HIGIT na maraming bilang ng pasahero sa MRT ang makakabasa nito… higit sa P100 na nga ang pasaheng dudugo sa bulsa, mula Bulacan hanggang Cubao pa lang ang narating, dadagdag pa ng may P50 para makasuksok-pasok sa tampok na bahaging iPod o bumaligtad na puday ng Makati Business Center… Dadanak na talaga ang dugo sa bulsa sapul maging bunton-bunton, suson-suson at sapin-sapin ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.
Higit na malaking bilang ng bumbunan ang maaambunan at masisingawan nito, baka sakaling mahawa sa kakatwang ilandang-alimuom ng paglalahad sa pitak na ‘to.
Maibabahagi sa kanila ang mga mumunting kaligayahang tinatamasa—kagaya nitong biniling P300 tuta sa Quiapo… ni hindi pa matiyak ang lahi kung Roadweiller, Kubrador retriever, o German-cut shepherd… sinambilat ng kinse anyos mula sa kinalagyang kahon habang nagpapalinis ng kuko sa harap ng isang panaderya sa kahabaan ng Avenida Rizal, Sta. Cruz sa Maynila… iniulaol sa pagitan ng kanyang nagngangalit-putok na Pinatubo at Hibok-Hibok… pinadilaan sa tuta na naganyak namang tumalima, humimod-himod… naglumuhod na hinihingi pilit ang tuta… ayoko… bibilhin ang tuta… ayoko pa rin.
Iniwan sa kahon ang tuta na nagpukol ng nagsusumamong tingin sa ‘kin. Sumasamo yata, h’wag ko raw siyang ipamigay ni ipagbili…
Naglalako pala ng binali-baligtad na iPod—ay-pud ang bigkas ng iba kaya kung mababaligtad ay kakatwang pakikinig pala ang pakay sa naturang laruan. Oo, iPod ang inilalako ng naturang dilag. Na kinse raw. ‘Kako’y mahigit 40.
Idiniin ng kausap ang edad ng naglalako pero mas nakalantad sa mapagnasang paningin ang sukat ng balaybay ng likas na BJ-- buko juice. Delikadong makasuhan ng statutory rape o pakikipag-camaraderie sa estatuwang rebulto. Kikilabutan (mula sa katagang Batangan ang “labot” o mga laman-loob, menudencia, innards, viscera, or offal samantalang ang naunang dalawang pantig ay ang kumakatas na pinapasukang lagusan upang mabungkal ang mga laman-loob).
P500 iPod? Napakamura. Napamura.
Nagpadugo’t tiyak na nangutang daw ng P25,000 ang katotong Dennis Fetalino—saan na naman kayang blusa at bulsa siya magbubungkal ng ganoong halaga? Bayad-piyansa. Estafa ang kaso. Nadawit dahil kabilang siya sa dating board of directors ng National Press Club na nahaharap na naman sa asunto… Pinagtiyap ng pagkakataon na mga beteranong peryodista ang nakasalamuha sa isang barberya sa Kalye Florentino Torres, nanagimsim na unti-unting nalalagas na ang hanay ng mga tinubuan na ng tahid sa peryodismo… pagsama-samahin man silang lahat na pawang mga batikan, mas malaki raw ang bilang ng National Press Club members mula isang tabloid pa lang… dalawa-sampera nang lumalabas sa dami ng peryodistang nasa Metro Manila pa lang.
Dalawang ulit na nakapulot ng barat ang nagtitinda ng P500 iPod… pero hindi nagkakatuluyan ang transuction. Namamahalan ang mga mahilig na kumag.
Muling napamura nang hindi ako mapagbilhan ng P150 Internet card para sa tatlong araw o 36 na oras na gamit—that prepaid service had been pulled out of the market. On the other hand, the gamine P500 iPod remains very much in the market… Makinis… Drop-dead voluptuous.
P100 card lang ang nakasalpak na dial-up Internet service sa araw-araw na kaniig na desktop computer… sanlinggo rin akong makakapaglakbay-diwa sa iba’t ibang lunan sa cyberspace… napakalayo ng mga mararating at kung anu-ano ang mahahalungkat, mapupulot sa konting halaga.
Hindi naman mahirap ang buhay… There’s that cheap cuddly cur addition to our household, its angelic demeanor bringing joy and vibrant life force, kasalamuha ng mga alagang aso’t pusa.
Violent reactions, contrary views, viruses that can wreck a mobile phone’s pathetic database, death threats, pornographic and kinky pictures, games, chess opening analyses, suggestions, comments, exotic recipes for miso, chevon, tofu and aubergines; and professions of undying love or lust, snippets of Van Halen covers or compositions, huge fund transfers, or excess P2.50 load welcomed at 09174216774, mwa-ha-ha-haw!
Wednesday, July 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment