ANIM ang nakasagupa ng anak ng kumpare… pulos punit, wakwak halos ang mga mukha, leeg at bisig ng anim kaya dumadagundong ang putak at tungayaw ng kani-kanilang magulang sa presinto, kakasuhan ng grave physical injuries, frustrated homicide ang iisang sumagupa…
“Masahol pa sa demonyo ‘yang anak mo, dapat lang ikulong ‘yan!”
Nakangisi ang kumpare, mahinahon: “Mag-aaksaya lang kayo ng pera sa asunto… Anim sa isa. ‘Yung nag-iisa, walang armas, kakasuhan? Sino maniniwala sa ikakaso n’yo sa anak ko?”
Napakamot ng batok ang desk officer, napapatango sa pag-ayon sa turan ng kumpare…saka sino ang maniniwala sa nakasulat sa blotter, gulpe-sarado sa iisang suspek ang anim na biktima?
Mahigit 10 taon na ang nakalipas nang mangyari ‘yon… nagtapos na sa kolehiyo ang mga nagkasagupaan, estudyante pa sila noon… kakaiba lang ang gawi sa araw-araw ng isang bumarog sa anim… nagbubunot ng pako sa mga antigong haligi, nagpuputol, nag-uukit, nagkikinis ng inanluwageng kagamitan…
Samut-saring kasangkapan ang nakasanayan sa lapat-kamay na gawain… bareta de kabra, lagari, pait, katam, martilyo, papel de liha… something about tools with which work is done that steels more than character in the lathe of hands-on labor…
Hindi lang kalyo at gaspang ang naiiwan sa mga kamay na inilalapat sa gawain… noon pang 1941 natukoy sa Princeton University na kumakapit ang bakas, pati na yata “kaluluwa” ng kasangkapang inilapat sa kamay… pinagtitibay lang ng natunghayang artikulo kamakailan mula Scientific American, “You Are What You Touch: How Tool Use Changes the Brain's Representations of the Body.”
Buod at ubod ng sulatin: Nagiging karugtong ng katawan ang mga kasangkapan at kagamitan na matagalang pinanghahawakan…
Kung gano’n, kailangan lang na piliin ang idudugtong na kagamitan sa kamay…’yung kagamitan na pakikinabangan… mahirap yatang masanay na nakagagap lang sa TV remote, PSP or mobile phone…o panay lang ang kamot maghapon sa bayag habang nag-uusyoso sa anumang ginagawa ng kalapit-bahay…
Napangiti nang matunghayan ang kapatid na babae na dinalaw minsan sa Tanauan… apat hanggang walong oras yata na pulos kampit at matatalas na kasangkapan ang gagap sa kamay… nagtitilad, nagtatadtad sa kanyang puwesto sa palengke… ganoon din ang gawain ng iba pang kapatid.
Samantala, matagal din yatang nagkasama ang aking panganay at ang kanyang kinakapatid sa pagtungkab ng pako sa mga antigong haligi, sa pagsalang sa mga gawaing kamay sa pag-aanluwage’t pagsisinop ng kahoy… gusto kong matutunan niya ang mga payak na aralin ng ganoong gawain na nakaugnay sa white crane kung fu…
Palakol, asarol, sudsod, taktak, kung anu-anong pandukal ng lupa at samut-saring kampit at patalim ang nakagiliwang panghawakan sa napakahabang singkad ng panahon… computer keyboard and mouse are the latest addition.
Mauungkat sa isinisiwalat ng mga pananaliksik na malalim na mga gatla pala ang inilagda niyong mga kagamitan, sumuot sa himaymay ng laman ang kani-kanilang anino, nagsumiksik hanggang sa inililiyab ng isipan.
With tools and tasks done as these, I am more than human.
Friday, September 10, 2010
Sunday, February 14, 2010
KORPO RASYON... KORO PASYON
PRIOR to orthopedist Dr. Jesse Noel V. Conjares’s go-ahead on a minor foot surgery, the 55-year old body had to hopscotch through a gauntlet of tests and did so with sky-soaring colors… korporasyon ang katawan na isinalang sa samut-saring pagsubok, kasi pati na ang ituturok na pampamanhid sa gulugod ay maaaring maging sanhi ng tuluyang pagkasawi—lalo kung mahina ang puso.
Ah, sa higit limang dekadang edad ng katawan, may kakayahan pa pala ang mga lamad, laman at litid sa paa para muling mabuo, maidugtong ang naputol kong buto. Hindi pa pala lumulubay ang igting ng kanilang mga bagting—tila mga kuwerdas ng gitara o biyolin—na makakalabit, mahihilis upang humabi ng musika’t mahika.
Och ang ngalan ng anghel ng araw—ipinangalan pa nga sa isa naming aso—na nagkakaloob ng 600 taon ng mahusay na kalusugan sa nananawagan… aba’y sandamakmak na cholecalciferol or bio-available natural vitamin D3 ang masasagap mula sa sikat ng araw upang tumatag ang lymphatic or immune system, magningning ang kutis, tumibay ang mga buto, kuko’t buhok… kaya yata mabusisi ang araw-araw na pagpupugay ni O-Sensei Morihei Ueshiba sa bukang-liwayway… para sumagap ng bisa ng araw… noong hindi pa uso ang sunblock lotion and facial peeling for toilet bowl-smooth dermatology… but I’m still a sucker for such strictures, maybe old-fangled regimen in aikido and qigong.
Isalang man sa santambak na cosmetic surgery at samut-saring panlilinlang, hindi magsisinungaling ang katawan… isisiwalat nito, ilalahad para lubusang tumambad ang mga pangangalaga’t paglapastangan mula tikas ng tindig hanggang sa bigkis ng bilbil… even the walking gait can betray debaucheries, excesses or successes, and untrammeled sloth. All flesh is grass and can be gross; the corporation can go the way of corruption.
Pinili kong sa Miercoles de Ceniza ang labas mula pagamutan… Ash Wednesday, araw ng abo— each is a blood type, ABO—and Woden’s day (a tad close to wooden) is so named after Woden, a chief deity in the Nordic pantheon… para may matining na katuturan ang paglilimi sa ganoong araw… magdidildil ng dili-dili hinggil sa katawang lupa, nilalang mula sa alabok ng Maykapal… aba’y sambuwan ding napigilan ang gaslaw ng galaw, liksi’t likot ng katawan para humakot ng naanod na banlik mula pampang ng ilog… maglilipat kasi ng mga pinupol na tangkay ng paminta mula pa sa Tagaytay… body conscious talaga, not really gone from bod to worse.
And I’d have to make a peace offering to Afriel, the “angel who protects that which is youthful and tenderly growing within each of us, no matter how old we are… a being who grants youth, vigor, and vitality”… he whose name’s first syllable means “anger” and embodies torrential, flood-provoking rainfall…
Thursday, February 11, 2010
KATAWANG KATUWANG
MAKALIPAS ang sambulat at pasyon ng mga puso’t puson, ibibisaklat ang araw ng mga “X” sa noo—Miercoles de Ceniza—upang maipagduldulan ang makalupang pagnanasa’t kamunduhan na nilalaman ng bungo’t laman… the times sign or “X” rating on the forehead means “Go forth and multiply”… o ang tao’y marupok dahil nilalang lang mula sa alabok… na ang abo mula pinagsunugan ay mayaman sa potassium at gusto ‘to ng pananim na sili at saging.
Kagimbal-gimbal na sakuna. Nabagsakan ng mga nagliliyab na par lights ang super model sa kanyang mukha—a face that could launch a thousand ships, endorse myriad cosmetic products and fashion bling-blings, maybe send off a thousand shrimps as ingredients for okoy.
Super model survives third degree burns— but it will take years for a series of reconstructive surgery, skin grafts, implants, all that jazz on a hellish hideousness to restore a semblance of the face that could touch off a twister of envious sighs and fits of tumescence.
Inararo niya ng angas, pinutakte ng katsang ang kawawang esposo, isang bihasang siruhano. Bumigay ang lalaki… na kahit kahila-hila-hila-hilakbot na ang anyo ng asawang (asuwang?) pinandirihan na ng mga dating amigo’t amiga, talagang mahal na mahal pa rin niya.
So the surgeon gives in to super model missus’s urgent whim.
Naghagilap ng organ donors—yes, the skin is the human body’s biggest organ. Wala naman talagang papayag na magpabakbak ng balat para maisalpak sa mukha ng matindi ang pangangailangan na muling mabihisan ng kaakit-akit na anyo. Wala nang tutol, walang palag ang unang involuntary donor—na ginilitan… surgery becomes butchery.
Napanumbalik ang mukha, balik sa dating kapritsong gawi’t gawa ang esposa… hindi naman makabalik sa kanyang medical practice ang esposo.
In less than a month, the facial skin graft is rejected… and it’s back to the hellish tongue-lashing for the rueful surgeon… again, he succumbs and seeks out prey, all for the love of a vain woman.
So, there’s a cycle of butchery on unwilling donors and surgery on a beautiful virago—a full year’s calendar with a poor victim as flavor of any month.
Sarap magdildil ng dili-dili na may putok at kiliti ng kili-kili. Gusto kong bunuin ang umiiral nang ikid ng isipan hinggil sa panlabas na kagandahan, skin-deep beauty, epidermal macabre… something to slam in your face like a piping hot pie-- ang sapilitang paghihiwalay ng katawan sa diwa sa halip na pagsasanib bilang katawandiwa o bodymind.
I have learned from a quaint kung fu style, the wuyiquan… a fusion of mind, body and spirit… mind and spirit hurls faster than, let me c = 300,000 kilometers per sec, yeah, the speed of light. The body is a frail vessel, a sort of vehicle nudged by mind and spirit… every action can be mindful, every act can be spiritual… and as mind and spirit go faster than light… hand or foot unleashed can be faster than the wink of an eye.
I’d have to ask a priest to mark my forehead with “XXX,” mwa-ha-ha-ha-haw!
Wednesday, February 10, 2010
ARAW NG MGA PUSO, GABI NG MGA PUSON
MUSMOS na susubsob sa dibdib mang tuyot
Masuyong susupsop sa utong na pulot…
Sisimsim ng tamis, katas ng lamukot
Pupukaw sa alab at liyab ng hamog!
Simoy ng disyerto ang buntong-hininga
Hahaplos sa leeg, sa puno ng tainga…
Sa batok… sa pisngi… sa pikit na mata…
Pitik-bulag wari, didila sa baga.
Guyang gagalugad mula sa gulugod
Sa gulod at parang, liblib ng lupalop…
Pagnanasa’y pastol, alagaing hayop
Silang mga kamay, kukumot… kukurot…
Kung sa talampakan guya ay gumawi
Upang maghalungkat ng tagong kiliti—
Gatla’y malilimbag sa tabi ng labi,
Sa gilid ng mata… sa bawat pagngiti.
Makailang ulit, laging malalagda
Ang alon ng ngiti at agos ng tuwa
Maging luwalhati—iiwan ay gatla
Nitong pagsasalo, bawat pulot-gata…
Sampitsel na gatas ng pusong kaylawak
Na kung ilang supling nag-iwan ng yapak
At kagampan pa rin sa untag ng galak—
Luluwal na nektar may tamis ng alak!
Sa kung ilang supling na doon nagkanlong
At kung ilang anak na doon kinandong
Kamusmusang kimkim muling paroroon
Sa sinapupunan na nilisan noon…
Garing na haligi magkabilang hita
Karimlan ng gabi ang ngiti sa gitna—
Ngiting sa tuwina’y laman ng gunita
Ngiting may asukal, supsupin ng dila!
Kung upos at abo ang doon lumagak
At sigid ng lamig ng mga magdamag…
‘Sangkuntil mang titis, ‘santatal na diklap
Sa piping kataga—mapaglalagablab.
Katawan mang gapok, dadalhin sa rurok
Yayakap sa apoy—liliyab na lubos!
Kaliyag, kaliyab, kabiyak na taos
Kasabay iindak sa himig ng hamog…
Ang mga pangamba’y damit na nahubad
Maging panganib man—wala nang kamandag
Sa ugoy ng duyan ng laman at lamad…
Pag-inog ng mundo pilit maaampat…
Hihimbing sa lambing ng mga pangako
Ng ilang pag-asa at libong pagsuyo--
Kahit sa agahan ang hapag ay tuyo
Kahit nagbabanta mga pagkabigo…
Tuesday, February 09, 2010
I swing the FB electric!
DYNE is a unit of work… at ‘yun lang mga nagtatampisaw sa gawain ang dynamo (‘yung batugan kasi, ‘tangnamo!)… dynamic… dynamite!
Sasailalim na naman ang inyong imbing lingkod sa surgical procedure… kailangan na namang saksakan ng pampamanhid sa gulugod, wala yata kasing may kaalaman sa acupuncture or acupressure sa ospital na unang pinagdalhan sa ‘kin… acupuncture needles set into certain meridian points of the body, shutting down or activating electric circuits-- that can effect numbness both local or total, no need for not-too-cheap anesthesia.
Sa peryodistang sanay nang umiwas sa “kuryente,” maniniwala sa bisa ng ganoong pamamaraan na mahigit 5,000 taon nang ginagamit ng mga manggagamot sa China batay sa natuklasang daloy ng kuryente sa katawan… lalong maniniwala sa iginigiit ng katotong naging editorial writer ng pahayagang The New York Aurora, si Walt Whitman sa kanyang tula noong 1855, “I Sing the Body Electric”.
“I SING the Body electric;
The armies of those I love engirth me, and I engirth them;
They will not let me off till I go with them, respond to them,
And discorrupt them, and charge them full with the charge of the Soul.”
Para talagang cellphone ang seksing katawan… kailangang saksakan.. recharge ang kailangan kapag kulang na sa kargang kuryente ang baterya.
May diklap din ng daloy-kuryente sa mudra, mga kakatwang pagtitiklop-dikit ng mga daliri na tumatalab na sa katawan… tumatalab din sa paligid. Mapapansin nga sa mga larawang limbag na magkatulad ang anyong nakatambad sa kamay ng Buddha at Bro kapag nagbabasbas… prithvi mudra ang tawag sa Sanskrit… natuklas na paraan sa paghango ng lakas mula lupa. Pampakinis ng kutis, pampatibay at pampalakas ng katawan… ‘yun pala ang isinasalin sa pagbasbas nina Buddha at Bro… pero sa panahong ito’y mas marami ang naniniwala sa diskarte nina Dr. Hayden Kho saanmang body overhauling clinics and derma salons… magpapaturok na lang sila ng glutathione, mwa-ha-ha-ha-haw!
Gaya ng bisang naisasalin ng acupuncture at acupressure—na batay nga sa daloy ng kuryente sa kabuuan ng katawan— talab ang mudra… in the veins, tendons, bones, glands, sense organs and more… why, even the dirty finger or FYI (fuck you, idiot) is a mudra of sorts that often triggers road rage.
And in the electricity that courses through every fiber and member of being, there runs a spark divine… that speaks of the soul, the spirit, of God—the power Source.
Man is meant to run as a dynamo… say, dyne is a unit of work at ‘yun lang mga nagtatampisaw sa gawain ang dynamo (‘yung batugan kasi, ‘tangnamo!)… dynamic… dynamite!

Sunday, February 07, 2010
Touch of class, dab of crass
LABAHA pala ang talim-ngipin ng bayawak na sinaklot sa buntot… nakaigtad… pumangal ang pangil sa nahagip na daliri, bumaon ang talas hanggang sa puno ng kuko… conversation piece na ngayon ang naiwang peklat sa last phalanx, sa bahaging dulo ng kaliwang hindudutdot o hinlalato… nanamnamin pa rin sa naging peklat ang sigid ng hapdi noon, pati na ang linamnam ng adobong bayawak.
Sumalampak naman ang mukha ng apong Musa sa lupa sa sabik na pagsugod sa inaasam na kalaro sanang kapwa musmos… gasgas ang ilalim na bahagi ng kaliwang mata… ngalngal sa sakit… sanlinggo rin na tinaglay ang naiwang galos sa kanyang mukha hanggang matanggal ang talukap sa naghilom na sugat.
Scars are hallmarks of a carefree childhood spent in earnest, endearing interface with the environs. Kutis na walang lagda ng masayang kamusmusan at karanasan—mga pekas at peklat—ay para lang sa mga lampa’t tanga na hindi natikman na gumalugad, makipagniig, humango ng nalalaman at katatagan sa lawak ng mga lupalop at dawag. Nag-iiwan ng bakas sa laman ang kaalaman… makailang ulit na nasagpang ng aso, nasuro minsan ng baboy-damo… aba’y minsan nang kumapal at nanigas na tila sungay ng kalabaw na kalakian ang kalyo sa mga palad at kamay… naging bunga sa taimtim na panday-sanay sa mga sining na sumalin sa katawan.
Ang bayaning nasusugatan—giit nga sa salawikain—lalong tumatapang. Lalong nag-iibayo ang kabayanihan, kahit markado ang katawan sa peklat. Pero isasantabi ang markado para mapaglaruan ang merkado—na naniniwala at nabola ng mga cosmetic surgeons at mga lampa… na ang makinis na kutis, malinis na balat ay tanda ng kagandahan.
Napag-utusan lang po ako na bumira ng storyboard sa patalastas pantelebisyon para sa kosmetikong produkto na pamawi ng peklat. Mas mabisa ‘to kaysa macilla de mano’t cebo de macho… nagtataglay kasi ng sandamakmak na katas ng sibuyas para ang balat na katad, maging balat-sibuyas—na halos katumbas ng delicadeza sa panahong ito na pati mga nakaluklok sa trono ng Palasyo’t nagnanasang maluklok ay masahol pa sa balat-kalabaw, patuloy sa walang humpay na pakikipagpaligsahan sa pakapalan ng apog, pwe-he-he-he!
Opo, umiiral ang pachydermal mindset sa ating panahon na panlabas na pagpapaganda at pagpapakinis ng kutis ang higit na pinagkakaablah-blah-blahan. There’s dermal macabre in times of epidermal obsessions—pabalat-bunga.
Nakakabahala ang ganyang pananaw na mas matimbang ang pagpapahalaga sa balat ng saging—oops, baka madulas kayo kapag makayapak nito—kaysa matamis na lamukot ng saging. We’re chewing on peelings, throwing away the luscious and nutritious pulp-meat that ought to be eaten, yeah, we’ve gone bananas!
Paensiya muna kayo, hane, gagawa lang uli ako ng mahilab-hilab na pera… storyboard coming up for the skin-conscious, mwa-ha-ha-haw!

Saturday, February 06, 2010
Parallel yoni-- verse
“DEEP inside of a parallel… yoni—verse, it’s getting hotter and harder… the tear’s what came first.”
Basta gano’n ang naulinig sa maharot na bulwak ng titik-himig mula Red Hot Chili Peppers. Kung sakali, mapapangiti’t iindak ang makikinig, makikipagniig sa kiliti ng mga titik. “Ang tulis mo. Pa’no mo nakuha ‘yon? Ganda niya,” pasimula ng kaibigan. Nag-uungkat.
Kibit-balikat ang paiwas na tugon—may nagiging kaibigang matalik, may maiibigang katalik o fuck buddy. Ang pagkuha ay wala sa bilis-mahika… mahihikayat, maihihiga ng kamay. May mga pagkakataon na ang dapat sanang inaasahan para kumuha, kinukuha… inaakala na binubungkal ang lupa, ‘yun palang lupa ang bumubungkal at nagyayaman sa nagbubungkal… he who seeks to own is owned instead by what is sought… sage seeks philosopher’s stone, such stone finds the sage… in vice-versa, vice can go versa.
Ang layo ng paliwanag sa nag-ungkat. Pero sa maglilimi, talagang may masisipat na liwanag sa paliwanag.
Nakagiliwan nang himas-himasin sa imahinasyon ang mga dilag na itinatampok sa mga kahoy-limbag o woodprints ni Kitagawa Utamaro. Kung ilang taon din na iningatan ang higit sandosenang likha niya—electronic copies in computer hard drive—na paulit-ulit na pagmamasdan, masuyong hahaplusin sa isip ang indayog ng mga guhit at mapusyaw na kulay sa mga anyo ng kariktan na sininop ng 18th century Japanese printmaker.
Hindi lang indak at indayog ng dilim at liwanag ang kabuuang nakatambad… may puso’t kaluluwa na namamalagi, lagi’t laging titibok mula sa mga makasining na paglalarawan. Karaniwang 2-3 mukha ng mutya ang nakalantad sa mga likha ni Utamaro— mas nakahulugan ng loob ang mga larawan ng karaniwang maybahay at karaniwang magbubukid, gayak sa payak na kimono sa bijinga o paglililimi sa babae o kaya’y nakalantad ang bundok ng dibdib at damuhang lambak ng laman lalo na sa shunga o mga larawan ng pakikipagtalik sa samut-saring posisyon… each pair fiery in their paroxysm of passions, aakma na ang nahagip ng pandinig mula Red Hot Chili Peppers… yoni-verse.
Hindi na kailangang magkalkal ng karunungan at maghasa ng kakayahan ang pantas sa pamantasan… but I reckoned that to be versed in something, I’d rather come and come and come into whence I come from—a yoni-versity, mwa-ha-ha-haw!
Isinasaad sa Qur’an na tahasang puso lang ang nabubulag… and so, beauty may be in the eye of the beholder, but it’s in the heart that such beauty reflects of itself in what it can behold… and hold dear.
For the uninitiated or those who didn’t bother rifling through the Kama Sutra, yoni is… I love ya majora!

Kapit sa patalim
‘KIKIANGKAS na lang sa giit ng pantas. Hindi raw mauunawa ng isipan ang paligid kaya kailangang kumilos-- sunggaban o haplusin ng kamay. Higit na mabisa’t mabilis ang kamay kaysa paningin—indeed, the hand is faster than many a thigh and delicious digital ministrations between them are best done manually, letting the fingers do the walking, mwa-ha-ha-ha-haw!
Kakabit na sa katakam-takam na pata tim, kakapit pa sa patalim… talagang sumasalpak sa kaliwang bahagi ng utak ang kaalamang kinalkal ng kanang kamay… lalagak sa kanang tipak ng utak ang mga tinuklas ng kaliwang kamay… sa kaliwang utak nakaimbak ang mga ukol sa wika at lohika, sa kanan ang sining at mahika.
Sa pagtatampisaw o paglublob sa mga gawaing-kamay—such menial tasks and manual toil that impart palms tough calluses that harden which rhymes with hard-on—nahahasa ang talim ng talino at talisik, nabubungkal ang lalim ng lirip at isip. The menial transmutes to mental.
Kaya kapani-paniwala ang isinaad na ni Leonardo da Vinci—na ang mga tamad at batugan na nagsasayang ng panahon sa walang patumanggang pagbubunganga at pagtunganga, nagiging bobo’t gunggong, pwe-he-he-he!
Kaya sasampalataya sa pananalig ng mga mongheng Dominikano— God’s dogs— na naniniwalang ang taimtim na dalangin ay gawain, taimtim na gawain ay dalangin… orare est laborare, laborare est orare. At nabanggit na rin na rin sa pitak na ito na katumbas ng 2,000,000 man-hours o oras na inilaan sa gawa ang 68 segundo ng dalisay na pagtuon ng isip sa dalangin… T-teka, magugunita ang aral sa Sunday school… payo nga mismo ni Bro… maitutulak kahit na bundok kapag gabundok din ang lakas ng pananampalataya.
P-pero wala kaming balak ni pagnanasa na magpasasang itulak ang mga bundok ng sinumang Angel Locsin, hane? Mas mainam yata kapag ganito na hands-on ministrations kaysa dasal, if only to validate the sage claim that the hand is the mind’s cutting edge.
Hitit-buga sa Marlboro Black habang sinusulat ang pitak na ‘to… nakasingit man ang sigarilyo sa pagitan ng hintuturo’t hindudutdot o hinlalato, ang kabuuan ng kamay ay may anyo ng Prithvi Mudra, a sacred hand gesture of drawing energies from the Earth without the atrocity of a backhoe o pagpukaw ng diwa’t katawan sa lupa. Talagang makalupa ang pagnanasa… kasi’y may halimuyak ng pagnanasa ang lupa.
Pampasigla, pampatibay at pampalakas ng katawang lupa ang naturang mudra. Nagpapakinis din ng kutis—the skin glows with health—may lagda ng malamlam na liwanag sa balat sanhi ng mahusay na daloy ng tinatawag na life force o chi sa buong katawan… hindi na kailangan pang magpaturok ng glutathione o sumangguni’t maglustay ng limpak-limpak sa mga body overhauling clinics nina Dr. Vicki Belo’t mga kapatid sa hanapbuhay…

Thursday, February 04, 2010
Kapirasong paraiso
GINAWAK saka walang pakundangang nilapa ng bulldozer-- baka backhoe-- ang pisngi ng lupa… tungkab ang manipis na sapin ng top soil—na karaniwang anim na pulgada lang ang ang lalim sa maraming panig ng daigdig… muntinlupa ang taguri sa naiwang subsoil… nahuthot-simot na ang taglay na yaman ng lupa…tinutukoy din ng Muntinlupa ang lunang kinatatayuan ng pambansang piitan… kaya malilinaw, malilimi kung bakit inmate orange o bihis-bilanggo ang kulay sa pampestedenteng kampanya ng bilyonaryong real estate developer…
Nagsisimula ang pagmamahal sa bayan sa pagsisinop ng lupa, not exactly a process of real estate development… “aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?” Mahusay na bibigkasin ng nag-uumapaw sa sigla’t buhay na lupa ang kariktan ng anumang itatanim… pangunahing batas nga sa pagsisinop-lupalop ang walang humpay na salin dito ng humus… rotted organic matter to infuse a sense of humus, more likely a sense of humor to coax the soil to grin rather than groan.
Masaya ang halaman sa masayang lupa. ‘Yang kung anu-anong kultura kasi, nagsisimula muna sa agrikultura o maingat na pagsisinop ng lupa—lupa muna ang pinagyayaman, isusupling lang sa yaman ng lupa ang anumang halaman. Culture is the substrate, the elemental medium that nourishes, sustains robust life… any shred or snippet of so-called culture that denies or negates that life isn’t culture.
Apat na sakong banlik o silt ang paunang binili—P20 lang sansako— ibinihis na matikas na laman sa kalansay-lupa saka tinamnan ng isang hanay, walong kulumpon ng tsaang gubat… sa tatlong taon lang, titindig na limang talampakan na luntiang bakod ang ganoong hanay. Mas malamig sa paningin, magtutustos ng hininga para sa dalawang lumalaking apo—sina Musa at Oyayi. Talagang para sa kanila ang pagtatanim… dalisay na hininga ang masasagap nila sa mga halaman, pampatibay at pampalusog ng kanilang katawa’t isipan.
Itinalagang talibang anghel sa mga halaman si Cathetel… inuntag sa dalangin na madadala ng hangin saanman habang naglilipat ng ilang puno ng amarilyo o marigold, brides of the sun… bringers of money when the blooms are displayed in the kitchen… at nagtataboy nga ang taglay nitong thiophene and a-terthienyl sa mga pesteng kulisap—kasama na ang kagaw, langaw, ipis, at lamok-dengue pero hindi kayang itaboy ang mga kumakampanyang pestedente. At sa tulad kong Diablolo, naghahangad din na makaiwas sa peste’t makahakot ng pera ang mga ginigiliw na apo, mwa-ha-ha-haw!
Dalawang sako (P60 sansako) ng organic compost ang pinaglagakan ng mga pumpon ng amarilyo… ‘langya, mas first-class compost, Malabanan grade, Jocjoc Bolante type yata ang ibinubulwak ng mga tagapagsalsalita sa Palasyo pero mahirap nang subukan na doon maglagak ng kahit na anong pananim… baka masalanta’t mautas lang.
Ah, ‘yang pagsisinop-lupa’t pangangalaga ng halaman, parang punyagi na maibalik ang kahit na pirasong gunita sa iniwang Eden, mula nilisang Paraiso.
And in tending to down-to-earth, mundane tasks in gardening, the tender reaches out for a snatch of the divine. In tending, there will be tenderness.

Tuesday, February 02, 2010
Presidentia-- balls!
SA kaigtingan ng mga Mahal na Araw hinahalughog ang mga sukal sa gilid ng sapa, ilog, at batis upang makakuha ng pugad ng tagak, white heron or egret, symbol of long life and a sigil of hung gar kung fu… hindi talaga makikita ng paningin, kailangang masalamin sa linaw ng tubig para matukoy ang kinalalagyan ng pugad… na agimat daw, may tagabulag o parang Harry Potter’s cloak of invisibility.
Baka maituturing din na agimat ang kabaligtaran ng tagabulag-- tagamulat o sagad-todo yatang visibility sa paningin ng madlang bobotante… saka naghihingalo na ang 158 pangunahing ilog sa bansa, hindi na maiinom ang tubig na malabo nang makasalamin sa pugad ng tagak… 16 na ilog ang tahasang patay, masahol pa sa lubluban ng baboy na nanlilimahid sa pork barrel, parang baradong inidoro… pawang basura’t mikrobyong sanhi ng samut-saring sakit ang taglay.
Kaya sa halip na pugad ng ibong tagak, pugad yata ng mga tunggak ang inaapuhap ngayon—magkukuskos ng tinta sa nakahanay na mga itlog sa balota ang bobo’t bobotong balana.
Pulos itlog na lang din ang pagpipilian sa post-Easter egg hunt, napipisil pala ng mga 62% o halos dalawa sa bawat tatlong Penoy (ayon sa natukoy mula pahayag ng 2,400 bobotante mula 30 siyudad sa bansa) ‘yung kandidatong may prinsipyo o paninindigan… ‘yung talagang may itlog, kayang makipagpitpitan ng itlog… kahit pa kay Humpty Dumpty sat on the wall, Humpty Dumpty had a great fall…
Elections breathe of the sacramental, which is why we’ve yakked and yammered for ages about the ballot vox populi as vox Dei… but as that survey found out, erections can be sacramental (yeah, a blessed mentality is a must) and… well, scrotal.
Such eye-opener survey findings ought to give broad hints to image builders and polititi-commercial concocters… on how to best position their products before buyers in the electoral market. Lumilitaw na pulos sablay pala ang mga posturang iniarangkada’t sangkatutak na busina para mabulahaw ang balana, pwe-he-he-he!
Aba’y nag-aapuhap ng agimat ang sambayanan sa burak at lusak na kinalubluban, pilit sinasalamin sa dilim ng kinasadlakan ang pugad na may taglay na kapangyarihan.
At para pala masikmura o maatim na iboto ang sinumang pulpol na pulitiko, kailangang ipakita sa madla ang katibayan ng kanilang presidential bet--log.
So we’ve got to egg ‘em politicos on to shift their advertising campaign tack.
They ought to bathe in the country’s dead-rotten rivers with high hopes of getting infected with elephantiasis… swell!
Once infected—or enabled-- with such a disease, the electorate can be treated to a show of presidentia-- balls, mwa-ha-ha-haw!

Thursday, January 14, 2010
Sulat-kamay
KULAPOL kulay-itim or ATM sa mga itlog na nakahanay sa balota—ganyan kadali ang pambatang libangan sa huling araw ng Semana Santa… paghahalungkat, paghahagilap ng mga nakatagong itlog… na pati yata ‘yung tinatawag sa Latin na subpoena (sa ilalim ng lawit) ay makakalkal sa naturang Easter egg hunt or erection, pardon the slip or slap but we can take it to mean the two-o-ten elections.
As those dancing babes on the idiot box would have it made simple for simpletons, the ballot vox populi—which isn’t exactly vox Dei—is all about ink-smearing a tray of eggs.
Matapos lumutang ang sangkatutak na putak, mga itlog lang talaga ang lalantad. Mag-aapuhap sa parade ng samut-saring itlog… baka naman ang talagang nais mapili ay may bayag… kalugod-lugod ang may gulugod.
Maghahalungkat nga ng nakapagitan nakapagitan sa eggs or legs… may Penoy ballot, may itlog na pula… abnoy… bugok… basag ang pula… ham and eggs… eggnog… egg giling mo, baby… even the likes of Ingmar Bergman’s “The Serpent’s Egg,” unhatched, yet through the thin membrane, one discerns the shape of a reptile.
Kapag ganyang dose-dosena, mas mainam yatang basagin na lang… can’t make an omelet without breaking eggs but, how about tocino del cielo or leche flan—just the yolks, the whites can be used as binder for mortar… the sort that went into the building of centuries-old churches.
Ah, hindi na pagsusulat ang paghalal. Pagkulapol na lang sa mga itlog… tila itlog ng pato na ilulublob sa putik na may asin para umalat… mud slinging as a political tact must have been derived from that.
T-teka… nitong ika-14 ng Enero’y “Pambansang Araw ng Sulat-kamay” sa Amerika, lupalop na natuklasan at isinunod nga sa pangalan ni Amerigo Vespucci… kung apelyido niya ang pinagkunan ng ipapangalan, baka mas katakam-takam pa ang Bestpussy… ‘kainis kasi ang katuturan ng Amerika, “mayamang kaluluwa.” They opted for the riches of the soul, dropping out a most desirable portion of the female anatomy.
Ipinagdiriwang pala ang sulat-kamay (‘di na uso ‘to)… which easily translates to a gesture of prayer… hands-on orison… sulat is Arabic for prayer.
Panalangin ang pagsusulat. At nakisalimpusa sa pagdiriwang ng “Pambansang Araw ng Sulat-kamay” over there at Rich-soul, Best-pussy… kaya inantig sa sulat ang mga pangalan ng paboritong anghel, kabilang na sina:
• Cambiel, angel of increased intelligence and the courage to think in unconventional ways;
• Barakiel, “Lightning of God,” who fills the heart with happiness, inspires joviality and a sense of humor;
• Mael, ruling archangel of the water;
• Rampel, angel of play and mountains;
• Sachiel, angel of Thursday;
• Pharzuph, angel of carnal delights;
• Risnuch governs agriculture;
• Sefoniel makes magic, wishes, dreams come true;
• Metatron, chancellor of Heaven, highest power of abundance;
• Simikiel grants destruction, vengeance, punishment… only if deserved—don’t ask unless you are in the right or it comes back at you threefold;
• Kokaviel grants impossible things;
• Duchiel helps keep the body-mind young;
• Och of the Sun gives perfect health;
• Taliahad, angel of water, physical strength, and safety.
Mas mahaba pa sa listahan ng kandidato… kung ilang pahinang talaan ng mga pangalan, kapangyarihan, at katangian ang sinabakan sa sulat-kamay… hands-on invocation… mas masaya kaysa magkulapol ng itim sa mga itlog.

Wednesday, January 13, 2010
LAKLAK--HINDI LAKI-- SA HIRAP
ANG lintek na Lenin payak lang ang lunas
Upang silang dukhĆ¢ bilang ay malagas
Bawat sampung tambay—isa ang shot on sight…
Kaya unti-unti… ubos ang mahirap!
Hayop na Lenin ‘yan, talagang hayupak
Pilit na pinuksa silang mga tamad
Na nakatunganga maghapo’t magdamag
Pagod sa pahinga… sa tulog ay puyat.
Pati ang Bibliya ayaw sa batugan
Dapat daw ipagpag bilbil sa katawan.
Sa katas ng pawis, apoy ng isipan
Doon mahahango ang kinabukasan!
Pati nga si Kristo nagkibit-balikat
Kung sa konting pera, tiwala’y winaldas…
Paano pa kaya pondong sandamakmak
Sa bulsa ng pobre babahang may galak?
Sa Bhagavad-Gita bilin ay magt’yaga
Na h’wag nang aasam sa anumang pala…
Kapagka kumayod, tiyak may biyaya
Kapag kumakanyod—may nakabukaka.
Pero ano ito, bawat kandidato
Ipagpipilitan… siya’y pobreng tao?
Nasa’n ba ang Lenin? Papuntahin ditto
Para mabawasan aming iboboto.
Kokontiting pera ‘di maitutustos
Sa kampanyang sagad at todo sa gastos…
Malakiking pondo sabihin mang bastos:
Gastusang bastusan, ‘di magiging kapos.
H’wag ipagduldulang kayo’y dating dukhĆ¢
At ngayon kayo nga’y nakaririwasa
Na nanggigitata sa luhƓ at rangya
Na nagpapamudmod ng utot ng dila.
Sila po’y mahirap… yatang maunawa
Kung bakit sa hirap ay hindi nagsawa
Pobre diumano lulublob sa madla…
Baka nga sisipsip ang bundat nang linta?
Sa pook at lunang sagana sa boto--
Doon ikakatsang sila’y pobreng tao
Kaya dapat lamang maluklok sa trono
Saka lumaklak ng pondo sa Palasyo…
Nag-Jose Velarde man ang isang Erap,
Nag-Jose Pidal man ang Mar sa de-padyak,
Magdilang-anghel man sinumang Satanas…
H’wag lang isangkalan ang pagkamahirap!
Mahirap ang buhay? ‘Pakamatay na lang—
Baka nga yayaman silang mga bangkay
At sa pulitikong power lang ang pakay…
Sunggab high-voltage wire… tiyak na kikisay!

Saturday, January 09, 2010
Yayaman ka talaga dito!
MAGLALARO daw sa P150,000 hanggang P200,000 ang 30-segundong sambulat ng patalastas pulitika sa prime time at alanganing oras.
Isinasalpak na lang ang mga patalastas sa tatlong nangungunang himpilan para ipagduldulan sa mga bobotanteng miron ang kani-kanyang balak para isulong—o baka naman ibulid sa bangin—ang bayan at taumbayan.
Hindi kailangan ng algebra (hinalaw mula sa isa sa mga pangalan ni Allah, Al- Jabbar-- the One who repairs, reforms and completes, the One who irresistibly compels things to be set aright) para manghilakbot sa agos at agas ng salapi na sumasalin sa idiot box. Yeah, put your money where idiocy is mouthed perpetually.
Ayon nga sa Surah 17:27 ng Qur’an-- “talagang ang mga lustay sa salapi ay kapatid ng mga demonyo…” (Sige, makipaghampasan ng argumento sa kasulatan ni Allah.)
Sa kung ilang minutong paulit-ulit na bulabog, tuklaw at tukso ng demonyo sa bobotanteng manonood, nagpamudmod na sa TV networks ng higit pa sa P1 milyon—opo, isang angaw isang araw. Kung ilang angaw sa kung ilang linggo bago magsimula ang masinsinang kampanya. Baka nga umabot sa langaw at bangaw…
Yayaman ka talaga sa paglipad ng angaw, langaw, at bangaw… ‘yun, eh, kung sa mga pangunahing TV networks ang trabaho mo… tiyak na madadapuan ng pera ang bulsa.
Hindi naman malayo ang aabutin sa lipad ng angaw—baka nga katumbas lang ng two or three low-cost housing units or two squat-type school buildings. Ubrang itustos ang angaw sa santaong suweldo ng kahit 20 karaniwang obrero…
Priorities…priorities… puro palapad ng papel at palipad ng pera ang inuuna… paano kung naluklok na nilang may 20 milyong bobotante ang hinayupak na pulpolitiko?
Pero kung nabibilang ka sa umaabot lang yata sa 5 milyong Pinoy na hindi makayanang tumustos ng P50 almusal-tanghalian-hapunan bawat araw,... aasam na mapatakan sana ng kahit barya ng mga nahahayok maluklok sa trono ng Numero Uno sa Malakanyang.
At kung nabibilang ka naman sa may 5 milyong corporate and individual taxpayer entities sa bansa na tahasang tumutustos sa pansuweldo sa mga kawani’t puno, pati pagtakbo ng mga lokal at pambansang pamahalaan, tiyak na ikaw ang babawian—pagkatapos ng halalan, siyempre-- ng mga pinalipad na angaw, langaw, at bangaw.
Ay, kawa…Juan de la Cruz!
Kakatwa talaga ang pihit ng panahon in this quaint nation, probably damnation or indignation… to our consternation, there are three seasons—wet, dry, and erections, whoopsydaisy… I mean elections.
It’s the last, a prolonged period or state of dysfunction that can affect a dry or wet outcome, mwa-ha-ha-haw!

Friday, January 08, 2010
Praktis pagtubos sa Roma
HIGIT santoneladang paminta ang hinihinging ransom-- pinakaastig talagang trabaho ang pagsusulat ng ransom notes, exciting na limpak-limpak pa ang kita -- ni Attila the Hun sa Roma nang salakayin ito ng kanyang hukbo noong ikalimang siglo.
Hindi yata naibigay ang hinihingi-- sino ba naman ang lalantak ng hilaw na tartare steak kung walang budbod na pamintang durog? Kaya dinapurak ang naturang kabisera ng sibilisasyon… na ang mga panagupang kawal ay nakagawiang ngumata ng dahon ng paminta upang tumagal sa mahabang martsa't manatili ang bangis sa matagalang sagupaan.
Sa yugtong iyon ng kasaysayan, itinuturing na mas mahalaga kaysa salapi't ginto ang mga butil ng paminta… ransom payment nga ang katumbas para hindi mapulbos ng mga mangungulimbat ang isang siyudad.
At yugto ngayon ng kasaysayan na umaabot sa may tatlong milyon ang mga Pilipino na laging sablay sa pagkain araw-araw, maituturing pa rin na mas matimbang sa salapi ang butil-paminta… teka, mira ang isang taguri nito sa sinaunang Sanskrit, isinusupalpal sa mga butas ng ilong ng mummified na bangkay; sangkap din sa mummification or recipe ng dinaing na bangkay… kaya kukutuban na baka ang handog ng isa sa tatlong haring pantas (mage-kings) sa sanggol na Jesus, sangkahong mira o butil-paminta. A King's ransom indeed!
Makabuluhan sa mga Pilipinong kapos ang kita sa sapat na pagkain ang paminta: "Substance in Black Pepper Increases Nutrient Absorption up to Two Thousand Percent."
Hindi kailangan ng kasibaan sa pagkain… moderate greed and voracity with ultra-high level of bioavailability or nutrient absorption.
Natukoy din: "In addition to its effects on bioavilability, piperine-- the main alkaloid in black pepper-- has many other actions in the body that include increasing beta-endorphins in the brain, acting as an anti-depressant, increasing serotonin production, boosting brain functioning, stimulating adrenal production, relieving pain and asthma symptoms, stimulating melanin production, decreasing ulcerations of the stomach, reducing stomach acid production, and coordinating digestive tract contractions. It is highly effective against colon cancer."
Naipangako kasi kay Mang Rene Mendoza ng Sungay Lane sa Tagaytay City na tutulungan ko siyang ilipat ang kanyang puno ng paminta sa likod-bahay nila… mas mataba pa sa hinlalaking daliri ang bulas nito, hitik sa pamumunga't kung ilang taon na ring pinakiki--nabangan. Magtitirik ng bagong bahay ang mga Mendoza… masasapol ang punong kulumpon ng paminta sa pagtitindig ng bahay… tiyak na matatagpas lang, sayang naman.
'Kako'y basta maingat at masinop ang paghuhukay-- hindi kailangan ang backhoe!-- sa paligid ng punong kulumpon, tiyak na mabubuhay pa rin ang kanilang paminta… kahit 3 metro ang agwat ng pabilog na hukay sa pinakapuno, kailangang bawasan ng mga 2/3 ang bulto ng yamungmong upang makayanan ng malalabing ugat ang pagtustos ng tubig sa mga tangkay at dahon.
Kailangan ding makipatalastasan sa naturang halaman… suyuin, aluhin… arcane interspecies communication mode para hindi nito isuko ang taglay na qi o life force. Kung maaari'y salinan ng dagdag na qi upang madugtungan ang buhay nito.

SALAMAT SA BUTIL
…dahil ipagtutulakan na naman para ganapin ang payak na ritwal upang tumilapon at ibalik sa pinagmulan ang mga hindi kanais-nais na enerhiya na pilit itinatapon sa aming pamamahay ng kung sinu-sinong asungot at amuyong… what I don’t accept belongs to whomever presents such to me-- pestilence, virulence, vitriol, and all.
Pero taos-puso ang tanggap sa limang kilo ng masamyong bigas na kaloob ng mga katoto sa inang kaluluwa, Pamantasan ng Silangan. Matindi ang kakatwang lakas ng mga butil-bigas upang ipagtabuyan, ibalik sa pinagmulan ang dapat maibalik. Malakas ang kutob namin na sina G. Jess Tanchangco at Kapitan Lucio Tan ang nagkaloob ng mga naturang butil. Para maisagawa ang ritwal.
Hindi madaling humagilap ng organic rice for the rite to shoo away negative energies and haul in tons of good luck and abiding abundance.
Hindi puwede ang karaniwang bigas—the rite calls for rice grains grown on soil untainted by petrochemical-derived fertilizer, growth boosters, pesticides, and the like. Such industrial compounds suck out leech-like whatever powers dwelling in the grain—and in one’s groin.
Kaya ‘yung mga binigkis na uhay ng palay na mabibili sa Quiapo at Baclaran, pampasuwerte raw kung isasabit sa bintana o pintuan, sablay ang bisa niyon. Tiyak na pinupol sa tarundon o post-harvest growth ng palay. Na sumimsim at pinasuso sa lupang natigmak sa samut-saring agro-industrial chemicals. Whatever magic that can be wrought out of such grains has been rendered null and impotent.
The magical and nutrient content of any plant— say, rice grains embody the congealed rays of the sun and is held sacred in the Shinto faith system-- is only as good as the soil it’s grown on. Pansinin na hindi halaman ang nililinang, pinagyayaman at sinisinop: lupa at lupa lang… Now, every pronouncement coming from MalacaƱang is top-grade compost but any soil scientist worth his salt won’t use such to mulch crops… or they’ll turn crap and wither dead.
At kapag buhay na buhay ang lupa—living soil teems with life-- maihahayag nito ang sigla’t saya ng buhay sa bawat binhi ng halaman na sisibol sa dibdib nito. Sumasalin ang ganoong sigla at kapangyarihan sa mga himaymay ng halaman—mula ugat hanggang sa bulaklak at mga butong butil… na sasalin naman sa katawan ng taong kakain niyon.
Teka, kailangan nga pala ng kahit munting tason o bowl para paglagyan ng bigas—madali nang humango niyon kahit sa mga nagbebenta ng mga segunda-manong kagamitang pambahay mula South Korea’t Japan… mas mainam kung itim ang kulay, puwede nang lacquerware, earthenware, stoneware or porcelain bowl.
Punuin ang tason ng organikong bigas. Ilagay sa labas ng bahay. Matapos ang sambuwan, ibaon sa lupa ang bigas—kung may nalalabi pa, tiyak na araw-araw manginginain doon ang mga maya.
Punuin muli ng bigas ang tason. Ibaon ang bigas matapos ang sambuwan.
Ganoon lang? Ganoon lang.
Napakapayak na ritwal. Pero ibayo ang bisa. Tiyak na lalong puputaktihin ng kamalasan ang mga mahilig mang-asungot at mang-amuyong sa inyong pamumuhay—babalik lang sa kanila ang talagang nasa kanila.
At bubuhos naman ang biyaya at magandang kapalaran sa inyong pamamahay. Ganoon ang taglay na kapangyarihan ng organikong bigas.

LONGAN SA LUNGGA
KAILANGAN talagang gamiting madalas nang maging madulas kahit lang sa himod ng dila ang ilang bagong kalap na mga kataga—magiging bahagi, maihahanay sa pansariling harem ng mga salita. Mapapaniwalaan ang giit ng Lewis Carroll na “ginagamit tayo ng mga salita gaya ng paggamit natin sa mga salita.” The process seems akin to sexual intercourse, is it not?
Kaya nga sa halip na ituring na hukbo—a 700-word force to get along; at least 3,000 to get a job; about 10,000 stockpiled to have a social role, and some 60,000 words to be an arbiter of the tongue, as findings have it – ang natitipong salita sa imbakan ng katawan-diwa, mas masaya na ituring na harem. Para laging may nakatokang katalik at kaniig, manatili ang sigla at tindi ng pagnanasa. Para mas may mababakas na lamyos ng pakikipagsiping.
Each word embodies loveliness, a beauty, a wonder willing for a romp and a go… coaxed to come in intercourse. Kaya nga kahit mayroon nang kabiyak, marami pa ring alindog ang binibiyak, damuho-ho-ho-ho!
Nabanggit sa mga kausap na tila yata walang katutubong kataga na katumbas ng “toad” na nagtatampisaw wari sa lawa-lawaang nasiksik sa naglutang na quiapo (Pistia stratiotes, often called water cabbage)—pinagkukunan ng retrato ang tila bunton ng kulubot at kulugo sa mga nakadipang dahon ng halamang-tubig, magkapiling ang kaaya-aya at karima-rimarim sa paningin. Ah, iguguhit daw ng marikit na larawan ang sanlibong salita.
Teka. bathalumang palaka si Heket ng mitong Ehipto—na ang larawan ay pinaniniwalaang pampasuwerte at humahakot ng tala-talaksang pera. Laging nakapaling sa kaliwa ang larawan ni Heket na sumasagisag din sa kasaganaan at walang humpay na daloy ng biyaya sa buhay.
Pero palakang bukid ang katumbas ni Heket—tugak sa Pampanga, tukak diay ti amianan… design motif nga pala ang anyo ng palaka sa sinaunang habing Iluko… suwerte raw ang naturang disenyo na tinatawag na sinantukak, nakatambad madalas sa habing kalupi o cloth-woven wallet (para hiyang sa walang humpay na salin ng salapi) at sa kumot para yata talagang nakahiga’t nakalublob ang buong katawan kahit natutulog sa sangkatutak na suwerte’t salapi. Mas maaga yatang nakarating sa hilaga amg allimuom ng paniniwala mula Ehipto’t China.
Pero talagang sapak sa panlasa ang palakang bukid kahit gawing tinola, adobo o relyeno. Dahil pulos kulisap lang ang nilalantakan nito, may kakaibang talab sa katawan… mapupukaw ang paninindigan ng singkapan, ah, a mild case of priapism na madaling malulunasan… mas matamis nga naman ang longan kapag nasa lungga.
Sa China pa umaangkat ng longan at doon din idinadambana ang bathalang Liu Hai na nagpapamudmod ng ta… oops, ng salapi at masaganang kabuhayan. Ang nilalang na may taglay na kapangyarihan ni Liu Hai? A three-legged toad. Its likeness is sold in most Asian curio and feng shui shops.
Maiisip na dalawa lang talaga ang hita ng naturang animal. Ang ikatlo, nakapagitan sa dalawa’t salsakan ng taba. At haba.
Batay sa mga ganitong kuntil-butil, naimungkahi sa mga kausap ang katumbas ng toad sa ating wika. Palakantoad.
Natanto sa huli na mas angkop talaga ang tawag dito mula Licab, Nueva Ecija. Karag. Tahasang hinango mula sa naturang kaanak ng palaka—“How public, like a frog. Telling your name the livelong day. To an admiring bog”—na nagbubunyag ng kanyang pangalan sa sariling bibig, sa sariling garalgal na tinig na nag-aanyaya ng ulan.
K-r-r-a-g… K-r-r-a-g… K-r-r-a-g…
Isa na namang kataga ang nadagdag sa talasalitaan. Isang dagdag sa lumalaking harem na paulit-ulit na maglaaan ng mga diwata’t lakambini na makakaniig at makakapanaig sa daloy ng diwa.
At habang bumubulas sa paglaki ang talasalitaan, muli’t muling mahihimmas ng imahinasyon hindi lang ang tamis ng longan sa lungga… pati na pagsalpak ng longanisa sa lungga ng pangga, mwa-ha-ha-haw!

Mangare, dormire, amore
KUMAIN, humimbing, umibig. Kalakip ang itinuturing na sagradong binhi ng kataga—um—sa tatlong pangunahing takda sa payak na pamumuhay. Sagradong pamumuhay.
Hindi biro ang pagkain, lalo na’t hindi lang pagsisilid ng mga tipak na sapak sa mata at panlasa ang isasalin sa bawat himaymay ng katawan. Hindi lang butil, tinapay at katambal na ulam ang may taglay ng sustansiya na itutustos sa katawan, diwa’t kaluluwa. Hindi tinapay lang ang makakabusog. Hindi sapat ang dalisay mang tubig para mapawi ang uhaw.
Kailangang hindi maging patay-gutom ang diwa. Subukang lulunin ang pride… pwaa-haah… lasang sabon! Masyadong mataas ang phosphate content… dapat yatang ibaon sa lupa… pataba. Mabulok kaya’t magkaroon ng sense of humus?
Tatlong pirasong pritong kurita (oops, hindi po ito ina ni Sen. Manny B. Villar, Jr.) o pugita ang inihain sa ‘kin nitong agahan. Tikman ko raw. Isa lang ang ginalaw… mahirap ipaliwanag ang linamnam.
Mga dalawa-tatlong oras kaming nangilaw… naghibas o low tide sa bahaging iyon ng South China Sea… mistulang kural ang mga bumabaw na luong o tide pools para sa mga isda, pero kurita lang talaga ang pakay… salapang… saksak… saklot.
Nagpupuyos sa pagyapos ang amihan… makilapsaw ang tubig… naikubli sa linlang ng alon at pusyaw na dilim sa liwanag ng bilog na buwan ang pakay.
Malilibang ang mga mata sa walang humpay na sipat sa gaslaw ng tubig… busog na busog ang paniningin kaya hindi pansin ang pagkuyumos sa katawan ng lamig, ang unti-unting sigid ng pagod sa hita, binti’t tuhod.
Musmos na muli nang saklutin ang ikalimang kurita sa kung ilang oras na paglilimayon sa lawak ng buhangin at bahura. Naghuhumiyaw na sa paninigas ang kalamnan ng mga pigi’t binti… ulol na nagkukumahol pati na ang… titingin pa rin sa naglisaw na liyab mula sa mga nakasabay na nangingilaw sa magdamag. Nag-aapuhap, naghahagilap ng masusundot na kurita ang mga nasa tapat ng bawat liwanag.
Sa mga larawang limbag-kahoy o woodblock prints ng henyong si Hokusai nahapyawan ang mas masarap na lantakan—tako-bobo o pugitang pu… o pukita (para hindi mas malaswang pakinggan). Kumakapit, sumisigid ang sedang laman habang sunod-sunod na sinasakyod. Sumasakmal habang sinasalaksak. That’s something lusciously new for a word. Pukita. Mula shunga o mga larawang tagpo ng umaatikabong pagtatalik na nilikha ni Hokusai.
Hindi sapat na gantimpagal ni gantimpala sa magdamag na pagod ang limang pirasong pugita. Sa kung ilang oras na paglilimayon, ang paslit sa puso’y naalimpungatan… bumangon. Nagtampisaw, walang humpay na halik ng alon ang bubot na manggang halakhak.
Mangare. Dormire. Amore. Kumain. Humimbing. Umibig.
Nahimbing ang patang katawan at busog na isipan. Sa panaginip, umaalingawngaw ang magkasaliw na halakhak ng alon at hagikgik ng tuwang tuwa ring paslit na nagkukubli sa sariling dibdib.
O tempora! Ah, amore, amore!

KAPA SA TIGANG NA LUPA
AF BRI ang pangalan ng lakan ng ulan
Kakalap ng ulap at saka iibsan
Tubig bibihisan lupa ng luntian
Huwag ipagkait ng limot na utang.
Isanggalang silang nagbubuhos dasal
Papawi sa uhaw nitong lupang tigang
Maihatid nawa mula kalangitan
Mga dampi’t haplos ng kasaganaan.
Tubig ang hinirang sagisag na wagas
Ng kapangyarihan mula sa Itaas
Lahat ng nilalang, dakila ma’t hamak
Bibigyan ng buhay, bibigyan ng lakas.
Halaw ang mga naunang saknong sa mapaghimalang dalangin na binuo ng isang nagngangalang Rabbi Eleazar ha Kallir, nabuhay mga 1,300 taon na ang nakalipas. Talagang tula o titik sa awitin ang pusong itinitibok ng panalangin—tutugma sa ginahugma, may palaspas na ipapagaspas.
Unang bahagi lang ang mga taludtod na ito sa kinatha ng naturang guro. Sa ikalawang bahagi, inilalahad ang mga pangako at himalang tinupad ng Maykapal sa mga tapat sa pananampalataya—mahabang kuwento’t kuwenta ‘yon kaya hindi na nangahas pang ibunyag dito.
Tahasang tinukoy sa dalangin ang pangalan ng anghel na nangangasiwa sa pamamahagi ng ulan na ihihilamos sa mukha ng pagas at tayantang na lupa: Af Bri. “Ngitngit,” “poot” o “galit” ang katuturan ng unang pantig. Katumbas ng malupit na halibas ng buhos na humahantong sa pagbaha—upang mapalis ang baho.
“Kalusugan” o “kabuuan” ang kahulugan ng ikalawang pantig sa pangalan ng anghel. Tumuturol sa banayad, mayuming pagpatak ng ulan na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan at sa kapaligiran.
Pinansin ni Rabbi Eleazar ang sanhi ng tagtuyot o pagkakait ng biyayang tubig: hindi binayarang utang. Mayroon palang parusa sa mga balasubas… ginagawang tigang, uhaw… at hindi lang sa tubig mauuhaw.
Nahalungkat ang katha ni Rabbi Eleazar bilang banat sa banta ng tagtuyot sa bansa—habang natutusta ang mga bukirin, laging itutustos sa uhaw ng Metro Manila ang naipong tubig sa mga imbakang Angat, Bustos, at La Mesa . Walang ililimos sampatak man sa mga matutuyot na gulayan at palayan ng mga kanugnog na lalawigan ng mga naturang imbakan ng tubig. Walang kita at tubo kapag walang pananim na tutubo.
Tiwalag na ang nakalublob sa lungsod sa takbo ng pamumuhay sa mga lupaing sakahan—na matagal nang nakasalalay sa ulan at mga imbakan ng patubig ang kabuhayan. Higit ngang sagana ang ani ng palay na isinalang sa tag-araw kapag natustusan ng sapat na patubig.
Sa nagsisinop ng lupa, kasaganaan ang hatid ng ulan—kaya marahil sumibol sa katutubong kultura ang kung anu-anong ritwal at panawagan sa kalangitan upang magbuhos ng ulan, kahit sa bukana ng tag-init.
Posibleng napulot ang kakaibang ritwal mula Nepal at ilang bahagi ng India —hubo’t hubad, taimtim na magbubungkal ng lupa ang mga kadalagahan upang mapukaw ang pagbagsak ng ulan… tulo-laway nga naman kapag nasilayan ang mga kaait-akit na katawan.
Sa halip na maglantad ng hubo’t hubad na alindog ng mga dalaga, imahen ng Birhen ang ilalakad sa prusisyong lotrina ng ilang lupalog sa Timog Tagalog—natatapos ang prusisyon sa natutuyong ilog o batis, doon ilulublob at paliliguan ang imahen, kalakip ang paniwala na mahihimok ng ritwal-dasal ang kalangitan upang magbuhos ng ulan.
Mas kahali-halina (mula ito Sanskrit, mahar o malaki at linga o titi) ang tatanbad na bukana ng langt sa pagbungkal sa bukirin ng mga dalaga… orare est laborare, laborare est orare… dasal ay gawa, gawa ay dasal.

PRAKTISTIS SA KRIMEN
SA panahon ni Bugoy yata unang pinairal ang patakarang balasubas—crime does not pay, journalism is crime.
At ang tulad ng inyong imbing lingkod ay itinuturing na pusakal na kriminal. Manghihilakbot kahit na sinong demonyo’t impakto sa mga kakatwang krimen—na para sa ‘min ay pang-araw-araw na gawain. Kahit ipagkalat sa madla na ang ganitong gawain ay masahol pa sa gawa ng serial killer. O talamak kaysa mass murderer.
Isinangkalan ang motibo para sa gawaing labag sa bayad at bayag. Dapat ibagsak ang diktadurang rehimen, dapat isiwalat ang mga ulat na ayaw ilantad ng mga pahayagang walang gulugod o tahasang nakasilid sa bulsa ng diktadura. ‘Gandang pakinggan ng nakasalang—at sinalsal-- na dahilan para bumayo ng makinilya’t magsulat na walang takot—kahit madalas na kumukulo ang sikmura’t bulsa sa pagtugis ng totoo.
Malalim ang bulsa ng sumunod sa ganoong pamamalakad— nag-ambisyon pa ngang maitanim (hindi nito kailangan ng backhoe) sa Mataas na Kabuhungan bilang kampon ng MalacaƱang. Pero sino namang gunggong na peryodista ang susulsol sa mga bobotante. Para mailuklok sa poder ang ganoong balasubas?
H’wag nang magtaka kung bakit humahakot ng santambak na papuri sa mga sakim sa salapi ang isang Datu Unsay Andal Ampatuan Jr. Talagang dakila. Sa isang bagsakan lang, rumatrat ng 30 kakosa’t katarima sa krimen… sa ilang iglap na inihudyat ng kulog ng tingga nakapagbukas ng 30 job vacancies sa mga atat makapasok sa peryodismo, backhoe-ho-ho-ho!
Pagsuong sa digmaan ang pagwawasiwas ng panulat—at idagdag na natin sa ganoong pananaw ni Voltaire na talagang hinihingi ng kalagayang umiiral na maging war criminal… no quarters asked, no quarters given…
At parehas lang ang paraang tama at mali . Para magtamo ng tagumpay sa digmaan… h’wag na h’wag magkamali, dapat lagi’t laging totoma… Saka tatama. Mas mainam kung tatama lalo na sa jueteng, lotto, bingo, sakla…. at lalong lalo na sa yungib na pagitan ng maalindog na hita.
May mga pulitikong kupal na kapansin-pansing nakasupalpal na rin ang kani-kanyang lapida’t tudling sa pahayagan… mukhang exempted naman sila sa pinaiiral na patakaran sa bansang pinakamapanganib na lupalop sa daigdig para sa peryodista. Meron kasing hazard pay ang mga peryodistang kumakalap ng ulat sa Afghanistan at Iraq —and most dailies plied in our neck of the woods don’t even hazard paying knowledge workers.
Kinukutuban nga kaming ang mga kumag at kupal na ‘yan ang nagbabayad sa mga pahayagan. Para sikat na sa mambabasa… baka sakaling may masulsulang bobotante, nakaiwas pang mabansagang kriminal—aba’y journalism is crime, crime does not pay.
At kami lang yata ang uri ng kriminal na umaamin sa mga karumal-dumal, kasuklam-suklam, kahindik-hindik, kasula-sulasok, kagimbal-gimbal, kakila-kilabot (idagdag na pati kasuka-suka) na krimen, mwa-ha-ha-haw!

UNOS SA UNO
TUTAL nagpaputok mga Ampatuan
At limampu’t pito na ang tumimbuwang
Baka naman ibig dagdagan ang bilang—
Dagdag pang paputok at dagdag na bangkay.
Tra-la-la-la-disyon ay dapat masunod
Ang isasalubong ay ingat at usok
Upang bawat taon kasula-sulasok
Sa simoy ng hangin pulbura’y isuksok…
Si Digong Duterte lang ang nagbabawal
Kasi nga’y lumala ang global warming daw.
Kaya nga doon po sa lungsod ng Davao
Bawat Bagong Taon, payapa’t tiwasay…
Digong Duterte daw talagang pumalag—
Tropang Ampatuan nang namamayagpag
Hanggang sa Davao ay full display ang armas
Sinita ni Digong, tiklop silang lahat…
Pero dahil sikat na sikwat na ngayon
Dapat pamarisan silang mga gunggong
Salaulang usok at ugaling baboy
Dapat na ihasik tuwing bagong taon…
Para makatiyak na amoy masansang
Ang sambuong taon sa ingay simulan
Tutal si Digong lang itong magbabawal
Tularan natin ang mga Ampatuan!
Huwag mabahala kung may global warming—
Kahit pa may Ondoy na laging darating,
Kahit pa mawarak iyang weather patterns
Bawat bagong taon dapat na babuyin!
Zakkiel, Zakkiel na anghel ng unos
Nais kasi naming sa ingay maglublob
Sa kaitaasan man ikaw magtanod
Magugulantang ka sa sansang at usok…
Ay, oo nga pala ang anghel ng pera--
Si Sachiel naman (magkatunog pala…)
Anumang biyaya, itaboy talaga…
Pansuob sa langit: Insensong pulbura!
Zakkiel, Sachiel lumayas nga kayo
Ganito ang gawi naming Pilipino!
Kami’y Filipinoise, tandaan po ninyo
Sa dumi at ingay kami ang panalo!
Kaya buong taon puputak, puputok…
Parang kinakatay na sanrekwang manok
Ganitong tradisyon ay kalugod-lugod
Walang pagbabago at walang gulugod!
Tutal nagpatutok mga Ampatuan
Aba’y lagi’t lagi silang tutularan
Limampu’t pito lang tinanghal na bangkay—
Dagdagan ang putok, dagdagan ang patay…

PRAKTIS SA HULING KABIT
UMABOT sa 27 saksak ang itinakal ni Ave sa katalo sa tunggaan, kuwento ng katoto. Parang damong mutha na tinangkang katkatin sa balat ng lupa… pero himalang nakaligtas sa kalawit-kamatayan ang tinarakan. Pulos katagang walang taga ang katumbas ng iniunday.
At maraming ganoong mainitang pagtatalo sa laot ng tunggaan ang nauuwi sa siklab ng gulo… dapat talagang paghandaan ang tinatawag na huling kabit—the last word, the final argument… going for the jugular.
Humingi pa ng awa ang 30 peryodistang napadpad sa Ampatuan, Maguindanao bago tuldukan ng tingga. Sa halip na umamot ng kahit kulangot na unawa sa bibigkas ng huling kabit, kahit sana isa sa kanila’y bumira ng obit emptor… sa glabella… para iglap na maisuksok sa utak ng kinakausap ang kahit isang mariing taga ng kataga. Tinabla na lang sana noon pa. Just one crunching non-word of finality.
Nabanggit minsan sa katotong Atty. Manuel Manaligod, Jr. ang tahasang katuturan ng huling kabit—na nilinaw ng isang nagngangalang Yoshida Kotaru, dalubguro sa sibat na nakatuntong sa yugto ng satori o iglap na kaliwanagan. Sampulutong ang pinapangasiwaang tagapanaliksik, tagapaghanda ng oral arguments at pakikipagpalitan ng paliwanag sa bawat hawakang kaso… para matiyak ang panalo. Talk is cheap, yeah, but try having one with a lawyer…
(Facts are sacred, legal opinions are a dime a dozen… kaya marami nang mga media organizations ang balasubas. Tutal, sampu sampera nga naman ang mga opinyon—legal or downright criminal in intent-- na tulad nito.)
Tinurol ni Kotaru na ang mga batas ng tao’t Diyos ay hindi nakalimbag ni sinisinop sa puso ng sinuman… kaya anumang malimi’t matinong paghimay, pagbibigay-liwanag sa mga itinatakda ng alinmang batas ay nawawalan ng saysay.
Maidadagdag pa ang nakasaad sa Qur’an na “hindi paningin kundi puso ang tahasang nabubulag.” Kakapa-kapa sa dilim at liwanag ang pusong bulag. Pero kapag talas-labaha ang paningin ng puso, umaayon sa matuwid ang dugong ititibok nito… at iglap na masisipat nito ang mga lantad na bahagi ng katawan na lalapatan ng huling kabit.
Parang payo ni ex-world chess champion Tigran Petrosian ang tagubilin ni Kotaru. Huwag na huwag magpasimula ng pagtatalo. Pero lubusan at laging ihanda ang kabuuan ng sarili para ilapat ang huling kabit… the terse killing blow.
Hindi sapat ang nagpupuyos na pukpok ng kamera o kurot ng kutya para ipataw ang huling kabit… ganoon ang gawi ng mga mahilig sa labanang kuyog.
Kailangan talagang ihasa’t pandaying asero ang kabuuan ng sarili… para kahit walang kimkim kundi buntong-hininga sa kamao, iglap na iigkas… maikakatok sa ilalim ng solar plexus upang mauntag, mapatigil ang tibok ng puso… maihahalukay sa atay upang maantig ang mga nakabalatay doon na latak ng alak at linamnam ng karne.

Subscribe to:
Posts (Atom)