NAKAGAWIAN sa paglaki ang sumabak sa gawaing bukid—na mainam pala’t sagana sa pakinabang sa katawan. Kahit napapalakas pati na sa pagkain.
Ubos ang mahigit sampalangganang kanin bawat kainan noon—kailangan palang gatungan ng halos sanlibong calories bawat oras ang pagtimba’t pagsalok ng tubig sa araw-araw. Nasusunog lang ang taglay na calories ng nilamon. Walang nalalabi kahit tabang-hangin o tabang-lamig na ilolobo ng katawan.
Hanggang sa ngayon nanatiling tulad sa labaha ang katawan sanhi ng mga gawain noon sa araw-araw. Manipis na parang patpat pero matibay at matalim pa rin. Mabisa pala na ibuhos ang katawan sa gawain para manatiling nakatono ang katawan. Parang mga bagting ng gitara na unti-unting pinihit para umigting. Para mahusay na maisaliw sa mga himig na aawitin.
A body fully tuned moves like a lovely melody. Like a song with lyric poetry. Inactivity robs the vigor of the mind, sabi nga ni Leonardo da Vinci—nangangahulugan na ang mahilig sa tunganga at bunganga, wala ring sigla’t katuturan ang laman ng isipan, kung meron man,
Kinukutuban tuloy ako sa kalagayang pangkalusugan nitong self-appointed supervisor. Na pulos bunganga at tunganga lang ang gawain sa araw-araw, lalo na’t masisilip na subsob ako sa pagbuno ng mga sulatin.
Kapag ganoong tunganga’t bunganga lang ang pinaiiral, tiyak na hindi napapagpag anuman ang nilamon. Hindi nasusunog na mahusay ang calories na mula sa pagkain. Pinarusahan lang ang lapay at atay na naatasang magsalin ng insulin sa bloodstream para mapakinabangan ng katawan ang calories.
Sa dakong huli, manghihinawa ang lapay at atay sa pagiging tamad o batugan ng may katawan para kumilos na masaya’t masigla. Tiyak ang ibubunga: diabetes mellitus, baradong mga ugat na daluyan ng dugo, samut-saring sakit sa puso, brain attack o stroke, pati na bangungot.
Pinakasuwabe nang bunga ang paglobo ng tabang-hangin o tabang-lamig. Tulog na taba kaya nanlalamig—katumbas ng tulog na mantika o shortening. Sabi nga’y you become what your body absorbs. Pampaikli ang shortening. Pampaikli ng buhay. Pampaikli ng uten—kahabag-habag talaga ang abang kalagayan ng mga mahilig sa tunganga’t bunganga.
At kawawa pati sasapitin ng singkapan since in the long run it cannot stand at utension, hindi na maipapasok pati uh… este carnal intention.
Sa 10 araw na hindi masunog sa katawan ang 200 calories sa araw-araw, sasapin sa katawan ang ½ libra ng tabang lamig. Sa sambuwan, nakasapin na sa katawan ang mahigit ½ kilong tulog na mantika. Sa 2 buwan, higit sa 1 kilo na ang tulog na mantika—magiging mukhang mabigat at malapad ang katawan. Pero ampaw naman.
Para makatulong tayo na malunasan ang overweight and obesity epidemic sanhi ng pagiging batugan o likas na katamaran, narito ang munting listahan ng mga gawain sa araw-araw na mahusay pantunaw ng tabang lamig.
Gawain Sunog na calories bawat oras
Bedminton o pakikipagdaupang-ari 108
Pila o tayo sa LRT o MRT 100
Pag-iisip, computer work 110
Paglilinis ng bahay 130
Paglalakad na banayad 130
Pagbibisikleta 135
Bowling, ballroom dancing 145
Yoga 230
Pagbungkal ng lupa, paghahalaman 230
Softball, soccer, free-style swimming 260
Badminton, volleyball 340
Martial arts, taijiquan, karate 345
Tennis 350
Magaslaw na sayaw sa rock n’ roll 400
Skipping rope 480
Jogging, 5 miles per hour 600
Mabilis na takbo, 10 miles per hour 700
Pag-igib, pagtimba ng tubig sa artesian well 850
Thursday, September 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment