Sunday, December 21, 2008

Sapin sa paa

NAG-ABOT ang Egay Serrano ng P500 sa isang maybahay—solong magulang, tinutustusan ang isang anak, naaamutan pa ang ilang kaanak sa karaniwang P100 sang-araw na tubo ng maliit na tindahan. Tiyak na mauuwi ang iniabot ng katoto sa dagdag-puhunan niyong tindahan. Lalago’t lalago kahit katiting lang ang halagang iyon.

Katumbas ng halagang pinakawalan ni Serrano ang tinatawag na “double happiness” sa wikang Tsino. Natukoy sa isang pananaliksik nitong 2008 na may hatid na ligaya ang P250 na ilalaan sa kapwa sa araw-araw— nagbigay at dinoble ng Egay ang ganoong halaga. May kalakip na ngiti ang nagbigay. Hindi naman makapaniwala’t may sukling ngiti ang binigyan. Double happiness.

‘Yung lukot lang ng pagmumukha ng tatay ni Kris Aquino sa P500 ang sakbibi ng lungkot.

Nah, I’d rather not peg a measure of happiness on monetary quantum doled each day to just anybody. Why, members of a certain toil cartel called OPECPEC, female sex workers lurking or lurching along pocked pockets of Avenida Rizal in Sta. Cruz, Manila or Aurora Blvd., in Cubao, Quezon City—they’re busy bodies, P300 to P500 a pop. Nagpapaligaya rin sila sa kapwa. Mas marangal pa nga sila kaysa mga batugan na laging nakatunganga, naghihintay ng biyaya.

Yeah, it is likely Christ’s beatitudes can only refer to those with upbeat attitudes—blessed are the poor in spirit, so the first of the nine attitudes are trotted… ah, the spiritually famished may have to imbibe currant-flavored vodka, armagnac, or similar robust spirits… and blessed indeed are the cross-eyed for they shall see God twice…

Kibit-balikat nang mailahad sa ‘kin ang tungkol sa magkapatid na walang sapin sa paa.. yapak na pumapasok sa eskuwela… hikahos ang mga magulang, ni hindi makabili ng tsinelas para sa kanilang anak… kapag may iniingatang yaman ang kalooban, lalabas at lalabas ‘yan.

‘Tang ina kasi ng pagiging maparaan at malikhain ang pangangailangan.

Uhugin pa ‘kong paslit nang makakita ng kotso, bakya o clogs na gawa mula sa tinilad na kawayan… na mas matindi kung hahaginit sa mukha ni George W. Bush… samut-saring laruan nga ang nauukit namin mula sa kawayan… makakakuha ng samut-saring sangkap sa tabi-tabi lang lalo’t nasa kanayunan…

Nakakita na rin ako ng mga damong karagumoy at ragiwdiw na tinayantang, nilala… mukhang mamahaling sandalyas ang kinalabasan…

Nakakita na rin ako ng sandalyas na hinabi mula sa mga tangkay ng palay… pati nga tatami o alpombrang Hapon ay habi mula sa dayami…

Sa’n magmumula ang mga payak na kasangkapan sa pamumuhay kundi sa yaman ng kalooban?

Kaya kahit sa pagtulong, timpi at tipid pa rin ako. ‘Yun ngang pinakahuling inamutan ko ng tulong, namilipit pa’t nagkikisay. Humahalinghing: “Aah… yours is too long!”

Kapag may imbak na yaman sa kalooban, lalabas at lalabasan ‘yan.

Mwa-ha-ha-haw!

No comments: