Friday, October 31, 2008

Kalampag ng anak, kuripagpag ng ama

Kalampag ng anak sa doodles11006@yahoo.com:

A 22-year old native of Davao, he’s the new clerk we have over at the camp that got bunked with me and a new guy… the previous bunkmate resigned for personal reasons (gusto lang nu’n makauwi na rin). I nearly contemplated on actually resigning… there are other openings in the Emirates states more attuned to my field rather than be stuck here for another year inhaling gas fumes; kung hindi ko lang iniisip ‘yung tuition ni Arjuna nakapag-resign na rin ako. I’ll just whip up a bogus reason to be let off like my two other roommates did.

I was advised by a colleague not to do so; it won’t be allowed by the company, so I’m going to have to wait… maybe the contract would be cut short. We got wind of reports that a licensed engineer is itching to sue Sara International Manpower Agency—he was contracted as an engineer but right now he is used as labor and he isn’t allowed to resign. So the moment he comes home resbak agad. Agencies are scrounging for manpower due to the scarcity of workers that they could recruit back there. For my position alone, they haven’t found additional staff needed by the unit including replacements for two of my colleagues who quit.

I’m nearly short of fuse with the backstabbing colleague of ours…hinayaan na nga siya sige pa rin… I am just constantly reminded by some Saudi friends that due to laws governing expats here, I might get into trouble if I do maul him. Pero pag hindi ako nakapagtimpi baka kung ano pa gawin ko sa taong ito. If this was in the Philippines I would have readily whacked him para magkalabasan lang ba ng init ng katawan.

Panalo si Obama, kahit na ako gusto ko siyang manalo eh for a change.

Kuripagpag ng ama sa noqualmasabomb@yahoo.com:

ATTENTION deficit disorder o kulang sa pansin ang kupal na Penoy bugok na kasama mo sa trabaho—walang lunas ang ganyang kapansanan at kahit dito sa Kalye Rafael Salas sa Ciudad Real, may mga ganyang terminal case. Wala kang mapapala kapag pinatulan mo ‘yang talamak ang low self-esteem, sobrang mababa ang tingin sa sarili. O, tingnan mo nga si Gloria Macapagal-Arroyo—she may be short and short-sighted but she makes up for it by telling tall tales every time.

I could be flat-out wrong trotting an apothecary’s diagnosis but that bloke, to remedy his moribund case of oral flatulence, may need lots of Paederia tomentosa—that’s the scientific nomenclature for what we Tagalogs know better as… uhm… kantutan.

Whether it’s the weed or the deed, aba’y talagang napakainam at malinamnam ang naidudulot sa katawan ng kantutan.

Bukod sa feel-good hormone endorphin, oxytocin ang bumubulwak na nektar sa kasukdulan ng ‘kikipagtalik, and as a July 1999 article in the journal Psychiatry would have it, “the hormone oxytocin was shown to be associated with the ability to maintain healthy interpersonal relationships and healthy psychological boundaries with other people.”

Hindi naman ako magtataka kung naglublob ang buong katawan mo sa endorphin at oxytocin, ikaw nga itong nangumpisal sa ‘kin na mahigit 30 ang naging maibigang katalik, este, kaibigang matalik… Sasanaw din naman sa katawan ang mga naturang hormones for inner well-being kung may regular exercise regimen—panalo ang soft martial arts tulad ng qigong, wuyiquan, taikiken, o aikido, lalo na ang tinatawag na deep prayerful meditation.

Loving caresses… even those done on us by the feline and canine wards at home can trigger release of that wonderful biochemistry… kaya nga nagsawa kayo sa mga masuyong himas at haplos noong kayo’y mga musmos… kaya nga lumaki kayong may mga alagang aso’t pusa… hanggang ngayon naman, ako’y nanghihimas at nanghihilabas-masok… it’s a safeguard against crabby, cranky behavior.

So there’s this well-stacked number I’ve introduced to my Thirstday beer buddies as one I do NGO work with… gusto pang alamin kung ano ang NGO, ‘kako’y nine great orgasms, mwa-ha-ha-ha-haw!

Uh, those Wall Street monsters committed plunder, a non-bailable offense in our neck of the woods but George Wimp Bush punished taxpayers while rewarding those monsters with a bail-out… kaya hindi ko siniputan ang invite ni U.S. Ambassador Kristie A. Kenney sa kanilang election watch party nitong Nobyembre 5… tatabo pa rin ang U.S. sa visa applications ng mga Penoy bugok ng P3 million a day, ah, such asinine madness…

Sa hiwaga ng hiwa

Tukop na isinaad ni Marivi Verbo sa puwang ng Facebook:
ON second thought, no... balik ka sa epistolary. Balikan kita pagbalik ko from my aikido class--kasama mga 5- and 6-year olds. E, beginner ako, e. Nabigla lang ako sa access mo with this kind of info from this group of bandits.

BALIKAN KITA, HA?

Ingat. Ingat.

Takip na isinahod ni Dong Ampil de los Reyes sa tagakataga@yahoo.com:
AIKIDO ought to provide the jolt that it’s easier to shape the body than the mind in the lathe of a physical regimen. And it’s the mind that moves the body—every martial discipline is directed at nurturing calm, even serenity on the unruly, runaway mind. Bawat sandali, tambak ang mga humahalihaw na alon ng pangamba, panganib, at pangungulila sa diwa’t isipan. Kaya hinuhutok ang diwa sa pagsingkaw ng katawan—para bang kalabaw—sa pamamaraan at daan ng sining-tanggulan… tulad nga niyang aikido.

Hobo kore dojo— sarili mong buhay ang iyong bulwagang pagsasanayan. Sa araw-araw na pagsasanay (gyo) sa lawak na mailalatag ng naturang bulwagan, makakaarok ng malalim na kabatiran (etoku or understanding). Practice makes perfect… no, make that perfect practice makes perfect. Mas malupit, sobrang astig yata ‘tong pamamaraang silanganin kaysa hirit ng paham na Socrates, “Know thyself. The unexamined life is not worth living.”

Sa aming mga bungguang-bote noon, madalas maghinga ng hinanakit sa aming kalagayan sa trabaho ang katotong Dennis Fetalino—hindi na raw kami umangat sa pagiging bottom feeders, sa panginginain sa dakong ilalim… binanggit ko minsan na mas masarap talaga ang sumibasib sa ilalim, sa bottom line…which represents net profits… sa hiwaga ng hiwa ng alinmang alindog na kalugod-lugod.

Hayaan na ang iba na sumunggab sa mga talbos ng kamote, magtiyaga na lang ang tulad namin sa pagkalkal ng lupa’t humango, lumantak ng laman mula kailaliman. Kahit sa pinya—ito yata ang dinaglat na pepe niya—pinakatampok at pinakamatambok ang ilalim.

Karaniwang sunggab sa bahaging ilalim ng bisig kalapit ng siko ang gawi sa aikido—upang maitulak o itahip paitaas ang igkas ng lakas sa unday ng suntok o sakyod ng katunggali
. Ah, that’s a firm seize on the bottom portion of an extended limb to deflect its brutal force… it’s a bottom feeder move that expends less energy, a focused yet passive, gentle strength.

It’s a gentle mind that does that. The gentle body follows.

Isusulong at aalalayan ko rin sa kanyang paglaki ang panganay kong apong si Musa sa ganitong landas… the eastern ancients know such way as tao, na nawawaglit na paghubog sa tunay na pagkatao.

I was a snotty 10-year old when I earned my kuro obi—black belt—in shorin ryu karatedo. That belt has been washed many times over, it has turned to shredded white-- which makes its wearer a beginner, in the under-10 age bracket who has to learn some more. Ah, sa Nippongo natin nahagilap ang katagang “kuro” na tumutukoy naman sa samut-saring alimuom at singaw ng isipan tungkol sa sari-saring usapin. Sa bunganga ng mga Penoy bugok naman unang sumulpot ang “komento.”

Basta masaya ‘yang matuto ng aikido, lalo na’t mga musmos ang makakasama sa pag-aaral. Masayang matalos na hindi nakakahiyang lumagapak, sumadsad o bumagsak ang katawan nagsisimula man o bihasa na sa kaalaman.

Nanlambat na anak, nanlambot na ama

Nanlambat ang anak sa doodles11006@yahoo.com:
BWA-HA-HA-HA, ang cute, ha-ha-ha, hubad si Musa-- as if I haven’t had my share of bathing with a naked lady ha-ha-ha! I’m chatting up with Aaron as of the moment... plus some friends from there and abroad right at the quarters. I called in "sick" today since I needed to finish a design to be submitted to a client after a lot of adjustments; I’m still doing sideline jobs-- design and consulting. Remember I did a project here for an Arab which proceeds went into buying some gadgets including this laptop, a PSP and some add-ons and a lot of groceries, too. (I actually splurged on stuff but I was still sane enough to deposit something in the bank, placed it under time deposit.) I have an upcoming project again by the time my contract ends if I get to negotiate it properly, so I'll still be working when I come home.

The strike resulted in surprising benefits, the work contracts for the Nepalese and Sri Lankan nationals were only to be for two years (labor laws call for only two years, but the company duped them, slapping three-year work contracts). Our salaries were raised. I got a 10% increase-- the company was supposed to give the mandated 15% increase way back as ordered by the Ministry of Labor but they held it back, greed nga naman oo. They had to be budged by the ire of their employees before they gave in.

The guy who backstabbed me was ostracized by the entire camp, he was branded as someone who can never be trusted… but now he is wallowing in joy for the small increase he got out of the inconvenient fighting stand I wanted to take. We treat him civilly as he is still one of us.

Nagmana ako kanino? I got bits from you and Mama, well, you taught us kids a lot of things…including how to break someone's neck; you sent me to Ninong Jerry where I got honed further in terms of thinking. My vacations then with Lolo Domeng taught me deskarte sa buhay and the use of one’s hands in living off the land. You sent me off to this other friend of yours which taught me how to broaden my imagination on things and give chase to what I love, you left me in an art gallery where some guys showed me cool things about the arts… and I read your books including the “Necronomicon,” the rest I found out by myself as I got more older and sturdier in body and mind. Siempre nu’ng bata ako I tried this and that, masakit mahulog sa sapa at sumemplang sa Bundok Makiling ano?

Nanlambot ang ama sa noqualmasabomb@yahoo.com:
MY own children with a mélange of mothers and other fathers… which was my notion of saying I don’t have a huge stockpile of skills that I’d want offspring I’ve sired to gain… so I have to send them out to other fathers and mothers who’d impart their own two-bit know-how that’ll be pretty useful and beautiful, too.

Nagka-one night stands (singular and plural forms of nouns can be a grammar watcher’s peeve, but this one night stands stand) ako noon sa asawang seksi ng isang tricycle driver… tatlo na anak nila’t gusto lang daw siyang anakan nang anakan… para kapag marami sila masaya raw pero kulang nga ang kita sa pang-araw-araw na pangangailangan… kung ubrang mabuntis ang lalaki, sana’y ‘yung hindot na ‘yon na lang ang maghirap sa pagbubuntis at panganganak nang marami para masunod ang ibig mangyari sa buhay niya… matagal din akong binulabog sa pinapasukan kong misis na ‘yon, oops, sa pinapasukan kong opisina nga pala… hindi na basta kung magkano lang ang maibabahagi ko, gusto lang daw ako na ‘kikibahagi’t kausap…no intimacy without intricacy, that lonely mom must have taken an earnest liking to the intricate workings of my groin, I mean, brain… Hindi ko matuturuan ang mga anak… nanay nila ang nagpapaturok… oops… turo.

Easy as pie to be a breeder, tougher than nails to be a father. I didn’t tell you I’m tough enough. This moment of tenderness is brought to you by Island Portland Cement, brings out the lovely shine in your hair with regular application…

Monday, October 27, 2008

Baraha ng patay sa gabi ng lagim

SA gabi ng lagim ng kanyang pagdating
Simulan na kayang magbunyag ng lihim?
Baka bago pa man sumakmal ang dilim
Malamig na bangkay siyang tatanghalin…

Dahil naglipana kampon ng karimlan
Mula sa Kongreso hanggang Malakanyang
Lawit ang kalawit niyang kamatayan
Sasalubong yata sa kanyang pagdatal.

Naunang tinigok si Marlene Esperat
Nang fertilizer scam ay isiniwalat
Baraha ng patay kanya palang hawak…
Maitim na lihim ‘di dapat nalantad.

Seven-two-eight million para sa abono
Ang ipinamudmod sa kung sinu-sino
Na layunin pala’y bumili ng boto
Upang ang GMA ay maging Pangulo.

Pataba rin naman sa lupa ang bangkay…
Ay, Joc-joc Bolante dapat kang kabahan
Sa iyong pagbalik baka kahinatnan
Ay maging abono sa lupang sakahan.

Sakaling ganoon ang iyong sapitin
Daming maghahanap niyong anting-anting
Ng barahang taglay, may birtud at galing
Upang milyun-milyon ay dagling maangkin.

Tradisyong sugarol sa Todos Los Santos
Sa mga libingan at ulilang puntod
Himuking magsugal silang natutulog
Maglaro ng tong-its, sakla, at pusoy dos…

Pupukawin pilit sa kanilang hukay
Na makipaglaro kahit anong sugal
Pati lotto playslip ay ibubuyangyang
Upang matayaan nilang mga bangkay…

Dahil isinugal kaluluwa nila
Kaya nga nagkamal ng sanrekwang pera
Taglay nilang galing dapat na makuha
Ng mga sugarol na nabubuhay pa.

Kung hindi man patay ay ipagdadasal
Na kagyat masilat sa handa nang hukay
Upang sa bisperas ng Araw ng Patay
Ay maisalin ang birtud nilang taglay…

Maraming sugarol ang nangakatutok
At ninanais ngang agad na matepok
Hindi lang si Garci, hindi lang si Joc-joc—
Pati na kasabwat na mga dayukdok…

Baraha ng patay sa gabi ng lagim
Tiyak maglalantad ng maraming lihim
Upang mga dusta pati na alipin
Tunay na paglaya ay agad na kamtin.

Tuesday, October 21, 2008

Untog ng anak, utog ng ama

Untog mula darmel de los reyes, doodles11006@yahoo.com:

TITA Lourdes in London is hooking me up with the daughter of her nurse friend, I might like her daw....sige lang basta matalino at masarap kausap ok na ako doon, I love to converse with people smarter than me, not that I’m that smart, masarap lang sila kausap, mas feel ko. Just email me anytime ha-ha-ha.

Just a while ago I was able to finish downloading an entire album of “The Gregorian Chant” although this particular album is old, mostly Christmas songs; its not that easy to hack to such things, not to mention it's rare to find such albums… meron nga lang ako ng Metallica, ‘yung new album (o say mo ‘di ba wala ka nun) hacked it as well and some other stuff na pinatulan ko na rin; I miss hearing (U2’s) “Where the Streets Have No Name,” you always play this one.

Hirap nga lang mabuo ng Queen’s Greatest Hits of 2008, and some Red Hot Chili Peppers albums.

I stored my Vanessa Mae (Nicholson) albums over at my youtube account… crush na crush ko pa rin talaga siya eh. Hindi na kasi kasya sa PDA. I haven’t bought a new memory stick of 8Ghz yet; my 4Ghz is already filled up with movies and games. I gained 9kgs within a matter of weeks, I’m getting big, haven’t worked out lately kasi puro kain, kain at kain… next month na lang ako mag-workout ulit o sa summer na lang tutal naman nag-salad na rin naman ako eh ok na ‘yun ‘di ba?

I still have a year to go before I can say anything, but with my other colleagues, hayyyy, pahirapan na talaga even making such a shameless excuse of "due to unavailability of tickets you are requested to....blah blah blah…" tinawanan ko na lang. My batch has discussed things over at the phone meetings we had, so far may pinapauwi pa naman sila pero ‘yung iba pahirapan talaga. And the recruiting company is already having problems with expat Pinoys, they are wary of it as they are already blacklisted. They are having a hard time at recruitment of capable people, they have resorted to the proxy technique that blacklisted companies do para makalusot lang.

Oo nga pala kaya mo pa ba talagang dalhin si Musa sa bundok? Kamusta naman si Arjuna at ang pag-aaral niya ha? Mag-aral siya nang mabuti ha? I keep reminding that, ‘yung pusa ko h’wag naman masyado bigwasan, just carry it and spank it lightly on the hips.

Utog mula Dong Ampil de los Reyes, noqualmasabomb@yahoo.com:

A CD copy of Gregorian chants on the cycles attending the birth and epiphany of Jesus Christ cost me over P500—humagulgol ang aking bulsa sa hapdi… I’m still on a hunt for Django Reinhardt, Thelonius Monk and Claude Bolling’s original compositions on CD—let’s just say music pirates aren’t interested in Reinhardt, Monk or Bolling. Hindi makamura kaya nagmumura na lang.

I may be wrong but I’d say the human body has two seats of equilibrium. There’s the dan-tien or hara, two fingers’ width below the navel that’s the fulcrum on which every body move flows—or is unleashed like lightning—from. Keep this area trim with tummy crunches or leg squats with qigong or rhythmic breathing—a three minute-session a day ought to keep the life force or ki stoked like lambent candle flame. And avert such metabolic disasters like diabetes mellitus from getting at you.

And there’s the inner ear, seat of physiological and psychological equipoise which has to be nourished with orisons and salutations to the Almighty plus decent music— not the garbage cranked up by Bee Gees, Air Supply, or similar dolts and those who follow after them.

Wala pa ‘kong bagong album ng Metallica— the New York Times music critic gave an a-okay to that. Kaya “Enter Sandman,” “Master Of Puppets,” “I Love You (For Sentimental Reasons),” “Something Stupid (Like I Love You),” “Amazing Grace,” “Got To Get You Into My Life,” “Show Me A Smile,” “Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko,” “Sa Ugoy Ng Duyan” saka “Kyrie Eleison” ang inaawit kong mga uyayi para ipaghele si Musa, am’bigat niya talaga, nagiging seksi nga daw ‘yung yaya’t nababawasan ng bilbil sa pagkakarga kay Musa.

The guys I play qigong with are well off into their seventies and eighties, niceties and panties—the latter’s often well if off than on-- pero matitindi pa rin ang sigla’t lakas ng katawa’t isipan.

Kaya kaya kong dalhin si
Musa sa bundok… mas gusto ko na ang ganoon kaysa dalhin ko pa ang bundok kay Musa. Hirap sigurong buhatin ng Sierra Madre’t Susong Dalaga—kaya nga sinusupsop ko na lang, nalalasap pa!

Naihinga ko kay Noriel Devanadera—ito lang ang pinagtitiwalaan kong pinuno sa OWWA—ang mga problema n’yo diyan, so let ‘em write about it, I’ll forward it to Noriel. There’s a lot of policy infirmities perpetrated by the Philippine government that needs to be ironed out to protect and promote welfare of Filipino expatriates, why, even those louts in the Senate aren’t crafting laws or really taking a thorough look into OFW problems. Kaya kahit ‘yung tulad ni Noriel o ang mga labor attaches natin, parang nakagapos ang kamay sa pagkilos.

Arjuna’s doing alright in his studies, and his studies are doing him good. Yeah, spanking a pussy smacks of kinky kaya pulos himas lang ang ginagawa ko sa mga pusa natin—nagkataon lang na si Bonyat at Pinyin ang talagang pinapayagan sa loob ng bahay, nasasampiga tuloy kapag nanunggab ng pagkain sa hapag-kainan— kasi’y laan na sa mga aso’t pusa ang lingguhang dalawang kilong galunggong o tamban, ah, they’re a pampered lot.

Tuesday, October 14, 2008

‘Kaya mo pa bang isama si Musa sa bundok?’

NOMEN est omen, palatandaan o sumpa ang pangalang taglay—isa sa mga tahasang katuturan sa zhongwen ng ngalan ko’y ‘kahindik-hindik na lakas’ na matagal nang natuklas, naisasalang kung hinihingi ng pagkakataon.

Ano ba naman ang pagpanhik sa kabundukan kundi pagsalpak ng mga hakbang sa anumang latag ng lupain at dawag? Nahulog sa hukay ang financial system ng Amerika dahil talagang patungo doon ang mga isinalpak na hakbang nito. Kasunod na isasagawang hakbang sa ngayon ang quasi-nationalization o reverse privatization upang maibangon daw muli sa hinukay nilang lubluban. Matagal nang ipinagduldulan sa ating bansa ng World Bank at International Monetary Fund na kapwa galamay ng U.S. policymakers ang taliwas na hakbang-- isalin sa pribadong sektor ang pag-ugit sa mga industriya, kaya maging Philippine National Bank ay hawak na nga ng mga pribadong may-ari.

Pati nga ang naging maalingasngas na $329.5-million ZTE-NBN project na dapat sanang napasakamay ng pribadong sektor, sinawsawan naman ng gobyerno—anupa’t umalingasaw ang ginawang katiwalian at mga paglabag sa umiiral na batas.

Hindi natin masusukat ang pagiging wasto ng bawat hakbang—simbilis man ng haginit-lintik o simbagal ng usad-kuhol. Uungkatin lang natin kung saan talaga patungo ang mga isasalpak na hakbang, sa latag man ng lupain o sa larangan ng paghubog ng mga patakaran sa pamamahala. Buong giliw na isasama ko ang apo sa pagtuklas muli sa katiwasayan at marikit na bangis ng kabundukan.

Taimtim na pagmumuni-muni ang mainam na paglalakad—ganoon ang nais kong mabatid ng apo sa binabalak na pagtungo sa kabundukan. May masinop na paraan ng paghakbang kasi—halos hindi lalagpas mula sa balikat ang yapak sa bawat hakbang, that doesn’t happen when one walks in strides or long steps. Walking meditation entails short yet quick steps, legs bent a bit at the knees to lessen impact of the body weight, the gait flowing from the body’s center of gravity called ‘dan-tien’ or ‘hara.’ Such a quaint gait covers more ground with more steps—for a thorough physical contact and intimacy with the lay of the land. Yet, the walking mode can be as fast as running. Kailangan ng matatag na katawan at paninindigan sa ganoong mga hakbang, ah, how aptly such physical requirements about taking sound steps can echo of the intrinsic demands of statecraft and leadership.

Oo nga pala, kapag matagal nang naisalang ang katawan sa 108 galaw ng ‘taikiken’—and it takes 30 years to get into the spirit of those moves-- o napanday ang pagkilos sa 8 galaw ng ‘qigong,’ ganoon ang magiging likas na indak ng katawan sa paglalakad—and there’s beautiful economy of movement and hints of martial know-how in such a manner of walking that I’ve not seen in most people.

‘Teach a child in the way he should go and when he is old, he will not depart from it,’ so we’re told by King Solomon who chose uncommon wisdom over wealth of material possessions and both political and military prowess, ah, he made his Faustian bargain eons ago, got all three as a result of his choice.

Sanggol pa lang ang apo sa ngayon, pero kagulat-gulat na nga ang lakas ng kanyang mga paa—gatas-ina kasi ang sinususo, gatas-ina na magdudulot sa kanya ng mas mataas na intelligence quotient kaysa ibang sanggol na pinasuso ng gatas-hinayupak sa tsupon.

Naghahanda ako sa pagbulas ng apo—kailangan talagang sumuso pa rin ng katas ng ina, mwa-ha-ha-haw!

Friday, October 10, 2008

Oh, Yahweh… ay, yawa!

IYAN daw press freedom malayang pagpindot
Sa imo pong lubot upang makulubot.
Madadagdagan pa, ano ba, ay ambot!
Nais ng Senado’y malaswang paghindot…

Panukalang batas na isinalampak
Upang right to reply-- dapat daw matiyak—
Ng kung sinu-sinong aming isusulat
Para panig nila ay maisiwalat…

Dapat na mag-ukol ng sapat na buwang
Upang maituwid paratang sa puwang
Itong right to pakay ganoon ang reply
Dapat lang bumigay mga pahayagan!

Sila pong senador sana’y pumarehas
Sa mga tulad kong nais lang bumakas
Monthly budget nila’y talagang makatas:
Two million pesos lang mula sa aming tax.

Maghating kapatid kahit sa pantustos
Sa mga kawani’t personal expenses
Umaabot din ‘yan ng half million pesos
Buwanang balato ng mga taxpayers.

Office maintenance costs: another half million…
Seven sixty thousand
para maglimayon
May isang milyon pa kung ulo ng lupon—
Tig-isang committee ang mga senador…

Ang taunang tustos sa pork barrel budget
For every senator: two hundred million each
May komisyon siempre kahit na ten percent
Bundat ang senador, we taxpayers don’t fret.

Sa pork barrel pa lang pumasok sa bulsa
Ng ating senador, one hundred million na
Before the term is done ay nagtatamasa…
Sa puwang ng d’yaryo, makikisunggab pa?

Tawag po sa ga’non masyadong dayukdok
Sobra na sa siba at hayok na hayok…
Merong peryodista’y sablay kung sumahod
Marami sa amin ang nabubusabos…

For a Sufi Muslim ang gawang pagsulat
Alay panalangin ng paham at pahat…
Kung makikihati baka lang masilat,
Tamaan ng lintik mula sa itaas…

Sa batok ni Yahweh kami ay kakatok
Ng mga paratang at ngitngit na taos:
“Ang bansa po namin bakit inilublob
Sa dusta at dusa’t lideratong bulok?”

Sa bayag ng yawa aming iuumpog:
“Bakit kampon mo lang silang nakaluklok?
Tatama sa lotto ay ipagkaloob
Bigyan mo rin kami ng millions of pesos!”

Sina Yahweh’t yawa aming pagbibigyan
Ng kahit katiting o kaunting puwang
Para buong bayan ay maliwanagan.
But they will not avail of the right to reply

In occidente, lex—batas sa kanluran
Et in oriente, lux— at kaliwanagan
Naman sa silangan… On the right to reply:
There are brains that have left, they’re right to be
pilay!

Friday, October 03, 2008

Pakikipagtipan at pakikipagtipon

SINAMPIGA—Batangan verb for conk or bash the noggin in-- ang paanyaya sa muling pakikipagkita sa nurse na dating babaeng peryodista’t naging kagawad din pala ng campus newspaper na pinagmulan ko. Natapat ang araw ng reunion sa mahabang pakikipagkape’t palitang-kuro sa nakatatandang katoto, nakalaboso sa Muntinlupa, XPP, hindi exciting pekpek kundi ex-political prisoner. Kasunod sa unang tipanan ang pagdalaw sa kinagigiliwang panganay na apo na pulos panghalukay-tutule ang palahaw ng iyak o haplos-sa-puso ang ngiti na isusukli sa anumang tangka na makipag-usap.

Iba ang antas at yumi sa igting ng talastasan kapag ang kaharap ay matagal na nakapaghimas ng pader at rehas dahil sa mithi’t paninindigan para sa bayan. Nippongo plies the picture ideakage,” the shadow falling on the floor as skeins of light strikes wood slats resembling prison bars in a papered panel. That shadow lends a deeper, somber hue to every color or surface it falls on. So pleasantries and passing talk may be infused with such enriching chiaroscuro.

Halaw sa Nippongo ang pangalan ng apong panganay, Musa, with its variants “bushi,” “mushi,” “musha” o mandirigma. Sa ganoong araw ng dalawang pakikipagtipan, maisasalang yata ang sarili sa obra ni Akira Kurosawa. Kagemusha (Shadow Warrior).

If you’re on in years, go for that whatever, whoever, whichever can lift you up, those that edify, ease up and help you to stand and withstand— shun those that drag or bring you down. Ganoon na lang, mahalaga ‘yung makakasama na may katumbas na pagpapahalaga, makakasuklian at masasabayan sa pag-angat.

Isa pa ring nurse ang pilit na naghanap sa ‘kin nitong nakalipas, ex-classmate and cohort in high school na naunsiyami ang pangarap na maging marine biologist … naging nurse sa U.S., sandamakmak ang kita pero mas masaya raw kung ‘yung una niyang kinagigiliwang gawain ang naging career niya. Hindi ko rin siniputan ang biglaang reunion naming magkakaklase nang dumalaw siya sa Pilipinas. Sa telepono na lang kami nagkausap, nananaghili nang aminin kong sinunod ko’ng ipinipintig noon pa ng puso—paglulupa’t pagsusulat—para ‘kako magaan ang dalahin sa dibdib, afford me to speak and express art from the heart. Heavy of heart he did depart.

Is-shin-ryu,” one-heart martial school in which the student’s entire being moves light as a feather from an enlightened heart… Egyptian lore tells of ‘weighing of the heart’ as central ritual in the passage of a dead person’s spirit from this world to the next… jackal-headed god of the dead Anubis lays the person’s heart in one pan of a pair of scales to check that it balances against a feather, embodying justice and truth… and there’s that Latin adage, “The measure of a man is found in his heart.”

Nakakaandap tuloy na siputan ang mga balik-pagtitipon o reunion. Iba’t ibang saysay at kasaysayan ng piniling landas ng buhay at pamumuhay ang natitipon. Paghahaluin. Parang kalamay. Parang samut-saring sangkap sa lutuin na mahirap mawawaan ang lasa’t timpla. May mga gumawa ng pangalan. May gumawa lang ng pera. O gumawa ng kalokohan, kahihiyan, at alingasngas. May gumawa lang ng bata. Gumawa ng kabuluhan. May napag-iwanan dahil wala namang ginawa… maisusulit at mailalahad ng katuturan ng sari-sarili batay sa mga ginawa.

Hindi kaya mag-alinlangan kung pilit maisasalaksak, maibalik ang sarili sa ganyang kalipunan?

Hindi pinaunlakan ang anyaya na sumipot sa muling pakikipagtipon sa isang dating peryodista na naging nurse sa Amerika. Nakatakda kasing sumipot sa ilang pakikipagtipan sa araw ding iyon. Baka maungkat ang ibang dahilan.

O, may mga katipon at katipunan. At tiyak na may Magdalo at Magdiwang. Napipinto ang umaalimbukay na himagsikan at mga pagkakanulo.

May mga katipan at katipanan. Tiyak na may luma at bagong tipan, old and new testaments that conjure a dimension of the sacred. Teka, tipan = covenant. And coven refers to a group of witches, mages, or wizards. Katipan is also tryst-mate, sweetheart.

The whimsical, intrinsic significance is laid down pat.

Kaya nga sisiputan lagi’t lagi ang mga katipan na laging may pangako ng engkanto’t mahika—always a fulfilled promise of a sacred, magical meeting of minds and hearts.

Low-skilled job-seekers: send resumè to theassociateconsultant@yahoo.com

THE jobs available pay minimum wage. If you’re young, fresh off high school and your English enunciation isn’t likely good enough for reading through a trough of prepared responses in a call center, grubbing it as service crew for a 24-hour convenience store—or jobs similar to that-- would be just as decent.

Save. Make sure you earn a college degree. To get better-paying jobs.

Just don’t come to me begging for work.

A single mom, plump as they come, approached me once as I dug in for lunch at a diner. Unceremoniously plied a plea for me to spare her some cash as she and her kid was about to be thrown out of their rented home. Distressed damsel sized me up as someone who’d come—if pun is intent, peg it firm at a camp, likely a kamposanto para makikilibing-- to her rescue.

Landlady got paid. Lady drowning in woe was landed and laid.

Mula kinatirikang masaklap natirikan pa ng masarap ang harap…kaya yata naghanap-hanap.

Sa patahian ng isang katoto naipasok ang nakilalang nadesperadang ina—na dati palang
high speed sewer in a multinational garment manufacturing outfit. Maganda naman ang kanyang pagkita sa pinagpasukang trabaho pero nagkukumahog pa rin sa pakikipagkita. Mind the pronunciation of key syllables, will you?

Giit ko’y wala naman siyang dapat bayarang utang na loob. Nagpupumilit naman na ibutang raw sa loob. Ibutang? Ilagay pala ang kahulugan niyon sa wika nila—lalong hindi napalagay sa mga kasunod na pihit ng pagyayarian, este, pangyayari nga pala.

Kapag ganito ang inaararong usapin sa pitak, hindi marahil mambubulabog sa kanyang mga kaibigang komentarista sa radyo ang isa naming masugid na tagasubaybay, si Ben Rosario ng Manila Bulletinutol ng aming kabungguang-bote, Dodo Rosario—para maipabatid pati sa madlang tagapakinig ang mga kahindik-hindik na pagtalakay dito. Tiyak kawawa sa nanay at tatay ninyong nasa hudikatura ng bansa kapag sinampahan tayo kapwa ng kaso. Consensual harassment. Inciting to seduction.

Say, I’ve been doing qigong for a clutch of years. The martial breathing regimen has afforded some two-bit skill in tantra, an esoteric Hindu sex practice that allows one to withhold discharge of precious fluids… while ensuring that the other becomes awash in wave after wave of orgasms… So I love and leave ‘em contented. Not stranded high and dry.

So they beg for more of the same. Do it singing the pambasang lawit, oops, pambansang awit as flagpole plugs hole. Taranta sa tantra. Arcane knowledge translates to staying, satisfying power that beats oral contraceptives— howl “hell, no!” or swallow. So they don’t get knocked up for sure. Just swept off-- and with the patented walis tambok, between-- their dainty feet.

Because it’s all about having gut-spelunking scrumptious sex. Or making love. Not babies… The push and pull that produce people is such a lousy job turned up by those of low skills who actually enjoy doing such a job but often take no long-term responsibility for it. Kaya dumarami lang. Pero nagkakahindut-hindot ang populasyon ng Pilipinas. Maraming walang trabaho, mas maraming ayaw maghanap ng trabaho.

Ah, wushu gold medalist in the 2008 Beijing Olympics Willy Wang told me once at the Kapihan sa Sulo media forum that qigong is a lot more brutal than wushumahirap talagang maibigang katalik kaysa kaibigang matalik.

Teka, magpapasalamat po kami kay Ms. Czarina C. Videña— isa ring masugid na tagasubaybay nito—na nagmagandang loob na tumulong sa mga nangangailangan ng mapapasukang trabaho, high-skill, middle level-skill, low-skill jobs are offered. That gives me a lot of time for think, food, and drink. Kaysa mag-asikaso ng mga samut-saring seksing sasakyan sa emission testing centers.

Pahingi ng paumanhin sa mga sasakyang dilag at alindog with sound chassis, some brazen, whose engines are still in good running condition. Kahit naman kasi matikas ang tirik, taba at haba nitong tambutso, ayaw namang labasan ng usok saanmang emission testing center. Na tulad niyong Hotel Sogo.

Pakiramdam ko kasi’y para bang hindi nilisan ang pagiging sundalo. Pilit isasabak saanmang putukan… ilululan pilit sa malaking sasakyan patungo sa labanan. Ano ngang sasakyan ‘yon? Sex by sex?

Busog sa laro, lusog sa diwa

NAPAKAHABANG panahon ng paglalaro ang kamusmusan, umaapaw sa saya habang naliligo sa sikat ng araw, tigib sa galak habang habol ang hininga’t tila hangin ang buong katawan sa pagdiriwang ng sigla’t kalayaan.

Maraming pakinabang mula sa laro— salanta ang sigla ng isipan kapag hindi kumikilos ang katawan, sabi ng henyong si Leonardo da Vinci. Pinatunayan na ng mga natuklas sa pananaliksik ang kanyang sinabi. Tumutulong sa mainam na paglaki ang laro. Nagiging matalim ang isip at talino—pinalalago ang neural structures ng utak sa nervous system ng katawan.

At nagsasalin ng maraming kaalaman at kakayahan ang laro sa mga bata, nasusubok nila ang mga ito na pakikinabangan nila sa kanilang pagtanda.

Tinukoy ng child experts kung paano humuhubog ng karakter o mainam na pagkatao ang laro:

Katulong ang laro sa mahusay na pagbulas ng katawan. Isusulong ng laro ang katawan sa masigla’t masayang galaw upang mailabas, mapagaling ang motor skills—kakayahan sa galaw—na nagbibigay sa bata ng tiwala sa sarili at lakas ng loob.

Sa pakikipaglaro sa iba, natutugunan ng bata ang damdamin na maging kabilang sa mga kalaro—sa social at emotional interaction nauuwi ang physical action sa laro.

Maraming aral na kaloob ang laro, at magagamit ng bata ang angking kakayahan upang makuha ang mga aral sa laro. Lapat-kamay, lapat-isip na pamamaraan ang laro para matuto at mapag-ibayo ang kaalaman. Sa laro, mapapahusay ng bata ang kakayahang mag-focus, mag-concentrate o ituon ang sarili sa ginagawa. Nakakaipon din ang katawan ng muscle memory at pang-unawa sa wika.

Mapapansin na ang musika at pagkilos ay laging magkasama—katumbas ng tugtog ang galaw sa sayaw kaya iba’t ibang paraan ng kilos ang kasaliw sa mga likhang himig. May paanyaya sa bawat isa—paslit o magulang man—ang musika upang gumalaw, umindak sa galak, kumilos na agos ng saya.

Kaya upang maging malusog at sanay sa mainam na kilos ang inyong mga anak:

1. Ipabatid sa inyong mga anak na mahalagang gawain sa inyong tahanan ang laro.

2. Pumili, bigyan sila ng mga laruan na makapagbubukas sa kanila ng maraming kaalaman at kakayahan.

3. Makipaglaro sa inyong mga anak. Maging bahagi ng kanilang mga pinagkakaabalahan—at huwag namang magbutas lang ng upuan sa harap ng computer upang isangag ang utak sa computer games, gawaing tamad ‘yan.

Kailangan ng mga musmos ng mga 60 minuto ng laro’t masiglang kilos ng katawan araw-araw— hayaan silang maglaro.

Use it or lose it—galaw-galaw para hindi ma-stroke, sabi nga. Sisigla ang katawan kapag kumikilos sa laro, nahuhubog na matibay ang katawan, nagiging matatag ang tibok ng puso, lumuluwag pati hininga kung madalas nagsasalin ng sariwang hangin sa dibdib—na magbibigay ng ibayong tatag sa kalusugan at lakas pati na sa isipan. Kaya:

Dalhin ang mga anak sa park o palaruan na maraming mapaglilibangan—wall climbing, boating, biking, break dancing, taichichuan, at iba pang laro’t sports na makagigiliwan.

Payagan sila sa mga field trips na mahalaga’t masayang bahagi ng kanilang pag-aaral sa eskuwela.

Isama sila sa mga weekend picnics, bakasyon at papamasyal—lalo na iyong masaya’t may matututuhan. Mainam na magkasama sa quality time kahit nasa labas ng tahanan. Samahan ng palaro ang mga pagtitipon ng pamilya.

Isali sila sa palaro o sports na magbibigay ng mga kaalaman sa pamumuhay. Isulong sila sa Kahit team sport na makakagiliwan nila:

  • Humuhubog ng mabuting ugali at pagpapahalaga sa buhay ang mainam na sports program—lalo na ang mga tinatawag na contact sports tulad ng wushu, karatedo, taekwondo, arnis, atbp. disiplinang kauri nito na nagbibigay din ng moral and ethical values sa kabataan.
  • Pumili ng sports na nagbibigay ng ABC—agility (liksi ng katawan), balance (timbang o balanse ng katawan), at coordination tulad ng aerobic dancing, tennis, badminton, table tennis o yoga.

Kay Villar ang Tondo, kanya ang skin whitener

DUMANAK ang laway—kakila-kilabot—
Pati butse nila’y pumutak, pumutok…
Upang ibuyangyang ang dinobleng pasok
Double insertion daw para sa C-5 Road.

Kay Villar ang Tondo, kanya ang Cavite
Na paglalagusan ng naturang kalye.
Ang makikinabang lokal na botante
Na sa two-uh-ten polls baka maturete…

Sa C-5 Road project, isang nakinabang
Ay iyong pinuno ng grupong El Shaddai
Na mga kaanib ay tala-talaksan
Botante din sila na paglilingkuran.

Vote-winning project ba? Wala na pong duda--
Las Piñas, Cavite hanggang sa Laguna
Ang makikinabang sa lakbay-ginhawa
Dapat lang tustusan ng sapat na pera.

Kotong o kuratong, walang nailantad
Kahit masinsinan ang pagsisiyasat
Walang katibayan ni masamang balak,
Walang nakalkal na iregularidad.

Pero lumalabas walang alingasngas
Alegasyong gasgas ay puro lang angas
Diin ni Enrile, walang naibunyag
Kahit pag-iimbot o tiwaling hangad.

Sinumang magbintang dapat magpatunay
Dapat maglabas ng mga katibayan…
Kung ang mga angas paulit-ulit lang
Pera’t panahon din iyang sinasayang.

Sa mga senador, well, the highest so far
Ang approval rating nitong Manny Villar
Kaya lagi’t lagi siyang sisiraan
Pilit ilulublob sa putik at kanal.

Puno o pinuno na hitik sa bunga
Susungkitin lagi’t babatuhin t’wina--
Kung hindi lababo, kahit orinola
Pati poso negro’y ipukol sa kanya

Ang kulang sa pansin dapat na mag-ingay
Dapat mambulahaw upang manghahalal
Na sa ngayon pa lang ay nakasubaybay
Sa dapat iluklok du’n sa Malacañang.

At marami na ngang mga pulitiko
Ang paparada na’t kakatsang nang todo
Liligawan tayo’t ililigaw tayo
Upang masunggaban ang buto, oops, boto.

Dahil kung may lagay tiyak na may kotong
Nangangamba kami, oy, mga senador
Baka sa susunod na imbestigasyon
Kalkalin pati na lagay ng panahon…

This is so so-so

ALAK-tating baby tawag po sa akin
Male nutrition kasi ang aking aralin
Sa dibdib ng ina natutong sumimsim
Ng tomang sustansya’t katiting na protein

Ang atas sa Koran ay dalawang taon
Na dapat sumuso sa ina ang sanggol
At sa tulad kong may infantile fixation
Sumususo pa rin magpahanggang ngayon

Pansinin po natin iyang protein content
At birth it is merely 2.38 percent
Then down to 1.2, that’s after the sixth month
That’s what in mother’s milk, sustenance heaven-sent

And so God’s chemistry oozes off like blessing
From the breasts of mothers, each a sacred fountain
Kahit pa sabihing protina’y katiting
Ang sisidlan naman nakahuhumaling

Ang utong ng ina’y kakaibang hulma
Sa wastong pagbigkas nitong abakada
Sapat lang ang lambot para bang sa seda
Upang itong sanggol doon mabihasa

Utong ina naman bakit pinauso
Paglaklak sa tsupon sa halip na suso
Kapural ng ganyan daig pa ang aso
Hihimod sa suka’t papangal sa baso

Utong ina pa rin ang katas ng baka
Dapat sinisimsim lang ng mga guya
Mga sanggol ngayon ang pinamihasa
Sa gatas ng hayop, hinayop na sila

And so God’s chemistry, by human foul intent
In such a bovine twist upped the protein content
By adding melamine so the formula went—
And to their early graves some babies were sent

Kami ay aangkat, aangkat po kami
Masustansyang gatas mula kay Zhang Ziyi
Kahit kay Maggie Cheung maniwala’t dili—
Mga suso nila ay talagang yummy

Milk of bovine kindness inayawan namin
Gasta’t gatas-ina kahit na katiting
Lulusog talaga inyong iwing supling
Higit pang malalim ang mother-child bonding

Samut-saring hugis pipisil-pisilin
Iba’t ibang hugis pa ang masisimsim
Alak-tating baby turing po sa akin
Suso’t suso pa rin ang sisibasibin

Huwag ipagkait ang bulwak ng dibdib
Ang katas na gatas hindi masasaid
Ang dugong may liyab, alab ng pag-ibig
Sa supling na giliw ialay na tigib…

Informing psyche and sinew

WHATEVER the left hand does accrues information to the right lobe of the brain which has a will of its own—it’s the portion that plies emotion, art, imagination… who knows what else. The brain’s left side governs speech and rational thought—and the right hand is the left brain’s servant.

With such facts down pat, the children grew up being drilled for hours in the use of both hands in, well, hands-on tasks. There’s a lot more than tons of muscle memory stored up over the years in such mundane tasks as hacking out through howling seas of cogon in the forbidding parts of the Sierra Madre to clear patches of land for transplanting trees. Or pounding spices and food condiments with mortar and pestle for everyday cookery, even catching shrimps or wee fishes for hours among the shoals of a river… even doing the dishes or a constant stirring of ube jalea or purple yam jam in which every kid has a turn at 20 counts of roiling the concoction as it cooks on a cast-iron cauldron over live embers.

There’s more than a handful of knowledge in cookery and rookery gained there. Hands-on tasks inform psyche and sinew, nurture brain growth and--over time-- build up a colorful, expressive yet down-to-earth vocabulary. The more one does hands-on work and gains hands-on competence, the broader and deeper one’s vocabulary becomes: a stock of 700 words is minimum to get along; a 3,000 word stockpile to have a job; a 10,000 word store to have a social role; and 60,000 to have a say in making up the language.

Include in the wealth of lexicon a certain oddity called lanka, an economy of movement in straight-telling body language. Kakaiba ang pangungusap na ipapatalastas at ibabalikwas ng galaw ng katawan na pinanday sa gawain sa mahabang singkad ng panahon.

Hinoldap daw ang aming bunso, dalawa ang nagsalikop sa kanya. Pumalag. Kinadyot ng siko ang kumalawit at isa pang dumikit. Tiklop ang mga inupakan sa iglap na salpukan.

That must have been a muay move. A killer elbow blow aimed at the rib cage—it takes one fucking pound per square inch (PSI) of pressure to cause rib bone to snap like pretzel—and such a blow can whip out a dozen or more PSI to cause the slammed-on ribs to break and, well, likely to jab into the lungs, touch off internal bleeding that may result in a slow, painful death… unless a surgeon intervenes for a savings-wrenching operation.

PSI. Sigh…

Mabubungkal ang malalim na ugat ng ganoong iglap na kislot ng katawan sa kung ilan ding taon na paghawan ng mga bata ng kugon sa Sierra Madre. Matagalang pag-aaral iyon. Masinsinang paghubog ng kaalaman na ilalaman sa bawat himaymay ng laman. Uh, shorinji kempo translates literally as “physical skills or inner truth reaped from a small forest.” Kendo or tengu geijutsu-ron is “the art of mountain demons.” Very spiritual disciplines those.

Mahirap talagang magpalaki ng musmos na anak, parang mga batangan na kailangang salinan ng kung anu-anong kakayahan, kailangang hubugin pati ang kanilang mga kamay sa samut-saring gawain upang mapaunlad at lumago ang kanilang diwa’t kaisipan.

To recap: right hand tasks go to left brain lobe to nurture reason and speech. Left hand, right brain lobe to temper emotion, art, creative imagination, brute level instincts, and God knows what else.

It’s all about getting in touch with the needs of the growing child, enabling, ennobling and shaping each in the lathe of workaday tasks. Mahirap magkulang sa pagiging magulang. Kailangan talagang magaling sa panggugulang.