Sunday, December 14, 2008

Gatla ng gunita sa tubig

TUMATALAB hanggang ikapitong salinlahi ang sumpa ng makata.

Huwag mangamba ni mabahala— that’s only for Irish poets and Celtic bards initiated in priestly function, hindi sa mga sampay-bakod na nagsasalansan ng mga taludtod na naglipana daw sa mga dalubhasaan at pamantasan sa bansa.

Igpaw na agad: nahapyawan namin ang patalastas sa pahayagan na magbibigay ng panayam sa Makati si Dr. Masaru Emoto hinggil sa mga katangian ng tubig. Hindi na pinansin. Pulos mga kilabot na basketbolero o basketbulaan kasi ang kinuhang endorsers para sa panayam.

Lumitaw sa pananaliksik ni Emoto na tahasang nalilimbagan ng gunita ang tubig. Masasalinan ng kamandag ng masamang pita. Madadalisay kapag nilagakan ng taimtim na dalangin.

Kaya tiyak na makabutas-bubong ang tubo ng utang na nakalista sa tubig.

Meron pa ngang nabungkal: “In 2006, Emoto published a paper together with Dean Radin and others in the peer-reviewed Explore: The Journal of Science and Healing, in which they describe that in a double blind test approximately 2000 people in Tokyo could increase the aesthetic appeal of water stored in a room in California, compared to water in another room, solely through their positive intentions.”

Pero wala raw batayan sa kanluraning agham ang pamamaraan pati na natuklasan ni Emoto sa kanyang pananaliksik sa kakaibang katangian ng tubig. Kaya lumalabas na wala pa ring binatbat sa scientific community si Emoto.

Sana’y hindi na nga ipinagkalat pa anumang natukoy ni Emoto— na magiging dalisay kapag binasbasan ng lama o Buddhist priest ang tubig na tigmak sa polusyon.

Na ang talagang pinupuntirya ng makatang ollave, bard or druid ay ang taglay na tubig sa katawan— about 75% of the human brain and the entire body is water-- ng kupal na kasumpa-sumpa.

Na kung isang wannabe President Mar Roxas lang ang hahagupit ng mahayap na kataga sa tropang “Ale Baba and Plenty Thieves,” the assault by insult would just be shrugged off and won’t cause a whit of harm.

Roxas isn’t a bard, neither is he a poet. Was he ever initiated in arcane priestly function as lamas, brujos, curanderas, warlocks, and shamans are?

Pinakamalambing ko yatang pusa si Hsing-I, na halaw naman ang ngalan sa isang pamamaraan sa wushu para gatlaan ng pamatay na lagda ang 75% of the human body component which is mostly water… may matitira pa namang beef jerky at mga buto sa katawan matapos upakan ng hsing-i.

Lilimasin lang ang tubig sa buong katawan. Paunti-unti. Hindi biglaang pagpatay.

Lumiligwak sa galak marahil ang mga gunitang inilimbag noon ng aking mga musmos na supling sa kanilang pagtatampisaw sa mga bukal at batis ng Makiling at Sierra Madre… tiyak na may nakalagok na ng kahit gapatak niyon, nakatighaw sa lungkot at uhaw… o pumailanlang na sa mga ulap at paulit-ulit na ihahaplos ng ambon saanmang latag ng lupain.

No comments: