Friday, October 10, 2008

Oh, Yahweh… ay, yawa!

IYAN daw press freedom malayang pagpindot
Sa imo pong lubot upang makulubot.
Madadagdagan pa, ano ba, ay ambot!
Nais ng Senado’y malaswang paghindot…

Panukalang batas na isinalampak
Upang right to reply-- dapat daw matiyak—
Ng kung sinu-sinong aming isusulat
Para panig nila ay maisiwalat…

Dapat na mag-ukol ng sapat na buwang
Upang maituwid paratang sa puwang
Itong right to pakay ganoon ang reply
Dapat lang bumigay mga pahayagan!

Sila pong senador sana’y pumarehas
Sa mga tulad kong nais lang bumakas
Monthly budget nila’y talagang makatas:
Two million pesos lang mula sa aming tax.

Maghating kapatid kahit sa pantustos
Sa mga kawani’t personal expenses
Umaabot din ‘yan ng half million pesos
Buwanang balato ng mga taxpayers.

Office maintenance costs: another half million…
Seven sixty thousand
para maglimayon
May isang milyon pa kung ulo ng lupon—
Tig-isang committee ang mga senador…

Ang taunang tustos sa pork barrel budget
For every senator: two hundred million each
May komisyon siempre kahit na ten percent
Bundat ang senador, we taxpayers don’t fret.

Sa pork barrel pa lang pumasok sa bulsa
Ng ating senador, one hundred million na
Before the term is done ay nagtatamasa…
Sa puwang ng d’yaryo, makikisunggab pa?

Tawag po sa ga’non masyadong dayukdok
Sobra na sa siba at hayok na hayok…
Merong peryodista’y sablay kung sumahod
Marami sa amin ang nabubusabos…

For a Sufi Muslim ang gawang pagsulat
Alay panalangin ng paham at pahat…
Kung makikihati baka lang masilat,
Tamaan ng lintik mula sa itaas…

Sa batok ni Yahweh kami ay kakatok
Ng mga paratang at ngitngit na taos:
“Ang bansa po namin bakit inilublob
Sa dusta at dusa’t lideratong bulok?”

Sa bayag ng yawa aming iuumpog:
“Bakit kampon mo lang silang nakaluklok?
Tatama sa lotto ay ipagkaloob
Bigyan mo rin kami ng millions of pesos!”

Sina Yahweh’t yawa aming pagbibigyan
Ng kahit katiting o kaunting puwang
Para buong bayan ay maliwanagan.
But they will not avail of the right to reply

In occidente, lex—batas sa kanluran
Et in oriente, lux— at kaliwanagan
Naman sa silangan… On the right to reply:
There are brains that have left, they’re right to be
pilay!

No comments: