‘KIKIANGKAS na lang sa giit ng pantas. Hindi raw mauunawa ng isipan ang paligid kaya kailangang kumilos-- sunggaban o haplusin ng kamay. Higit na mabisa’t mabilis ang kamay kaysa paningin—indeed, the hand is faster than many a thigh and delicious digital ministrations between them are best done manually, letting the fingers do the walking, mwa-ha-ha-ha-haw!
Kakabit na sa katakam-takam na pata tim, kakapit pa sa patalim… talagang sumasalpak sa kaliwang bahagi ng utak ang kaalamang kinalkal ng kanang kamay… lalagak sa kanang tipak ng utak ang mga tinuklas ng kaliwang kamay… sa kaliwang utak nakaimbak ang mga ukol sa wika at lohika, sa kanan ang sining at mahika.
Sa pagtatampisaw o paglublob sa mga gawaing-kamay—such menial tasks and manual toil that impart palms tough calluses that harden which rhymes with hard-on—nahahasa ang talim ng talino at talisik, nabubungkal ang lalim ng lirip at isip. The menial transmutes to mental.
Kaya kapani-paniwala ang isinaad na ni Leonardo da Vinci—na ang mga tamad at batugan na nagsasayang ng panahon sa walang patumanggang pagbubunganga at pagtunganga, nagiging bobo’t gunggong, pwe-he-he-he!
Kaya sasampalataya sa pananalig ng mga mongheng Dominikano— God’s dogs— na naniniwalang ang taimtim na dalangin ay gawain, taimtim na gawain ay dalangin… orare est laborare, laborare est orare. At nabanggit na rin na rin sa pitak na ito na katumbas ng 2,000,000 man-hours o oras na inilaan sa gawa ang 68 segundo ng dalisay na pagtuon ng isip sa dalangin… T-teka, magugunita ang aral sa Sunday school… payo nga mismo ni Bro… maitutulak kahit na bundok kapag gabundok din ang lakas ng pananampalataya.
P-pero wala kaming balak ni pagnanasa na magpasasang itulak ang mga bundok ng sinumang Angel Locsin, hane? Mas mainam yata kapag ganito na hands-on ministrations kaysa dasal, if only to validate the sage claim that the hand is the mind’s cutting edge.
Hitit-buga sa Marlboro Black habang sinusulat ang pitak na ‘to… nakasingit man ang sigarilyo sa pagitan ng hintuturo’t hindudutdot o hinlalato, ang kabuuan ng kamay ay may anyo ng Prithvi Mudra, a sacred hand gesture of drawing energies from the Earth without the atrocity of a backhoe o pagpukaw ng diwa’t katawan sa lupa. Talagang makalupa ang pagnanasa… kasi’y may halimuyak ng pagnanasa ang lupa.
Pampasigla, pampatibay at pampalakas ng katawang lupa ang naturang mudra. Nagpapakinis din ng kutis—the skin glows with health—may lagda ng malamlam na liwanag sa balat sanhi ng mahusay na daloy ng tinatawag na life force o chi sa buong katawan… hindi na kailangan pang magpaturok ng glutathione o sumangguni’t maglustay ng limpak-limpak sa mga body overhauling clinics nina Dr. Vicki Belo’t mga kapatid sa hanapbuhay…
Saturday, February 06, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment