Thursday, September 13, 2007

Napagod sa panonood

VIEWER fatigue daw ang dahilan kaya babakbakin na ang isang minsan sanlinggong palatuntunan sa telebisyon.

Nakakapagod nga ba ang panonood sa kung ano na lang na panoorin sa susong kristal? Kung plasma screen ang receiving set, maaari namang tawagin na pasmadong suso. Pero karaniwang kristal o salaaming bubog ang nakabuyangyang na suso. Na nakagawian na nating supsupin anuman ang ibubulwak at ibubulagang tanawin.

Pasakalye pa lang sa harumpakan ang supsupan, Kahit nga katas-imburnal at bulwak-pozo negro ang dumadaloy sa kristal na suso, susupsop at sisipsip lang ang miron.

There’s not much engagement in viewing whatever the glass teat, the eye of Polyphemus— the mythical one-eyed monster called Cyclops that seafaring king Ulysses blinded with a tapered log.

Ni hindi nga tahasang madutdot kahit anong ipinagduduldulang tanawin at panoorin, mapapagod at mapapagal sa pagiging tastas na patatas na hindi tumatalastas o couch camote?

May malalasap na rasa o lasa sa kislot at kilos ng katawang may kaalaman. Sa mga may kaalaman sa larong kuntaw—mula katagang Tsino na chuan tao o landas ng kamay—sapat nang mapagmasdan ang anyo ng paglalaro o langka upang mabatid ang kahusayan ng manlalaro. Hindi na kailangan ng tinatawag na pakikipagkrus ng kamay o tahasang tunggalian. Sapat nang arukin sa paningin ang langka.

Sa bihasang paningin, mayroong ibubunyag na mga katangian ang kislot at kilos. Pero mananatiling lihim ang mga ganoong katangian sa karaniwang paningin.

Mahusay ang tinatawag na ugnayan ng paningin at mga sangkap ng katawan sa paggalaw— better hand-and-eye coordination ang nakagawiang tawag sa ganoong katangian ng mga likas na manlalaro o athlete. Ganoon din marahil ang katangian ng mga gamers o nakababad lang ang kamay sa computer keyboard habang nakabuhos ang tingin sa console screen.

However, cyberspace gaming doesn’t go beyond a gauge of two dimensions. A more physically engaging sport like sepak takraw or soccer entails plunging into and taking sudden stock of manifold dimensions.

Mayroong tinatawag na poetry in motion— iyon ang rasa o lasa sa matipid na mga galaw, tila matimpi’t pinakinis na taludtod ng tula ang ilalantad upang basahin at namnamin. Madalas kong makita ang ganoong katangian sa mga alagang pusa, tila mga bungkos ng awitin. Sabi nga’y well-composed sa pamamahinga’t pagkakaayos ng buong katawan. Pero iglap ang mga kilos at galaw.

A cat barely a foot long can jump and cover with ease a distance more than five times the length of its body. Parang karaniwan na lang ang ganoong katangian sa pusa. Hindi na itinuturing na kamangha-mangha ni kagila-gilalas. Iyon ang anyo nila sa pagkilos. Iyon ang langka—may matamis ding lamukot na may halina sa panlasa.

So we can take a look into poetry in motion. We can even train our sights opting for a clinical eye, noting the bone structure, muscle tone and body mass index to divine the body’s fitness for engaging movements.

Kapag ganoong paraan ng pagsipat ang tinutupad, mga taglay na kapansanan ng katawan ang karaniwang nalalantad. Diabetes mellitus, panganib ng sakit sa puso, pinarusahang bato, atay at lapay sa walang pakundangang paglamon, mga banta ng brain attack o stroke.

Napagod na ‘ko sa panonood at pagsipat sa mga ganoong tanawin—mas mainam yata na sumangguni ang mga iyon sa mga dalubhasang cardiologist o espesyalista sa puso. Na tiyak na magpapayo ng lifestyle change para maiwaksi ang samut-saring panganib ng sobrang lamon at labis na pagtunganga at walang ginagawa sa maghapon.

No comments: