Thursday, September 13, 2007

Babala: Malaswa ang mga naritong salsalita

NASILIP ang butas ng karayom, hindi ang butas ng tumbong. Pinisil-pisil ang kulubot hindi hinipo ang lubot.

Salawikain ito ng mga taga-ilog. Hinalaw mula sa mahabang karanasan sa paninilip ng mga dilag at mutya na naliligo sa batis nitong panahong nakalipas. Wala silang saplot. Nakabuyangyang ang kanilang alindog—na kailangang siyasatin sa pamamagitan ng matalim na normal vision, hindi 20/20 kundi 36-24-36.

We do not see things as they are, each individual sees things as he is. Kaya naman sa halip na humimod ng tingin sa mga napakarikit o kaakit-akit na tanawin, nakapako ang paningin ng makasarili, sakim, mapag-imbot at lambot ang sa imo sa gawing ibaba ng kanilang katawan. Doon karaniwang tatambad ang singkapan. Anupa’t sisipatin pang masinsinan ang butas ng karayom.

Tinutukoy ng salawikain ang mga nahihilam ang mata sa usok ng sigarilyo pero ayaw pansinin ang usok mula tambutso. Tinuturol din ang mga nauulinig kahit mahinang sutsot. Pero taingang kawali naman kahit dumadagundong ang utot.

Kaya tantanan naman sana nila ang sermon sa tulad kong naging bisyo ang paninigarilyo.
Totoo, smoking betrays an infantile fixation that stems from suckling at mom’s so meaningful udder—which packs the just-right amount of protein and 300 health-giving nutrients not found and cannot be synthesized in infant milk formulas. The man-child still craves for that nourishment and the comfort of mom’s breast kaya kahit tumuntong na sa mababa’t mataas na paaralan, kung sinu-sino namang ma’am ang pinagpasasaan.

And in that quest and consequent conquest ma’am became a substitute for mom. There’s rhyme and reason there.

At ngayong nakaraos, oops, nakatapos na sa sex education, este, sa pagsusunog ng kilay: sa halip na kung sa sinu-sinong papayang suso ang sinisibasib, nagpapakasakit na sumupsop na lang sa tumbong—the outright translation for butt in cigarette butt—ng Philip Morris 100s upang mapagbigyan ang makamundong pagnanasa. And since butt bobbed up here, that also betrays a fondness, yeah, fetish for analysis. Analysis is also a euphemism for rear entry. Or delicious canine style coitus.

Talaga, nakasunod lang sa bakas ng yapak ng bathalang Shiva ang paninigarilyo. A path laid out in front of you isn’t yours. Your path is made once you take steps and move forward.
Habang hinuhubog ang sanlibutan sa kawalan, bumulwak ang nakalalasong usok. Nahinto ang paglikha. Bathalang Shiva ang pumagitna sa kawalan. Hinigop niya ang lasong usok. Itininggal sa kanyang lalamunan— naging kulay bughaw ang kanyang lalamunan kaya taglay din niya ang pangalang Shiva Nilakanta.

That explains the universal subconscious craving for smokes—a divine example was set by Shiva.

Bahagi rin ng tinatawag na initiation rites ng mga shaman, manggagaway, curandera’t brujo ang hitit-buga ng usok. Ginagamit na gamot at paraan upang mabuksan ang pinto ng daigdig ng mga espiritu. Meron ding ritwal ng kasunduang pangkapayapaan—smoking of the calumet or peace pipe. Kaya itinuturing na isa sa mga sagradong halaman ang tabako sa mga katutubo ng North at South America sapul nakalipas na 3,000 taon.

Kauna-unahang non-American smoker si Rodrigo de Jerez na kabilang sa mga tripulante ni Cristobal Colon sa pagtuklas sa America. Dinala niya sa EspaƱa ang bisyong hitit-buga nitong 1492.

Pitong taong ikinulong ng karumal-dumal na Spanish Inquisition si de Jerez sanhi ng kanyang kakaibang bisyo.

Pero hanggang sa ngayon, hindi tinatantanan ng mga makabagong Inquisition kaming naninigarilyo habang patuloy na itinataguyod ang isinusukang usok ng mga tambutso—na tinatayang kumikitil sa Pilipinas ng 5,000 tao taun-taon.

No comments: