Tuesday, February 02, 2010

Presidentia-- balls!

SA kaigtingan ng mga Mahal na Araw hinahalughog ang mga sukal sa gilid ng sapa, ilog, at batis upang makakuha ng pugad ng tagak, white heron or egret, symbol of long life and a sigil of hung gar kung fu hindi talaga makikita ng paningin, kailangang masalamin sa linaw ng tubig para matukoy ang kinalalagyan ng pugad… na agimat daw, may tagabulag o parang Harry Potter’s cloak of invisibility.

Baka maituturing din na agimat ang kabaligtaran ng tagabulag-- tagamulat o sagad-todo yatang visibility sa paningin ng madlang bobotante… saka naghihingalo na ang 158 pangunahing ilog sa bansa, hindi na maiinom ang tubig na malabo nang makasalamin sa pugad ng tagak… 16 na ilog ang tahasang patay, masahol pa sa lubluban ng baboy na nanlilimahid sa pork barrel, parang baradong inidoro… pawang basura’t mikrobyong sanhi ng samut-saring sakit ang taglay.

Kaya sa halip na pugad ng ibong tagak, pugad yata ng mga tunggak ang inaapuhap ngayon—magkukuskos ng tinta sa nakahanay na mga itlog sa balota ang bobo’t bobotong balana.

Pulos itlog na lang din ang pagpipilian sa post-Easter egg hunt, napipisil pala ng mga 62% o halos dalawa sa bawat tatlong Penoy (ayon sa natukoy mula pahayag ng 2,400 bobotante mula 30 siyudad sa bansa) ‘yung kandidatong may prinsipyo o paninindigan… ‘yung talagang may itlog, kayang makipagpitpitan ng itlog… kahit pa kay Humpty Dumpty sat on the wall, Humpty Dumpty had a great fall…

Elections breathe of the sacramental, which is why we’ve yakked and yammered for ages about the ballot vox populi as vox Dei… but as that survey found out, erections can be sacramental (yeah, a blessed mentality is a must) and… well, scrotal.

Such eye-opener survey findings ought to give broad hints to image builders and polititi-commercial concocters… on how to best position their products before buyers in the electoral market.
Lumilitaw na pulos sablay pala ang mga posturang iniarangkada’t sangkatutak na busina para mabulahaw ang balana, pwe-he-he-he!

Aba’y nag-aapuhap ng agimat ang sambayanan sa burak at lusak na kinalubluban, pilit sinasalamin sa dilim ng kinasadlakan ang pugad na may taglay na kapangyarihan.

At para pala masikmura o maatim na iboto ang sinumang pulpol na pulitiko, kailangang ipakita sa madla ang katibayan ng kanilang presidential bet--log.

So we’ve got to egg ‘em politicos on to shift their advertising campaign tack.

They ought to bathe in the country’s dead-rotten rivers with high hopes of getting infected with elephantiasis… swell!

Once infected—or enabled-- with such a disease, the electorate can be treated to a show of presidentia-- balls,
mwa-ha-ha-haw!

No comments: