“DEEP inside of a parallel… yoni—verse, it’s getting hotter and harder… the tear’s what came first.”
Basta gano’n ang naulinig sa maharot na bulwak ng titik-himig mula Red Hot Chili Peppers. Kung sakali, mapapangiti’t iindak ang makikinig, makikipagniig sa kiliti ng mga titik. “Ang tulis mo. Pa’no mo nakuha ‘yon? Ganda niya,” pasimula ng kaibigan. Nag-uungkat.
Kibit-balikat ang paiwas na tugon—may nagiging kaibigang matalik, may maiibigang katalik o fuck buddy. Ang pagkuha ay wala sa bilis-mahika… mahihikayat, maihihiga ng kamay. May mga pagkakataon na ang dapat sanang inaasahan para kumuha, kinukuha… inaakala na binubungkal ang lupa, ‘yun palang lupa ang bumubungkal at nagyayaman sa nagbubungkal… he who seeks to own is owned instead by what is sought… sage seeks philosopher’s stone, such stone finds the sage… in vice-versa, vice can go versa.
Ang layo ng paliwanag sa nag-ungkat. Pero sa maglilimi, talagang may masisipat na liwanag sa paliwanag.
Nakagiliwan nang himas-himasin sa imahinasyon ang mga dilag na itinatampok sa mga kahoy-limbag o woodprints ni Kitagawa Utamaro. Kung ilang taon din na iningatan ang higit sandosenang likha niya—electronic copies in computer hard drive—na paulit-ulit na pagmamasdan, masuyong hahaplusin sa isip ang indayog ng mga guhit at mapusyaw na kulay sa mga anyo ng kariktan na sininop ng 18th century Japanese printmaker.
Hindi lang indak at indayog ng dilim at liwanag ang kabuuang nakatambad… may puso’t kaluluwa na namamalagi, lagi’t laging titibok mula sa mga makasining na paglalarawan. Karaniwang 2-3 mukha ng mutya ang nakalantad sa mga likha ni Utamaro— mas nakahulugan ng loob ang mga larawan ng karaniwang maybahay at karaniwang magbubukid, gayak sa payak na kimono sa bijinga o paglililimi sa babae o kaya’y nakalantad ang bundok ng dibdib at damuhang lambak ng laman lalo na sa shunga o mga larawan ng pakikipagtalik sa samut-saring posisyon… each pair fiery in their paroxysm of passions, aakma na ang nahagip ng pandinig mula Red Hot Chili Peppers… yoni-verse.
Hindi na kailangang magkalkal ng karunungan at maghasa ng kakayahan ang pantas sa pamantasan… but I reckoned that to be versed in something, I’d rather come and come and come into whence I come from—a yoni-versity, mwa-ha-ha-haw!
Isinasaad sa Qur’an na tahasang puso lang ang nabubulag… and so, beauty may be in the eye of the beholder, but it’s in the heart that such beauty reflects of itself in what it can behold… and hold dear.
For the uninitiated or those who didn’t bother rifling through the Kama Sutra, yoni is… I love ya majora!
Saturday, February 06, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hey, do write it in English using Roman letters, will you please?
Post a Comment