ISINULIT ni Nap Alano na may isang angaw—sangmilyon—na ang magiging bilang ng sipi nito… dadalhin na hanggang sa mga himpilan ng bus na patungong lalawigan, higit na malaking bilang na ng mambabasa ang mararating at mahahasikan ng alimuom mula dito. God bless you, folks!
Sino ‘kako ang kakandidato. Na tutustos sa diyaryo? Mahal ang papel. Ilang ektarya ng falcatta o pino ang ibubuwal at liligisin upang maging pulp paper? Malaking halaga ang kailangan para humakot ng bulto-bultong papel na paglilimbagan ng diyaryo—na ipapamigay lang sa kung sinu-sinong pasahero ng MRT at mga bus na tungo sa kung saan-saang lalawigan.
Talagang sa mga himaymay ng puno nakaukit ang angas na ‘to—vandalism of an uncertain degree.
Say, a man’s reach ought to be greater than his grasp. Malayo man ang maabot sa pagsagap, tiyak na hindi na mahigpit ang gagap, hindi na masidhi ang yakap. Pero titigasan pa rin at huwag ipagdiinan ang nauna sa –gasan.
Payak ang pakay—pera. Hindi raw pamumulitika. Mas malaki ang bilang ng mga sipi nitong pahayagan, mas marami ang pilit aabutin. The multitudes simply represent a market to which products, services, or political sound bites can be plied.
At kapag mahigit sa angaw—maipapasa pa sa tatlo hanggang limang tao ang kapirasong diyaryo, baka makaabot sa 10 milyon katao—ang bilang na mararating ng samut-saring patalastas na nakasupalpal sa pahina, maiaangat ang advertising rates. Maidadahilan pa na mas malaki ang bilang ng mga manlalakbay tungong lalawigan ang may kabuhayan o hanapbuhay—madugo sa bulsa ang pamasahe’t ‘yun lang may palagiang kita’t suweldo ang may kayang maglakbay, such here-and-there mobility is socio-economic mobility.
They don’t comprise the greater bulk of the voting population that musters electoral strength—and too little political clout-- in their nitwit choices of leaders. They’re just a segment of a market that can buy products and services—from instant noodles presoaked in tons of trans fat, peddled off to the gullible as prepared with no artificial preservatives added… to the nascent notions of cosmetic intervention for medically fangled feminine beauty…
Saka nakita na natin sa mga nakalipas na halalan ang talagang binubuhusan ng pondo ng mga pulitiko para magpakilala’t manghimok na sila ang iboto—sa TV at radyo. Kapirangot na kulangot lang ang itatapon sa tulad nitong peryodiko… Mas mahirap kasing magbasa kaya magmiron.
Kaya aangas lang kami sa angaw-angaw sa araw-araw.
Umaabot pa lang sa 100,000 ang sipi nito, I still get to ride the MRT without anyone suddenly prostrating before me in woeful reverence or baneful obeisance, uttering anathema, “Maestro, take me in as your apprentice in wuyiquan, wishcraft and the odalisque artifices beyond Kama Sutra…” (Wala pa namang ganoong pangahas o ungas na nais matuto ng anumang kaalaman o kakatwang kakayahan.)
And you can never tell if all this writing is a bid to make sense, make money, make love, make hay while the shine suns… or make believe…
Isang milyon na ang magiging mambabasa nito sa malapit na hinaharap? Aw, c’mon.
Nalalapit na naman ang umaatikabong halalan. Batid natin iyan. Marami nang gumigiri sa paligid. Dalawa nang katoto na may isasabong yata sa ruweda ng Malacañang ang nagparamdam na. Nang malamang mayroon pala akong palagiang pitak na sumasalampak sa peryodiko.
Hindi busilak sa puti kundi pawang ATM ang kanilang mga budhi!
Humanda kayo. Be informed. Be very informed.
Violent reactions; contrary nultural or cultural views; viruses that can wreck a mobile phone’s pathetic database; death threats; pornographic and kinky pictures; chess opening analyses; suggestions; comments; instant tarot card readings; exotic recipes for miso, chevon, tofu and aubergines; professions of undying love or lust; wine tasting session alerts; snippets of Van Halen covers or compositions; hideously huge fund transfers, or excess P10 load welcomed at 09174216774, mwa-ha-ha-haw!
(And that's not my CP!)
Monday, August 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment