MAGLALARO daw sa P150,000 hanggang P200,000 ang 30-segundong sambulat ng patalastas pulitika sa prime time at alanganing oras.
Isinasalpak na lang ang mga patalastas sa tatlong nangungunang himpilan para ipagduldulan sa mga bobotanteng miron ang kani-kanyang balak para isulong—o baka naman ibulid sa bangin—ang bayan at taumbayan.
Hindi kailangan ng algebra (hinalaw mula sa isa sa mga pangalan ni Allah, Al- Jabbar-- the One who repairs, reforms and completes, the One who irresistibly compels things to be set aright) para manghilakbot sa agos at agas ng salapi na sumasalin sa idiot box. Yeah, put your money where idiocy is mouthed perpetually.
Ayon nga sa Surah 17:27 ng Qur’an-- “talagang ang mga lustay sa salapi ay kapatid ng mga demonyo…” (Sige, makipaghampasan ng argumento sa kasulatan ni Allah.)
Sa kung ilang minutong paulit-ulit na bulabog, tuklaw at tukso ng demonyo sa bobotanteng manonood, nagpamudmod na sa TV networks ng higit pa sa P1 milyon—opo, isang angaw isang araw. Kung ilang angaw sa kung ilang linggo bago magsimula ang masinsinang kampanya. Baka nga umabot sa langaw at bangaw…
Yayaman ka talaga sa paglipad ng angaw, langaw, at bangaw… ‘yun, eh, kung sa mga pangunahing TV networks ang trabaho mo… tiyak na madadapuan ng pera ang bulsa.
Hindi naman malayo ang aabutin sa lipad ng angaw—baka nga katumbas lang ng two or three low-cost housing units or two squat-type school buildings. Ubrang itustos ang angaw sa santaong suweldo ng kahit 20 karaniwang obrero…
Priorities…priorities… puro palapad ng papel at palipad ng pera ang inuuna… paano kung naluklok na nilang may 20 milyong bobotante ang hinayupak na pulpolitiko?
Pero kung nabibilang ka sa umaabot lang yata sa 5 milyong Pinoy na hindi makayanang tumustos ng P50 almusal-tanghalian-hapunan bawat araw,... aasam na mapatakan sana ng kahit barya ng mga nahahayok maluklok sa trono ng Numero Uno sa Malakanyang.
At kung nabibilang ka naman sa may 5 milyong corporate and individual taxpayer entities sa bansa na tahasang tumutustos sa pansuweldo sa mga kawani’t puno, pati pagtakbo ng mga lokal at pambansang pamahalaan, tiyak na ikaw ang babawian—pagkatapos ng halalan, siyempre-- ng mga pinalipad na angaw, langaw, at bangaw.
Ay, kawa…Juan de la Cruz!
Kakatwa talaga ang pihit ng panahon in this quaint nation, probably damnation or indignation… to our consternation, there are three seasons—wet, dry, and erections, whoopsydaisy… I mean elections.
It’s the last, a prolonged period or state of dysfunction that can affect a dry or wet outcome, mwa-ha-ha-haw!
Saturday, January 09, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hay, ramdam ko nga po talaga ang pagdukot ng pera mula sa aking bulsa. Which brings me to another memory: Noong ako ay nagtatrabaho sa Makati, napansin kong tuwing Sabado, Linggo, at pyesta-opisyal, hindi umaandar ang mga escalator ng mga underpass. Ibig kaya sabihin non ay hindi rin ako kinukunan ng buwis kapag sumasapit ang mga araw na iyon? Hmm...
Post a Comment