HIGIT santoneladang paminta ang hinihinging ransom-- pinakaastig talagang trabaho ang pagsusulat ng ransom notes, exciting na limpak-limpak pa ang kita -- ni Attila the Hun sa Roma nang salakayin ito ng kanyang hukbo noong ikalimang siglo.
Hindi yata naibigay ang hinihingi-- sino ba naman ang lalantak ng hilaw na tartare steak kung walang budbod na pamintang durog? Kaya dinapurak ang naturang kabisera ng sibilisasyon… na ang mga panagupang kawal ay nakagawiang ngumata ng dahon ng paminta upang tumagal sa mahabang martsa't manatili ang bangis sa matagalang sagupaan.
Sa yugtong iyon ng kasaysayan, itinuturing na mas mahalaga kaysa salapi't ginto ang mga butil ng paminta… ransom payment nga ang katumbas para hindi mapulbos ng mga mangungulimbat ang isang siyudad.
At yugto ngayon ng kasaysayan na umaabot sa may tatlong milyon ang mga Pilipino na laging sablay sa pagkain araw-araw, maituturing pa rin na mas matimbang sa salapi ang butil-paminta… teka, mira ang isang taguri nito sa sinaunang Sanskrit, isinusupalpal sa mga butas ng ilong ng mummified na bangkay; sangkap din sa mummification or recipe ng dinaing na bangkay… kaya kukutuban na baka ang handog ng isa sa tatlong haring pantas (mage-kings) sa sanggol na Jesus, sangkahong mira o butil-paminta. A King's ransom indeed!
Makabuluhan sa mga Pilipinong kapos ang kita sa sapat na pagkain ang paminta: "Substance in Black Pepper Increases Nutrient Absorption up to Two Thousand Percent."
Hindi kailangan ng kasibaan sa pagkain… moderate greed and voracity with ultra-high level of bioavailability or nutrient absorption.
Natukoy din: "In addition to its effects on bioavilability, piperine-- the main alkaloid in black pepper-- has many other actions in the body that include increasing beta-endorphins in the brain, acting as an anti-depressant, increasing serotonin production, boosting brain functioning, stimulating adrenal production, relieving pain and asthma symptoms, stimulating melanin production, decreasing ulcerations of the stomach, reducing stomach acid production, and coordinating digestive tract contractions. It is highly effective against colon cancer."
Naipangako kasi kay Mang Rene Mendoza ng Sungay Lane sa Tagaytay City na tutulungan ko siyang ilipat ang kanyang puno ng paminta sa likod-bahay nila… mas mataba pa sa hinlalaking daliri ang bulas nito, hitik sa pamumunga't kung ilang taon na ring pinakiki--nabangan. Magtitirik ng bagong bahay ang mga Mendoza… masasapol ang punong kulumpon ng paminta sa pagtitindig ng bahay… tiyak na matatagpas lang, sayang naman.
'Kako'y basta maingat at masinop ang paghuhukay-- hindi kailangan ang backhoe!-- sa paligid ng punong kulumpon, tiyak na mabubuhay pa rin ang kanilang paminta… kahit 3 metro ang agwat ng pabilog na hukay sa pinakapuno, kailangang bawasan ng mga 2/3 ang bulto ng yamungmong upang makayanan ng malalabing ugat ang pagtustos ng tubig sa mga tangkay at dahon.
Kailangan ding makipatalastasan sa naturang halaman… suyuin, aluhin… arcane interspecies communication mode para hindi nito isuko ang taglay na qi o life force. Kung maaari'y salinan ng dagdag na qi upang madugtungan ang buhay nito.
Friday, January 08, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Naalala ko po dito sa post na ito yung tanim ng lolo kong paminta. Ngayon ko lang naisip na simula nga ng mamatay ang puno ng paminta, hay, sangkaterbang kaguluhan ang inani ng mga kamag-anak ko.
Isa pa po. Parang parikala para sa mga taong may hika ang mga katagang ito: relieving pain and asthma symptoms. Ang nakababahing ay nagsisilbing galing.
Kasam po nito, baka po mailalapat din dito ang salitang "peppered" para sa mga nabiktima sa Ampatuan. Maaaring kung papaano naganap ang krimen ay dun din magaganap ang hustisya. A dose of your own medicine, kung baga.
Post a Comment