SINAMPIGA—Batangan verb for conk or bash the noggin in-- ang paanyaya sa muling pakikipagkita sa nurse na dating babaeng peryodista’t naging kagawad din pala ng campus newspaper na pinagmulan ko. Natapat ang araw ng reunion sa mahabang pakikipagkape’t palitang-kuro sa nakatatandang katoto, nakalaboso sa Muntinlupa, XPP, hindi exciting pekpek kundi ex-political prisoner. Kasunod sa unang tipanan ang pagdalaw sa kinagigiliwang panganay na apo na pulos panghalukay-tutule ang palahaw ng iyak o haplos-sa-puso ang ngiti na isusukli sa anumang tangka na makipag-usap.
Iba ang antas at yumi sa igting ng talastasan kapag ang kaharap ay matagal na nakapaghimas ng pader at rehas dahil sa mithi’t paninindigan para sa bayan. Nippongo plies the picture idea “kage,” the shadow falling on the floor as skeins of light strikes wood slats resembling prison bars in a papered panel. That shadow lends a deeper, somber hue to every color or surface it falls on. So pleasantries and passing talk may be infused with such enriching chiaroscuro.
Halaw sa Nippongo ang pangalan ng apong panganay, Musa, with its variants “bushi,” “mushi,” “musha” o mandirigma. Sa ganoong araw ng dalawang pakikipagtipan, maisasalang yata ang sarili sa obra ni Akira Kurosawa. Kagemusha (Shadow Warrior).
If you’re on in years, go for that whatever, whoever, whichever can lift you up, those that edify, ease up and help you to stand and withstand— shun those that drag or bring you down. Ganoon na lang, mahalaga ‘yung makakasama na may katumbas na pagpapahalaga, makakasuklian at masasabayan sa pag-angat.
Isa pa ring nurse ang pilit na naghanap sa ‘kin nitong nakalipas, ex-classmate and cohort in high school na naunsiyami ang pangarap na maging marine biologist … naging nurse sa U.S., sandamakmak ang kita pero mas masaya raw kung ‘yung una niyang kinagigiliwang gawain ang naging career niya. Hindi ko rin siniputan ang biglaang reunion naming magkakaklase nang dumalaw siya sa Pilipinas. Sa telepono na lang kami nagkausap, nananaghili nang aminin kong sinunod ko’ng ipinipintig noon pa ng puso—paglulupa’t pagsusulat—para ‘kako magaan ang dalahin sa dibdib, afford me to speak and express art from the heart. Heavy of heart he did depart.
“Is-shin-ryu,” one-heart martial school in which the student’s entire being moves light as a feather from an enlightened heart… Egyptian lore tells of ‘weighing of the heart’ as central ritual in the passage of a dead person’s spirit from this world to the next… jackal-headed god of the dead Anubis lays the person’s heart in one pan of a pair of scales to check that it balances against a feather, embodying justice and truth… and there’s that Latin adage, “The measure of a man is found in his heart.”
Nakakaandap tuloy na siputan ang mga balik-pagtitipon o reunion. Iba’t ibang saysay at kasaysayan ng piniling landas ng buhay at pamumuhay ang natitipon. Paghahaluin. Parang kalamay. Parang samut-saring sangkap sa lutuin na mahirap mawawaan ang lasa’t timpla. May mga gumawa ng pangalan. May gumawa lang ng pera. O gumawa ng kalokohan, kahihiyan, at alingasngas. May gumawa lang ng bata. Gumawa ng kabuluhan. May napag-iwanan dahil wala namang ginawa… maisusulit at mailalahad ng katuturan ng sari-sarili batay sa mga ginawa.
Hindi kaya mag-alinlangan kung pilit maisasalaksak, maibalik ang sarili sa ganyang kalipunan?
Hindi pinaunlakan ang anyaya na sumipot sa muling pakikipagtipon sa isang dating peryodista na naging nurse sa Amerika. Nakatakda kasing sumipot sa ilang pakikipagtipan sa araw ding iyon. Baka maungkat ang ibang dahilan.
O, may mga katipon at katipunan. At tiyak na may Magdalo at Magdiwang. Napipinto ang umaalimbukay na himagsikan at mga pagkakanulo.
May mga katipan at katipanan. Tiyak na may luma at bagong tipan, old and new testaments that conjure a dimension of the sacred. Teka, tipan = covenant. And coven refers to a group of witches, mages, or wizards. Katipan is also tryst-mate, sweetheart.
The whimsical, intrinsic significance is laid down pat.
Kaya nga sisiputan lagi’t lagi ang mga katipan na laging may pangako ng engkanto’t mahika—always a fulfilled promise of a sacred, magical meeting of minds and hearts.
Friday, October 03, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment