Tukop na isinaad ni Marivi Verbo sa puwang ng Facebook:
ON second thought, no... balik ka sa epistolary. Balikan kita pagbalik ko from my aikido class--kasama mga 5- and 6-year olds. E, beginner ako, e. Nabigla lang ako sa access mo with this kind of info from this group of bandits.
BALIKAN KITA, HA?
Ingat. Ingat.
Takip na isinahod ni Dong Ampil de los Reyes sa tagakataga@yahoo.com:
AIKIDO ought to provide the jolt that it’s easier to shape the body than the mind in the lathe of a physical regimen. And it’s the mind that moves the body—every martial discipline is directed at nurturing calm, even serenity on the unruly, runaway mind. Bawat sandali, tambak ang mga humahalihaw na alon ng pangamba, panganib, at pangungulila sa diwa’t isipan. Kaya hinuhutok ang diwa sa pagsingkaw ng katawan—para bang kalabaw—sa pamamaraan at daan ng sining-tanggulan… tulad nga niyang aikido.
Hobo kore dojo— sarili mong buhay ang iyong bulwagang pagsasanayan. Sa araw-araw na pagsasanay (gyo) sa lawak na mailalatag ng naturang bulwagan, makakaarok ng malalim na kabatiran (etoku or understanding). Practice makes perfect… no, make that perfect practice makes perfect. Mas malupit, sobrang astig yata ‘tong pamamaraang silanganin kaysa hirit ng paham na Socrates, “Know thyself. The unexamined life is not worth living.”
Sa aming mga bungguang-bote noon, madalas maghinga ng hinanakit sa aming kalagayan sa trabaho ang katotong Dennis Fetalino—hindi na raw kami umangat sa pagiging bottom feeders, sa panginginain sa dakong ilalim… binanggit ko minsan na mas masarap talaga ang sumibasib sa ilalim, sa bottom line…which represents net profits… sa hiwaga ng hiwa ng alinmang alindog na kalugod-lugod.
Hayaan na ang iba na sumunggab sa mga talbos ng kamote, magtiyaga na lang ang tulad namin sa pagkalkal ng lupa’t humango, lumantak ng laman mula kailaliman. Kahit sa pinya—ito yata ang dinaglat na pepe niya—pinakatampok at pinakamatambok ang ilalim.
Karaniwang sunggab sa bahaging ilalim ng bisig kalapit ng siko ang gawi sa aikido—upang maitulak o itahip paitaas ang igkas ng lakas sa unday ng suntok o sakyod ng katunggali. Ah, that’s a firm seize on the bottom portion of an extended limb to deflect its brutal force… it’s a bottom feeder move that expends less energy, a focused yet passive, gentle strength.
It’s a gentle mind that does that. The gentle body follows.
Isusulong at aalalayan ko rin sa kanyang paglaki ang panganay kong apong si Musa sa ganitong landas… the eastern ancients know such way as tao, na nawawaglit na paghubog sa tunay na pagkatao.
I was a snotty 10-year old when I earned my kuro obi—black belt—in shorin ryu karatedo. That belt has been washed many times over, it has turned to shredded white-- which makes its wearer a beginner, in the under-10 age bracket who has to learn some more. Ah, sa Nippongo natin nahagilap ang katagang “kuro” na tumutukoy naman sa samut-saring alimuom at singaw ng isipan tungkol sa sari-saring usapin. Sa bunganga ng mga Penoy bugok naman unang sumulpot ang “komento.”
Basta masaya ‘yang matuto ng aikido, lalo na’t mga musmos ang makakasama sa pag-aaral. Masayang matalos na hindi nakakahiyang lumagapak, sumadsad o bumagsak ang katawan nagsisimula man o bihasa na sa kaalaman.
Friday, October 31, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment