ANYAYAHAN ang kahit isang palakang kabkab— toad, the ugly-looking venomous and warty sort akin to adversity, “wears yet a precious jewel in its head/and this our life exempt from public haunt/ find tongues in trees/ books in running brooks/ sermons in stones…/ and good in everything.”
Kapag namamalagi ang palakang kabkab sa inyong halamanan o bakuran, pagpasok ng salapi sa inyong bulsa’t tahanan ay maalwan… magaan.
Kakaiba ang awit o bukambibig na mantra ng palakang kabkab kaysa mga talamak na palakanto’t palakanta. Taimtim na paanyaya sa pagpuksa sa mga sagabal sa maginhawang pamumuhay ang inihahasik sa paligid ng palakang kabkab. Toads sound out a Sanskrit seed syllable, an earnest prayer of thanks… an attitude of gratitude that nudges deities and angelic beings to heap their blessings and rain bounties upon the household.
Mariwasang tauhan ni William Shakespeare sa “As You Like It” ang nagsaad sa kabuluhan ng res privata, the primacy of privacy— na katugon ng res publica, republika na nakaukol sa usaping pamayanan. At palakang kabkab nga ang masigasig na sagisag ng sagana’t mainam na pamumuhay… kung ititiwalag ang mga usyoso’t mahilig manghimasok, ah, our life exempt from public haunt.
Sapol din pala ni Shakespeare ang payong feng shui hinggil sa palakang kabkab.
Sa palayok na may nakatanim na sagittaria madalas tumalungko ang mga kasambahay naming palakang kabkab—tatlo sila. May isang paminsan-minsang sumasalampak sa talukap ng taklobong sanaw sa tubig sa tabi ng pintuan, nakikinig na mataman sa alimbukay ng himig ng “Water Music” ni George Frederick Handel. O pagala-gala sa yamungmong ng mga halaman sa dakong timog silangan, hindi na nga pinapansin ng aming mga aso’t pusa.
Ah, that croaking choir melded with distant thunder, an incessant downpour, and chirp of crickets can shunt the brain waves into a theta mode… the skein that a Buddhist lama weaves his awareness into during deep meditation…
Dalawang aklat-pangkalusugan ng mga bata ang kailangan kong isalin sa Pilipino sa 2009, hindi maipagkatiwala sa iba ang pagsasalin… P2.50 bawat kataga ang bayad… tig-40,000 kataga o higit pa ang English version niyong dalawang aklat… na ako rin ang sumulat… hahaba ang bawat pangungusap… dagdag-bayad.
I’ve told the book publishers years back that Pilipino isn’t exactly a technical tongue, why, I’m often beset with the technical inadequacy of the language… take edible frogs, venomous toads and execrable toadies that defy translation in our tongue… tugak na madalas dagitin ng tagak ay palakang bukid ang taguri, ginagawang batute… na kapag nasobrahan talaga nang lantak, mapapako sa hatinggabi o tanghaling tapat ang tagdan ng orasan sa hinaharap, kailangang sa hiwa ng hiwaga maitarak…
“Toad” isn’t palaka, it has to be translated as palakang kabkab…
Monday, December 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment