NOMEN est omen, palatandaan o sumpa ang pangalang taglay—isa sa mga tahasang katuturan sa zhongwen ng ngalan ko’y ‘kahindik-hindik na lakas’ na matagal nang natuklas, naisasalang kung hinihingi ng pagkakataon.
Ano ba naman ang pagpanhik sa kabundukan kundi pagsalpak ng mga hakbang sa anumang latag ng lupain at dawag? Nahulog sa hukay ang financial system ng Amerika dahil talagang patungo doon ang mga isinalpak na hakbang nito. Kasunod na isasagawang hakbang sa ngayon ang quasi-nationalization o reverse privatization upang maibangon daw muli sa hinukay nilang lubluban. Matagal nang ipinagduldulan sa ating bansa ng World Bank at International Monetary Fund na kapwa galamay ng U.S. policymakers ang taliwas na hakbang-- isalin sa pribadong sektor ang pag-ugit sa mga industriya, kaya maging Philippine National Bank ay hawak na nga ng mga pribadong may-ari.
Pati nga ang naging maalingasngas na $329.5-million ZTE-NBN project na dapat sanang napasakamay ng pribadong sektor, sinawsawan naman ng gobyerno—anupa’t umalingasaw ang ginawang katiwalian at mga paglabag sa umiiral na batas.
Hindi natin masusukat ang pagiging wasto ng bawat hakbang—simbilis man ng haginit-lintik o simbagal ng usad-kuhol. Uungkatin lang natin kung saan talaga patungo ang mga isasalpak na hakbang, sa latag man ng lupain o sa larangan ng paghubog ng mga patakaran sa pamamahala. Buong giliw na isasama ko ang apo sa pagtuklas muli sa katiwasayan at marikit na bangis ng kabundukan.
Taimtim na pagmumuni-muni ang mainam na paglalakad—ganoon ang nais kong mabatid ng apo sa binabalak na pagtungo sa kabundukan. May masinop na paraan ng paghakbang kasi—halos hindi lalagpas mula sa balikat ang yapak sa bawat hakbang, that doesn’t happen when one walks in strides or long steps. Walking meditation entails short yet quick steps, legs bent a bit at the knees to lessen impact of the body weight, the gait flowing from the body’s center of gravity called ‘dan-tien’ or ‘hara.’ Such a quaint gait covers more ground with more steps—for a thorough physical contact and intimacy with the lay of the land. Yet, the walking mode can be as fast as running. Kailangan ng matatag na katawan at paninindigan sa ganoong mga hakbang, ah, how aptly such physical requirements about taking sound steps can echo of the intrinsic demands of statecraft and leadership.
Oo nga pala, kapag matagal nang naisalang ang katawan sa 108 galaw ng ‘taikiken’—and it takes 30 years to get into the spirit of those moves-- o napanday ang pagkilos sa 8 galaw ng ‘qigong,’ ganoon ang magiging likas na indak ng katawan sa paglalakad—and there’s beautiful economy of movement and hints of martial know-how in such a manner of walking that I’ve not seen in most people.
‘Teach a child in the way he should go and when he is old, he will not depart from it,’ so we’re told by King Solomon who chose uncommon wisdom over wealth of material possessions and both political and military prowess, ah, he made his Faustian bargain eons ago, got all three as a result of his choice.
Sanggol pa lang ang apo sa ngayon, pero kagulat-gulat na nga ang lakas ng kanyang mga paa—gatas-ina kasi ang sinususo, gatas-ina na magdudulot sa kanya ng mas mataas na intelligence quotient kaysa ibang sanggol na pinasuso ng gatas-hinayupak sa tsupon.
Naghahanda ako sa pagbulas ng apo—kailangan talagang sumuso pa rin ng katas ng ina, mwa-ha-ha-haw!
Tuesday, October 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment