DYNE is a unit of work… at ‘yun lang mga nagtatampisaw sa gawain ang dynamo (‘yung batugan kasi, ‘tangnamo!)… dynamic… dynamite!
Sasailalim na naman ang inyong imbing lingkod sa surgical procedure… kailangan na namang saksakan ng pampamanhid sa gulugod, wala yata kasing may kaalaman sa acupuncture or acupressure sa ospital na unang pinagdalhan sa ‘kin… acupuncture needles set into certain meridian points of the body, shutting down or activating electric circuits-- that can effect numbness both local or total, no need for not-too-cheap anesthesia.
Sa peryodistang sanay nang umiwas sa “kuryente,” maniniwala sa bisa ng ganoong pamamaraan na mahigit 5,000 taon nang ginagamit ng mga manggagamot sa China batay sa natuklasang daloy ng kuryente sa katawan… lalong maniniwala sa iginigiit ng katotong naging editorial writer ng pahayagang The New York Aurora, si Walt Whitman sa kanyang tula noong 1855, “I Sing the Body Electric”.
“I SING the Body electric;
The armies of those I love engirth me, and I engirth them;
They will not let me off till I go with them, respond to them,
And discorrupt them, and charge them full with the charge of the Soul.”
Para talagang cellphone ang seksing katawan… kailangang saksakan.. recharge ang kailangan kapag kulang na sa kargang kuryente ang baterya.
May diklap din ng daloy-kuryente sa mudra, mga kakatwang pagtitiklop-dikit ng mga daliri na tumatalab na sa katawan… tumatalab din sa paligid. Mapapansin nga sa mga larawang limbag na magkatulad ang anyong nakatambad sa kamay ng Buddha at Bro kapag nagbabasbas… prithvi mudra ang tawag sa Sanskrit… natuklas na paraan sa paghango ng lakas mula lupa. Pampakinis ng kutis, pampatibay at pampalakas ng katawan… ‘yun pala ang isinasalin sa pagbasbas nina Buddha at Bro… pero sa panahong ito’y mas marami ang naniniwala sa diskarte nina Dr. Hayden Kho saanmang body overhauling clinics and derma salons… magpapaturok na lang sila ng glutathione, mwa-ha-ha-ha-haw!
Gaya ng bisang naisasalin ng acupuncture at acupressure—na batay nga sa daloy ng kuryente sa kabuuan ng katawan— talab ang mudra… in the veins, tendons, bones, glands, sense organs and more… why, even the dirty finger or FYI (fuck you, idiot) is a mudra of sorts that often triggers road rage.
And in the electricity that courses through every fiber and member of being, there runs a spark divine… that speaks of the soul, the spirit, of God—the power Source.
Man is meant to run as a dynamo… say, dyne is a unit of work at ‘yun lang mga nagtatampisaw sa gawain ang dynamo (‘yung batugan kasi, ‘tangnamo!)… dynamic… dynamite!
Tuesday, February 09, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment