Thursday, July 24, 2008

Praxis of my values system (with apologies to hypermodernist Aaron Nimzovich)

ISINILANG ang demokrasya sa palengke, sa agora— nakatutuwang malaman na kabilang ang mga hinahangaan kong sina Pythagoras (“He who lives according to Nature lives as the gods have chosen.”), Socrates (“Know yourself. The unexamined life is not worth living.”), at Manny B. Villar (“Heto na si Dong, bigyan n’yo agad ng beer.”) sa mga nakahiligan ang pamamalengke.

Tagni-tagniin ang mga tagpong ilalahad. Para maunawa ang ilandang ng isipang matipid, the economy of thought—not the paucity, dearth or death that bedevils mendicant thought, sinasadya talaga ang kalaswaan sa salsal ng mga salita.

Hagalpak ng halakhak matapos matunghayan ang karatula sa harap ng isang spa. Nagsasaad ng paanyaya sa mga nais itakwil ang kanilang likas na kulay ng balat… na paanyaya rin upang dumaluhong ang skin cancer.

Sansaksak ng glutathione, P3,500.

Nakangisi na habang pumipili ng manibalang na abukado at a produce stall in Farmer’s Market in Cubao, Quezon City just a shot off that same spa where I saw that sign… the sight of that sign that threw me into a fit of laughter…

Sangkilong abukado, P60 na tumataginting.

Nakagisnan kong ipinapakain na lang sa baboy ang abukado, lalo na ‘yung malabsa—hindi lagkitan—na dalawang dangkal ang haba mula tampok hanggang tangkay. Apat na abukado lang, busog na ang kahit walong kulig o piglet.

Natangay palabas ng Pilipinas ang kung ilang binhi ng ganoong abukado—kamukat-mukat, nagbebenta na ang mga pinagdalhang bansa ng tone-toneladang abukado sa iba’t ibang cosmetics giants. At ginagamit naman ang abukado bilang sangkap sa kanilang produkto. Anupa’t tumatabo ng bilyones mula sa malabsang abukado, na ipinapakain lang nga noon sa mga patabaing kulig, manok, iba pang livestock.

Sometime last week, I told my preggy daughter that eating alligator pears can help stabilize her blood sugar level—and there’s a bit of alchemy in avocado, why, it makes food nutrients bio-available… easily ingested and readily absorbed by the body.

Too, there’s bio-available folate in avocado, a needful nutrient for preggies, plus:
*Magnesium
* Folate
* Potassium
* Vitamins B, E, and K
* Lutein
* Monounsaturated fats
* Omega-3 fatty acids

Oo nga pala, inilalahok namin ang niligis na abukado sa pagkain ng aming mga kuting, tuta, aso’t pusa.

Kailangan din kasi ng aming mga alaga ng bio-available form of GLUTATHIONE… mula sa P60 sangkilong abukado.

Baka kasi mainsulto ang mga alagang sina Bonyat, Mischa, Merlin, Sorat, Okaka, Fu Yu, Fu Hao, Puki-puki, Kwan Yin, Pin Yin, Bhatman, Toyang, at Shampoo kung dadalhin ko pa sila sa spa.

Alaga. Halaga. Things both palpable and non-palpable that must be cared for, nurtured in grit and grace. Alagaan. Pahalagahan.

So let me cherish knowledge and the wisdom of its practical applications.

Inungutan ng kanyang edad-15 anak na babae ang isang kainuman na ibili ito ng iPod… sa isa pang kabungguang-bote umungot ng P4,000 para maidagdag sa pambili. Napahagalpak ng halakhak nang maalala ang edad-15 na sukat-40 ang dibdib sa Avenida, naglalako naman ng binaligtad na iPod. Puday sa presyong P500.

Tagpo pa rin sa palengke: Akmang pipitikin ng binatilyo ang nakabalumbong salaping papel sa bulsa ng suot kong polo. Naudlot nang maramdaman ang kambal na balisong sa kanyang magkabilang tagiliran, akmang iwawakwak na hanggang sa dibdib. Hintakot na napangisi’t lumayo…

Sa araw-araw, 100 takal ng kaldag sa kasanayang kali ang kailangan para magawa ang ganoong iglap na igkas ng kamao o patalim. Muscle memory can be nurtured and inhered as component of body wisdom.

Violent reactions, contrary views, viruses that can wreck a mobile phone’s pathetic database, death threats, pornographic and kinky pictures, games, chess opening analyses, suggestions, comments, exotic recipes for miso, chevon, tofu and aubergines; professions of undying love or lust, snippets of Van Halen covers or compositions, huge fund transfers, or excess P2.50 load welcomed at 09284974566
, mwa-ha-ha-haw!

No comments: