karaniwang nakatanim malapit sa mga altar. Pananim din sa paligid ng pamamahay upang maging tanod kontra sa inggit at masamang pita ng mga kapitbahay. Ginagamit na butil ng dusaryo ang kahoy nito. Kumain ng isang dahon bawat araw upang manatili ang kalusugan, magaang na pamumuhay at mataas na sigla ng utog.

6. Bawang o garlic. Pampasigla. May katangiang antibiotic, Ginagamit nang pampalibog sapul ialay ito ng mga Romans kay Ceres, bathaluman ng fertility. Para lalo pang sumipa ang utog, kailangan daw ituwang sa wansoy o coriander na masarap na sawsawan sa inihaw na hito, dalag o bangus.

7. Kakaw (Theobroma cacao) Feel good food ang sikulate na mula sa pinulbos na buto ng kakaw. Nakapagtataka nga na samut-saring astig na produkto mula kakaw ang nalikha ng Belgium at Switzerland—na hindi naman mga bansang tropiko’t umaangkat lang ng tone-toneladang buto ng kakaw sa mga bansa sa Africa. Karaniwang sikulate at bungkos ng rosas ang iniaalay sa kasintahan o kabiyak para maging pasakalye sa biyakan. Itinuring na “pagkain ng mga bathala” ng sinaunang Aztec sa Mexico. Pambayad noon ang mga buto ng kakaw sa mga pokpok. Nagtataglay ang kakaw ng theobromine, caffeine, at phenylethylamine. (Pampatindi din nga pala ng libog ang ensaladang bulaklak ng kakawate o madre de kakaw na karaniwang panlilim sa pananim na kakaw.)

8. Cardamom (Elettaria cardamomum). Pampaganang rekado na inilalahok sa kape para tumingkad ang paghuhuramentado ng singkapan na nakapagitan sa nag-uumpugang hita.

9. Carrot (Daucus carota). May beta-carotene na, may Vitamin A pa ang ugat na gulay na pampalinaw ng mata para lubusang masipat ang karaniwang kinakapkap at kinakapa-kapa sa dilim at mga bahaging nakalublob sa karimlan.

9. Durian (Durio zibethinus). Mala-krema ang lamukot nito na matindi man ang alingasaw sa kakalkal sa mga dinding ng ilong, malinamnam naman ang hagod sa dila. Talaga namang sa kung saan-saang liblib na sulok at singit inihahagod ang dila.

10. Mustasa (Brassica nigra) – Pampatibay ng paninindigan, pampasigla ng kuwan at talagang masarap ang hilaw na dahon ng mustasa na pagbalutan ng tipak ng inihaw na hito at burong Candaba o balaw-balaw na hawig sa amoy ng pekpek ang halimuyak. Masarap ding ihalo ang burong mustasa sa pritong itlog. At muy siempre, panalong kalahok ng sinigang na kanduli sa miso o ginataang tambakol na maraming kalahok na sili.

(Abangan ang susugod na kababata!)

Gutom sa madaling-araw

NAKATULUGAN na ang panonood sa mga nalalabing tagpo ng pelikulang Night of the Living Dead ni George Romero. Sa karatig na bulwagan ng National Press Club, walang humpay pa rin sa paghimay ang mga kabungguang-bote sa isinalampak na pasya ng Sandiganbayan kay Erap Estrada.

Ikalawang gabi ng Ramadhan nitong Setyembre 14, ni hindi makadungaw sa maulap na kalangitan ang talim na lingkaw ng bagong buwan. Gamit sa pag-ani ng butil ang lingkaw o kujang—at kabilang yata sa mga ginilit sa gapasan ang leeg ng dating artista.

Dalawang pantig ng katagang Ramadhan ang pilit namang sininop. Matagal nang nakalibing ang tahasang katuturan ng ‘ram’. Kailangan pang hukayin. Kabilang ang pantig na iyon sa may 48 butil ng mga punlang pantig na tinuhog bilang bungo, naging kuwintas ng bathala ng pagpuksa’t pagkakaloob ng kapangyarihan. Nasa kuwintas ng mga bungo ni Kali.

Liyab ng apoy ang maipupunlang butil ng ‘ram.’ Inihahasik sa pitak ng puso upang lubusang maglagablab. Upang maging masigla ang pagliyab sa pagpintig at dumaloy na apoy hanggang sa pinakamaliit na ugat na nagsalabat saanmang bahagi ng katawan.

Apoy sa dibdib ang ‘ram.’ Matimyas na galak ang lubusang katuturan. Delight!

Maaari ring paigkasin ang naturang apoy para lubusang matupok, maging abo ang makakatunggali. Magagawa lang iyon kung may naihasik na’t pinalagong mga butil ng ‘ram’ sa mga liblib at kubling pitak ng dibdib.

May adhan sa Ramadhan—limang ulit sa bawat maghapon at magdamag na mauulinig ang panawagan mula sa mga mosque. Limang ulit bawat araw na uuntag at aantig:

“Allahu Akbar. Allahu Akbar.Allahu Akbar. Allahu Akbar.Ash-hadu an la ilaha ill-Allah. Ash-hadu an la ilaha ill-Allah.Ash-hadu anna Muhammad-ar-Rasoolullah. Ash-hadu anna Muhammad-ar-Rasoolullah.Hayya 'alas-Salah. Hayya 'alas-Salah. Hayya 'alal-falah. Hayya 'alal-falah.Allahu Akbar. Allahu Akbar.La ilaha ill-Allah….”

Ramadhan. Matimyas na galak sa panawagan upang mag-alay ng panalangin. Maliyab, marikit na paghahasik ng panalangin sa Maykapal.

Agaw-tulog na’t ilang ulit na kinukusot ang mga mata habang nakatambad sa TV ang ilang huling tagpo sa Night of the Living Dead—there they are the dead driven by mindless hunger to eat the living and here we are the living driven by similar mindlessness to feast upon chunks and morsels off the dead…

Sa ikalawang palapag ng dating Good Earth Emporium sa Sta. Cruz, Maynila: hindi nakayanan ng katawan ng isang dalaginding na Muslim ang unang araw ng ayuno. Nanlupaypay. Pinauwi ng kanyang pinaglilingkuran upang magpahinga’t sanayin ang katawan sa paghuhumiyaw ng isaw sa pagkain.

Nabanggit naman ng aking suki sa DVD na instant mami ang nilantakan niya kanginang takipsilim,,, iyon ang nakayanan ng kanyang bulsa para maisapin sa sikmura. Aniko’y tigmak sa pampalasang kemikal at samut-saring asin ang instant mami. Parusa lang sa bato, sa atay at sa puso. Dapat ituring na haram.

Aniko’y murang mura lang ang cracked oats na pagkain talaga ng kabayo—kaya naman matibay sa gutom at kumakayod pa rin kahit gutom ang kabayo. Hindi rolled oats kundi cracked oats na mabibili sa mga tindahan ng sangkap na gamit sa panaderia sa Quiapo. Gawing lugaw, samahan ng pasas—na sagana naman sa bio-available iron o bakal na kagyat na maisasalin sa katawan. Abot-kaya rin ng bulsa ang pasas. Sa mga ganoong pagkain may itatagal ang katawan sa maghapong ayuno.

Nakatulugan ko sa takipsilim matapos ang ikalawang gabi ng Ramadhan ang mga patapos na tagpo sa Night of the Living Dead. Papaidlip at nauulinig ang balitaktakan sa naging pasya sa dating artista. Na matatandaang nagpahain at lumantak ng lechon de leche sa isang kuta ng mga Muslim sa katimugan.

Power trip

KUNG sila raw ang masusunod, huwag na lang daw akong magtungo sa isang lalawigan sa katimugan para magkalkal ng maiuulat. Sila: isang fiscal na nakatalaga sa Taguig, isang information officer sa Kamara’t isang hepe ng tanggapan sa LTO.

In vino veritas—katotohanan ang ilalagaslas ng alak, magsalitan man ang dilim at liwanag. Light beer sa kanila, dark beer sa ‘kin nang magkaumpukan sa bungguang-bote’t palitang-kuro.

Talamak daw sa power trip ang pulitikong warlord na namamayagpag sa lalawigan doon. Nakabukakang lihim sa tanan ang mga kabulukan at katiwalian sa pamamahala nito. Pero naka-zipper naman ang bunganga ng lahat ng nasasakupan. Walang magtatangkang magbunyag.

Walang pangimi kung magtumba ng sinuman ang mga kampon ng naturang political warlord.

‘Kako’y laging dumarating, hindi mapipigilan kahit hindi inaasahan ang tinatawag na Gottardammerung. Iyong takipsilim ng mga namamayagpag na bathala. Si Ambrose Bierce yata ang nagsabi: mahusay na umiiral ang timbangan ng kapangyarihan sa demokrasya sa pamamagitan ng checks and balances at paminsan-minsang pagliligpit ng mga pinuno—assassinations.

Mapalad pa ang alkalde ng isang bayan sa Laguna na napapaligiran ng walo yatang alalay. Nadamay ang mga nakapaligid na alalay nang paslangin ang alkalde. Ni hindi na natugis, ni hindi pa rin nadadakip ang mga salarin.

Maliwanag ‘kako na hindi mapapangalagaan ng sandatahang alalay o kahit pribadong hukbo ang kapangyarihan ng pinuno. Sablay ‘kako ang ipinagdidiinan ng mga nasa Kaliwa. Na ang kapangyarihang pampulitika’y bumubuga sa nguso ng baril.

Mayroong tinatawag na backfire. May misfire. Meron ding tumitimbuwang kahit sa friendly fire.

‘Kako’y mahirap panghawakan ang poder o kapangyarihan. Payo nga sa Spiderman, with great power comes great responsibility. Kung hindi rin lang mapapanghawakan na mahinusay, may pagsasaalang-alang at ilalaan sa mainam na paglilingkod, makabubuting isalong na lang, isuko ang taglay o kinamkam na kapangyarihan.

Payak lang ‘kako ang kahulugang ng kapangyarihan—kakayahan o kaalaman para may mangyari, maganap, magawa. Power boils down to making things happen.

One of the most powerful people I’ve stumbled into in the last few decades wasn’t obscenely rich to plunk down money, rip up the grounds and desecrate horizons with a proliferation of ugly malls. She didn’t store up an arsenal of firepower to arm an army.

She was a homely old lady who gave up her powers—she practiced a dark sort of witchcraft.

P20,000 lang ang katumbas ng sinuman na ipaliligpit sa pamamagitan ng kanyang kakatwang poder. At marami siyang nailigpit. Paktol daw ang kanyang pamamaraan sa pagkulam.

Buong pangalan lang ng biktima ang kailangan. Ni wala nang matagalang reconnaissance o surveillance para matukoy ang mga kahinaan ng ililigpit. Paliwanag nga ng payaso sa dulang Los Intereses Creados ni Jacinto Benavente: “Tengo cualquiera al alcance de mis versos.”

Sa madaling sabi, mahahagip ang sinuman sa sunggab ng mga taludtod. Kahit ‘yung tinatawag na in absentia o nagtatago sa kung saan-saang lupalop tulad nina Jocjoc Bolante at Hello Garci, matutudla pa rin. At tiyak na matotodas kapag binasahan ng tinatawag na death sentence.

Ganoon man katindi ang natutunan niyang kapangyarihan—na nagbigay din sa kanya ng kontrata sa pagpatay—nitong huli’y isinalong at isinuko rin ng matanda. Hindi na raw niya maatim pa ang pumatay at humaba pa ang listahan ng kanyang mga biktima—walang pinipili, mayaman man o pobre pa sa daga, armado man ng mataas na kalibreng armas, ligid man ng bakal, bubog at kongkreto’t modernong security system ang pamamahay o kutang pinaglunggaan… sapin-sapin man ang Kevlar bulletproof vest… Titigok pa rin kapag binabaan ng kakatwang death sentence.

“Tengo cualquiera al alcance de mis versos.”

Ganoon ‘kako ang matinding power trip.

Pagtimbang, pagtimbuwang

“Another important part of the inner ear is the organ of equilibrium, the vestibular. The vestibular registers the body's movements, thus ensuring that we can keep our balance. The vestibular consists of three ring-shaped passages, oriented in three different planes. All three passages are filled with fluid that moves in accordance with the body's movements. In addition to the fluid, these passages also contain thousands of hair fibres which react to the movement of the fluid sending little impulses to the brain. The brain then decodes these impulses which are used to help the body keep its balance. “

KUNG ilang sapin ng papel-sa-nipis na bakal ang pinagsasangkap sa palihan para mahubog ang gulugod at talim ng katana o samurai sword. Malambot na bakal ang nasa talim—kaya tumatagal ang labahang talas. Matigas na bakal naman sa gulugod kaya matatag.

Ganoon ang kakatwang katangian ng kanilang patalim—seda ang talas na hahagod, asero ang taglay na gulugod. Kapara ng katana, ganoon din daw ang katangian ng mahusay na pagkatao.

Mauungkat na kasunod, ganoon ang hahanaping katangian ng kapwa tao? Seda ang talas na ihahagod. Asero ang tibay ng gulugod. Mataman, matagalan ang paghubog sa palihan ng mga ganoong payak na katangian.

Nakasaliw sa ilang saglit na usapan sa telepono ang tugtog ng tropa ni Sting at taimtim na usal ng gayatri mantra.

Napagsama nina Sting and the Police ang two-tone beat ng reggae at ang suwabeng sibasib ng rock and roll.

Nakaugnay sa masasal na tahip ng dibdib at alon ng alpha waves ng utak ang pagbigkas ng gayatri mantra.

Naka-loop ang mantra sa iTune player software ng personal computer. Kaya walang humpay ang agos ng tunog nito.

Tuloy-tuloy lang din ang alon ng reggae-rock and roll fusion nina Sting mula MP3 player software ng personal computer.

Magkasanib ang buhos ng alon at agos tungo sa pandinig.

Nasapol ng sapin-sapin, magkatuhog na tunog at tugtog ang kausap, ipinaaalam ang petsa ng pagpupulong ng inampalan sa “Brightleaf Agriculture Journalistm Awards” sa bulwagan ng isang hotel sa Ortigas Center. Isinama ako sa lupon ng inampalan.

Matapos ang naturang pulong, nabitbit na ‘ko ng kausap sa isang lunan sa Makati. Sa bilihan ng plaka—vinyl music discs—na kalapit-pinto ng tindahan ng diode tube ensemble na mahusay na humihimay ng mga agos ng tugtog at tunog mula plaka o compact disc.

Mahigit isang oras na ibinabad lang ang pandinig sa tunog at tugtog. Na masinop na idinadaloy ang igting at taginting, hindi sinalaula ng pinatingkad na bass na nakakagiliwan ng balana. Malutong pati pagkayas ng himig mula sa mga bagting ng piano o gitara. Sasagi pati sa ulinig ang kaskas at kiskis ng karayom sa inukit na landas sa plaka.

Masakit sa bulsa kahit pinakamurang diode tube ensemble para maisalin nang mahinusay ang mga inimbak na musika sa CD o plaka. Parang makikinig sa live performance, hindi sapal ng tunog ang dadaloy. Each precious note comes clean and clear—not as a gargle of bits and pieces of hogwash made palatable by pumping up the bass to an intolerable maximum.

Sinabi sa kausap na sapat na marahil ang pag-iingat sa vestibular, the organ of body equilibrium na nakapaloob sa tainga. Para manatili ang kakayahan ng panimbang sa sariling katawan at pagtimbang anumang nagaganap sa paligid.

Aniko’y pare-pareho naman tayong nagkakaedad at darating sa gulang na magiging mabuway ang panimbang at pagtimbang—may mga pagkakataon na sasadsad na lang nang iglap, nawalan ng panimbang, lalagapak. Mababalian ng buto. At masaklap kung makakalas pati na balakang.

I’d like to keep the decibel level of the music I love to be attuned and attenuated to at a tolerable hearing level. I sure love heavy metal fused with pieces of prayer like the gayatri or shri mantra or even the Muslim call to prayer offerings.

Mas mahal ang pagmamahal sa sangkap ng katawan sa panimbang at pagtimbang.

Kapag hindi iyon inalagaan, mawawalan ng panimbang at pagtimbang. Timbuwang.

Nagbabantang kataga ng panahon

BUNTON ng mga ulat at sinulat ang tinahip ng mga patnugot ng isang talatinigang English. Humiwalay ang busal sa butil—natukoy ang100 katagang gasgas na gasgas sa pagsulpot sa alinmang usapin, talakayan, pati na karaniwang usapan sa araw-araw.

Time o panahon ang nangunguna sa pinakagasgas na kataga. Talaga yatang tangay sa aliw-iw at kasaliw ng panahon ang daloy ng pamumuhay at kabuhayan.

Patunay ang nagtusak at nagtusok na page impressions sa mga lunan sa Internet ukol sa pang-araw-araw na pagtaya sa lagay ng panahon. Nakasalalay kasi ang buhay at kabuhayan sa mga samut-saring gawain na kakawing sa pagkain— isang napakahabang tanikala mula sakahan hanggang pamamahagi sa mga pamilihan pati na paghahain sa mga hapag-kainan.

Panahon pa rin ang pakay ng pagmamadali sa paglasap at pagsangkap ng punyagi sa bawat sandali—kung maaari.

Ilang ulit na nahagip ng ulan ang ibinibilad na tumpok ng mga sili—labuyo, Cantonese, at pansigang—sa arawan. Kailangang matayantang sa araw bago halu-halong liligisin lamukot, buto’t balat sa almires o lusong. Sasangkapan ng niligis na ilang ulo ng bawang, ilang daliri ng luya’t mga mumunting hiwa ng labanos o murang ugat ng malunggay. Sasamahan ng ilang kutsarang asukal para masawata nang konti ang anghang. Sa mga ganitong ligis na sangkap igugumon ang mga hiniwa’t pinigang dahon at tangkay ng petsay Baguio o Napa cabbage.

Isasalin sa garapon o banga, sambuwang ititinggal sa isang sulok ng refrigerator o ibabaon sa lupa. Ganoon ang “pagpapahinog” o paglalaon sa kim chee. Mainam itong pambukas ng gana sa pagkain. O ihahain na katuwang ng inihaw o pritong isda. Habang umuusok ang kanin, uusok naman ang tainga’t ilong sa sikad-anghang ng kim chee.

Pinakamadaling isahog saanmang usapan at usapin ang pagkain, batay sa natuklasan ng mga mananaliksik. Kaya tiyak na madaling maisasahog at magiging palabok ang panahon—na lagi’t laging kakawing sa samut-saring gawi’t gawa ukol sa pagkain.

Talagang nakasanayan nang namnamin ang maliwag na pagkain. ‘Yung slow food. ‘Yung nilaon sa usad ng panahon. Hindi minadali. Ano nga ang salawikain na nakaukol sa ganoon? Ang bungangang nahinog sa pilit… sapilitang magdirikit?

Teka, bungo man ng sariling ulo hilaw pa rin kahit ikalburo. Ikalburo ma’y manggang kalabaw, mahinog man lasang hilaw.

Ni hindi nasimulan ang pagbabad ng petsay sa tubig at asin para katasin. Sinapian ng amag ang mga siling labuyo’t Cantonese. Nangatunaw naman ang mga siling pansigang. Pero hindi naman lubusang nasayang—Capsicum frutescens ang sili, nakasaad sa pangalan ang taglay na capsicin na maisasangkap sa pamatay-kulisap. Ikinanaw na lang ang ilang dakot na sili sa bangang may nakatanim na water hyacinth at sagittaria. Iwas sa kiti-kiti. Na nagiging lamok.

Inaangkin tayo ng mga inaangkin natin. Ganoon ang giit ng aming dalubguro Raul S. Gonzalez na taga-Mandaluyong pero hindi kandidato upang ipasok sa Mandaluyong. May ilang bayong din marahil ang naimbak kong mga kataga, paulit-ulit na ihahabi, ihahayuma’t itatagni sa mga hibla’t himaymay ng pangungusap—ah, such sequins and sequences of words one can stitch into the fabric of thought.

Sa isinagawang adult literacy classes sa mga manggagawang pansakahan, natukoy naman ang kataga na may pinakamatimbang na kahulugan. Pinakamalapit din sa puso nila ang katagang “lupa.” Kasi, tila sudsod ng araro na nakasubsob doon ang kanilang pamumuhay.

Kaya “lupa” ang titibok sa kanilang dibdib, aalingawngaw sa kanilang isip. Hindi tiwalag sa kanilang gawaing pangkabuhayan ang “lupa.” Gasgas na gasgas, pagas na pagas pero lagi’t laging may ibabalikwas na katuturan sa pamumuhay nila ang “lupa.”

“Miskol” daw ang salita ng taon para sa isang pangkatin ng mga text maniacs. Matindi ang katuturan niyon sa kanilang pamumuhay.

“Dyakol” naman ang iminungkahi ng isang katoto. Nakasalalay daw kasi sa sariling kamay ang pangangalaga sa kuyukot kontra prostate cancer. Saka mas may pakinabang daw sa digital technology.

Friday, October 19, 2007

Ale Baba & Plenty Thieves

SAWIKAIN ng mga Tagalog ang ipinagpipilitan: kapatid ng bulaan ang kawatan.

Baka naman kaugnay ito ng inilalapat sa pangalan ng mga kawatan. Este, kinatawan nga pala sa House of Thieves, oops, House of Representatives, Ito ‘yung tinatawag yatang tahanan ng mga diputado o sa wikang Español, Casa de los Hijo de Putados. Madalas ngang tanggalin ang huling pantig na –dos kasi sobra sa 200 silang nakalublob doon. Lalaspag ng mga P200 milyon para magkasundong bumuo bawat isang batas na walang balak maipatupad kahit palit-pangalan lang ng kalye o eskinita. They’re kindred spirits, not kind, though.

Tinatawag kasi sila, Hon. Your honor pa nga ang pasakalye bago sila magtaltalan sa kapulungan. Malakas ang kutob naming ito na ang tinutukoy ng kasabihan naman sa Ingles: There is honor among thieves.

Hindi naman kami nagtataka nang dumagsa nitong nakaraang linggo ang mga your honor upang sumagpang ng agahan o almusalsal sa Palasyo sa Pasig. Sumulpot na lang sa mga bali-balita na may nagbigay sa kanila ng pabaon sa pag-uwi. Dalawa ang nagkumpisal—tig-P500,000 ang natanggap nila. Masaklap na hindi maturol ni matiyak kung sinu-sino ang mga kumag na naghatag.

At nagsiklab nga ang Ale Baba nang magkatimbugan tungkol sa mga bulaang kapatid ng kawatan—para bang pamagat ng isa sa mga kinagiliwang kuwento ni Scheherazade na nakatakdang pugutan ng ulo matapos matikman ng esposong sultan sa 1001 Arabian Nights, ‘yung Ale Baba and Plenty Thieves.

Samantala, nagpupuyos naman daw ang mga kawal sa sumingaw na panibagong kawalanghiyaan—ni hindi raw kasi nakakatanggap ng P150 bawat araw na combat pay at tatambad nga naman sa kanila ang mga bali-balita ukol sa mga your honor na lumablab na ng saganang almusalsal, binigyan pa ng dagdag na masasagpang na tig-P500,000.

Nang masipat nga ang anyo ng puno sa aming lalawigan na bumulaga sa TV, talagang namimintog sa busog. Parang patabaing baboy na inihahanda sa katayan. Hindi lang namin matiyak kung sinu-sino ang aatasan ang kanilang sari-sarili para katayin ang mga ganoong patabain na pumuputok ang katawan sa saganang cholesterol.

Nagugunita tuloy ang isa sa mga naging aralin sa Sunday school, ‘yun bang itinaboy ni Jesus Christ ang isang pangkat ng mga demonyo. Pumasok sa kawan ng mga patabaing baboy na kasalukuyang nanginginain ng almusalsal—sarap na sarap siguro’t baka sa panlasa nila’y nasa handaan sila sa Palasyo sa Pasig.

Nang masapian ng samut-saring demonyo ang mga baboy, nagsipagpulasan. Tumalon sa bangin. Tigok lahat. Ang natutunan naming moral lesson sa naturang kuwento mula Banal na Kasulatan, mas matindi pala ang kahihiyan ng mga baboy.

‘Yung kawan-kawang baboy na inanyayahan para mag-almusalsal sa Palasyo? Sagana daw sa lamon ng pork barrel ang mga ‘yon.

At kakaiba ang mga baboy na ‘yon—kaya nga matindi ang paniniwala namin na madalas silang absent sa Sunday school. And millions of pesos are scattered before swine—butata pati mga ipinapayo ni Jesus Christ kaya mas sikat talaga ang mga demonyo’t diyablo dito sa Pilipinas, ‘tangna talaga.

Pugot na ulo ng baboy nga pala ang tinuhog at itinulos para sambahin sa obra ni William Golding, ‘yung Lord of the Flies. Ang tinutukoy na panginoon doon ay si Belial, isa sa top three demons in hell.

Balak naming batukan ang aming Sunday school teacher. Pulos kabalbalan lang ang natutunan namin.

Samantala’y hinihintay naming tumalon sa bangin ang mga baboy, kung meron silang kahihiyan at may matatagpuang bangin. At naghihintay din marahil ang iba pa na pugutan ng ulo ang mga baboy, itulos at sambahin ng balana tulad ng aming nabasa sa Lord of the Flies—talagang namamayagpag at sinasamba sa Pilipinas ang mga kampon ni Satanas.

Mwa-ha-ha-haw!

Monday, October 15, 2007

Pampatigas ng titig

PAMPALAMBOT at pampatigas yata ng titig ang mga iyon. Tatluhang pangkat na katumbas ng kilabot na triad o dong sa Cantonese. Tatlong hukluban na may mga pakpak ng sisne o swan ang unang pangkat. Mga ginintuang kaliskis-ahas at kung anong bagwis naman ang taglay ng ikalawang pangkat. Tiyak na ibabaon ang titig sa sa kanilang pekpek, este, pakpak nga pala…

So I have this huge crush on someone called Enya— she’s a bit huge I sort of feel crushed kaya binalikan na lang ang talagang unang crush sa masayang kamusmusan, one of three Gorgon sisters named Medusa who’s an eyeful in Greek mythology.

Pero bago natunton ang kinaroroonan ng magkakapatid na Gorgon, sumangguni muna sa tatlong matandang magkakapatid na pasa-pasahan naman sa iisang mata para makakita’t mahalihaw ng tanaw ang kanilang paligid. Sila ang may mga pakpak-sisne.

Para sa lumalaking bata na nagsisimula pa lang maghimay ng mga kakatwang tayutay o idiomatic expressions, napakarikit na halimbawa ng mga ganoong uri ng babae. Sharing a viewpoint. Looks that petrify. May tatlo na nagpapahiram ng paningin para maunawa’t magkamit ng kaalaman sa mga bagay-bagay. May tatlo naman na magiging bato bawat mahagip ng titig—halos pawang pader ang kanilang paligid.

Noon pa man, kinutuban nang dalawang mukha ng iisang bagol ang tatlong hukluban na nagsasalo sa iisang paningin at ang tatlong Gorgon na nagiging bato bawat lambatin ng tanaw—ni hindi na nga tatablan ng talim ang tigas ng leeg ng dalawa’t kay Medusa na lang ang hindi pa gaanong makunat.

Labis na aba’t napakahamak ng kalagayan ng unang tatlo. Nagsasalo sa iisang pananaw, magugunita ang awit ng Beatles, “let’s see it my way, we can work it out.” Napakahamak man, hindi pahamak ang katangian ng kanilang pananaw—sa paham o genius nga. Three fields of vision are triangulated for unique insight and foresight into the essence of things.

Hagupit ng lupit na gipit ang pananaw-Gorgon. Parang masikip na pananaw ng makatang nakamasid mula sandipang kulungan sa sandipang langit. Pananaw ng palaka na nakalublob sa loob ng balon. Pansin ng isa pang makata, ito ang pananaw na bubuo lang ng pader kahit saan itingin—and those who stonewall can see enclosing walls in any direction, even if there’s an open doorway.

Parang gobernador ng aming lalawigang Bulacan. Ayaw ipakita ang pinagmulan ng ginintuang kaliskis-Gorgon na ipinamudmod kamakailan sa Palasyo sa Pasig, Basta sumulpot na lang kung saan ang mga supot ni Hudas na iniabot pati sa gobernador ng Pampanga. May naganap mang himala na kahina-hinala, mayroon namang naibuyangyang na katibayan ng 30 pirasong pilak ang Pampanga governor. Hindi katulad ng isang kinatawang kaliwa’t saliwa na inalok pa lang ng P2 milyon, kumatsang na pero walang maipakitang matibay na ebidensiya, mwa-ha-ha-haw!

Masaya siyempre ang tingin ng Gorgon—bawat titigan, tiyak na maninigas. Baka nga may unexpurgated version ang naturang alamat na maaaring may kasi-kasiping ang magkakapatid na Gorgon na may talamak na erectile dysfunction na ang naging remedyo nga’y dapat matamang titigan. Para manigas.

May isinukling gantimpala sa ganoong stiff-necked vision. Pinugutan ng leeg.

Pero noong paslit pa lang, talagang maiisip na huwag nang makisalo sa paglilipat-lipat at pagsasalin ng paningin sa tatlo o higit pang paraan. Eye such a sight from this perspective. Eye such a site from this and that level of perspective. See it in another dimension. Take another look. Look some more, see more. Soak in the sights. See it with new eyes.

Mahihiling na kahit kaliwang mata lang ni Medusa’y maipalit sa sariling mata—o kahit ihalili sa mata ng pigsa sa bisig, madalas ako noong tubuan ng pigsa’t madalas ding magpahinog ng mata niyon para mapiga’t lumilamsik palabas. Sa mata ng pigsa yata nagmula ang eyeball o harapang pagkikita.

Isipin na lang kung nasalinan ng mata ni Medusa. Palalagyan ng takip, eye patch na parang weapon of mass destruction na kailangang hindi ilalantad. Tutungkabin lang ang takip sa mga natatanging okasyon, halimbawa’y habang nanonood ng Congress joint session sa state of the nation address—maraming mababato sa mga naroon.

Dinalaw ng mga ganitong sagimsim nang sumanggani ang isang anak para mapahusay naman ang tingin sa kanya ng kapatid na lalaki ng kanyang nobya. Wala naman ‘kakong magagawa kung sulipat ang tingin ng kahit na sino sa kanya.

These days, we can’t share plain sights—even deep insights or foresight, pwe-he-he-he!

Sunday, September 23, 2007

Live act for a liver

WHAT a live act it was!

Martin Nievera wouldn’t take a centavo off the proceeds of a concert he did sometime. The back-up band and other performers found out why—and did the gig for free. Concert proceeds went to pay for the liver transplant operation of a girl barely a year old named after the Greek earth goddess, Gaia Pasamba.

Life’s for the liver, as a wit has it, and that kid was seeking deliverance—she was dying. Of biliary atresia, a condition that has no other remedy except for liver transplant. Precious life and febrile body ticked away as a healthy liver donor was sought. Even as her family frantically scraped up funds for her that costly surgical operation.

Gaia’s family were hoping against hope—the so-called bopis sprawl in Quezon City has existing heart, lung, and kidney centers, there is not even a ghost of a hospital for liver ailments. That also means specialists in liver surgery are rara avis hereabouts.

Then again, donors of healthy livers are hard to come by. About 20,000 patients a year in dire need of liver transplant throughout Asia wait for less than a few thousand willing donors to give off a chunk of the organ. Or give up their lives and give liver away.

Livers do grow back. But growing a liver from stem cells may happen yet in decades to come, it’s not a possibility in the next few years. As demand exceeds availability, patients up for liver transplant may have to cough up an arm and a leg-- if they can get hold of a donor.

For another, the cost of the operation is steep. A liver transplant in the U.S. costs around $450,000—about P21 million. In India, it is $40,000 (nearly P2 million). And in Singapore which is fast becoming a regional hub of “medical tourism,” such an operation can rack costs of up to $80,000 or about P3.7 million.

“Tourist-patients” the world over flock to the city state as it offers high medical standards, comprehensive health care facilities and state of the art technologies that provide high quality patient care and better treatment outcomes.

“Cost is not an issue. It’s the track record. Our program in Singapore has a fantastic record of survival after surgery,” asserts liver transplant specialist Dr. Tan Kai Chah. And that cannot be said for similar programs in China or India, he adds.

In the wake of controversies surrounding harvesting of human organs from dirt-poor donors or prison inmates bargaining away their body parts, Singapore’s Ministry of Health sees to the entire operation, from the procurement of an organ to be transplanted to the selection and assignment of the team for the surgery, he cites.

Dr. Tan has performed more than 800 liver transplant operations in the United Kingdom alone, including the first ever living-donor-living transplant there. Among the pioneering works he took was the first “split-liver” transplant-- the donor graft was divided and transplanted to two recipients.

During his tenure as senior liver transplant surgeon at London’s King’s College Hospital from 1986 to 1994, he trained 26 surgeons in hepatobiliary and liver transplant surgery. He also helped draw up and put to work the Irish National Liver Transplant Program in St. Vincent’s Hospital in Dublin. Too, he was a consultant surgeon at Singapore’s National University Hospital.

Gaia was barely 10 months old when she went under the knife for The Dr. Tan-led transplant operation on Gaia was performed in April 2006 at Singapore’s Gleneagles Hospital. It cost much but it didn’t cost the infant’s life.

Now a toddling two year-old, Gaia met up in August this year with Dr. Tan who was on a two-day stay in Manila for the inaugural convention of the Hepatology Society of the Philippines.

Gaia’s mom Lilibeth Pasamba said Dr. Tan’s visit to Manila is a welcome relief to her family. It means they won’t have to go to Singapore for her daughter’s regular checkups which are critical to monitor the child’s post-surgery progress.

Dr. Tan was in Cebu City last November 2006—Gaia and her mom went there for the child’s progress checkup, a happy reunion for the now bubbly toddler and her favorite surgeon.

Aside from seeing to a number of growing Filipino patients, Gaia including, Dr. Tan delivered a paper before the Hepatology Society of the Philippines convention. He cited liver transplantation will be increasingly used to save patients suffering from both liver cancer and cirrhosis.

In the face of this growing trend, he called for the relaxation of existing surgery norm—the stringent Milan criteria-- to allow more patients to avail of the advanced procedure. The Milan criteria refer to tumors 5 cm or less in diameter in patients with single HCC (hepatocellular carcinoma) and no more than 3 tumor nodules, and a maximum of 3 cm or less in diameter in patients with multiple tumors. These criteria are currently used only for liver allocation, in which livers to be transplanted come from cadavers.

In his presentation Extending the Milan Criteria in Surgery of HCC (Hepatocellular Carcinoma), Dr. Tan points out that patients with liver cancer and cirrhosis would benefit immensely from transplantation over other procedures since a newly transplanted liver will be free from cancer tumors that usually recur.

Asks he in earnest: “Are we being too stringent? If we don’t transplant, are we not denying patients of a life-saving procedure?”

Dr. Tan’s recent Manila visit was made possible by the ParkwayHealth, which owns Gleneagles, Mount Elizabeth Hospital and East Shore Hospital, leading tertiary hospitals in Singapore, including 11 other hospitals in the Asia-Pacific region.

More information about Dr. Tan and the Parkway hospitals are available at the Parkway Healthcare Medical Referral Centre in Makati, the local representative office of the ParkwayHealth with Mr. Kelly Low as Country Manager. They can be reached through telephone numbers 751-8225 and 27.

The local referral center provides Philippine patients access to the right specialist expertise, personalized patient care and cutting edge technology available at all Parkway hospitals in Singapore and the Asian region. The MRC offers free services in connecting patients to relevant medical services in real time.

With a heavy heart this kid rests

HE slams his best foot forward—just for kicks, for sheer surge of adrenaline fun it brings.

All 14 summers of him didn’t muster much height for his body: doe-eyed Joshua P. Sastre ached to play basketball just like every kid in his block smack in the dirt-and-asphalt bowels of Tatalon in Quezon City. He had the heart and the heft for the sport. He lacked the height.

He stands 4’ 7”, well-proportioned like da Vinci’s Vitruvian figure and it took the unerring eye of a soccer coach to tell the kid that he had what it takes for football. He took to the game like a natural that he is. He can kick balls-- he’s also into sepak takraw that demands a repertoire of kicks to slam a rattan orb into an opposing team’s field. That needed deft footwork, quicker-than-eyewink body reflexes.

Drilled for three months beginning October 2005—four hours each thrice a week session --together with a ragtag crew of 24 neighborhood boys his age, Joshua got his baptism of competitive football in the 2006 Manila Youth Games. They brought home four fat eggs—lost all the four games they were pitted in but never lost a whit of gung-ho to drill some more, hone some more skills for sharper competitive edge.

Joshua didn’t feel bad about losing. He played his heart out, his mom watching and cheering her youngest son at the stands. After mom left as subcontracted worker for a hospital in Doha, Qatar it was lola and tita who regularly rooted for the young goalie. And he felt the world was at his feet, hey, he was going places. He didn’t have to look back at those four losses.

Goalkeeper and striker—that’s what he was leveling off the field, diving after pigskin homing in for a score, shrugging off bruises, gashes and skinned shins and the jittery pins-and needles feeling at the pit of his tummy that were all part of the thrills football pours in copious doses for every 15-minute fever that sets the 100-yard grid on fire.

And football talent scouts from exclusive schools sat, took notice and were set to get Joshua into their teams—that meant lesser hassles to get to college, earn a degree while having a field day on every soccer field he’d set his feet on.

How could such a scrappy crew of kids off a depressed neighborhood nail wins at the expense of boys from more affluent settings?

Joshua poured his heart into the game.

And a cardiologist told him he had an enlarged heart.

Papunta na kami sa Gawad Kalinga Olympics sa Marikina Sports Complex. Alas sais ng umaga, nitong nakaraang May 27. Biglang sumakit ang tiyan ko. Masakit na masakit. Tapos isinuka ko lahat ng kinain ko. Dinala ako pauwi. Saka itinuloy sa ospital, sa Dr. Fe del Mundo Medical Center sa Banawe, QC,” he recalls.

He was confined for two months and 10 days, was told of his heart condition.

Si Tatay, 42 nang mamatay sa atake sa puso. Si kuya, 17 years old lang. Sakit sa puso din,” he tells matter-of-factly in a chat with this writer at the family household in #8 Cabalata St. in Tatalon where he stays with an aunt, lola and the eldest brother.

Cardiologist Maricel Regino told him to rest for a year—no schooling, no football, no strenuous activity that can cause undue fatigue. And he had to see the doctor for monthly checkups, to see how his heart is faring.


Upkeep medications cost Joshua’s family about P3,500 a month. That can be a pinch in their pockets— but it’s something more painful that gnaws at them knowing that Joshua’s elder brother Jovic had been similarly diagnosed. The older sibling was found to have dilated cardiomyopathy at age 15 and badly needed a heart transplant. At 17, Jovic breathed his last.

Naglalakad na kami nang paluhod sa simabahan sa Quiapo para hilingin sa Diyos na dugtungan pa ang buhay ni Joshua,” confesses the boy’s dentist-aunt in between pained sobs. She and the kid’s grandmother are praying hard, hoping for a miracle that may save Joshua’s life.

These days, he does some editing of his friends’ Friendster profiles, surfs the Internet for song lyrics and guitar chords—he plays the guitar for a boy band based at the Doña Josefa Martinez High School in Tatalon—and whiles away time scratching out rock and roll tunes.

Joshua still rocks, yeah.

And someone named Janine of Makati just went steady with him on the evening of September 6. That made his heart skip a beat.

But he’s still setting his sights on setting foot anew at a football field, maybe if his heart heals.

Mahirap talaga ang bigay-hilig

NAPAKAMOT na lang ng batok nang marinig ang mungkahi sa anak. Siyota nito ang humiling. Magpataba daw. Kahit kaunti.

Napailing na lang sa narinig. Ba’t ba pati tabas at likas na korte ng katawan ay gustong baguhin? Ba’t hindi sa sariling katawan gawin ang gustong makita sa iba? Ah, how can we vainly try to mold everything to our heart’s desire? Must everything conform to our sense of what’s pleasing to our sights?

How suet of her nudging him to put on some bulk like a skewer of cotton candy apt for lapping and nibbling at, ah, how suet!

Kaya pitong itlog sa araw-araw na almusal ang nilalantakan ngayon ng damuho. Para madagdagan raw ng laman ang katawan—na parang patpat na tulad sa katawan ng kanyang nakakatandang kapatid. Na minsan lang nakita ng kinakapatid niya na may nalalaman sa matinong body mass index kaugnay ng bone structure o tamang lapat ng laman sa balangkas ng mga buto sa katawan, kagyat na sinabing kagulat-gulat daw pero hindi mahahalata ang lakas ng katawan nito.

Para magsapin ng kaunting laman sa katawan, the safest option is complex carbohydrates—pasta, kamote, gabi, tugui, other root crops. Na kailangan ding sunugin sa pamamagitan ng matinding exercise regimen. Madadagdagan ng bulto ang katawan, pero mananatili o mababawasan pa ang timbang. The added energy intake has to be burned off so that hard muscle remains. ‘Kako’y sumangguni muna sa dietician bago lumantak na lang ng dagdag na carbohydrates at proteins—na parusa lang talaga sa atay, lapay, at puso.

Be gentle to your own body. Parusa sa katawan ang paglamon at labis-labis na pagkain.

In the first place, why conform to what every imbecile sees as normal form?

Talaga yatang uso sa panahon ngayon ang porcine figure. ‘Yung sa patabain. Livestock. Ilalaan sa handaan o katayan. O ipapalamon sa mga tinatawag na gunggongressmen. Kaya dapat maging pork barrel ang tabas ng katawan para maitustos sa kasibaan.

Pulos tinting talaga ang tabas ng katawan ng mga damuho kong anak—isinalang kasi sa pagliliwaliw sa Sierra Madre. Musmos pa sila noon. Apat na oras ang akyat. Walang pahinga. Apat na oras din ang baba—matapos ang may walong oras na pagtatabas ng talahib at kugon. Humahagok sila sa hirap. Na hindi gaanong nararamdaman dahil umaatikabong kuwento, kuwenta at masinsinang pag-uungkat sa mga bagay-bagay sa paligid ang napapagtuunan ng pansin. Masaya talaga.

‘Yung lintos sa palad, halas sa braso’t gasgas sa binti—pati mga hiwa’t sugat na naging mga pilat—pawang palatandaan lang ng masayang kamusmusan. Hindi makinis na orinola ang kanilang kutis at balat. Tumuntong sila sa lupa, humawan sa dawag.

Brutal aerobic exercise was the point to all that climbing and trekking on harsh terrain. Hindi naman nila alam ‘yon. Lalong hindi nila alam na ang pakay ng kanilang ama’y palakasin at patibayin ang kanilang puso—para sa walang humpay na tambol ng rock and roll. The heart has to be trained for such incessant drumming and thrumming. Why, the heart’s the body’s strongest muscle pumping iron non-stop through miles and miles of blood highways and byways.

And pump through the pains and pangs of love and desire…

So the kids soaked up all that fierce beauty and fiery calm that Sierra Madre slathered in on them.

So they had a boot camp childhood that revved up basal metabolism to the max. Imbued with such a raging conflagration inside ‘em
, mahihirapan na talagang magdagdag pa ng bilbil o kutson sa katawan. Saka napakahirap pumanhik o bumaba man sa bundok kapag santambak ang dalahin sa katawan. Mas magaan at maginhawa ang pakiramdam kapag kaunti lang ang bitbit at pasanin. Mas malayo, mas mataas ang mararating. That drilled into ‘em a passion for a sternly austere but astute lifestyle— having less burden allows for more mileage. Less is always more.

Namihasa palibhasa, magaang na timbang ang itatakda ng katawan sa kanilang kalamnan.

Mahirap linlangin ang tinatawag na muscle memory. Kung ano ang naging paulit-ulit na gawi at gawa sa nakalipas, muli’t muling mauulit sa hinaharap. That becomes character. That becomes destiny.

Wiry, rangy figures those kids have turned into. That’ll always be the image they’ll project. Hindi buteteng anyo ng isang Jose Miguel Arroyo o Joseph Ejercito Estrada na pawang sa alpombra natutong humakbang. At paika-ika’t painot-inot na lang sa ngayon. Pathetic.

‘Yung pinagdaanang halibas ng karet sa pagtatabas ng kugon at talahib, kailangan ng halos walang patid na pihit ng baywang at kalamnan ng sikmura. Naging matibay ang gayong bahagi ng kanilang katawan, ‘yung tinatawag na dan tien o physical center of gravity para manatiling matatag ang panimbang sa bawat kislot at kilos.

Sa dan tien kasi nagsisimula ang mga igkas at iglap na galaw. At kapag doon nagsisimula ang pagkilos, mayroong makikitang poetry in motion. Magaan. There’s that quality of incredible lightness of being.

Payo nga sa Kasulatan, “Teach a child in the way he should go and when he is old, he would not depart from it.” Mahirap humubog ng kahit pangangatawan lang ng anak. Mas mahirap humutok ng ugali’t asal—at ganoon lang ang alam kong paraan.

Masagwa yatang tingnan ang magdagdag pa ng kalamnan at sapin-saping sebo’t autologous fats sa katawan. Saka tinatabasan talaga ang mga mahalagang hiyas para makahagip, makasagap ng ikakalat na liwanag at kinang sa bawat tapyas.

Patpat man sila sa tingin, dynamite comes in sticks.

Thursday, September 13, 2007

Nilalaman sa laman

NAIKUWENTO ng lintak na nahulog silang mag-asawa sa tinutulugan, gumulong tungo sa hagdanan. Nagkaumpog-umpog habang gulong sa bawat baytang ng hagdan. Pero tuloy lang sa sabay na indayog-kadyot ng balakang hanggang mapabagsak sa paanan ng hagdan. At doon na sila kapwa binulwakan ng katas ng kani-kanilang singkapan—‘ansarap-sarap daw ng pakiramdam kahit nagkagalus-galos at nabukulan pa.

Bakit ‘kako sa akin pa isisiwalat ang mga nakakakiliting tagpo sa pakikipagdaupang-ari nilang mag-asawa. Ni hindi ako kikiligin. Ni titigasan sa anumang kahindik-hindik na paghihinang at umaatikabong giling ng balakang.

Baka sakali na gusto ko raw bumakas sa pagbuo ng bata—kulang pa raw siguro sa utak ang nabuo nilang mag-asawa. Gusto raw niya ang utak ko. Saka masarap daw siyang kapareha sa iyutan.

H’wag mo ‘kong demonyohin ‘kako’t baka mapasubo ka lang.

“Isusubo ko talaga ‘yang sa ‘yo!” sunggab agad na sukling maharot ng lintak na babae.

Matitigil ang panghaharot ng lintak kapag nagsidating ang mga itinatanging kabungguang-bote, nakatapos na sa pagsubsob ng kani-kanilang isipan sa kani-kanilang alagang pahina ng pahayagan.

Pero kapag nakalingat ang mga kainuman, talagang patay-malisya na malalaglag ang kanan o kaliwang palad at ihihimas sa aking hinaharap habang alkitran sa lagkit ang ihihimod na tingin. Kibit-balikat na lang ang itutugon sa ganoong kakaibang attention and intention.

Naungkat minsan sa mga katotong Dennis at Francis kung nakakita na sila ng paintings ni Mario de Rivera, lalo na ang mga seryeng ginawa nito noong 1980s. ‘Kako’y mukha ng lintak na babaeng ‘yon ang tampok sa mga naturang paintings. Mga mukha ng sinaunang mutya—hugis buwan, nakatampok ang buto sa dakong taas ng pisngi, maligat o matingkad ang kulay na kayumanggi, may pagkabusalsal ang mga labi. Katutubo ang bukas ng mukha, sa madaling sabi.

‘Kako’y una ‘kong nakakita ng ganoong tabas ng mukha nang magsagawa ng agricultural extension work sa isang liblib na bahagi ng lalawigang Quirino—may bahid ng kulay makopa ang kutis ng napagmasdang ina. Nagpapasuso siya noon ng kanyang anak kaya nahagod ng paningin pati na susong hatinggabi ang utong, sumasagitsit na tila silahis ng liwanag-buwan ang gatas.

Pangalawang mutya ang isang mula University of Cebu . Winona yata ang pangalan, Weng ang palayaw, nalimot ang apelyido at nakaharap sa isang salpukan sa thunder chess o 15 minuto sanlaro. Nanaig sa naturang dilag nang masalapang ng aking kabayo ang kanyang reyna sa gitnang yugto ng laro. Ah, there are no winners or losers in an intellectually sportive intercourse—there are only learners. Ganoon ang ihip ng anghang-liyab ng hininga sa kanyang tainga. Kayumanggi rin ang kulay ng kutis na may mapusyaw na hibo ng makopa. Mayaman ang bilugang dibdib, malaman ang mga biyas.

Pawang katutubo ang angking alindog na ipinagdiwang nga sa mga paintings ni Mario de Rivera.

Pawang kulay ng anemia at singkamas ang ipinagdiriwang na alindog saanmang panoorin maitutok ang tingin sa ngayon.

Pinansin ng aming graphic artist na Ochok na maamo raw sa akin ang mga dilag—kahit na malaswa’t makawarak-panties ang ibinabalibag kong mga pangungusap sa kanila. Do I look like the fulfilled promise of multiple orgasms?

Beauty ain’t just flesh-deep.

Hindi ko nasabi ang ganoon. Kapag may taglay at iwing kariktan sa kalooban, tiyak na iyon din ang isisiwalat ng sariling paningin saanman ituon ang pansin.

Makikita at makikita ang ganoong alindog saanman igalugad ang paningin. Ganoon yata ang ipinagdiwang sa mga paintings ni Mario de Rivera. O kahit sa mathematically precise na mga obra ni Paul Cezanne.

Sa madaling salita, beauty is in the eyes of the holder—kaya nga isinasagawa ang nasumpungang mahika na iginigiit, the hand is faster than many a thigh.

Fahrenheit 451 redux

“Words use us just as we use words.” Lewis Carroll

MAPUROL na raw sa pagbuo ng matinong pangungusap ang mga nahahagip na tagaulat saanmang lupalop ng bansa. Ganito ang buod ng reklamo ng katotong patnugot sa isang broadsheet. Ganoon din ang pinagmumulan ng kunsumisyon ng aming guro sa mga kasalukuyang humahawak ng pinagmulan naming pahayagan sa kampus.

Ang totoo’y mapurol na rin marahil ang kanilang utak. Kaya hindi mapanghawakan ang kanilang sariling wika. Humuhulagpos na rin pati sa palad ng diwa ang maluwag na gagap sa wikang banyaga,

Walang matutukoy na kahinaan o kakulangan sa sariling wika. Maging sa kinamulatang banyagang wika. Talagang ang mga gumagamit nito ang tahasang lupaypay na’t sakitin ang diwa.

Paano nga ba kami natutong magmahal at lubusang nanalig sa iba’t ibang bisa at kapangyarihan ng pananalita?

Noon pa siguro… Natatandaan ko.

Ipinalamon lang sa apoy ang dalawa o tatlong iniingatang aklat ni Mamay Gavino, hindi pa man siya naililibing. Nakaligpit iyon sa ibabang tokador ng imbakan ng mga pinggan at kagamitan sa hapag. Nahalungkat din nila nang masinsinang hanapin ang mga iniingatan ng matanda. Ni walang pangiming sinunog ang mga aklat. Sa demonyo raw kasi ang mga iyon.

Nang nabubuhay pa siya’y nasumpungan ko ang iilang aklat na iniingatan niya. Uhaw naman ako sa mababasa. Uhaw na uhaw. Iilan lang kasi ang nakakapagsubi ng aklat sa ganoong lalawigan. Hindi naman talaga palabasa ang mga nasa lalawigan—at limang kilometrong lakarin ang aklatan sa poblacion. Nahalughog ko na rin ang aklatan doon. Paisa-isang hiniram ang mga lumang aklat na nalimbag nitong mga taon ng 1930—hanggang sa mabuksan lahat-lahat na maisisiwalat ng gma naturang aklat. Ibig ko lang naman na matuklas ang paraan nila ng paghabi ng pangungusap sa panahong iyon.

Sa udyok ng matinding uhaw sa mababasa kaya marahil natukoy ng pang-amoy ang pinagtataguan ni Mamay Gavino ng kanyang mga iniingatang aklat. Hindi naman marahil lihim sa kanya ang madalas kong pagbababad sa ikalawang palapag ng kanilang bahay para sumubsob sa pagbasa sa kanyang mga itinatago.

Bawal daw basahin ng bata ang ganoong aklat. Sa demonyo raw. Pero masarap ang bawal.

Pulos pangungusap din naman ang nilalaman ng mga naturang aklat. Oracion ang tahasang salin sa Español ng pangungusap, ‘di ba? Samut-saring pangungusap para maitakda ang nais maganap sa sarili. Sa mga bagay-bagay. Sa kung anu-ano sa paligid... Mayroon palang mga ganoong pangungusap. May katangiang nag-aatas. May kapangyarihang nagpapatupad.

Dapat pala talagang magpahalaga’t pakaingatan ang bigkas at bigwas ng mga salita.

Kaya iginigiit ng iba na sa demonyo raw ang mga aklat na iniingatan ni Mamay Gavino.

Merong sa gayuma. May panlunas sa rayuma. Pati sa eczema yata’t emphysema.

May pamigil sa tao. May panakit. May panghagupit. May paminsala’t pamali. Pandurog. Pangitil. Samut-sari pala ang taglay na kasangkapan at kagamitan ng iba’t ibang pangungusap. Bawat pangungusap ay isa lang ang hinihingi: kalakip ang taimtim na pananampalataya sa pagbigkas…

Naikuwento minsan ni Inay na paubos na ang iniluto niyang kalderetang guya o sanggol na baka na tanging handa namin sa pista. Kasama noon si Mamay Gavino sa umpukan ng mga bumabarik ng lambanog sa aming bakuran. Nagtungo raw sa kusina ang matanda. Inalam ang iba pang mapupulutan—wala nang iba kundi ang mauubos nang guya ang nakita niyang nakasalang.

Nakailang ulit daw na humango at naghain ng naturang kalderetang guya sa mga nagbabarikan— laging sapat lang daw ang madadatnan ni Inay na laman ng kawali. Hindi raw niya maintindihan kung ano ang ginawa ni Mamay Gavino sa katiting na handa. Pero para raw himala.

Sa demonyo raw ang mga iniingatang aklat ni Mamay. Pati mga nilalaman ng mga iyon. Pati mga pangungusap na nakalimbag doon. Kaya sinunog. Inabo.

Kung alam ng pasimuno ng pagsunog sa mga naturang aklat na hindi lang sa mga dahon ng aklat maililimbag ang mga pangungusap, baka pati ako’y nadamay sa sunugan. Hindi lang ako nakakatiyak kung ang mga pangungusap na isinilid-itinala-nailimbag sa isipan ay maaaring masunog. Higit pa siguro sa 451 degrees Fahrenheit ang init na kailangan upang magliyab ang isipan.

Pero mahirap nang makatkat ang nasinop doon. Iba na kapag nasinop sa diwa.

Kung ilan na ring kasulatan ang hinalughog sa masinsinang pagbabasa sa mga sumunod pang panahon. Kung anu-ano lang yata na mapaglilibangan, mapapagbalingan.

Pero matiim ang naisiwalat mula sa mga abo nang dahon ng mga iningatang aklat ni Mamay Gavino. Grimoire ang tawag sa mga iyon. Mga aklat na isinumpa. Mula sa demonyo. May sa demonyo. Ano ang alam nila ukol sa demonyo?

Mula sa grammar ang katagang grimoire. Balarila lang. Kalipunan lang pamantayan sa pagbuo ng matinong pangungusap. Pati pagtukoy at lubusang pagkilala sa mga bahagi ng pangungusap. At may taga ang mga angkop na kataga.

Ah, may iwing kapangyarihan at mahika ang mga pangungusap. Matutuklas ng mga naghahangad na tumuklas ang nais tuklasin.

Makulay ang buhay sa masabaw na puday

SOBRA yatang insulto sa umiiral na kalagayan ang mga mapapanood na patalastas sa TV tungkol sa food supplements para sa mga lumalaking bata—mga walang ganang kumain. Nakalatag man ang saganang pagkain sa dulugang hapag, hindi pansin. That is an insult to Philippine reality.

Para malunasan ang ganoong suliranin, itatambad ang natatanging produkto ng kung anumang kompanya para maantig ang bulsa ng magulang.

Natukoy sa pagkalkal ng Food and Nutrition Research Institute na hindi sapat ang pagkain ng 8 bawat 10 pamamahay sa bansa. Food insecurity ang inilapat na kataga ng FNRI sa ganoong kalagayan. Pero sa talampakang usapan, kapos sa pagkain. Gutom.

Siguro’y mas marami nga ang lumalantak na lang ng sinabawang puday.

Sa isang huntahan ng mga katoto sa lungga ni Pedro sa A. Mabini, Ermita, nawalan yata sila ng gana na ubusin ang pinasingawang apahap nang maungkat ang pagpili ang isasalang na huwaran para mas maraming ina ang magpasuso ng kanilang sanggol.

Pinili ng DoH ang isang jetsetter dahil talagang 15% na lang ng mga nanay sa bansa ang nagpapasuso sa kanilang sanggol—at kakatwang pawang nasa may mataas na, malakas pa sa kita ang mga ito.

Baka ‘kako pinili ng DoH ang endorser na jetsetter para talagang sosyal ang dating ng pagpapasuso—kahit alinlangan ito na ibuyangyang ang suso’t ipasupsop sa kanyang sanggol para makita ng mga ina na gawain ng mga nakaririwasa ang pagpapasuso.

Si Kris Aquino sana ‘kako ang ginawang breastfeeding endorser. Tiyak na marami ang gagaya. Marami ang nahihibang sa pagsubaybay sa kanya.

Lalo nang natamilmil sa pagkain ang mga katoto nang mabanggit na ang ganoong pangalan.

Hindi naman ‘kako usapin ng libangan at kahibangan ang nakataya, Mas marami lang sa populasyong Pilipino ang sumasampalataya sa mga ikinikilos ng Kris Aquino. Magandang pagkakataon na maituwid ang mga taliwas na paniniwala ukol sa pagpapasuso.

Iginiit ng isang katoto na mas maraming magulang ang magpapadugo ng kanilang bulsa para bumili ng pampers sa halip na magtiyaga sa lampin.

‘Kako’y wala namang masama kung ibibilad ang suso’t ipapasupsop sa sariling sanggol. Mas malaki ang bilang ng populasyon na nakatutok sa idiot box o salaming suso. We want to sell an image that projects a healthful practice.

Sa madaling sabi, lalong tinabangan sa pagkain ang lahat. Hindi na nagalaw ang malinamnam na apahap—na 10 taon na ang nakalipas nang huli kong matikman.

Mahirap talagang ipagduldulan ang nutrisyon na masusupsop sa suso. Mahigit 300 ang pampalusog na sangkap sa gatas ng ina—aabot ng mahigit tatlong minuto sa TV kapag inisa-isa ang mga ‘yon. Ni walang isang segundo kung ibulwak ng TV ang 40 sangkap sa infant milk formula na lubusang tinatangkilik ng balana sa ngayon. Kahit 20 sa sangkap na iyon ay tahasang panganib sa kalusugan ng sanggol.

Mahirap ding ipagduldulan sa TV ang katotohanan na gutom ang inaabot ng 4 sa bawat 5 pamamahay sa bansa. Kaya talagang mas marami ang naniniwala na napakapihikan sa pagkain at pawang fastfood saka junk food lang ang matino’t wastong pagkain para mga bata.

Wala namang aangal kung ipagduldulan natin sa pitak na ito na masabaw na puday ang karaniwang nalalantakan sa kasalukuyan—kahit wala talagang nutritional value na mahihigop dito.

Saka walang patalastas sa TV na igigiit na makulay ang buhay sa sinabawang monay.

Mwa-ha-ha-ha-haw!

Hanggang saan aabot ang P100?

MALAYO na ang inaabot ng P100 sa Internet card—sanlinggo.

Bulakan hangggang pinapasukang tanggapan sa Makati lang ang talagang aabutin ng P100. Sandaan uli sa pauwi. P200 pamasahe sa isang araw.

Idagdag pa ang iilandang na inis at inip sa pagsagap ng samut-saring usok, alikabok, at alimuom mula katawan ng kapwa pasahero sa bus o rail car. Isama pa ang napahabang usad ng mga sandali kapag tila uhog sa ilong ang daloy ng traffic.

Carpe diem! Sunggaban ang palaka sa gitna ng hita, este, sunggaban ang araw.

Malaki talaga ang tipid kapag nasa virtual office. Maraming panahon at salapi ang natitipid. Ubrang ipahatid sa kidlat ng world information superhighway o Internet ang mga natapos na sulatin. Hindi na kailangan pa na magara’t unat ang bihis o tinungkab ng todong hilod ang libag at libog sa katawan. Hindi na kailangang maglublob sa pabango’t pambakbak sa likas na sanghaya ng katawan. Hindi pa gaanong mapupudpod ang sapatos sa lakad.

At maraming mapag-uukulan ng panahon kapag nasa sariling lungga’t nag-uugoy o nang-uunggoy sa sariling diwa sa duyan ng mga sandali.

Nariyang maghamon sa ilang kompanya sa labas ng bansa. Maraming naghahagilap ng magsusulat para sa kanila.

Masaya ‘kako diyan sa Singapore. Pero baka naman ubrang minsan na lang sambuwan ang pagsipot diyan. Aayusin na lang ang mga kailangang sulatin dito sa Bulakan, ipupukol lang sa Internet—walang sasablay sa daloy ng gawain.

Malupit ‘kako ang bayad-upa sa matutuluyang lungga sa Hongkong. Kaya ipadala na lang sa electronic mail address ang mga kailangang sulatin—kahit naman narito sa liblib na lupalop ng Bulakan, matatapos pa rin at maibabalibag pabalik sa pamamagitan ng Internet.

Mahirap na ‘kako ang masibak ang tumbong diyan sa Saudi Arabia . Saka hindi yata ako mawiwili sa pagkain at kawalan ng malalaklak-alak at mahihimas-dilag diyan—maghunta na lang kita sa Intermet chat room habang inaayos ang mga isasalpak na sulatin sa pahina ng diyaryo ninyo.

Magkaiba man ng tinatawag na time zones sa magkalayong panig ng daigdig, puwede ang ganoong work arrangement sa tinatawag na virtual office. Sa loob ng sariling pamamahay habang nakatunghay sa computer screen. Naranasan na kasi noong 1990s na bumuno ng sulatin na alas singko ng hapon ang taning para maipadala sa Amsterdam, hatinggabi naman sa Makati .

Nasa magkaibang time zone nga pala ang Makati at Bulakan. Magkaiba ang ihip at simoy ng hangin. Pareho man na tig-24 oras sa isang araw at 60 minuto bawat oras, mas mabagal yata ang usad ng sandali sa Bulakan.

Sa Makati, minsan lang nasumpungan isang hapon na may ibong langay-langayan sa gilid ng pasamano ng bintanang salamin sa tanggapan. Palinga-linga sa paligid ang langay-langayan o swift. Tila andap pero maringal sa tindig. Tila ipinagpaparangalan ang matingkad na langit at kahel sa kanyang dibdib at pakpak—mapusyaw na kulay ng kongkretong limahid sa alikabok ang kanyang paligid. Kaya tumingkad lalo ang kanyang kulay.

Sa sariling lungga sa Bulakan, dumadalaw tuwing umaga ang dalawang Puwit o sunbird—mapusyaw na dilaw at bughaw ang kulay, sinlaki ng hinlalaki ang katawan. Magtalisuyo yata. Kung hindi aali-aligid sa mga pulang talulot ng lobster claw heliconia, sa mga kahel na bulaklak ng love and devotion pumapandaw ang dalawa ng matamis na katas ng bulaklak.

Kapag napagod ang isip sa sulat, maibabaling sa solat—makapanawagan muna ng ilang sandali sa dasalsal sa Maykapal. Tummy crunches kasabay ng rhythmic breathingbreathe in at 1 count, retain air in diaphragm at 4 counts, breathe out in 2 counts para laging masigla ang lymphatic o immune system ng katawan, maging mahusay ang metabolism at manatiling nakaumbok ang anim na pirasong pan de sal sa sikmura. Yeah, prayer is downright physically engaging and healthful.

Wala yatang nagpupugay sa Angelus, vespers hour (dito napulot ang katagang ‘bisperas’) o oracion sa Makati. Dahil lumalangoy pa rin ang karamihan sa agos ng gawain.

Sa virtual office ng sariling lungga, masusunggaban ang sariling oras, magagagap ang sariling araw sanlinggo—sa halagang P100 ng Internet card.

Lampas na ang hatinggabi'y may kausap pa

ALAS singko ng hapon ang lipad ng eroplanong sasakyan ng kausap patungong Canada . Lampas na ang hatinggabi’t nag-aapuhap na lang siya marahil ng makakausap na kapwa Pilipino. Magiging pabaon ang kahit katiting na huntahan sa kanyang paglisan sa bansa.

Urban planning daw ang kanyang tatapusin doon. Saka babalik sa bansa para mailapat ang kanyang matututunan. Kung maaari ay sa alinmang lalawigang may lunsod na malalapatan pa ng matinong balangkas sa matagalang paglago’t paglawak.

‘Kako’y 1930s pa nang binuo ang balangkas ng tinatawag na national government center sa Quezon City —sa naturang lunan ilalatag ang lahat ng gusali’t tanggapan ng pamahalaang pambansa. Naitindig naman doon ang Batasang Pambansa complex. Na sa Kamara na ngayon. Ni hindi na nga tinangka man lang ng Senado na lumipat doon—kahit isang gusali sa gawing silangan ng Sandiganbayan ang ipinatayo doon, Para sana sa mga senador at bulwagang pulungan ng Senado.

Dumagsa ang squatters sa national government center. Naging national squatters center.

Nalintikan lang talaga ang matagalang balak para pagsamahin lahat sa iisang lunan ang mga tanggapan ng pambansang pamahalaan.

Gayunman, tuloy lang ang pagpapalapad ng pangunahing lansangan na maglalagos sa naturang binabalak na maging puyo ng pambansang pamalaan. Pansinin na mas malapad ang Commonwealth Avenue kaysa Epifanio de los Santos Avenue . Nakatakda ring magtindig ng railway line sa Commonwealth Avenue, itutuhog hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan na gagawin namang pangunahing himpilan ng pampublikong transportasyon sa hilagang silangan ng lumalawak pang Metro Manila.

Pero wasak na ang balak na matupad pa ang national government center—maliban na lang kung papayag ang mga squatter na sumalpak doon na mailipat sa mga mabubuksan pang lupalop sa bahaging paanan at baywang ng Sierra Madre sa gawing silangan. Madugo sa bulsa ang pagpapalipat ng squatters—nitong 1990s ginugugulan ng P20,000 ng taxpayers ang lipat-bahay ng bawat squatter family sa Metro Manila. Mas kawawa pa rin ang taxpayer

Nabanggit na rin sa akin ng panganay na anak na balak din niyang magtapos ng urban planning. Maganda ‘kakong kaalaman ang ganoon pero tiyak na sa World Bank lang siya makakaasam ng mapapasukang trabaho. Hindi pa man nauso ang urban planning dito, ibinasura na sa kangkungan. Ni hindi nailapat kailanman.

Binanggit ko ang ugat na dahilan. Learned people are easy to rule but much too difficult to tyrannize. We don’t have much learned people in this neck of the woods—so there’s no rule of rule.

Urban planning is an outcrop of space planning, paliwanag sa anak. Take a good look at how people make use of space, how they fuse their lives and activities into the lay of the land. Parang paglalapat ng hiyas sa sinsing o palawit na bato sa kuwintas—nagiging mas marikit at matingkad ba ang halina ng paligid kapag may tumahan nang pamilya sa alinmang puwang ng lunan? O tahasang winawasak lang ang lunan?

Beauty and a sense of order lie within the individual, bubulwak na bukal na dadaloy ang taglay na kariktan sa paligid. Huwag nang ipagduldulan sa paningin ang mga proyekto ng Gawad Kalinga—pulos limos lang ‘yan.

Ganoon lang din ang nilinaw sa batang iyon na alas singko pa ng hapon ang lipad ng lululanang eroplano patungo sa Canada. Doon siya magpapakadalubhasa sa urban planning.

Lagi ‘kong ungkatin ang tinatawag na human factor at umiiral na kolektibong pananaw sa pamumuhay.

Madaling araw na nang magkahiwalay kami ng estudyanteng iyon.

Sana may nag-iingat sa mga himig

ISINUKA ng videoke ang kahit na sinong tumutugtog ng gitara, piano o anumang maisasaliw sa aawit. Sound engineering technology ang ipinalit sa musical talent. Kaya kahit na sinong palakanta at palakang kokak, ubra nang umalulong.

Kaya may mga babaling sa paghahanap ng musika na hindi sinalaula ng sound engineering. ‘Yung mga tugtugin nitong mga taon ng dekada 1950. ‘Yung pure sound, walang santambak na sahog ng tunog at kulog ng bass. Mga tugtog na mula yata sa puso dahil hindi pa naghuhuramentado ang sound recording technology.

Sa New York (hindi po sa Cubao, Quezon City ) may nakaapuhap at nagbigay ng compact disc na naglalaman ng Theme from the Anna Magdalena Notebook ni Johann Sebastian Bach. Astig na software engineer na ang anak na nagpahanap nitong 1990 sa naturang tugtugin, Nakasalpak na sa kanyang iPod—na wala pa sa panahong iyon.

Uhugin pa ang damuho nang simulang makagiliwan ang mga obra ni Bach— na parang naglalaro yata ng tumbang preso o patintero sa piano ang bawat nilikhang himig. Nahawa lang talaga sa aking hilig ang anak. Masugid akong tagapakinig sa DZFE 98.7. Doon nasagap ng anak ang mga likha ni Bach. Nakagiliwan sa kalaunan.

H’wag na ‘kong ungkatin kung bakit mga tugtugin naman ni Django Reinhardt ang pilit kong ibubusina sa pitak na ito. Hindi pa ako isinisilang nang pumanaw siya. Edad 53 na ‘ko.

Pero nais kong marinig ang taginting sa bagting ng kanyang gitara. Jazz.

Bagting? That’s one word that won’t make it to your word list. Chord, that’s what it is. Several notes on a guitar’s strings plucked together, sounded out as one or each note struck in quick or slow succession before shifting to the next bundle of notes. These days, bank notes are what can interest you.

Bagting. Bakting. Wala naman yatang hagupit sa dalawang pirasong pantig niyong kataga. Teka, natunton ako ng isang mananaliksik na nais maipalabas sa TV ang bakting—a village idiot given a handbell and sent off on an errand to walk the breadth and length of a town, tolling and telling of a death. May tula at tuya na iuukol sa bakting. Pati sa bagting.

Pati sa taginting na aalingawngaw mula sa pinagsanib na bah mak (na naging bak o Bach). Na ang katuturan nga ay gagapin ng puso, sunggaban ng puso, kapain at apuhapin ng puso. Palpate. To reach out to what is palpable and palpitating.

Hindi ko naihayag—bangenge na ‘ko sa laklak ng brandy, nilango pa ‘ko sa beer—sa nakipagkrus ng bisig sa isang bahay inuman sa New Manila ang katuturan ng bah mak. Naglalaro ng yaw yan ang bata. ‘Kako’y wuyiquan ang larong naisapuso ko.

Sa gayong paglalaro, kailangang makinig sa puso. Gumagap. Sumunggab. Kumapa. Umapuhap.

Na hindi kamay o paa ang gagamitin. Puso lang. Bukas na puso.

Sa puso rin magsisimula’t magmumula ang iuulos at itutulos. ‘Tangna ba’t napunta na rito ‘tong usapan?

Kay Django Reinhardt tayo nagsimula ‘di ba?

Sunog na ang mga kamay niya sapul edad-18. Dalawang daliri lang ang nagagamit sa pagtugtog ng gitara. Jazz guitarist si Django.

Pero kapag ganoong talamak ang kapansanan sa kamay, paano pa mapaglalaro ang kanyang nalalabing daliri sa mga bagting ng gitara? Ano pang tugtog ang lalabas at ibubulalas ng kulang na kamay?

Bah mak na tataginting. Pinagsanib at naging bakting, the village idiot out on a walk crying out to all and sundry of a death. Na katuturan din ng bagting o anim na sampayan, a clothesline of sorts strung along the voluptuous form that is a guitar’s to dry off every rinsed fabric and wrung out article of clothing— na kapag tuyo na’y makulay na pananamit na ibibihis at isasapin sa hubad na katawan

Nabubuo ang ganoong hinala hinggil sa katangian ng mga likhang tugtugin ni Django Reinhardt. Musika na hindi hamog-himig na kinimis at pinitas ng napinsalang kamay at nalalabing dalawang daliri. Bukas na puso ang mariing pumipisil sa tagdan ng anim na bagting, Bukas na puso na lang ang umaantig sa bawat bagting upang tumaginting.

Nais kong maulinig ang bah mak, ang bakting—how audacious idiocy can be!—sa bagting, ang pitlag at pintig ng puso na dugong dadaloy mula sa mga nilikha ni Django Reinhardt.

So if you’ve got some Django Reinhardt music, please be generous enough and share it.

May isisingit na kataga ng panahon

BUNTON ng mga ulat at sinulat ang tinahip ng mga patnugot ng isang talatinigang English. Humiwalay ang busal sa butil—natukoy ang100 katagang gasgas na gasgas sa pagsulpot sa alinmang usapin, talakayan, pati na karaniwang usapan sa araw-araw.

Time o panahon ang nangunguna sa pinakagasgas na kataga. Talaga yatang tangay sa aliw-iw at kasaliw ng panahon ang daloy ng pamumuhay at kabuhayan.

Patunay ang nagtusak at nagtusok na page impressions sa mga lunan sa Internet ukol sa pang-araw-araw na pagtaya sa lagay ng panahon. Nakasalalay kasi ang buhay at kabuhayan sa mga samut-saring gawain na kakawing sa pagkain— isang napakahabang tanikala mula sakahan hanggang pamamahagi sa mga pamilihan pati na paghahain sa mga hapag-kainan.

Panahon pa rin ang pakay ng pagmamadali sa paglasap at pagsangkap ng punyagi sa bawat sandali—kung maaari.

Ilang ulit na nahagip ng ulan ang ibinibilad na tumpok ng mga sili—labuyo, Cantonese, at pansigang—sa arawan. Kailangang matayantang sa araw bago halu-halong liligisin lamukot, buto’t balat sa almires o lusong. Sasangkapan ng niligis na ilang ulo ng bawang, ilang daliri ng luya’t mga mumunting hiwa ng labanos o murang ugat ng malunggay. Sasamahan ng ilang kutsarang asukal para masawata nang konti ang anghang. Sa mga ganitong ligis na sangkap igugumon ang mga hiniwa’t pinigang dahon at tangkay ng petsay Baguio o Napa cabbage.

Isasalin sa garapon o banga, sambuwang ititinggal sa isang sulok ng refrigerator o ibabaon sa lupa. Ganoon ang “pagpapahinog” o paglalaon sa kim chee. Mainam itong pambukas ng gana sa pagkain. O ihahain na katuwang ng inihaw o pritong isda. Habang umuusok ang kanin, uusok naman ang tainga’t ilong sa sikad-anghang ng kim chee.

Pinakamadaling isahog saanmang usapan at usapin ang pagkain, batay sa natuklasan ng mga mananaliksik. Kaya tiyak na madaling maisasahog at magiging palabok ang panahon—na lagi’t laging kakawing sa samut-saring gawi’t gawa ukol sa pagkain.

Talagang nakasanayan nang namnamin ang maliwag na pagkain. ‘Yung slow food. ‘Yung nilaon sa usad ng panahon. Hindi minadali. Ano nga ang salawikain na nakaukol sa ganoon? Ang bungangang nahinog sa pilit… sapilitang magdirikit?

Teka, bungo man ng sariling ulo hilaw pa rin kahit ikalburo. Ikalburo man’y manggang kalabaw, mahinog man lasang hilaw.

Ni hindi nasimulan ang pagbabad ng petsay sa tubig at asin para katasin. Sinapian ng amag ang mga siling labuyo’t Cantonese. Nangatunaw naman ang mga siling pansigang. Pero hindi naman lubusang nasayang—Capsicum frutescens ang sili, nakasaad sa pangalan ang taglay na capsicin na maisasangkap sa pamatay-kulisap. Ikinanaw na lang ang ilang dakot na sili sa bangang may nakatanim na water hyacinth at sagittaria. Iwas sa kiti-kiti. Na nagiging lamok sa pihit ng panahon.

Inaangkin tayo ng mga inaangkin natin. Ganoon ang giit ng aming dalubguro Raul S. Gonzalez na taga-Mandaluyong pero hindi kandidato upang ipasok sa Mandaluyong. May ilang bayong din marahil ang naimbak kong mga kataga, paulit-ulit na ihahabi, ihahayuma’t itatagni sa mga hibla’t himaymay ng pangungusap—ah, such sequins and sequences of words one can stitch into the fabric of thought.

Sa isinagawang adult literacy classes sa mga manggagawang pansakahan, natukoy naman ang kataga na may pinakamatimbang na kahulugan. Pinakamalapit din sa puso nila ang katagang “lupa.” Kasi, tila sudsod ng araro na nakasubsob doon ang kanilang pamumuhay.

Kaya “lupa” ang titibok sa kanilang dibdib, aalingawngaw sa kanilang isip. Hindi tiwalag sa kanilang gawaing pangkabuhayan ang “lupa.” Gasgas na gasgas, pagas na pagas pero lagi’t laging may ibabalikwas na katuturan sa pamumuhay nila ang “lupa.”

“Miskol” daw ang salita ng taon para sa isang pangkatin ng mga text maniacs. Matindi ang katuturan niyon sa kanilang pamumuhay.

“Dyakol” naman ang iminungkahi ng isang katoto. Nakasalalay daw kasi sa sariling kamay ang pangangalaga sa kuyukot kontra prostate cancer. Saka mas may pakinabang daw sa digital technology.