Sigaw ng anak sa doodles11006@yahoo.com:
AYAW ko na sa Pilipinas tumira.
Sigwa ng ama sa noqualmasabomb@yahoo.com:
WALO ang kasunod na tinigok—lima ang musmos pa—sa Calamba, Laguna matapos ang nakawan sa bangko sa Cabuyao sa Laguna rin… na 10 nga ang pinatay…
‘Yung pinakahuli naming panhik nina Aaron at Arjuna sa Sierra Madre, nagpahiwatig ‘yung nakausap namin sa hinahawang tatamnan ng puno. Kakilala din ng kahanggan nating si Mang Ben ang mga nagpahirap muna’t pumatay sa anak niyang nagkataong nag-iisa sa kubo nila. Sinunog pati kubo. Nang gabi ring iyon, may tatlong naghahanap sa amin du’n sa madalas na tinutulugan nating puwesto—nakamatyag ako sa dilim, nakakubli. Kung napalapit kahit dalawang metro lang sa pinagkanlungan ko, pakikinabangan muli ang niten ichi-ryu ni Musashi… there’s kill in skill… makakapagligpit na naman… pampasikip lang sa mundo ang mga ‘yon, pakikinabangan ng lupa kung magiging organic compost.
Pinagbilhan sa kalabaw, naibenta ni Mang Ben ng P20,000 yata—‘yun ang pakay ng mga nagpahirap-pumatay-sumunog sa anak niya. Nagsusunog ng kilay sa high school ang bata. Pantustos sa pag-aaral ang kaunting pinagbilhan. Hindi nagsuplong si Mang Ben. Walang kaso. Ni hindi nagpapakahirap ang mga pulis sa bayan na sadyain ang lupalop na iyon. ‘Yun ngang army chekpoint na mga apat na oras na lakad ang layo mula doon, binira minsan ng mga taong labas…
Merong tinatawag na post traumatic stress syndrome matapos magligpit ng tao—mga 13-15 araw na hindi talaga makakatulog, parang may kung anong humalang na mabigat-hindi-mabuhat sa sariling loob. Matapos ‘yon, may naiiwang hibo ng pamumula sa mata… oro, plata… mata.
Lumalabas na may sangkot na dating kawal sa nakawan sa RCBC sa Cabuyao… mukhang talamak ang post traumatic stress syndrome… baka beterano sa giyera… hinahanap-hanap ng katawan ang pagpatay… gone over the edge… mahirap maibalik ang katinuan ng utak niyon.
Wala nang capital punishment o bitay sa bansa—pro-life ang tindig ng Palasyo… that policy standpoint doesn’t take into account the low lifes, miserable lives, and inhuman lives…ironic how the pro-life babble is an utter disregard for any quality of life… bitay kasi ang katapat ng pandarambong sa kaban ng bayan. Kaya tinanggal ang ganoong parusa na nakabantang ilapat din sa mga taga-Palasyo’t iba pang nakapuwesto sa gobyerno. Ang alam kong capital punishment na umiiral ngayon: buwis. Meron ngang capital gains tax.
Kahit may mga ganoong puta-putaking pagsiklab ng karumal-dumal na krimen sa bansa, masasabing malalim ang pinanghahawakan nating paniniwala. [Mauugat nga pala ang karumal-dumal sa katagang “rumal,” dilaw na bigkis sa baywang ng mga Thugee (pinag-ugatan naman ng katagang thug o upahang pusakal) sa India nitong mga ika-13 hanggang ika-19 na siglo. Ginagamit na pambigti ang rumal. Habang unti-unting nauupos ang hininga ng biktima, iniaalay ang buhay niya kay Kali na bathaluman ng kamatayan, pagpuksa, at kalibugan.]
Pero Abu Sayyaf man na kidnap for ransom gang lang, nagpupugay pa rin sa adhan, kahit isinusuka yata ni Allah…
Pinakatiwasay, pinakamapayapang bahagi ng daluyong ang pinakagitna nito—there is calm in the eye of a storm. Ganoong taimtim na katiwasayan ang sumigid sa dibdib ko habang kanlong ng karimlan at kugunan, matamang nakasubaybay sa bawat kilos ng tatlong tumutunton sa amin nina Aaron at Arjuna. There’s classic beauty in that calm that can ply out the Fibonacci sequence—0, 1, 2, 3, 5, 8, 13, 21, 34, 55… -- plus the phi, the golden ratio, 1.6180339887498948482…. You can figure out the practical applications. Ganoon kumilos ang unos… marahan muna. Hanggang humahaginit na lintik na ang bilis… ganoon din tayo kumikilos. Kasinrikit ng lintik. Mahinahon na tila daluyong. To live according to nature is to live according to the gods’ wishes, ani Pythagoras.
Maunos sa Pilipinas—hindi ‘yung takal-takda ng 20 bagyong pumapasok sa bansa taun-taon. Iba’t ibang anyo ng unos sa pamumuhay at kabuhayan ang nananalanta. Pero nakabaon na nga sa loob kong naroon tayo lagi sa pinakagitna. Nakatahan sa mismong mata ng bawat unos, kupkop ng mapagpalang kamay ng Maykapal.
Exodus nga pala ang tawag sa paghahagilap ng mga Hudyo sa lupaing tahanan na matatawag na sariling bayan… exodus din ang paglalagalag ng mga Filipino sa iba’t ibang lupain para maghagilap ng matinong kabuhayan at katiwasayan… a nation moving from frontier to frontier, well, every instance the Jews ran roughshod of God’s commandments, as you learned in Sunday school, they were scattered like sheep ravaged by wolves… ganito ang nagaganap ngayon sa mga Filipino, beset by unexplained poverty while some nations are awash in inexplicable wealth and opulence. Not too many of us took Sunday school seriously…
Mula walong milyong nakakalat na populasyon bago sumiklab ang WWII, nalagas sa final solution ni Adollph Hitler ang anim na milyong Hudyo—at walang isang angaw (the Tagalog word for “million”) ang nakatuntong sa Palestina nitong 1946 nang binuo ang kanilang bansa, tinawag na Israel—after Jacob’s name which meant “he who wrestles with God”—and it’s the only Middle Eastern spread of hardscrabble real estate that has no oil reservoirs beneath…
There’s this sinking feeling that the country is overdue for a population correction. Something akin to Hitler’s final solution… Pa’no ‘yan masaker uli ang namumuong kasunod na balita?
Teka, ayaw mo na sa Pilipinas tumira? Pinakamasarap pa ring tumira sa Pilipinas, katakam-takam, nalalanghap, nalalasap ang malinamnam na alindog ng mga Pilipinas, don’t you think so?
Sunday, May 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment