Friday, October 03, 2008

This is so so-so

ALAK-tating baby tawag po sa akin
Male nutrition kasi ang aking aralin
Sa dibdib ng ina natutong sumimsim
Ng tomang sustansya’t katiting na protein

Ang atas sa Koran ay dalawang taon
Na dapat sumuso sa ina ang sanggol
At sa tulad kong may infantile fixation
Sumususo pa rin magpahanggang ngayon

Pansinin po natin iyang protein content
At birth it is merely 2.38 percent
Then down to 1.2, that’s after the sixth month
That’s what in mother’s milk, sustenance heaven-sent

And so God’s chemistry oozes off like blessing
From the breasts of mothers, each a sacred fountain
Kahit pa sabihing protina’y katiting
Ang sisidlan naman nakahuhumaling

Ang utong ng ina’y kakaibang hulma
Sa wastong pagbigkas nitong abakada
Sapat lang ang lambot para bang sa seda
Upang itong sanggol doon mabihasa

Utong ina naman bakit pinauso
Paglaklak sa tsupon sa halip na suso
Kapural ng ganyan daig pa ang aso
Hihimod sa suka’t papangal sa baso

Utong ina pa rin ang katas ng baka
Dapat sinisimsim lang ng mga guya
Mga sanggol ngayon ang pinamihasa
Sa gatas ng hayop, hinayop na sila

And so God’s chemistry, by human foul intent
In such a bovine twist upped the protein content
By adding melamine so the formula went—
And to their early graves some babies were sent

Kami ay aangkat, aangkat po kami
Masustansyang gatas mula kay Zhang Ziyi
Kahit kay Maggie Cheung maniwala’t dili—
Mga suso nila ay talagang yummy

Milk of bovine kindness inayawan namin
Gasta’t gatas-ina kahit na katiting
Lulusog talaga inyong iwing supling
Higit pang malalim ang mother-child bonding

Samut-saring hugis pipisil-pisilin
Iba’t ibang hugis pa ang masisimsim
Alak-tating baby turing po sa akin
Suso’t suso pa rin ang sisibasibin

Huwag ipagkait ang bulwak ng dibdib
Ang katas na gatas hindi masasaid
Ang dugong may liyab, alab ng pag-ibig
Sa supling na giliw ialay na tigib…

1 comment:

Anonymous said...

Great poem as usual! ...

=)

(make it superb!)