Sunday, February 14, 2010
KORPO RASYON... KORO PASYON
PRIOR to orthopedist Dr. Jesse Noel V. Conjares’s go-ahead on a minor foot surgery, the 55-year old body had to hopscotch through a gauntlet of tests and did so with sky-soaring colors… korporasyon ang katawan na isinalang sa samut-saring pagsubok, kasi pati na ang ituturok na pampamanhid sa gulugod ay maaaring maging sanhi ng tuluyang pagkasawi—lalo kung mahina ang puso.
Ah, sa higit limang dekadang edad ng katawan, may kakayahan pa pala ang mga lamad, laman at litid sa paa para muling mabuo, maidugtong ang naputol kong buto. Hindi pa pala lumulubay ang igting ng kanilang mga bagting—tila mga kuwerdas ng gitara o biyolin—na makakalabit, mahihilis upang humabi ng musika’t mahika.
Och ang ngalan ng anghel ng araw—ipinangalan pa nga sa isa naming aso—na nagkakaloob ng 600 taon ng mahusay na kalusugan sa nananawagan… aba’y sandamakmak na cholecalciferol or bio-available natural vitamin D3 ang masasagap mula sa sikat ng araw upang tumatag ang lymphatic or immune system, magningning ang kutis, tumibay ang mga buto, kuko’t buhok… kaya yata mabusisi ang araw-araw na pagpupugay ni O-Sensei Morihei Ueshiba sa bukang-liwayway… para sumagap ng bisa ng araw… noong hindi pa uso ang sunblock lotion and facial peeling for toilet bowl-smooth dermatology… but I’m still a sucker for such strictures, maybe old-fangled regimen in aikido and qigong.
Isalang man sa santambak na cosmetic surgery at samut-saring panlilinlang, hindi magsisinungaling ang katawan… isisiwalat nito, ilalahad para lubusang tumambad ang mga pangangalaga’t paglapastangan mula tikas ng tindig hanggang sa bigkis ng bilbil… even the walking gait can betray debaucheries, excesses or successes, and untrammeled sloth. All flesh is grass and can be gross; the corporation can go the way of corruption.
Pinili kong sa Miercoles de Ceniza ang labas mula pagamutan… Ash Wednesday, araw ng abo— each is a blood type, ABO—and Woden’s day (a tad close to wooden) is so named after Woden, a chief deity in the Nordic pantheon… para may matining na katuturan ang paglilimi sa ganoong araw… magdidildil ng dili-dili hinggil sa katawang lupa, nilalang mula sa alabok ng Maykapal… aba’y sambuwan ding napigilan ang gaslaw ng galaw, liksi’t likot ng katawan para humakot ng naanod na banlik mula pampang ng ilog… maglilipat kasi ng mga pinupol na tangkay ng paminta mula pa sa Tagaytay… body conscious talaga, not really gone from bod to worse.
And I’d have to make a peace offering to Afriel, the “angel who protects that which is youthful and tenderly growing within each of us, no matter how old we are… a being who grants youth, vigor, and vitality”… he whose name’s first syllable means “anger” and embodies torrential, flood-provoking rainfall…
Thursday, February 11, 2010
KATAWANG KATUWANG
MAKALIPAS ang sambulat at pasyon ng mga puso’t puson, ibibisaklat ang araw ng mga “X” sa noo—Miercoles de Ceniza—upang maipagduldulan ang makalupang pagnanasa’t kamunduhan na nilalaman ng bungo’t laman… the times sign or “X” rating on the forehead means “Go forth and multiply”… o ang tao’y marupok dahil nilalang lang mula sa alabok… na ang abo mula pinagsunugan ay mayaman sa potassium at gusto ‘to ng pananim na sili at saging.
Kagimbal-gimbal na sakuna. Nabagsakan ng mga nagliliyab na par lights ang super model sa kanyang mukha—a face that could launch a thousand ships, endorse myriad cosmetic products and fashion bling-blings, maybe send off a thousand shrimps as ingredients for okoy.
Super model survives third degree burns— but it will take years for a series of reconstructive surgery, skin grafts, implants, all that jazz on a hellish hideousness to restore a semblance of the face that could touch off a twister of envious sighs and fits of tumescence.
Inararo niya ng angas, pinutakte ng katsang ang kawawang esposo, isang bihasang siruhano. Bumigay ang lalaki… na kahit kahila-hila-hila-hilakbot na ang anyo ng asawang (asuwang?) pinandirihan na ng mga dating amigo’t amiga, talagang mahal na mahal pa rin niya.
So the surgeon gives in to super model missus’s urgent whim.
Naghagilap ng organ donors—yes, the skin is the human body’s biggest organ. Wala naman talagang papayag na magpabakbak ng balat para maisalpak sa mukha ng matindi ang pangangailangan na muling mabihisan ng kaakit-akit na anyo. Wala nang tutol, walang palag ang unang involuntary donor—na ginilitan… surgery becomes butchery.
Napanumbalik ang mukha, balik sa dating kapritsong gawi’t gawa ang esposa… hindi naman makabalik sa kanyang medical practice ang esposo.
In less than a month, the facial skin graft is rejected… and it’s back to the hellish tongue-lashing for the rueful surgeon… again, he succumbs and seeks out prey, all for the love of a vain woman.
So, there’s a cycle of butchery on unwilling donors and surgery on a beautiful virago—a full year’s calendar with a poor victim as flavor of any month.
Sarap magdildil ng dili-dili na may putok at kiliti ng kili-kili. Gusto kong bunuin ang umiiral nang ikid ng isipan hinggil sa panlabas na kagandahan, skin-deep beauty, epidermal macabre… something to slam in your face like a piping hot pie-- ang sapilitang paghihiwalay ng katawan sa diwa sa halip na pagsasanib bilang katawandiwa o bodymind.
I have learned from a quaint kung fu style, the wuyiquan… a fusion of mind, body and spirit… mind and spirit hurls faster than, let me c = 300,000 kilometers per sec, yeah, the speed of light. The body is a frail vessel, a sort of vehicle nudged by mind and spirit… every action can be mindful, every act can be spiritual… and as mind and spirit go faster than light… hand or foot unleashed can be faster than the wink of an eye.
I’d have to ask a priest to mark my forehead with “XXX,” mwa-ha-ha-ha-haw!
Wednesday, February 10, 2010
ARAW NG MGA PUSO, GABI NG MGA PUSON
MUSMOS na susubsob sa dibdib mang tuyot
Masuyong susupsop sa utong na pulot…
Sisimsim ng tamis, katas ng lamukot
Pupukaw sa alab at liyab ng hamog!
Simoy ng disyerto ang buntong-hininga
Hahaplos sa leeg, sa puno ng tainga…
Sa batok… sa pisngi… sa pikit na mata…
Pitik-bulag wari, didila sa baga.
Guyang gagalugad mula sa gulugod
Sa gulod at parang, liblib ng lupalop…
Pagnanasa’y pastol, alagaing hayop
Silang mga kamay, kukumot… kukurot…
Kung sa talampakan guya ay gumawi
Upang maghalungkat ng tagong kiliti—
Gatla’y malilimbag sa tabi ng labi,
Sa gilid ng mata… sa bawat pagngiti.
Makailang ulit, laging malalagda
Ang alon ng ngiti at agos ng tuwa
Maging luwalhati—iiwan ay gatla
Nitong pagsasalo, bawat pulot-gata…
Sampitsel na gatas ng pusong kaylawak
Na kung ilang supling nag-iwan ng yapak
At kagampan pa rin sa untag ng galak—
Luluwal na nektar may tamis ng alak!
Sa kung ilang supling na doon nagkanlong
At kung ilang anak na doon kinandong
Kamusmusang kimkim muling paroroon
Sa sinapupunan na nilisan noon…
Garing na haligi magkabilang hita
Karimlan ng gabi ang ngiti sa gitna—
Ngiting sa tuwina’y laman ng gunita
Ngiting may asukal, supsupin ng dila!
Kung upos at abo ang doon lumagak
At sigid ng lamig ng mga magdamag…
‘Sangkuntil mang titis, ‘santatal na diklap
Sa piping kataga—mapaglalagablab.
Katawan mang gapok, dadalhin sa rurok
Yayakap sa apoy—liliyab na lubos!
Kaliyag, kaliyab, kabiyak na taos
Kasabay iindak sa himig ng hamog…
Ang mga pangamba’y damit na nahubad
Maging panganib man—wala nang kamandag
Sa ugoy ng duyan ng laman at lamad…
Pag-inog ng mundo pilit maaampat…
Hihimbing sa lambing ng mga pangako
Ng ilang pag-asa at libong pagsuyo--
Kahit sa agahan ang hapag ay tuyo
Kahit nagbabanta mga pagkabigo…
Tuesday, February 09, 2010
I swing the FB electric!
DYNE is a unit of work… at ‘yun lang mga nagtatampisaw sa gawain ang dynamo (‘yung batugan kasi, ‘tangnamo!)… dynamic… dynamite!
Sasailalim na naman ang inyong imbing lingkod sa surgical procedure… kailangan na namang saksakan ng pampamanhid sa gulugod, wala yata kasing may kaalaman sa acupuncture or acupressure sa ospital na unang pinagdalhan sa ‘kin… acupuncture needles set into certain meridian points of the body, shutting down or activating electric circuits-- that can effect numbness both local or total, no need for not-too-cheap anesthesia.
Sa peryodistang sanay nang umiwas sa “kuryente,” maniniwala sa bisa ng ganoong pamamaraan na mahigit 5,000 taon nang ginagamit ng mga manggagamot sa China batay sa natuklasang daloy ng kuryente sa katawan… lalong maniniwala sa iginigiit ng katotong naging editorial writer ng pahayagang The New York Aurora, si Walt Whitman sa kanyang tula noong 1855, “I Sing the Body Electric”.
“I SING the Body electric;
The armies of those I love engirth me, and I engirth them;
They will not let me off till I go with them, respond to them,
And discorrupt them, and charge them full with the charge of the Soul.”
Para talagang cellphone ang seksing katawan… kailangang saksakan.. recharge ang kailangan kapag kulang na sa kargang kuryente ang baterya.
May diklap din ng daloy-kuryente sa mudra, mga kakatwang pagtitiklop-dikit ng mga daliri na tumatalab na sa katawan… tumatalab din sa paligid. Mapapansin nga sa mga larawang limbag na magkatulad ang anyong nakatambad sa kamay ng Buddha at Bro kapag nagbabasbas… prithvi mudra ang tawag sa Sanskrit… natuklas na paraan sa paghango ng lakas mula lupa. Pampakinis ng kutis, pampatibay at pampalakas ng katawan… ‘yun pala ang isinasalin sa pagbasbas nina Buddha at Bro… pero sa panahong ito’y mas marami ang naniniwala sa diskarte nina Dr. Hayden Kho saanmang body overhauling clinics and derma salons… magpapaturok na lang sila ng glutathione, mwa-ha-ha-ha-haw!
Gaya ng bisang naisasalin ng acupuncture at acupressure—na batay nga sa daloy ng kuryente sa kabuuan ng katawan— talab ang mudra… in the veins, tendons, bones, glands, sense organs and more… why, even the dirty finger or FYI (fuck you, idiot) is a mudra of sorts that often triggers road rage.
And in the electricity that courses through every fiber and member of being, there runs a spark divine… that speaks of the soul, the spirit, of God—the power Source.
Man is meant to run as a dynamo… say, dyne is a unit of work at ‘yun lang mga nagtatampisaw sa gawain ang dynamo (‘yung batugan kasi, ‘tangnamo!)… dynamic… dynamite!

Sunday, February 07, 2010
Touch of class, dab of crass
LABAHA pala ang talim-ngipin ng bayawak na sinaklot sa buntot… nakaigtad… pumangal ang pangil sa nahagip na daliri, bumaon ang talas hanggang sa puno ng kuko… conversation piece na ngayon ang naiwang peklat sa last phalanx, sa bahaging dulo ng kaliwang hindudutdot o hinlalato… nanamnamin pa rin sa naging peklat ang sigid ng hapdi noon, pati na ang linamnam ng adobong bayawak.
Sumalampak naman ang mukha ng apong Musa sa lupa sa sabik na pagsugod sa inaasam na kalaro sanang kapwa musmos… gasgas ang ilalim na bahagi ng kaliwang mata… ngalngal sa sakit… sanlinggo rin na tinaglay ang naiwang galos sa kanyang mukha hanggang matanggal ang talukap sa naghilom na sugat.
Scars are hallmarks of a carefree childhood spent in earnest, endearing interface with the environs. Kutis na walang lagda ng masayang kamusmusan at karanasan—mga pekas at peklat—ay para lang sa mga lampa’t tanga na hindi natikman na gumalugad, makipagniig, humango ng nalalaman at katatagan sa lawak ng mga lupalop at dawag. Nag-iiwan ng bakas sa laman ang kaalaman… makailang ulit na nasagpang ng aso, nasuro minsan ng baboy-damo… aba’y minsan nang kumapal at nanigas na tila sungay ng kalabaw na kalakian ang kalyo sa mga palad at kamay… naging bunga sa taimtim na panday-sanay sa mga sining na sumalin sa katawan.
Ang bayaning nasusugatan—giit nga sa salawikain—lalong tumatapang. Lalong nag-iibayo ang kabayanihan, kahit markado ang katawan sa peklat. Pero isasantabi ang markado para mapaglaruan ang merkado—na naniniwala at nabola ng mga cosmetic surgeons at mga lampa… na ang makinis na kutis, malinis na balat ay tanda ng kagandahan.
Napag-utusan lang po ako na bumira ng storyboard sa patalastas pantelebisyon para sa kosmetikong produkto na pamawi ng peklat. Mas mabisa ‘to kaysa macilla de mano’t cebo de macho… nagtataglay kasi ng sandamakmak na katas ng sibuyas para ang balat na katad, maging balat-sibuyas—na halos katumbas ng delicadeza sa panahong ito na pati mga nakaluklok sa trono ng Palasyo’t nagnanasang maluklok ay masahol pa sa balat-kalabaw, patuloy sa walang humpay na pakikipagpaligsahan sa pakapalan ng apog, pwe-he-he-he!
Opo, umiiral ang pachydermal mindset sa ating panahon na panlabas na pagpapaganda at pagpapakinis ng kutis ang higit na pinagkakaablah-blah-blahan. There’s dermal macabre in times of epidermal obsessions—pabalat-bunga.
Nakakabahala ang ganyang pananaw na mas matimbang ang pagpapahalaga sa balat ng saging—oops, baka madulas kayo kapag makayapak nito—kaysa matamis na lamukot ng saging. We’re chewing on peelings, throwing away the luscious and nutritious pulp-meat that ought to be eaten, yeah, we’ve gone bananas!
Paensiya muna kayo, hane, gagawa lang uli ako ng mahilab-hilab na pera… storyboard coming up for the skin-conscious, mwa-ha-ha-haw!

Saturday, February 06, 2010
Parallel yoni-- verse
“DEEP inside of a parallel… yoni—verse, it’s getting hotter and harder… the tear’s what came first.”
Basta gano’n ang naulinig sa maharot na bulwak ng titik-himig mula Red Hot Chili Peppers. Kung sakali, mapapangiti’t iindak ang makikinig, makikipagniig sa kiliti ng mga titik. “Ang tulis mo. Pa’no mo nakuha ‘yon? Ganda niya,” pasimula ng kaibigan. Nag-uungkat.
Kibit-balikat ang paiwas na tugon—may nagiging kaibigang matalik, may maiibigang katalik o fuck buddy. Ang pagkuha ay wala sa bilis-mahika… mahihikayat, maihihiga ng kamay. May mga pagkakataon na ang dapat sanang inaasahan para kumuha, kinukuha… inaakala na binubungkal ang lupa, ‘yun palang lupa ang bumubungkal at nagyayaman sa nagbubungkal… he who seeks to own is owned instead by what is sought… sage seeks philosopher’s stone, such stone finds the sage… in vice-versa, vice can go versa.
Ang layo ng paliwanag sa nag-ungkat. Pero sa maglilimi, talagang may masisipat na liwanag sa paliwanag.
Nakagiliwan nang himas-himasin sa imahinasyon ang mga dilag na itinatampok sa mga kahoy-limbag o woodprints ni Kitagawa Utamaro. Kung ilang taon din na iningatan ang higit sandosenang likha niya—electronic copies in computer hard drive—na paulit-ulit na pagmamasdan, masuyong hahaplusin sa isip ang indayog ng mga guhit at mapusyaw na kulay sa mga anyo ng kariktan na sininop ng 18th century Japanese printmaker.
Hindi lang indak at indayog ng dilim at liwanag ang kabuuang nakatambad… may puso’t kaluluwa na namamalagi, lagi’t laging titibok mula sa mga makasining na paglalarawan. Karaniwang 2-3 mukha ng mutya ang nakalantad sa mga likha ni Utamaro— mas nakahulugan ng loob ang mga larawan ng karaniwang maybahay at karaniwang magbubukid, gayak sa payak na kimono sa bijinga o paglililimi sa babae o kaya’y nakalantad ang bundok ng dibdib at damuhang lambak ng laman lalo na sa shunga o mga larawan ng pakikipagtalik sa samut-saring posisyon… each pair fiery in their paroxysm of passions, aakma na ang nahagip ng pandinig mula Red Hot Chili Peppers… yoni-verse.
Hindi na kailangang magkalkal ng karunungan at maghasa ng kakayahan ang pantas sa pamantasan… but I reckoned that to be versed in something, I’d rather come and come and come into whence I come from—a yoni-versity, mwa-ha-ha-haw!
Isinasaad sa Qur’an na tahasang puso lang ang nabubulag… and so, beauty may be in the eye of the beholder, but it’s in the heart that such beauty reflects of itself in what it can behold… and hold dear.
For the uninitiated or those who didn’t bother rifling through the Kama Sutra, yoni is… I love ya majora!

Kapit sa patalim
‘KIKIANGKAS na lang sa giit ng pantas. Hindi raw mauunawa ng isipan ang paligid kaya kailangang kumilos-- sunggaban o haplusin ng kamay. Higit na mabisa’t mabilis ang kamay kaysa paningin—indeed, the hand is faster than many a thigh and delicious digital ministrations between them are best done manually, letting the fingers do the walking, mwa-ha-ha-ha-haw!
Kakabit na sa katakam-takam na pata tim, kakapit pa sa patalim… talagang sumasalpak sa kaliwang bahagi ng utak ang kaalamang kinalkal ng kanang kamay… lalagak sa kanang tipak ng utak ang mga tinuklas ng kaliwang kamay… sa kaliwang utak nakaimbak ang mga ukol sa wika at lohika, sa kanan ang sining at mahika.
Sa pagtatampisaw o paglublob sa mga gawaing-kamay—such menial tasks and manual toil that impart palms tough calluses that harden which rhymes with hard-on—nahahasa ang talim ng talino at talisik, nabubungkal ang lalim ng lirip at isip. The menial transmutes to mental.
Kaya kapani-paniwala ang isinaad na ni Leonardo da Vinci—na ang mga tamad at batugan na nagsasayang ng panahon sa walang patumanggang pagbubunganga at pagtunganga, nagiging bobo’t gunggong, pwe-he-he-he!
Kaya sasampalataya sa pananalig ng mga mongheng Dominikano— God’s dogs— na naniniwalang ang taimtim na dalangin ay gawain, taimtim na gawain ay dalangin… orare est laborare, laborare est orare. At nabanggit na rin na rin sa pitak na ito na katumbas ng 2,000,000 man-hours o oras na inilaan sa gawa ang 68 segundo ng dalisay na pagtuon ng isip sa dalangin… T-teka, magugunita ang aral sa Sunday school… payo nga mismo ni Bro… maitutulak kahit na bundok kapag gabundok din ang lakas ng pananampalataya.
P-pero wala kaming balak ni pagnanasa na magpasasang itulak ang mga bundok ng sinumang Angel Locsin, hane? Mas mainam yata kapag ganito na hands-on ministrations kaysa dasal, if only to validate the sage claim that the hand is the mind’s cutting edge.
Hitit-buga sa Marlboro Black habang sinusulat ang pitak na ‘to… nakasingit man ang sigarilyo sa pagitan ng hintuturo’t hindudutdot o hinlalato, ang kabuuan ng kamay ay may anyo ng Prithvi Mudra, a sacred hand gesture of drawing energies from the Earth without the atrocity of a backhoe o pagpukaw ng diwa’t katawan sa lupa. Talagang makalupa ang pagnanasa… kasi’y may halimuyak ng pagnanasa ang lupa.
Pampasigla, pampatibay at pampalakas ng katawang lupa ang naturang mudra. Nagpapakinis din ng kutis—the skin glows with health—may lagda ng malamlam na liwanag sa balat sanhi ng mahusay na daloy ng tinatawag na life force o chi sa buong katawan… hindi na kailangan pang magpaturok ng glutathione o sumangguni’t maglustay ng limpak-limpak sa mga body overhauling clinics nina Dr. Vicki Belo’t mga kapatid sa hanapbuhay…

Thursday, February 04, 2010
Kapirasong paraiso
GINAWAK saka walang pakundangang nilapa ng bulldozer-- baka backhoe-- ang pisngi ng lupa… tungkab ang manipis na sapin ng top soil—na karaniwang anim na pulgada lang ang ang lalim sa maraming panig ng daigdig… muntinlupa ang taguri sa naiwang subsoil… nahuthot-simot na ang taglay na yaman ng lupa…tinutukoy din ng Muntinlupa ang lunang kinatatayuan ng pambansang piitan… kaya malilinaw, malilimi kung bakit inmate orange o bihis-bilanggo ang kulay sa pampestedenteng kampanya ng bilyonaryong real estate developer…
Nagsisimula ang pagmamahal sa bayan sa pagsisinop ng lupa, not exactly a process of real estate development… “aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?” Mahusay na bibigkasin ng nag-uumapaw sa sigla’t buhay na lupa ang kariktan ng anumang itatanim… pangunahing batas nga sa pagsisinop-lupalop ang walang humpay na salin dito ng humus… rotted organic matter to infuse a sense of humus, more likely a sense of humor to coax the soil to grin rather than groan.
Masaya ang halaman sa masayang lupa. ‘Yang kung anu-anong kultura kasi, nagsisimula muna sa agrikultura o maingat na pagsisinop ng lupa—lupa muna ang pinagyayaman, isusupling lang sa yaman ng lupa ang anumang halaman. Culture is the substrate, the elemental medium that nourishes, sustains robust life… any shred or snippet of so-called culture that denies or negates that life isn’t culture.
Apat na sakong banlik o silt ang paunang binili—P20 lang sansako— ibinihis na matikas na laman sa kalansay-lupa saka tinamnan ng isang hanay, walong kulumpon ng tsaang gubat… sa tatlong taon lang, titindig na limang talampakan na luntiang bakod ang ganoong hanay. Mas malamig sa paningin, magtutustos ng hininga para sa dalawang lumalaking apo—sina Musa at Oyayi. Talagang para sa kanila ang pagtatanim… dalisay na hininga ang masasagap nila sa mga halaman, pampatibay at pampalusog ng kanilang katawa’t isipan.
Itinalagang talibang anghel sa mga halaman si Cathetel… inuntag sa dalangin na madadala ng hangin saanman habang naglilipat ng ilang puno ng amarilyo o marigold, brides of the sun… bringers of money when the blooms are displayed in the kitchen… at nagtataboy nga ang taglay nitong thiophene and a-terthienyl sa mga pesteng kulisap—kasama na ang kagaw, langaw, ipis, at lamok-dengue pero hindi kayang itaboy ang mga kumakampanyang pestedente. At sa tulad kong Diablolo, naghahangad din na makaiwas sa peste’t makahakot ng pera ang mga ginigiliw na apo, mwa-ha-ha-haw!
Dalawang sako (P60 sansako) ng organic compost ang pinaglagakan ng mga pumpon ng amarilyo… ‘langya, mas first-class compost, Malabanan grade, Jocjoc Bolante type yata ang ibinubulwak ng mga tagapagsalsalita sa Palasyo pero mahirap nang subukan na doon maglagak ng kahit na anong pananim… baka masalanta’t mautas lang.
Ah, ‘yang pagsisinop-lupa’t pangangalaga ng halaman, parang punyagi na maibalik ang kahit na pirasong gunita sa iniwang Eden, mula nilisang Paraiso.
And in tending to down-to-earth, mundane tasks in gardening, the tender reaches out for a snatch of the divine. In tending, there will be tenderness.

Tuesday, February 02, 2010
Presidentia-- balls!
SA kaigtingan ng mga Mahal na Araw hinahalughog ang mga sukal sa gilid ng sapa, ilog, at batis upang makakuha ng pugad ng tagak, white heron or egret, symbol of long life and a sigil of hung gar kung fu… hindi talaga makikita ng paningin, kailangang masalamin sa linaw ng tubig para matukoy ang kinalalagyan ng pugad… na agimat daw, may tagabulag o parang Harry Potter’s cloak of invisibility.
Baka maituturing din na agimat ang kabaligtaran ng tagabulag-- tagamulat o sagad-todo yatang visibility sa paningin ng madlang bobotante… saka naghihingalo na ang 158 pangunahing ilog sa bansa, hindi na maiinom ang tubig na malabo nang makasalamin sa pugad ng tagak… 16 na ilog ang tahasang patay, masahol pa sa lubluban ng baboy na nanlilimahid sa pork barrel, parang baradong inidoro… pawang basura’t mikrobyong sanhi ng samut-saring sakit ang taglay.
Kaya sa halip na pugad ng ibong tagak, pugad yata ng mga tunggak ang inaapuhap ngayon—magkukuskos ng tinta sa nakahanay na mga itlog sa balota ang bobo’t bobotong balana.
Pulos itlog na lang din ang pagpipilian sa post-Easter egg hunt, napipisil pala ng mga 62% o halos dalawa sa bawat tatlong Penoy (ayon sa natukoy mula pahayag ng 2,400 bobotante mula 30 siyudad sa bansa) ‘yung kandidatong may prinsipyo o paninindigan… ‘yung talagang may itlog, kayang makipagpitpitan ng itlog… kahit pa kay Humpty Dumpty sat on the wall, Humpty Dumpty had a great fall…
Elections breathe of the sacramental, which is why we’ve yakked and yammered for ages about the ballot vox populi as vox Dei… but as that survey found out, erections can be sacramental (yeah, a blessed mentality is a must) and… well, scrotal.
Such eye-opener survey findings ought to give broad hints to image builders and polititi-commercial concocters… on how to best position their products before buyers in the electoral market. Lumilitaw na pulos sablay pala ang mga posturang iniarangkada’t sangkatutak na busina para mabulahaw ang balana, pwe-he-he-he!
Aba’y nag-aapuhap ng agimat ang sambayanan sa burak at lusak na kinalubluban, pilit sinasalamin sa dilim ng kinasadlakan ang pugad na may taglay na kapangyarihan.
At para pala masikmura o maatim na iboto ang sinumang pulpol na pulitiko, kailangang ipakita sa madla ang katibayan ng kanilang presidential bet--log.
So we’ve got to egg ‘em politicos on to shift their advertising campaign tack.
They ought to bathe in the country’s dead-rotten rivers with high hopes of getting infected with elephantiasis… swell!
Once infected—or enabled-- with such a disease, the electorate can be treated to a show of presidentia-- balls, mwa-ha-ha-haw!

Subscribe to:
Posts (Atom)